You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
Rizal District
ILLURU NATIONAL HIGH SCHOOL
SUMMATIVE TEST SA MODYUL 5-9
FILIPINO 8
Pangalan: _____________________________ Petsa: __________
Taon at Seksyon: _______________________ Iskor: ___________
Pirma ng Magulang:__________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang sa
tabi ng bawat numero.

______1. Isang realistikong dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpakita ng mga
sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.
a. Musikal b. Sarsuwela c. Kontemporaryo d. Panlabas
______2. Siya ay kilala bilang “Ama ng Sarswelang Tagalog”
a. Atang dela Rama b. Severino Reyes c. Juan Crisostomo Sotto d. Juan Crisostomo Sotto
______3. Ano ang pinakakaluluwa ng isang dula?
a. Aktor b. Tanghalan c. Direktor d. Iskrip
______4. Isa sa pinakaimportanteng elemento ng dula, na sila ang pumapalakpak sa galing na ipinapakita ng mga aktor at aktres.
a. Aktor b. Tanghalan c. Direktor d. Iskrip
______5. Siya ang nagbibigay buhay sa iskrip
a. Aktor b. Tanghalan c. Direktor d. Iskrip
______6. Tumutukoy sa paglabas masok sa tanghalan ng mga tauhan.
a. Aktor b. Tanghalan c. Direktor d. Eksena o Tagpo
______7. Binansagang “Reyna ng Sarswela sa Pilipinas.
a.Atang dela Rama b. Severino Reyes c. Juan Crisostomo Sotto d. Juan Crisostomo
______8. Ang pagsalba niya sa bata mula sa panganib ay mala- kidlat sa bilis. Anong uri ng pagpapakahulugan ito?
a. Denotatibo b. Konotatibo c. a at b d. wala sa nabanggit
______9. Ito ay isang maikling komposisyon na kadalasang naglalaman ng pananaw ng may akda.
a. alamat b. bugtong c. sanaysay d. wala sa nabanggit
_____10. Ito ay uri ng pagsulat ng sanaysay na kadalasang seryoso at nangangailangan ng masusing pag-aaral o pananaliksik
a. Pormal b. Di-pormal c. a at b d. wala sa nabanggit
_____11. Ito ay uri ng pagsulat ng sanaysay na may paksang karaniwan, magaan, pang-araw-araw, at personal
a. Pormal b. Di-pormal c. a at b d. wala sa nabanggit
_____12. Ito ay ang pangunahing layunin ng may-akda na magpaliwanag, magturo, o manghikayat.
a. Pormal b. Di-pormal c. a at b d. wala sa nabanggit
_____13. Ito ay uri ng pagsulat ng sanaysay na kilala rin bilang maanyo
a. Pormal b. Di-pormal c. a at b d. wala sa nabanggit
_____14. Ito ang paksang tinatalakay sa sanaysay at kung ano ang sinasabi ng may-akda ukol sa paksa
a. tema at nilalaman b. layunin c. saloobin d. wala sa nabanggit
_____15. Ito ay parehong tumutukoy sa emosyon, sa isang sanaysay subalit mayroon silang pagkakaiba
a. panaguri b. kaisipan c. damdamin at himig d. wala sa nabanggit
_____16. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos sa paghahanay ng mga
pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito.
a. Pagbibigay ng Halimbawa c. Pagsusuri
b. Sanhi at Bunga d. Paghahambing at Pagsasalungat
_____17. Tinatalakay rito kung ano ang sanhi at dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito madaling maikintal sa
isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari.
a. Pagbibigay ng Halimbawa c. Pagsusuri
b. Sanhi at Bunga d. Paghahambing at Pagsasalungat
_____18. Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaapekto sa isang sitwasyon at ang pagkakaugnay-ugnay
ng mga ito
a. Pagbibigay ng Halimbawa c. Pagsusuri
b. Sanhi at Bunga d. Paghahambing at Pagsasalungat
_____19. Ginagamit ang paraang ito sa paghahambing ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Ang paraang ito ang
pinakalimit na gamitin
a. Pagbibigay ng Halimbawa c. Pagsusuri
b. Sanhi at Bunga d. Paghahambing at Pagsasalungat
_____20. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos sa paghahanay ng mga
pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito.
a. Pagbibigay ng Halimbawa c. Pagsusuri
b. Sanhi at Bunga d. Paghahambing at Pagsasalungat
_____21. Base sa konteksto ng nabasang akdang, “Ang Pilay kong Bansa” anong paraan ng pagpapahayag ito
a. Pag-iisa-isa b. Paghahambing at Pagsasalungat c. Pagsusuri d. wala sa nabanggit
_____22. Suriin ang analohiya ng salita mula sa akdang “ Ang Pilay kong Bansa.”
marupok ; matibay : _________; masaya
a. magalak b. malumbay c. umusbong d. wala sa nabanggit
_____23. Ito ay isang akdang may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-
iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
a. maikling kuwento b. bugtong c. kasabihan d. wala sa nabanggit
_____24. Ito ay tumutukoy sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya.
a. suliranin b. kakalasan c. tunggalian d. kasukdulan
_____25. Ito ang problemang kakaharapin ng tauhan sa kuwento.
a. suliranin b. kakalasan c. tunggalian d. kasukdulan
_____26. Ito  ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento.
a.tauhan b. tema c.tagpuan d. wala sa nabanggit
_____27. Dito nasasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan
naganap ang kuwento.
a.tauhan b. tema c.tagpuan d. wala sa nabanggit
_____28. Ang paksa ba ay ang pinakamensahe ng kuwento?
a. tama b. mali c. sakali d. wala sa nabanggit
_____29. Ang kasukdulan ang tulay sa wakas.
a. tama b. mali c. sakali d. wala sa nabanggit
_____30. Ang maikling kuwento ay may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling panahon, may isang kasukdulan, at
nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
a. tama b. mali c. sakali d. wala sa nabanggit
_____31. Ito ay akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin at
ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
a. tula b. drama c. melodrama d. wala sa nabanggit
_____32. Ito ang nabubuong kaalaman, kaisipan o mensahe ng tula.
a. tono b. talinghaga c. tema d. wala sa nabanggit
_____33. Ito ay tumutukoy sa isang linya ng isang tula.
a. saknong b. sukat c. taludtod d. wala sa nabanggit
_____34. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
a. talinghaga b. sukat c. tugma d. wala sa nabanggit
_____35. Ito ang isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod.
a. saknong b. sukat c. taludtod d. wala sa nabanggit
_____36. Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.
a. tradisyonal b. malayang taludturan c. fliptop d. wala sa nabanggit
_____37. Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahuluganng tula.
a.talighaga b. himig c. sesura d. wala sa nabanggit
_____38. Ilang sukat meron dito? (Isda ko sa Mariveles)
a. Wawaluhin b. lalabing-animin c. Lalabindalawahin d. wala sa nabanggit
_____39. Mayroong tugma ang tula kung ang huling pantig ng huling salita sa taludtod ay magkakasingtunog.
a. tama b. mali c. sakali d. wala sa nabanggit
_____40. TUKUYIN KUNG ANONG KAYARIAN NG TALUDTURAN ITO:
Ang halik ng araw sa dapit-umaga: naiiwang
Sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw
Sa maraming mata ang magandang tampok
Nag-iwan ng sugat ang maraming daan
a. May sukat- may tugmang taludturan c. Di- tugmaang taludturan
b. Di- tugmaang taludturan d. wala sa nabanggit
II. PERFORMANCE: kabuuang puntos - 30 Puntos
Sumulat ng orihinal na tulang may tatlong saknong gamit ang temang Pag-ibig sa Bayan.
Intindihin at sundin ang Rubriks sa ibaba para magkamit ng mataas na marka sa pagsulat ng tula.

______________________________________________
Pamagat

_______________________________________________________________________________

Inihanda ni: MAC JOHN G. CAUSING Iwinasto ni: MELINDA C. GANNABAN

Guro sa Filipino Master Teacher II

Pinagtibay ni: ALELI M. BAYADOG, PHD

Punong-Guro II

Address: Illuru Norte, Rizal, Cagayan

Telephone Nos.: 09265285706
Email Address: illurunhs300464@gmail.com/300464@deped.gov.ph
Website: https://sites.google/deped.gov.ph/illurunhs

You might also like