You are on page 1of 2

UNANG MARKAHAN GRADE 8FILIPINO

PANGALAN: __________________________________ SEKSYON: __________ PETSA: __________

Pasulit I. Maramihang Pagpipili
Panuto:Basahin at unawain nang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.
____ 1. Ano ang mahabang salaysaying patula na sumasalamin sa kultura ng isang bansa?
a. tula b. epiko c. alamat d. salawikain
____ 2. Ang epiko ay nanggaling sa salitang Griyego na epos na may kahulugang __.
a. salawikain b. tula c. sawikain d. alamat
____ 3. Ang Biag ni Lam-ang ay epiko ng mga ___.
a. Iloko b. Ifugao c. Palawan d. Panay
____ 4. Mga magulang ni Lam- ang ay sina ____.
a. Pedro at Maria b. Juan at Namongan c. Jose at Isabel d. Dulfo at Ibana
____ 5. Ang kasintahan ni Lam-ang ay si ____.
a. Ina b. Maria c. Ines d. Adelfa
____ 6. Pumunta sa bundok ang ama ni Lam-ang, upang parusahan ang mga ___.
a. T’duray b. Manobo c. Ibanag d. Igorot
____ 7. Si Lam-ang ay naligo sa ilog _____nang umuwi sa kanyang bayan.
a. Amburayan b. Pasig c. Pula d. Gasi
____ 8. Ang panghuhuli ng isdang _____ ay obligasyon ng mga lalaking may asawa.
a. Berkakan b. Pulagi c. Pating d. Rarang
____ 9. May pangitain si Lam–ang na mapapatay siya ng isdang ____.
a. Berkakan b. Pulagi c. Pating d. Rarang
____ 10. Ilang buwan si Lam-ang nang pumunta sa lugar ng mga Igorot upang makipaglaban?
a. Siyam b. Walo c. Tatlo d. Dalawa
_____11. Isang uri ng kuwento na nagsasalaysay ng pinagmulan ng tao, bagay, hayop o lugar.
a. karunungang-bayan b. alamat c. sanaysay d. maikling kuwento
_____12. Anong elemento ng alamat na makikilala ang mga bida at kontrabida sa kuwento?
a. simula b. gitna c. wakas d. katapusan
_____13. Bahagi ng simula na kung saan magaganap ang kuwento.
a. tauhan b. suliranin c. tagpuan d. kasiglahan
_____14. Sa bahaging gitna, magaganap ang panandaliang pagtatagpo ng bida at suliranin.
a. saglit na kasiglahan c. tunggalian
b. kasukdulan d. tauhan
_____15. Ang _____ ay unti-unting makakamit ng pangunahing tauhan ang katuparan ng kanyang pinaglalaban.
a. saglit na kasiglahan c. tunggalian
b. kasukdulan d. tagpuan
_____16. Dito unti-unting bumababa ang takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari.
a. wakas b. kakalasan c. katapusan d. simula
_____17. Mabibigyang-solusyon ng bida ang suliranin ng kuwento, maaaring masaya o malungkot at pagkatalo o
pagkapanalo.
a. wakas b. kakalasan c. katapusan d. simula
_____18. Ang pagkakasunod-sunod ng estruktura ng pagsasalaysay sa alamat ay _____.
a. simula-wakas-gitna c. gitna-simula-wakas
b. simula-gitna-wakas d. wakas-gitna-simula
_____19. Ang pang-abay na ____ ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos.
a. panlunan b. pamaraan c. pamanahon d. panggaano
_____20. Ang pang-abay na ____ ay tumutukoy sa pinangyarihan ng kilos.
a. panlunan b. pamaraan c. pamanahon d. panggaano
_____21. Ito ay ang akdang tuluyang naglalahad ng opinyon, pananaw, palagay, kuro-kuro tungkol sa isang paksa.
a. maikling kuwento b. sanaysay c. tula d. dula
_____22. Tinatawag ding impersonal ang ganitong uri ng sanaysay. Siksik sa mga mahahalagang impormasyon sa lohikal
na pagkakaayos ng kaisipan tungo sa ikalilinaw ng paksa.
a. pormal b. di-pormal c. tuluyan d. patula
_____23. Sa pagbuo/pagsulat ng sanaysay, ano ang katangiang dapat taglayin ng isang mananalaysay?
a. maalam sa paksang kaniyang isinusulat b. maraming kakilalang tanyag na manunulat
c. may sariling kakayahan sa pagbuo ng isang maanyo at palagayan ng sulatin
d. may kaalaman sa mga matalinghaga at matayutay na pananalita
_____24. Masasabing katotohanan ang isang pahayag kung ______________.
a. sinusuportahan ng pinagkunan c. nagbabago at maaaring mapasubalian
b. saloobin o damdamin d. batay sa obserbasyon
_____25. Lahat ay katangian ng pantulong na kaisipan maliban sa isa.
a. mga detalye na gagabay sa mga mambabasa upang maunawaan ang nilalaman ng talata
b. ito ang bumubuhay sa esensya ng pangunahing ideya
c. tumutulong upang mas mapalitaw ang pangunahing kaisipan
d. diwa ng buong talata
_____26. Uri ito ng sanaysay na may layuning sanaysay ay libangin ang mambabasa, ang pananalita ay parang usapan
lamang ng magkakaibigan at pumapanig sa damdamin ng mambabasa.
a. pormal b. di-pormal c. tuluyan d. patula
_____27. Bahagi ng sanaysay na ipinaliliwanag o pinatutunayan ang paksa.
a. simula b. gitna c. wakas d. tunggalian
_____28. Alin ang hindi kabilang sa halimbawa ng sanaysay?
a. talumpati b. debate c. alamat d. editoryal
_____29. Dito inilalahad ang paglalagom o kongklusyon na madalas ay naglalaman ng pagbubuod ng paksa o maaaring
mag-iwan ng mapanghamong tanong sa bumabasa.
a. simula b. gitna c. wakas d. tunggalian
_____30. Ang bahagi ng sanaysay na humihikayat sa mambabasa na ituloy ang pagbabasa ng akda.
a. simula b. gitna c. wakas d. tunggalian
Pasulit II Pagpapaliwanag
Panuto: Sagutin ang tanong na nasa ibaba.
Narito ang pamantayan:
Nilalaman 40%
Gramatika 35%
Pagkamalikhain 25%

Tanong:
1. Paano nakaapekto ang pandemyang COVID-19 sa iyong pag-aaral?

________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________.

You might also like