You are on page 1of 2

STO.

DOMINGO NATIONAL TRADE


BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


Taong Panuruan 2023-2024
Pangalan: ______________________________________ Iskor: ___________
Baitang at Pangkat _______________________________ Petsa: __________
LAGDA NG MAGULANG:__________________________

I.MARAMIHANG PAGPILI: Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa mga kasunod na
pangungusap.
_____1. Gumawa ng bangka si Mang Junior.
a. ganapan b. tagatanggap c. tagaganap d. layon
_____2. Humahalimuyak sa bango ang bulaklak sa aming bakuran.
a. ganapan b. sanhi c. tagaganap d. layon
_____3. Ikinabuwal ng saging ang malakas na ulan.
b. ganapan b. sanhi c. tagaganap d. layon
_____4. Pinangitlugan ng ibon ang pugad.
a. kagamitan b. layon c. sanhi d. ganapan
_____5. Ipinagtimpla niya ng kape ang kanyang ama.
a. tagatanggap b. layon c. ganapan d. kagamitan
_____6. Nanood ng konsiyerto ang kanyang mga anak sa Mall of Asia.
a. layon b. tagaganap c. kagamitan d. ganapan
______7. Suriin ang mga sumusunod na linya ng tulang liriko.
Ika’y naglingkod ng tapat sa trabaho
Dedikasyon ay di mapapantayan
Naiambag sa paglago, ay habang buhay na pasasalamat
a. Oda b. elehiya c. awit d. dalit
______8. Suriin ang mga sumusunod na linya ng tulang liriko.
Aking pagsinta’y iyong marapatin.
Tanging sayo ito naramdaman.
a. Oda b. elehiya c. awit d. dalit
_____9. Ang _____________ ay isang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim
sa isipan ng mga mambabasa.
a. persona b. talinhaga c. kariktan d. tayutay
_____10. Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag
upang pukawin ang damdamin ng mambabasa.
a. persona b. talinhaga c. kariktan d. tayutay
______11. Paano makabubuo ng isang organisado at maayos na pagkakasulat ng nobela?
a. Kung ang may akda ay may magandang pamagat
b. Kung ang may akda ay may maayos na banghay
c. Kung ang may-akda ay may maikling panimula lamang.
d. Kung ang may-akda ay gumamit ng magagandang salita
______12. Dito masasalamin na ang isang manunulat ay mahusay sumulat ng nobela
a. Ito ay ginamitan ng mga tayutay at malalalim na salita.
b. Ito ay may magandang wakas.
c. Ito ay ginamitan ng maayos na pamamaraan at estilo sa pagsusulat.
d. Ito ay naglalaman ng mga diyalogo.
______13. Alin sa mga nabanggit dito ang hindi kinakailangang gawin sa pagsulat ng nobela?
a. Pagsulat ng banghay
b. Bumuo ng outline o draft para sa pagkasunod-sunod ng pangyayari.
c. Mayroon dapat itong mga senaryo na nagpapakita ng mga pangyayari.
d. Kinakailangang bumuo ng maraming pwedeng wakas.
______14. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa akdang ‘Si Thor, Loki sa Lupain ng mga
Higante’?
a. Pagiging matatag sa anumang uri ng sitwasyon.
b. Pagiging palaban sa kapwa.
c. Pagbibigay respeto sa kapwa-tao.
d. Pagtalima sa utos ng nakatatanda
STO.DOMINGO NATIONAL TRADE
BALOC, STO.DOMINGO, NUEVA ECIJA

______15. Anong aral ang maaaring mapulot sa akdang ‘Si Thor, Loki sa Lupain ng mga Higante’?
a. Maging mapagmatyag sa kapaligiran
b. Maging matalino sa pakikipaglaban hindi lang lakas ang nararapat.
c. Maging matulungin sa kaibigan.
d. Maging mautak sa lahat ng oras.
______16. “Hindi na tayo makababayad sa pagkakautang kay Ingkong Karyo”. Anong damdamin ang
nangibabaw sa pahayag?
a. pagsisisi b. pag-aalala c. pagkagalit d. panunumbat
______17. Tinakpan ng dalawang palad ang kanyang tainga. Ang ginawang ito ni Alberto ay
nagpapakita na:
a. Ayaw niyang marinig ang usapan ng mga magulang.
b. Nabibingi siya sa usapan ng kanyang mga magulang.
c. Nag-aalala siya na hindi na sila makakabayad sa pagkakautang.
d. Alam niyang siya ang dahilan ng pag-aalala ng kanyang mga magulang.
_____18. Itinaas ______ ang presyo ng sibuyas sa ibang lugar.
a. rin b. din c. ba d. pala
_____19. Bumili ______ ang ibang parokyano ng iba pang mga gulay at prutas.
a. rin b. din c. ba d. pala
_____20. Si Ferdinand Marcos Jr. ______ ang pangulo ng bansang Pilipinas.
a. rin b. din c. ba d. pala
_____21. Patuloy ang pagbuhos ______ matinding baha mula kahapon.
a. ng b. nang c. ba d. pala
_____22. Nanghiram ______ pera si Reynaldo para sa kanyang pag-aaral.
a. ng b. nang c. ba d. pala

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing may lalong iibigin kita
- Mula sa tulang “Ang Aking Pag-ibig”
_____23. Ang mga sumusunod ay taglay ng tula maliban sa:
a. kapupulutan ng aral c. ginagamitan ng tayutay/talinghaga
b. maaring may sukat at tugma d. binubuo ng mga talata
_____24. Ilan ang sukat ng binasang saknong ng tula?
a. wawaluhing pantig c. lalabindalawahing pantig
b. lalabing-animing pantig d. lalabingwaluhing pantig
_____40. Ilang sukat mayroon ang tulang binasa?
a. wawaluhin b. lalabindalawahin c. labing-apat d. wala sa nabanggit

“Laging tandan,
Ang Sarili mo ang una at nararapat mong pagkatiwalaan,
Iyan ang pagsisimulan,
Ng totoo at wagas na ugnayan “

Kasihan kayo ng Panginoon! 😊

You might also like