You are on page 1of 3

St.

Ferdinand College
Cabagan Campus
Centro, Cabagan, Isabela

LAGUMANG PAGSUSULIT
Pangalan:______________________________________________________ Petsa:____________
Taon at Seksiyon:_______________________________________________

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
A. Panuto: Piliin ang TITIK ng pinakatamang sagot at isulat sa patlang.
_____1. Ito ay tumutukoy sa edukasyon, institusyon, o larangan.
a. Di-akademiko c. Pagsulat
b. Pagbasa d. Akademiko
_____2. Ito ay isa sa gamit ng akademikong sulatin na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o
proseso.
a. Gamit ng Enumerasyon c. Gamit ng Paghahambing o Pagtatambis
b. Gamit ng Depinisyon d. Gamit ng Order
_____3. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang akademiko?
a. Pakikipag-usap sa sinuman c. Panonood ng dokumentaryo
b. Pakikinig sa radio d. Pagsulat sa isang kaibigan
_____4. Ito ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at talino.
a. Mapanuring pag-iisip c. Kaalaman at kasanayan
b. Kasanayan sa malikhain d. Katangian
_____5. Mula sa tekstong may pamagat na “Ang Paglobo ng Populasyon sa Mundo” ni Nestor C. De Guzman.
Maituturing ba itong akademikong teksto?
a. Oo, dahil ito ay maituturing na suring basa at nagbibigay ng Impormasyon.
b. Hindi, dahil hindi naman ito pocketbooks o isang babasahing nagpapatawa.
c. Oo, dahil ito ay nakakapukaw ng damdamin.
d. Hindi, dahil ginagamit ito upang malinang ang kritikal na pag-iisip.
_____6. Ito ay nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.
a. Paksa b. Layunin c. Wika d. Kasanayang Pampag-iisip
_____7. Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o
hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
a. Kakayahang pampag-iisip c. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin
b. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat d. Pamaraan ng pagsulat
_____8. Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
a. Paksa b. Layunin c. Wika d. Kasanayang Pampag-iisip
_____9. Itala ang mga _____ habang nangyayari ito, hindi pagkatapos.
a. agenda c. impormasyon
b. diskusyon d. aksiyon
_____10. Mahalagang matutuhan ito sapagkat kung marunong sumulat nang maayos at may kabuluhan ang
isang tao, maituturing na nakaaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa kasalukuyan
sa larangan ng edukasyon at trabaho.
a. Malikhaing Pagsulat c. Propesyonal na Pagsulat
b. Teknikal na Pagsulat d. Akademikong Pagsulat
_____11. Sa katitikan ng pulong, isinasaalang-alang ang sumusunod maliban sa isa.
a. agarang solusyon sa problema c. pagpaplano ng mga hakbang na kailangang gawin
b. paggawa ng mga desisyon, mosyon o boto d. pagsubaybay ng mga problema at aksiyon
_____12. Ang pamagat ng panukalang proyekto ay dapat tiyak, maikli at __________.
a. obhetibo b. naaayon sa paksa c. malinaw d. konkreto
_____13. Maikling bersiyon ng isang sulatin kung saan makikita sa ginawang sulatin ang imahen ng ibinuod na
artikulo.
a. abstrak b. bionote c. sintesis d. katitikan ng pulong
_____14. Sa panukalang proyekto dito inilalahad ang mga rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o motibasyon.
a. katawan b. panimula c. kongklusyon d. wala sa nabanggit
_____15. Maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte.
a. Katitikan ng pulong b. sintesis c. bionote d. narrative report
_____16. Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa katitikan ng pulong. Kailangang pairalin ang talas
ng pandinig, bilis ng pagsulat at linaw ng ____________.
a. layunin b. mata c. pag-iisip d. pagsulat
_____17. Ang sumusunod ay kaibahan ng akademikong sulatin sa iba pang sulatin maliban sa isa.
a. Paggamit sa antas ng wika c. Paraan ng pananaliksik
b. Pagkakaiba sa layunin ng mga awtor d. Pagpili sa paksang isusulat
_____18. Sa akademikong sulatin kailangang gumamit ng sapat na __________.
a. katibayan b. datos c. impormasyon d. proseso
_____19. Sa pagsasagawa ng katitikan ng pulong, maaaring gumamit ng lapis o bolpen, papel, laptop at _____.
a. printer b. xerox machine c. tape recorder d. pentel pen
_____20. Ang layunin ng balangkas ay makapagbigay ng isang mahusay na _____ sa anumang isusulat na
teksto.
a. format b. outline c. hakbang d. imahe

B. Ibigay ang hinihinging konsepto sa bawat pahayag.


_______________21. Ang pagbuo ng isang pag-aaral o proyekto na kailangan para lutasin ang isang problema
o suliranin ang pangunahing layunin ng pagsulat na ito.
_______________22. Ang paraan ng argumentatibo, impormatibo, naratibo, deskriptibo, at ekspresibo ay
nakapaloob sa pangangailangang ito.
_______________23. Anyo ito ng pagsulat na ang layunin ay maghatid ng aliw at makapukaw ng damdamin at
makaantig ng imahinasyon.
_______________24. Isang gamit sa pagsulat kung saan pangkalahatang umiikot ang pangunahing ideyang
dapat nakapaloob sa isinusulat.
_______________25. Ito ay anyo ng pagsulat na dapat mahasa sa mga propesyonal gaya ng mga doktor, nars,
inhenyero, at iba pa.
_______________26. Ito ay nagsisilbing giya sa pagbuo ng mga kaalaman at nilalaman ng pagsulat.
_______________27. Ito ay nagsisilbing midyum o behikulo upang maisatitik ang pagsulat.
_______________28. Layunin ng pagsulat nito ay nakabatay sa sariling pananaw, karanasan, naiisip o
nadarama gaya ng tula, dula, awit at iba pang katulad.
_______________29. Sulatin itong may kinalaman sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng balita, editorial,
lathalain, at iba pa.
_______________30. Ito ay institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na
kasanayan at karunungan.

C. Kilalanin kung ang salitang tinutukoy sa bawat bilang ay isang memorandum, adyenda, o katitikan
ng pulong.
_______________31. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
_______________32. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.
_______________33. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.
_______________34. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang tao sa isang tiyak na alituntunin.
_______________35. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.
_______________36. Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan.
_______________37. Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.
_______________38. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
_______________39. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong.
_______________40. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin sa pulong.

You might also like