You are on page 1of 11

Komponent ng

Kakayahang
Pangkomunikatibo
(Kakayahang
Lingguwistiko at
Gramatikal)
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
1. Dell Hymes- nagpakilala ng kakayahang pangkomunikatibo o
communicative competence.
2. Dr. Fe Otanes (2002)- naniniwala na ang paglinang sa wika ay
nakapokus sa kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral, na
matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay,
makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang
lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.
3. Higgs at Clifford 1992- sa pagtatamo ng kakayahang
pangkomunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang
pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o
kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto.
4. Shuy 2009- Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop
sa mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura.
SA PAG-AARAL NG MARAMING DALUBWIKA, KUNG
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO ANG PAG-UUSAPAN,
ISANG BAHAGI LANG NITO ANG KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO O KAKAYAHANG GRAMATIKAL. SA MGA
NAUNANG FRAMEWORK O MODELO NG MGA
LINGGUWISTANG SINA CANALE AT SWAIN (1980-1981) MAY
TATLONG KOMPONENT SILANG IMINUNGKAHI. ANG MGA
ITO’Y ANG KAALAMAN AT KAKAYAHANG GRAMATIKAL,
SOSYOLINGGUWISTIKO, AT ISTRATEDYIK. SA SUMUNOD NA
BERSIYON NG NASABING MODELO, SI CANALE (1983-1984)
AY NAGSALIN NG ILANG ELEMENTO MULA SA KAKAYAHANG
SOSYOLINGGUWISTIKO PARA MABUO ANG IKAAPAT NA
KOMPONENT, ANG KAKAYAHANG DISKORSAL.
Sa araling ito ay tatalakayin natin
ang unang komponent; ang
kakayahang lingguwistiko o
gramatikal. Sinabi nina Canale at
Swain (1980-1981) NA ANG
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO NI
CHOMSKY (1965) AY KAPAREHO
LANG NG KAKAYAHANG
GRAMATIKAL.
Ayon sa pag-aaral nina Canale at Swain,
ang kakayahang gramatikal ay pag-unawa at
paggamit sa kasanayan sa ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin
ang mga tuntuning pang-ortograpiya. Ang
komponent na ito ay magbibigay ng
kakayahan sa taong nagsasalita upang
magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag-
unawa at pagpapahayag sa literal na
kahulugan ng mga salita.
Mungkahing Komponent ng Kakayahang
Lingguwistiko o Kakayahang Gramatikal
(Celce-Murcia, Dornyei, at Thurell (1995)
Sintaks ( pagsasama ng mga salita upang
makabuo ng pangungusap na may kahulugan)
• Estruktura ng pangungusap
• Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
• Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay,
patanong, pautos, padamdam)
• Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak,
tambalan, hugnayan at langkapan)
• Pagpapalawak ng pangungusap
 Morpolohiya (mahalagang bahagi ng salita
tulad ng iba’t ibang bahagi ng pananalita

• Iba’t ibang bahagi ng pananalita


• Prosesong derivational at inflectional
• Pagbubuo ng salita
 Leksikon (mga salita o bokabularyo)

• Pagkilala sa mga
- content words (pangngalan, pandiwa,
pang-uri, pang-abay)
- function words (panghalip, mga pang-ugnay
tulad ng pangatnig, pang-ukol, pang-angkop)
• Konotasyon at Denotasyon
• Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang
subordinate na salita)
 Ponolohiya at Palatunugan

• Segmental
- katinig, patinig, tunog
• Suprasegmental
- diin, intonasyon, hinto
 Ortograpiya

• Mga grafema
- titik at di titik
• Pantig at palapantigan
• Tuntunin sa pagbabaybay
• Tuldik
• Mga bantas
Have a nice day

You might also like