You are on page 1of 18

KAKAYAHANG

LINGGUWISTIKO
•Aralin 1 Ponolohiya
•Aralin 2 Morpolohiya
•Aralin 3 Sintaks
•Aralin 4 Ortograpiya
ARALIN 1: PONOLOHIYA
• Ang ponolohiya ay ang pag-aaral ng
makabuluhang tunog. Bawat wika ay may kani-
kaniyang tunog batay sa paraan ng pagsasaayos
nito upang ihayag ang iniisip o nadarama. Ang
tunog na nagmumula sa lalamunan at bibig ay
tinatawag na speech sounds. Sa tulong ng dila, mga
labi, at ilong, nakalilikha ang tao ng mga tunog.
•Ayon kina Cid Alvarez, Magdalena Jocson, at
Pat Villafuerte, na mga manunulat, may
tatlong salik para makabuo ng tunog:
1.Ang pinagmulang lakas o enerhiya na
siyang gumagawa ng puwersa na
nagpapalabas ng hangin mula sa mga baga.
2. Ang artikulador o bagay na
nagpapagalaw sa hangin na
lumilikha ng mga tunog, kung
saan naroon ang vocal cords
(nasa larynx).
3. Ang resonador na siyang sumasala
ng mga tunog papuntang bibig. Ang
mga tagasala (filters) ay ang mga
organ na nasa itaas ng larynx (kagaya
ng pharynx, oral cavity, at nasal
cavity).
PONOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

• Ang Ponema
-Ito ang pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog ng
isang wika
Halimbawa: Ang basa (read), tasa (cup), at lasa (taste) ay
magkakaiba ng kahulugan dahil sa mga ponemang /b/, /t/, at
/l/.
MGA KATINIG (CONSONANTS)
Mga Diptonggo
•Ito ay alinmang patinig na sinusundan
ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng
isang pantig. Ang diptonggo ng
Filipino ay aw, ay, ey, iw, iy, oy, at uy.
• Halimbawa:
Ang “ay” sa salitang “kamay” ay diptonggo,
samantalang ang “ay” sa salitang “kamayan” ay
hindi maituturing na diptonggo dahil ang “y” ay
napagigitnaan ng dalawang pantig (ka-ma-yan). •
Ang ilan pang halimbawa ng diptonggo ay sabaw,
kami’y, at aruy.
Mga Pares Minimal
•Ito ay mga pares ng salita na magkaiba
ng kahulugan ngunit magkapareho ng
bigkas maliban sa isang ponemang nasa
magkatulad na posisyon. Halimbawa:
bulong – gulong, mesa – misa, uso – oso
Mga Ponemang Suprasegmental
•Ang ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa mga
makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi
tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat, sa halip,
isinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang
matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri ng
ponemang suprasegmental ay ang diin, intonasyon, at
antala.

You might also like