You are on page 1of 15

Ang mga Uri

ng Pabula
•Ayon kay Damiana L. Eugenio, ang
pabula ay isang uri ng salaysay na
nauukol sa mga hayop na nagtuturo
ng aral na angkop sa sangkatauhan.
•Isa itong kuwentong piksiyon o
kathang isip lamang.
•Gaya ng ibang kuwentong bayan,
naipasa-pasa ang mga pabula sa
bawat henerasyon sa pamamagitan ng
tradisyong oral o pasalitang
pagkukuwento. Kalaunan, ang ilan sa
mga pabulang ito ay naisulat na rin.
•Bakit mabisa ang
pabula sa
pagtuturo ng aral?
Dalawang uri ng pabula sa
Pilipinas ayon kay Eugenio:
1. Mga pabula ng hayop
2. Mga pabula ng halaman
1. Mga Pabula ng Hayop
•Kinatatampukan ito ng mga
hayop. Ito ang uring mas pamilyar
sa atin. Kabilang dito ang mga
sumusunod.
A. Mga pabula ni Aesop
Ito ang mga pabulang isinulat ng griyegong
pinangalanang Aesop na tinatayang nabuhay
noong 620 BCE. Hindi malinaw kung totoo bang
tao isang pangalan lang na inimbento si Aesop
upang may matukoy na pinagmulan ng mga
pabulang naipasa-pasa sa kasaysayan.
• Ayon sa Encyclopedia Britannica sinasabi ni Herodotus
na nabuhay raw si Aesop noong ika-6 na siglo BCE
bilang isang alipin.
• May nagsasabing isang alipin si Aesop sa isla ng Samos
na nagtamo ng kalayaan at pagkaraan ay naging
tagasagot ng bugtong ni Haring Lycurgus ng Babylonia.
• Ayon naman kay Plutarch, nagsilbi raw tagapayo si
Aesop kay Croesus, Hari ng Lydia.
• May mga nagsasabi ring si Aesop ay taga-Thrace,
Phrygia, at Ethiopia.
Mga Kilalang Pabula ni Aesop:
1.Ang Kuneho at ang Pagong
2.Ang Langgam at ang Tipaklong
3.Ang Lalaking Sabi nang Sabi na
“May Lobo”
Mga Pabula ni Aesop na isinalin sa
katutubong wika:
1. Alimango at ang Kanyang Ina ng mga Tagalog
2. Ang Uwak at ang Gutom na Aso ng mga Pangasinense
3. Auac at Lamiran ng mga Pampango
4. Ang Palakang Humiling na Maging Sinlaki Siya ng
Baka ng mga Cebuano
B. Mga pabulang mistulang katutubo sa
Pilipinas ngunit hindi
• Bukod sa pabula ni Aesop, ito ang mga
pabulang nagmula sa ibang bansa.
Maaaring akalaing katutubo ang mga
pabulang ito sa atin dahil siguro sa mga
elementong local ngunit ang totoo ay hindi.
1.Ang Kabayo at ang
Kalabaw
2.Ang Kalabaw at ang Usa
C. Mga pabulang katutubo sa Pilipinas

• Ito ang mga pabulang talagang nagmula sa


Pating bansa. Nakabarat ito sa mga hayop
na likas na makikita sa atin at sa mga
karanasang katutubo sa ating kultura.
2. Mga Pabula ng Halaman
• Ito naman ang mga pabulang nagtatampok sa
mga Halaman. Binigyang diin ni Eugenio na
hindi lamang nalilimitahan ang mga pabula sa
mga hayop at hinihikayat niya ang pagtitipon
ng marami pang pabula ng halaman.
Mga Halimbawa:
1.Ang Kamatsili at ang Granada ng mga
Ilokano
2.Ang Maliit na Kawayan at ang Raguini
3.Ang Punong Mangga at ang Lampakanay

You might also like