You are on page 1of 61

•Ano ang naiisip niyo

agad pag narinig niyo


ang salitang “dula”?
• Sinasabing ang dula sa Pilipinas ay
kasintanda ng kasaysayan ng bansa.
Bahagi ito ng tradisyon na nagbigay ng
katauhan sa mga Pilipino. Iisa ang
layunin ng mga mandudula- ang aliwin
ang mga mamamayan at bigyang-buhay
ang mga pangyayari sa buhay-Pilipino.
•Sa madaling salita, ang dula ay
isang akdang pampanitikan na
ang layunin ay itanghal ang
kaisipan ng may-akda sa
pamamagitan ng pananalita,
kilos o galaw.
Mga Elemento ng Dula:

• Iskrip
• Dayalogo
• Aktor/Karakter
• Tanghalan
• Direktor
• Manonood
• Tema
Iskrip

•Ito ang pinakakaluluwa ng


isang dula. Lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay
naaayon sa iskrip. Walang
dula kapag walang iskrip.
Dayalogo

•Ang mga bitaw na linya ng


mga actor na siyang sandata
upang maipakita at
maipadama ang mga
emosyon.
Aktor o Karakter

•Ang nagsasabuhay sa mga


tauhan sa iskrip. Sila ang
nagbibigkas ng dayalogo. Sila
ang nagpapakita ng iba’t
ibang kilos at damdamin.
Tanghalan

•Anumang pook na
pinagpasyahang pagtanghalan
ng isang dula.
Direktor

• Ang nagpapakahulugan sa isang iskrip.


Siya ang nag-iinterpret sa isang iskrip
mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan,
ng damit ng mga tauhan, hanggang sa
paraan ng pagganap at pagbigkas ng
mga tauhan ay dumidepende sa
interpretasyon ng direktor.
Manonood

•Hindi maituturing na dula ang isang


binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao. Hindi ito
maituturing na dula sapagkat ang
layunin ng dula ay maitanghal. At
kapag sinabing maitanghal, dapat ay
mapanood ito ng mga tao.
Tema

•Ito ang pinakapaksa ng isang dula.


Naiintindihan ng mga manonood ang
palabas base na rin sa tulong ng
pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
at pag-aarte ng mga aktor.
Kumbensyon ng Dula

•Soliloquy
•Monologo
•Aside
•Flashback
Soliloquy

• Paraan ng pagpapahayag ng dayalogo ng


nagsasalitang tauhan. Ito ay mag-isa lamang at
walang iba pang tauhan ang nasa tanghalan. Ang
aktor ay nagpapahayag ng kanyang iniisip sa mga
manonood at hindi naririnig ng iba pang tauhan;
nagsasalita ang aktor sa kanyang sarili at sinasabi
niya ito nang malakas.
Monologo

• Tumutukoy sa paraan ng pagdadayalogo


ng isang tauhan habang matamang
nakikinig ang iba pang tauhan.
Madamdaming pananalita na sinasabi ng
isang aktor nang mag-isa at walang
ibang tao sa tanghalan.
Aside

•Mga salitang binibigkas nang mahina


na ang nakaririnig lamang ay isang
tao o isang grupo at hindi naririnig
ng mga kasamahan.
Flashback

•Pagbabalik tanaw sa mga


pangyayari.
Pamantayan ng Pagtatanghal ng Monologo:

Mga Pamantayan Bahagdan Iskor


1. Madamdamin ang 25% ______%
pagpapahayag
2. Malinaw ang pagbigkas sa 25% ______%
mga salita
3. Katamtaman ang lakas ng 25% ______%
tinig
4. Gumagamit ng wastong 25% ______%
paraan ng pagpapahayag ng
emosyon o damdamin
Kabuuan : 100% ______%

You might also like