You are on page 1of 1

A. Bigyang kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa binasa.

1. Ang Florante at Laura ay hitik na hitik sa mga aral at pagpapahalagang makagagabay sa pang-araw-araw nating
pamumuhay.

a. punumpuno b. mabungang-mabunga c. mahusay na mahusay

2. Si Nanong Kapule ay mula sa isang may kayang pamilya kaya naging madali sa kanyang gawan ng paraang
mapabilanggo ang karibal sa pag-ibig.

a. tanyag b. mayaman c. mapagmataas

3. Si Balagtas ay binawian ng buhay noong ika-20 ng Pebrero taong 1862 sa gulang na 74.

a. nagkasakit b. namatay c. nagdusa

4. Sa isang kisap-mata’y nawala ang lahat ng kanyang pinaghirapan.

a. sa sandaling panahon b. sa pagkurap ng mata c. sa mahabang panahon

5. Ito’y isang akdang hindi maibabaon sa hukay kailanman.

a. makalilimutan b. matatandaan c. maipagpapalit

II. Lagyan ng tsek (/) ang lahat ng kalagayang panlipunang naganap sa panahong ito at X naman kung hindi.
_____1. Mahigpit ang ipinatupad na sensura kaya't ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa
kalupitan ng mga Espanyol.
_____2. Ang karaniwang tema ng mga sulatin sa panahong iyon ay tungkol sa relihiyon at paglalaban ng mga
Kristiyano at Moro.
_____3. Ang sinumang nais sumulat ay may kalayaang isulat ang anumang paksa o temang magustuhan niya.
_____4. Marami sa mga nalathalang aklat sa panahong ito ay mga diksiyonaryo at aklat panggramatika. Lantaran ang
ginawang pagtuligsa ni Balagtas sa pagmamalabis ng mga Espanyol.
_____5. Karamihan sa mga nagsisisulat sa panahong ito ay gumagamit ng wikang Espanyol.
_____6. Naging maluwag, makatarungan, at makatao ang ginawang pamamahala ng mga Espanyol sa ating bansa.
II. Ano-ano ang naging layunin ni Balagtas sa pagsulat ng walang kamatayang Florante at Laura? Lagyan ng tsek (/)
ang patlang ng bahagi ng kanyang layunin at X naman kung hindi.
_____1. Maihayag ang apat na himagsik na naghari sa puso ni Balagtas kaugnay ng pamamahala ng mga Espanyol.
_____2. Makabuo ng isang akdang maiaalay kay "Selya" o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng minahal niya nang
labis.
_____3. Makabenta nang marami at yumaman sa pamamagitan ng salaping kikitain sa kanyang walang kamatayang
akda
_____4. Maisalin ang kanyang akda sa iba’t ibang wika at Mabasa sa iba’t ibang bansa.
_____5. Mailalahad ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik, at kawalang katarungang naranasan niya sa
lipunang kanyang ginagalawan.

You might also like