You are on page 1of 4

1.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa naging layuning paghihimagsik sa isinulat na awit ang Florante at
Laura ni Francisco Balagtas.
a. himagsik laban sa malupit na pamahalaan
b. himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
c. himagsik laban sa maling kaugalian
d. himagsik laban sa edukasyon para sa mga Filipino.

2. Saan pinaniniwalaang naisulat ni Balagtas ang awit na Florante at Laura?


a. bilangguan c. paaralan
b. bahay d. simbahan

3. Ano ang naging bunga ng pagtanggi ni Jose dela Cruz na tulungan siya sa pagsasaayos ng kanyang tula?
a. Siya ay sumuko at huminto sa pagsulat ng mga akda.
b. naging daan ito upang pagbutihin ang kanyang kakayahan sa paglikha ng tula.
c. malaki ang kanyang naging galit kay Jose dela Cruz o Huseng sisiw.
d. Humingi siya ng tulong sa kanyang guro na si Padre Mariano Pilapil.

4. Sa kabila ng mahigpit na sensura ng mga Espanyol bakit naging matagumpay si Balagtas na mailusot ang kanyang
awit na Florante at Laura?
a. dahil relihiyon at paglalaban ng mga moro at kristiyano ang kanyang naging tema.
b. dahil patungkol sa edukasyon ang kanyang naging tema.
c. dahil patungkol sa pamilya ang kanyang naging tema.
d. wala sa nabanggit

5. Paano naka-impluwensiya sa panulat ng ating mga bayaning sina Rizal at Mabini ang akdang Florante at Laura?
a. sa pamamagitan ng paglikha ng mga akdang naglalantad ng mga pamamalakad ng mga Espanyol.
b. dahil dito ay lumikha sila ng mga akdang mas naitatago ang mga mensahe o kahulugan.
c. nagpapakita ito ng maraming matatalinhagang salita ang akda
d. wala sa banggit

6. Ano ang sinisimbolo ng madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante?


a. ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante
b. ang madadawag na kagubatang nakapalibot sa bansa sa panahong iyon
c. ang mga gawain ng mga kriminal na nakahahadlang sa pag-unlad ng sambayanan.
d. wala sa nabanggit

7. Ano ang nais ipahiwatig ng paglalarawan sa kahabag-habag at nakagapos na si Florante sa puno ng higera
a. ang kawalang kayamanan ng mga Filipino sa panahong iyon.
b. ang kawalang trabaho ng mga Filipino sa panahong iyon.
c. ang kawalang Kalayaan ng mga Filipino sa panahong iyon.
d. wala sa nabanggit
8. Ano ang sinisimbolo ng mga serpiyente o ahas at basiliskong gumagala sa gubat.
a. ang mga mananakop na tila nag-aabang upang magawa ng masama sa mga Filipino
b. ang mababangis na hayop gubat na anumang oras ay handing sumila o pumatay
c. ang mga sakit o karamdamang hindi nabigyang-lunas sa panahong iyon.
d. wala sa nabanggit

9. Ano ang mensaheng dala ng mga balang bibig na pinagmulan ng katotohanan.


a. ang mga taong mapanira sa kanilang kapwa at nagkukwento tungkol sa buihay ng may buhay.
b. ang mga taong nagsasabi o naglalahad ng katotohanan tungkol sa pagmamalabis ng mga
mananakop.
c. ang mga Espanyol na naglalahad ng plataporma ng kanilang pamumuno sa ating bansa.
d. wala sa nabanggit

10. Ano ang kahulugan sa tinutukoy na kalis (espada o tabak) na ginagamit sa pagbibiyak o pampigil sa bibig na
pinagmumulan ng katotohanan.
a. ang makapangyarihang mga Espanyol na handing magparusa sa sinumang Filipino na
maglalakas-loob na lumaban o maglahad ng katotohanan.
b. ang mga sundalong Espanyol na handing magtanggol sa mga Filipino kapag sila’y naapi ng
sinuman.
c. ang mga Espanyol na nagsasanay sa paghawak ng kalis upang higit pang humusay ang kanilang
kakayahan sa larangang ito.
d. wala sa nabanggit
11. Ano ang aral na mapupulot sa kuwentong "Florante at Laura"?
a. Pag-ibig at katapangan ay maaaring labanan ang kahit anong pagsubok.
b. Ang pag-ibig ay laging nagwawagi sa dulo ng kuwento.
c. Ang kawalan ng hustisya ay karaniwang nangyayari sa lipunan.
d. Walang kabuluhan ang pakikipaglaban sa kapalaran.

12. Sino sa mga sumusunod na tauhan sa "Florante at Laura" ang nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging matatag
sa harap ng mga pagsubok?
a. Florante c. Aladin
b. Laura d. Adolfo

13. Anong salitang maaaring maglarawan sa paghanga at pagpapahalaga ng isang tao sa kagandahan ng kalikasan?

a. Kagandahang-loob c. Kagandahan
b. Kagandahang-asal d. Kalikasan

14. Ano ang ibig sabihin ng salitang "hirang" sa "Florante at Laura"?


a. Kakila-kilabot c. Napiling pinuno
b. Ipinagtanggol d. Mayaman

15. Ano ang ibig sabihin ng salitang "maralitang mabangis" sa "Florante at Laura"?
a. Mga tao na naghihirap at walang tahanan
b. Mga taong marahas at mapang-abuso
c. Mga taong mayaman at malupit
d. Mga tao na mapagmahal at malambing

16. Anong salita sa "Florante at Laura" ang nangangahulugang "matatag" o "hindi sumusuko"?
a. Kaligayahan c. Katatagan
b. Kadakilaan d. Karunungan

17. Ano ang ibig sabihin ng salitang "kawal"?


a. Mandirigma c. Sundalo
b. Prinsesa d. Alagad ng sining

18. Ano ang ibig sabihin ng salitang "karilagan" sa konteksto ng Florante at Laura?
a. Kagandahan c. Kapangyarihan
b. Kaalaman d. Kasawian

19. Anong salitang matatagpuan sa "Florante at Laura" ang nangangahulugang "kasawian" o "kapighatian"?
a. Kaguluhan c. Kapighatian
b. Kalungkutan d. Kalituhan

20. Anong salitang ginamit sa "Florante at Laura" na nangangahulugan ng mapagmahal o may pag-ibig?
a. Kasintahan c. Kalaban
b. Kalapit-bahay d. Kagalakan

21. Anong salita ang tumutukoy sa malalim na kalungkutan o lungkot na matatagpuan sa "Florante at Laura"?
a. Kalungkutan c. Kasawian
b. Lungkot d. Kapighatian

22. Ano ang ibig sabihin ng salitang "aliw"?


a. Tuwa o kasiyahan c. Pag-ibig o pagmamahal
b. Hapis o kalungkutan d. Pag-aalinlangan o pangamba

23. Ano ang ibig sabihin ng salitang "dalamhati" sa "Florante at Laura"?


a. Kalungkutan c. Kaguluhan
b. Galak d. Kaayusan

24. Anong salita ang tumutukoy sa isang paghahanda o pagsasagawa ng isang pagkilos o pagsisikap?
a. Pasakit c. Pag-asa
b. Pakikipaglaban d. Paghahanda

25. Anong salitang ginamit sa "Florante at Laura" na nagpapahiwatig ng pagiging mapagkunwari?


a. Kagitingan c. Pangangarap
b. Kapalaran d. Panlilinlang

26. Ano ang ibig sabihin ng salitang "tanglaw" sa akdang "Florante at Laura"?
a. Liwanag c. Paghihirap
b. Dilim d. Kagandahan

27. Anong salitang maaaring magamit sa pagsasalarawan ng kagandahan sa "Florante at Laura"?


a. Maganda c. Ganda
b. Marikit d. Kaguwapuhan

28. Anong salita sa "Florante at Laura" ang nangangahulugang malagim na trahedya o kahabag-habag na
pangyayari?
a. Kalunos-lunos c. Kasukdulan
b. Kasawian d. Kalunus-lunos

29. Walang nagnanais na mamuhay sa lugar ng lipos-linggatong.


a. puno ng ligalig c. maraming tao
b. mapayapa d. maraming trabaho

30. Sinasabing ang pag-awit ay mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib.


a. pandagdag ng kalungkutan c. pansukat ng kalungkutan
b. pampalimot sa kalungkutan d. pampadagdag ng pagod
31. “Humihinging tulong at nasa pangamba,
ang Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka;
ang puno sa hukbo’y balita ng sila
Heneral Osmalik na bayaning Persya

Ang naglalahad ay punumpuno ng…


a. takot b. pag-asa c. pag-aalinlangan d. pananaig

32. “Ayon sa balita’y pangalawa ito


ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo
Alading kilabot ng mga gerero,
Iyong kababayang hinahangaan ko.”

Ang naglalahad ay punumpuno ng…


a. pagdududa b. inggit c. paghanga d. inis
33. Dito’y napangiti ang Morong kausap,
sa nagsasalita’y tumugong banayad;
anina’y “Bihirang balita’y magtapat,
kung magtotoo ma’y marami ang dagdag
Ang Moro ay nagpakita ng…
a. pagkabilib sa sarili b. pagkagulat c. pagtatampo d. pagiging mapagkumbaba

34. Sagot ni Florante, “Huwag ding maparis


ang gererong bantog sa palad kong amis;
at sa kaaway ma’y di ko ninanais
ang laki ng dusang aking napagsapit.
Si Florante ay nagpakita ng…
a. pagmalasakit sa kapwa b. pagkamuhi sa sarili c. matinding takot d. kagustuhan makapaghiganti

35. “Tuwang pangalawa kung hindi man langit


ang itinatapon ng mahinhing titig;
O, ang luwalhating buko ng iniibig,
pain ni Kupidong walang makarip.
Si Florante ay nakaramdam ng…
a. labis na pagkamuhi kay Laura
b. labis na pagmamahal kay Laura
c. matinding pag-alala para kay Laura
d. matinding selos

36. Sino ang may wika ng katagang, “Hindi katoto ko’t si Laura’y di taksil, aywan ko kung ano’t lumimot sa akin ang palad
ko’y siya’y alipusta’t linsil, di laang magtamo ng tuwa sa giliw”.
a. Florante b. Aladin c. Adolfo d. Menandro

37. “Pagmamahal para sa iyo’y magpaparaya na lamang, nawawalan ng pag-asa dahil karibal ay sariling ama.” Sino ang
nagdadalamhati sa mga katagang nabasa.
a. Menalipo b. Sultan Ali-Adab c. Florante d. Aladin

38. Sino ang nagsasaad ng sumusunod na saloobin “Alam ko na iyong pamumunuan at paglilingkuran ng buong
katapangan ang ating kahariang albanya”.
a. Sultan Ali-Adab b. Konde Sileno c. Duke Briseo d. Antenor

39. “Ang papakita ng kahinaan ay pagtataksil sa bayan”. Ang nagsasalaysay ay si..


a. Haring Linceo b. Duke Briseo c. Sultan Ali-Adab d. Heneral Osmalik

40. “Ako’y nagpadala ng sulat, isang mensaheng gustong isiwalat ang nangyayari sa kaharian. Saan ka na mahal, aming
tagapagtanggol nawa’y ika’y ligtas.” Sino ang nasa likod ng boses na ito na labis ang pag- aalala
a. Laura b. Flerida c. Prinsesa Floresca d. Ina ni Florante

You might also like