You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Laguna
Don Manuel Rivera Memorial National High School
Bulilan Sur, Pila, Laguna
PANGYUNIT NA PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
Ikatlong Markahan [P. T. 2020 – 2021]

Pangalan: ______________________________________ Petsa: __________________________


Baitang at Seksiyon: _____________________________ Guro: __________________________

I. Piliin ang titik ng tamang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan.


1. Ang pahayag na, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay nangangahulugang
a. kung sino ang naunang dumating ay siya ring mauunang umalis
b. lahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan
c. ang nahuhuli ang kadalasang unang umaalis
d. mahalaga ang oras ng paggawa
2. “Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ano ang nais ipahiwatig
nito?
a.huwag pakialaman ang buhay ng iba b.huwag magtiwala sa iba
c. huwag sasama sa hindi kauri d. iwasan ang pakikipagkaibigan
3. Ang masaklap na pangyayari,nagwakas na. Ang salitang masaklap ay nangangahulugang
a. hindi maganda b. hindi malilimutan
c. kawalang pag-asa d. masama
4. Ang elehiya ay isang tulang liriko na may temang
a. Emosyong hindi maipaliwanag ng isang tao.
b. Puno ng mga pagsubok sa buhay.
c. Mga saloobing nais ipahayag.
d. Naglalarawan ng pagbubulay-bulay na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa mahal
sa buhay.
5. Ang masaklap na pangyayari,nagwakas na. Ang salitang masaklap ay nangangahulugang
a. hindi maganda b. hindi malilimutan
c. kawalang pag-asa d. masama
6. Pinakamasidhing kahulugan sa salitang dámot.
a. gahaman b. sakim c. ganid d. sugapa
7. Sa kanyang pagtalikod naglaho ng kisap-mata ang kanyang pera sa mesa. Ang salitang kisap-
mata ay nangangahulugang
a. dagli b. bigla c. mabagal d. walang pera
8. Ito ay ang kung saan ang lugar o panahon na pinangyarihan ng tula.
a. tagpuan b. tauhan c. simula d. wakas
9. Ang kabuoang kaisipan ng elehiya.
a. tagpuan b. tauhan c. tema d. wika
10. Ginagamit ito sa pagbuo ng elehiya upang ipahiwatig ang isang kaisipan o ideya.
a. simbolismo b. tauhan c. tema d. wika
11. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng elehiya maliban sa:
a. pananangis c. pag-alaala sa mahal sa buhay
b. matimpi d. masayahin
12. Di- masidhing kahulugan ng salitang inis.
a. galit b. yamot c. aduwa d. suklam
13. Pinakamasidhing kahulugan sa salitang sakim.
a. damot b. gahaman c. ganid d.sugapa
14. Pinakamasidhing kahulugan sa salitang paghanga
a. pagmamahal b. pagliyag c. pagsinta d. pagkagusto
15. “Ang pera ay di basta nauubos pero ang pasensya ko konting konti na lang.” (One More Chance).
Anong uri ng tunggalian ang nasa dayalogo?
a. tao vs. tao b. tao vs. sarili c. tao vs. lipunan d. tao vs. kalikasan
16. “Kahit naman sino. . . kapag iniwan ng mahal niya masasaktan talaga.”.(Paano na Kaya). Anong uri
ng tunggalian ang nasa dayalogo?
a. tao vs. tao b. tao vs. sarili c. tao vs. lipunan d. tao vs. kalikasan
17. “Akala mo lang wala pero meron, meron! “(Anak)
a. tao vs. tao b. tao vs. sarili c. tao vs. lipunan d. tao vs. kalikasan
18. Ang isa sa nakakasira ng pagsasamahan at pamumuhay ng isang mag anak ay___.
a. Bisyo b. kahirapan c. Kawalan ng Trabaho d. walang pera
19. Natatangi ang mga taong sumusunod sa Diyos.
a. hiwalay b. masaya c. namumukod d. masaya
20. Ang panalangin ng bawat Pilipino ay makawala sa bangis ng COVID 19.
a. dahas b. kapahamakan c. sakit d. tapang
21. Tukuyin sa pahayag ang pananagutan ng isang magulang..
a. Paunlarin at buhayin ang anak.
b. Alagaan at mahalin ang mga anak.
c. Pag-aralin ang anak na maasahan
d. Paglaanan ng malaking salapi ang kinabukasan ng anak.
22. Anong kaisipan/ mensahe ang inilahad sa kuwentong Tahanan ng Isang Sugarol.
a. Bisyo nanakasisira ng pagsasamahan b. Ang iresponsableng ama
c. Labis na paghihirap d. Martir na asawa
23. Noong sabado ay nag-anunsyo ang pangulo tungkol sa bagong quarantine ng bansa. Batay sa
pangungusap anong pang-abay ang ginamit?
a. panlunan b. panggaano c. pamaraan d. pamanahon
24. Ipinagtanggol ng mga artista ang kompanya nilang ipinasara ng Kongreso. Batay sa pangungusap
anong pang-abay ang ginamit?
a. panlunan b. panggaano c. pamaraan d. pamanahon
25. Si Patricia ay nagtatrabaho bilang nars sa isang pampublikong ospital. Batay sa pangungusap
anong pang-abay ang ginamit?
a. panlunan b. panggaano c. pamaraan d. pamanahon
26. Ito ay isang patulang pasalaysay tungkol sa pakikipagtunggali at pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan.
a. dula b. epiko c. sanaysay d. tula
27. Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego na ________ na ang kahulugan ay “awit”.
a. averno b. epos c. eros d. pebo
Para sa bilang 34-36. Piliin ang tatlong katangian ng epiko
a. nagtataglay ng supernatural o hindi kapani-paniwalang pangyayari.
b. ang kwentong ito ay hango mula sa banal na aklat o bibliya.
c. kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral.
d. pagkamatay at muling pagkabuhay ng bayani.
28. ___
29. ___
30. ___
II. Panuto: Iguhit ang nakangiting mukha (😊) kung ang pangyayari sa alamat ay makatotohanan at
malungkot na mukha (☹) kung di-makatotohanan.
31. Napapayag ni Prahnbun ang dragon na ibigay sa kanya ang makapangyarihang lubid
upang mahuli si Prinsesa Manorah.
32. May isang ermitanyong nakatira sa malapit sa kagubatan na nagsasagawa ng meditasyon.
33. Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Sila ay nakalilipad at
nagagawang itago ang kanilang pakpak
34. Nagbalik ang prnsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan
umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t- isa.
35. Sa loob ng kahariang Grairat, nakatago ang kagubatang Himmapan kung saan din
namamahay ang mga nakatatakot na nilalang na hindi kilala sa daigdig.
36. Ang mga kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne.

III. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ito ay TAMA o MALI
at isulat ang sagot sa unahan ng bawat bilang.
37. Ang kultura ay ang pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mamamayan nito.
38. Hindi humuhubog ng pagkatao ang kinamihasnang kultura.
39. Nagiging susi ang kultura sa pagkakaisa ng mamamayan nito.
40. Masasalamin ang kulturang Pilipino sa mga akdang pampanitikan.
41. Sa kultura nakasalalay ang kaisahan, kamalayan at kinabukasan ng mga mamamayan nito.
42. Nagiging susi ang pag-aaway sa pagkakaisa ng mamamayan nito.
43. Masasalamin ang kulturang Pilipino sa mga ugaling ating kinagisnan.
44. Humuhubog ng pagkatao ang kinamihasnang kultura.
IV. Panuto: Punan ng angkop na hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang patlang upang
mabuo ang diwa ng salaysay. (45-50)
Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na kahulugan ng
pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada ’70 sa ilalim ng Batas
Militar. (1)__________isang babae, kumikilos siya bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at
asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagaman tradisyonal, umiiral sa pamilyang
Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin (2)___________ kaya’t lumaki ang kanilang mga
anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (3)______________ dito’y sumali sa kilusang
makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules, (4)_______________ naging makata at manunulat naman
si Emman, at nahilig sa musikang rock ‘n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging
US Navy bagaman taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. (5)_____________ nanatiling matatag ang
pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng
pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang
babae, malayo sa dikta ng lipunan, at ng asawa.

bukod sa dahil kung


saka sa madaling sabi
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Laguna
Don Manuel Rivera Memorial National High School
Bulilan Sur, Pila, Laguna
PANGYUNIT NA PAGSUSULIT SA FILIPINO 9 Susi sa Pagwawasto
1. D
2. C
3. A
4. D
5. A
6. A
7. B
8. A
9. C
10. A
11. D
12. A
13. C
14. A
15. B
16. A
17. A
18. A
19. C
20. B
21. A
22. A
23. D
24. C
25. A
26. B
27. B
28. A
29. C
30. D
31. ☹
32. 😊
33. ☹
34. 😊
35. ☹
36. ☹
37. TAMA
38. MALI
39. TAMA
40. TAMA
41. TAMA
42. MALI
43. TAMA
44. TAMA
45. BUKOD SA
46. KUNG
47. DAHIL
48. SAKA
49. SA MADALING SABI
50. BONUS

You might also like