You are on page 1of 2

Pagsasaling-wika / Panghihiram ng Salita

Ayon kina Abad at Ruedas (2001) kilala ang kahalagahan ng pagsasalin sa wikang

Filipino. Sa pag-unlad ng wika ay ang pag-unlad din at paglawak ng iba’t ibang larangan o

disiplinang may espesyalisadong wika. Ang wikang Filipino ay ginagamit sa mga disiplinang

may kinalaman sa kultura, wika at panitikan, samantalang ang wikang Ingles naman ay

ginagamit kung ang aralin ay may kaugnayan sa Ingles, Agham at Teknolohiya at marami pang

iba. Kaya masasabing ang dalawang wikang ito ay ilan sa mga wikang espesyalisado na

ginagamit, lalo na sa larangan ng edukasyon.

Ayon kay Alejandro (2005), ang pagsasalin sa pamamagitan ng isang lohiko. Ani niya,

mahalaga ang pagsasalin sapagkat ito ay kailangan at kailangan ito sapagkat ito ay mahalaga.

Samakatuwid, ang pagsasalin ay parehas na mahalaga at kailangan sapagkat may malaki itong

naiaambag sa pagtamo ng mabilis na pagkaunawa sa mga wikang banyaga.

Nagpahayag din ng kapakinabangan ng pagsasaling-wika si Belvez (2001) sa larangan ng

edukasyon lalo na sa pagtuturo ng mga paksa at asignaturang malapit malapit na kaugnay ng

mga karanasan, kapaligiran, ugali at kaasalan ng mga mag-aaral sapagkat sa paggamit nila ng

kanilang sariling wika sa gayong mga pangyayari ay higit na nagkakaunawaan at

nagkakadamahan sila sa kanilang mga interaksyon. Idinagdag pa niya na kinakailangan sa

ngayon ang pagsasalin hindi lamang ng iba’t-ibang sangay ng panitikan kundi ang mga

kagamitang pangturo sa lahat ng antas ng pag-aaral. Ang mga nakasulat at nakalimbag sa Ingles

na aklat-aralin, sanggunian at iba pang pantulong na kagamitan at babasahin sa pagtuturo

kakailangang maisalin sa Filipino.


Alejandro, Rufino (2005). Ang Sining ng Pagsasalin (The Art of Translation). Manila:
Rex Bookstore

Ruedas, P. C. at Abad, M. A. (2001). Paghahanda ng mga Kagamitang Pampagtuturo


Quezon City: National Bookstore

Belvez, P. M. (2001). Retorika: Mabisang Pagsasalita at Pagsulat. Manila, Philippines:


Rex Bookstore Inc.

You might also like