You are on page 1of 3

ASIGNATURA Araling Panlipunan Baitang 5

MARKAHAN Ikatlo Pangkat


PAMANTAYAN SA Natatalakay ang impluwensya ng mga CODE AP5KPK-IIIc-
PAGKATUTO Espanyol sa kultura ng mga Pilipino 3
MGA PAGBABAGO SA KULTURA
Maraming pagbabago rin sa kultura ang naganap mula nang sakupin ang ating ng mga
dayuhan. Maaaring saabihin lumago ito at napagyabong dahil sa ambag na impluwensiya
ng mga Espanyol. Angmga pagbabagong ito ay malinaw na naaninag at patuloy nakikita
hanggang sa kasalukuyan ang mga impluwensiyang naiambag ng mga dayuhan upang
upang mapayaman ang natura na kultura mayroon ang ating bansa.

Sining

Nang dahil sa impluwensiya ng mga Espanyol, nakilala sina Juan Luna sa kanyang
Spoliarium na nagkamit ng gintong medalya at Felix Hidalgo sa larangan ng pagpipinta sa
kanyang Las Virgenes Christianas Expuestas al Populacho na pinarangalan ng pilak na
medalya sa kanyang iginuhit. Kalimitang ang tema ng kanilang mga pinta noon ay may
kinalaman sa mga mayayamang Pilipino at ang kanyang paniniwalang Kristiyano.

Paglililok

Ang mga prayle ang nagturo sa mga Pilipino ng paglililok at paggawa ng mga palamuti,
estatwa, at imahen para sa simbahan. Umusbong at nanguna ang mga pangalan nina
Romualdo Teodoro De Jesus, Manuel Asuncion, IsabeloTampico at Cipriano Bacay sa
larangang ito.

Musika

Palibhasa ay likas sa mga Pilipino ang pagkahilig sa musika at wala man silang pormal
na pag-aaral tungkol dito ay madali nilang natutuhan ang tungkol sa musika. Madali rin nila
natutuhan ang mga awit at sayaw ng mga Espanyol. Ang tanyag na organong kawayan sa
Las Piñas ay ginawa ni Padre Diego Cerra noong 1818.

Wika at Panitikan

Likas na matatalino ang mga Pilipino kaya madali nilang natutuhan ang pagsasalita at
pagsusulat ng salita Espanyol gayon din ng Latin. Itinuro ng mgaEspanyol sa mga Pilipino
ang awit at korido. Ang awit ay isang salaysaying patula na may 12 pntig sa bawat
taludturan. Ito ay nagsasalaysay ng ng kagitinga at kabayanihan ng mga Pilipino.
Samantalang ang korido naman ay may walong pantig sa baat taludtod at ang paksa nito
ay tungkol sa buhay ng mga santo.

Kilala ang mga pangalang naging tanyag sa larangang ito ay sina Jose Dela Cruz
(Huseng Sisiw), Francisco Baltazar (Balagtas, sumulat ng Florante at Laura), Modesto
Castro (may-akda ng Urbao at Felisa, Pedro Bukaneg (may-akda ng Biag ni Lam-ang), at
JoseRizal ( sumulat ng Noli Me Tanger at El Felibusterismo).

Ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas ay ang Doctrina Christiana na


naglalaman ng tungkolsa Kristiyanismo, primaryang alpabeting Espanyol, matandang
abakadang Tagalog, mga dasal at saligang aral ng simbahang Katoliko.
Tanghalan

Ang pagtatanghal ng moro-moro at komedya na kung saan ay ipinapakita ang


pagalaban ng Muslim at Kristiyano ay isinasadula ang pagpapakita ng pagpapabinyag ng
Muslim upang maging Krisyano ay makikita sa huling bahagi ng palabas. Samantala, ang
sarswela naman ay dramang isinasaawit at ang senakulo ay pagsasadula ng buhay ni
Jesukristo. Ang senakulo ay itinatanghal tuwing Mahal na Araw.

Pananamit

Ang pananamitng ating mga ninuno ay naimpluwensiyahan rin ng mga Espanyol, Ang
mga lalaki ay nagsuot ng tuxedo at gumamit ng baston. Samantalang ang mga babae ay
nagsuot naman ng baro’t saya at sinamahan pa ito ng blabal na panwelo sa kanilang
balikat. Gumamit rin sila ng panyo at panyeta at nagsuot din sila ng tsinelas at sapatos.

Pag-uugali

Malaki ang nagawang impluwesiya ng mga Espanyol sa lahat ng mga Pilipino lalo’t
higit sa pag-uugali. Ang pag-uugali na hindi man aminin ng lahat ay dala-dala nating mga
Pilipino magpasa-hanggang ngayon. Ito marahil ang matinding naitanim sa ating lahat nang
matagal na pananakop sa atin ng mga dayuhang Espanyol. Maituturing nating magandang
pamana sa ating lahat. Sila ang naging dahilan ng mahigpit na pagkakabuklod nating mga
Pilipino lalo na at pamilya ang punag-uusapan. Sa kanila rin natin namana ang pagsunod
sa awtoriad at kapangyarihan,. Dahil din sa kanila mas naging mapagkawanggawa tayo at
handang laging tumulong sa mga nangangailngan.

Subalit, nang dahil din sa kanila ay nabawasan ang karapatan ng mga kababaihan at
naging sunud-sunuran lang sila sa kanilang mga asawa. Nalimitahan ang mga karapatan
ng mga kababaihan na hanggang pantahanan lamang sila nang daail naikintal sa kanilang
isipan na ang paggawa ay pang-mahirap lamang na dapat ikahiya. Kung kaya dahil dito ay
naging tamad ang mga Pilipino.
I. Isulat ang O kung ito ay opinyon at K kung ito ay katotohanan.

Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.


_____1. Kung walang sentro sa pamayanan, naging mahirap ang pagpapalaganap
ng Kristiyanismo.
_____2. Higit na nasisiyahan ang mga naninirahan sa malaking bahay kaysa sa mga
kubo.
_____3. Naninirahan ang mga karaniwang Pilipino sa bahay na yari sa pawid at
kawayan.
_____4. May mga tirahang yari sa tisa at kahoy noon.
_____5. Natuwa ang mga Pilipino sa gusto ng pari noon.
II. Gumawa ng isang graphic organizer ukol sa paksa.Gawin ito sa iyong sagutang papel.

SISTEMA NG EDUKASYONG KOLONYAL

III. May mga gawain bang panrelihiyon na natutunan natin sa mga Espanyol ang dapat
nating baguhin? Lagyan ng tsek (√) at ipaliwang kung bakit. Anu-ano ang dapat nating
gawin para mabago ito? Gawin at isulat ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Pagsisimba ______________________________________________

_____2. Pagsamba sa mga rebulto o estatwa __________________________

_____3. Pagtanggap ng sakramento __________________________________

_____4. Pagbibigay ng abuloy _______________________________________

_____5. Pagdiriwang ng pista _______________________________________

IV. Lagyan ng X ang hindi kasali sa pangkat. Isulat ang pamagat nito sa patlang. Gawin at
isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Maria Clara 2. Hota 3.duplo


Baro’t Saya tango sarswela
Baston korido senakulo
Camisa surtido habanera
______________ ____________ ____________
4. Juan Luna 5. Awit
Felix R. Hidalgo tula
Cipriano Bacay komedya
Jose Dela Cruz korido

_______________ ____________

You might also like