You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHAN

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan: ______________________________________________________ Iskor: _________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
patlang bago ang bilang.
_____1. Sino ang paring tumulong sa mga Pilipino sa pagbuo ng Organong kawayan sa
Las Pińas?
A. Diego Cerra B. Blas dela Madrid de Dios
C. Mariano del Rosario D. Mariano Ponce
_____2. Aling larangan nabibilang sina Francisco Balagtas, Huseng Sisiw, at Jose Rizal?
A. musika B. panitikan C. sining D. agham
_____3. Kailan inaalala ng mga Katoliko ang paghihirap at kamatayan ni Hesukristo?
A. Pasko B. Semana Santa
C. Araw ng mga Santo D. Araw ng mga Kaluluwa
_____4. Alin sa mga sumusunod ang kagamitang gamit sa buhok ng mga kababaihan?
A. panyo at pamaypay B. sombrero at baston
C. payneta D. pomada
_____5. Ang Balagtasan, Noli Me Tangere, at El Filibusterismo ay impluwensiya ng mga
Espanyol sa anong konsepto?
A. musika B. pamumuhay C. pananamit D. panitikan
_____6. Ano ang tawag sa mahabang awitin tungkol sa paghihirap at kamatayan ni
Kristo?
A. Pasyon B. Senakulo
C. Semana Santa D. Kuwaresma
_____7. Sa mahabang panahong pagsakop ng mga Espanyol, bakit hindi natutunan ng
mga Pilipino ang wikang Espanyon?
A. Ayaw nila itong matutunan.
B. Mahirap ang matutunan ang wika.
C. Hindi ito itinuturo sa mga paaralan.
D. Mayayaman lamang ang may pagkakataong matutunan ito.
____8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo tungkol sa mga impluwensiya ng
mga Espanyol?
A. Ipinagbawal ng mga pari ang pagkakaroon ng masasayang pagdiriwang na
panrelihiyon.
B. Sina Juan Luna at Felix Resureccion Hidalgo ay mga tanyag na mang-aawit na
Pilipino.
C. Ang lahat ng aklat sa Pilipinas ay inilimbag sa ibang bansa.
D. Temang panrelihiyon ang ipinahiwatig ng mga obra sa pagpipinta at paglililok.
_____9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol?
A. pagtanggap ng mga Pilipino sa Katolisismo.
B. pagsira sa mga lumang bahay na naiwan ng mga Espanyol.
C. pagpapanatili sa kultura at kayarian ng mga bahay
D. pagpriserba o pagpapanatili sa mga antigong bahay, at mga gusali na naiwan ng
mga Espanyol.
_____10. Bilang isang mag-aaral, sa tingin mo ba ay dapat mong pahalagahan ang mga
impluwensiya ng mga Espanyo? Oo o hindi? Bakit?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

________________________________
Pirma ng Magulang

You might also like