You are on page 1of 13

ALEXANDER R.

DELA CRUZ
BSED-FILIPINO 3A
WHAT (ANO)
1. Ano ang wika ayon kay Henry Allan Gleason (1988)?
A. Ayon sa kaniya, ang wika ay binubuo ng mga tunog na sinasalita, ang mga salitang ito ay isinaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa lipunan.
B. Ayon pa sa kaniya, ang wika ay ginagamit na instrumento sa pagtuturo at pagpapahayag ng
katotohanan.
C. Binigyang kahulugan niya ang wika bilang kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.
Sagot: A
2. Ano ang Wikang Pormal?
A. Ito ay koleksyon ng iba’t-ibang simbolo at mga salita na nagpapahayag ng kahulugan.
B. Ito ay nagsisilbing behikulo upang maipahayag natin ang ating mga kaisipan, mga saloobin at
nararamdaman.
C. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral at propesyonal
Sagot: C
3. Ano pa ang ibang katawagan sa Wika?
A. Lenggwahe
B. Tradisyon
C. Kultura
Sagot: A
4. Ano ang tawag sa pag-aaral ng wika?
A. Morpolohiya
B. Lingguwistika
C. Ponolohiya
Sagot: B
5. Ano ang wika ayon kay Bruce Goldstein (2008)?
A. Ito ay ginagamit ng mga tao upang masabi ang kanilang nararamdaman, kaisipan, at maging ang
kanilang mga karanasan.
B. Ito ay nakabuhol na sa kultura ng mga taong gumagamit nito.
C. Binubuo rin ito ng mga patakaran na nagbibigay sa mga simbolo ng walang katapusang mensahe.
Sagot: A
6. Ano ang tamang etimolohiya o pinagmulan ng salitang panitikan?
A. PAN + TITIK + AN = PANITIKAN
B. PAN+ ITI+ KAN = PANITIKAN
C. PANG + TITIK+ AN = PANITIKAN
Sagot: C
7. Anong panahon sa kasaysayan ng panitikan ang kinikilalang "Gintong Panahon ng Panitikan"?
A. Kastila
B. Hapon
C. Amerikano
Sagot: B
8. Ano ang dalawang pangkalahatang uri ng tula?
A. Patula at Tuluyan (Prosa)
B. Tulang Liriko at Tulang Pasalaysay
C. Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan
Sagot: A
9. Anong uri ng panitikan ang nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maanyong salita sa mga
taludtod na may sukat o bilang ng pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa
bawat saknong?
A. Tuluyan
B. Patula
C. Awit
Sagot: B
10. Sa aklat nina Atienza, Ramos, Ramos at Salazar, Ano ang kanilang pagpapakahulugan sa Panitikan?
A. Lakas na nag-uuganay sa damdamin ng tao.
B. Salamin ng Lahi.
C. Ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao
bilang ganti niya sa reaksyon sa kaniyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at
lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na makita ang Maykapal.
Sagot: C
WHO (SINO)
1. Sino ang nagsabing, "Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito" ?
A. Gleason
B. Curry at Palmunen
C. Whitehead
Sagot: C
2. "Ang wika ay proseso ng pagdadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolong cues".
Sino ang nagwika ng mga katagang ito?
A. Bernales
B. Bienvenido Lumbera
C. Mangahis
Sagot: A
3. "Ang wika ay parang hininga", sino ang nagwika nito?
A. PAMELA CONSTANTINO AT GALILEO SAFRA
B. ALFONSO SANTIAGO
C. BIENVENIDO LUMBERA
Sagot: C
4. Sino ang "Ama ng Wikang Pambansa"?
A. Dr. Jose Rizal
B. Manuel Quezon
C. Apolinario Mabini
Sagot: B
5. Sino ang nagdeklara ng Buwan ng Agosto bilang "Buwan ng Wika"?
A. Antonio Luna
B. Ferdinand Marcos
C. Fidel Ramos
Sagot: C
6. Sino ang may-akda ng Biag ni Lam-Ang?
A. Pedro Bukaneg
B. Chaucer
C. Pedro Chaucer
Sagot: A
7. Sino ang nagsabing, "Ang Panitikan ay talaan ng buhay"?
A. Lydia Gonzales
B. Jose Arrogante
C. Jose Gonzales
Sagot: B.
8. Sino ang nagsulat ng Uncle Tom's Cabin na isa sa mga akdang pampanitikan na may malaking
impluwensiya sa pandaigdig na Panitikan?
A. Chaucer
B. Harriet Beecher Stowe
C. Dr. Jose Rizal
Sagot: B.
9. Sino ang nagsabing, "Ang Pantikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan"?
A. Maria Ramos
B. Webster
C. Hon Azarias
Sagot: A
10. "Anumang bagay raw na naisatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao, maging
amang ay maaaring tawaging panitikan." Sino ang nagwika nito?
A. Chaucer
B. Hon. Azarias
C. Webster
Sagot: C
WHEN (KAILAN)
1. Kailan nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na
ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang
sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa
taunang pagdiriwang?
A. Hulyo, 1980
B. Hulyo, 1987
C. Hulyo, 1997
Sagot: C
2. Kailan inilabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog?
A. Abril 1, 1940
B. Disyembre 30, 1937
C. Nobyemre 9, 1937
Sagot: B
3. Kailan itinuring na Ginintuang Panahon ang Panitikan ng Pilipinas?
A. Panahon Ng kastila
B. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Hapon
Sagot: C
4. Kailan itinuring na Gintong Panahon ang Nobelang Pilipino?
A. Panahon ng Kastila
B. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Hapon
Sagot: B
5. Kailan naisulat ang sarswelang "Walang Sugat" ni Severino Reyes?
A. 1800
B. 1890
C. 1898
Sagot: C
6. Kailan itinatag ni Severino Reyes ang Gran Compañia de la Zarzuela de Tagala?
A. 1902
B. 1898
C. 1900
Sagot: A
7. Kailan nailimbag ang Doctrina Christiana na isang akdang pampanitikang panrelihiyon noong
panahon ng kastila?
A. 1593
B. 1550
C. 1653
Sagot: A
8. Kailan nailimbag ang nobelang Noli Me Tangere?
A. 1890
B. 1887
C. 1986
Sagot: B
9. Kailan nakamit ni Genoveva Edroza ang Unang Gantimpala Palanca Awarda sa kanyang akdang
"Kwento ni Mabuti"?
A. 1952-1953
B. 1953-1954
C. 1950-1951
Sagot: C
10. Kailan naitatag ang Carlos Palanca Award bilang pagbibigay-pugay sa mga manunulat na may
malaking ambag sa panitikan ng pilipinas?
A. 1955
B. 1950
C. 1990
Sagot: B
WHERE (SAAN)
1. Saan nailimbag ang Nobelang Noli Me Tangere?
A. Berlin, Germany
B. Moscow, Russia
C. Paris, France
Sagot: A
2. Saan nailimbag ang kauna-unahang akdang panrelihiyong Doctrina Christiana?
A. Japan
B. Korea
C. Pilipinas
Sagot: C
3. Saan isinulat ni Jose Rizal ang unang bahagi ng Noli Me Tangere?
A. Manila
B. Madrid
C. Switzerland
Sagot: B
4. Saan nailimbag ang Nobelang El Filibusterismo?
A. Tokyo, Japan
B. Ghent, Belgium
C. Madrid, Spain
Sagot: B
5. Si Francisco Balagtas ay itinuturing na "Ama ng Balagtasan". Saan ipinanganak ang kilalang
makata?
A. Ilocos
B. Quezon
C. Bulacan
Sagot: C
6. Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa." Saan ipinanganak si Manuel
Quezon?
A. Tayabas
B. Bukidnon
C. Tondo
Sagot: A
7. Saan nanggaling ang panitikang sarswela?
A. Japan
B. California
C. España
Sagot: España
8. Saan ipinanganak ang "Ama ng Panitikang Kapampangan" na si Crisostomo Soto?
A. Angeles, Pampanga
B. Bacolor, Pampanga
C. San Fernando, Pampanga
Sagot: B
9. Bukanegan ang tawag sa bersyon balagtasan ng mga Ilokano. Ito ay ipinakilala ni Pedro Bucaneg o
mas kilala ring "Ama ng Panitikang Ilokano". Saan ipinanganak si Pedro Bukaneg?
A. Bantay, Ilocos Sur
B. Vigan, Ilocos Sur
C. Laoag City, Ilocos Norte
Sagot: A
10. Saan ipinanganak ang "Ama ng Dulaang Tagalog" na si Severino Reyes?
A. Laguna
B. Batangas
C. Manila
Sagot: C
WHY (BAKIT)
1. Bakit ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa Pilipinas?
A. Dahil binibigyang pugay ang mga ninuno.
B. Dahil nagpapasalamat tayo sa Poong Maykapal.
C. Upang maipalaganap ang kamalayan sa pagdiriwang at kahalagahan ng Wikang Filipino. Batid
nitong gunitain ang kasaysayan at paunalarin at panatilihin ang wikang Filipino.
Sagot: A
2. Bakit isinulat ni Rizal ng Noli Me Tangere?
A. Isinulat niya ang nobelang iyon upang maimulat ang mga Pilipino sa mga paghihirap na nangyayari
sa bansa dahil sa pagsakop ng mga Espanyol. Layunin ng nobela ang mailantad ang kasamaang
nagkukubli sa pamamahala ng Espanyol.
B. Dahil nais niyang makilala ang kaniyang kakayahan sa pagsulat.
C. Dahil nais niyang dumanak ang dugo.
Sagot: A
3. Bakit dapat pag-aralan ang Panitikang Filipino?
A. Upang magkaroon ng kaalaman sa panitikan ng bansa.
B. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay
na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
C. Upang lumawak ang talento sa pagsulat.
Sagot: B
4. Bakit may malaking impluwensiya ang mga panitikang gaya ng "Aklat ng Mga Araw" at "El Cid
Compeador"?
A. Dahil ito'y nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay at Panitikan.
B. Dahil ito'y naglalarawan ng kariktan, kagandahan at kadakilaan.
C. Dahil natatalakay ang mga akdang pampanitilan ang kabihasnan, kaugalian, paniniwala, at
pamumuhay ng lahing pinaggalingan nito at dahil dito ang mga tao sa daigdig ay nagkakaunawaan,
nagtutulungan at nagkakalapit ang kanilang damdamin.
Sagot: C
5. Bakit itinuturing na ang panahon ng hapon ay gintong panahon?
A. Dahil ito'y naglalarawan ng kariktan, kagandahan at kadakilaan.
B. Sa panahon ng hapon ay naging Malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng kanilang mga panitikan na
kasama ang kanilang kultura, mga paniniwala at kaugalian.
C. Dahil ito'y nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay at Panitikan.
Sagot: B
6. Bakit mahalaga ang wika ayon kay Mangahis, et al. (2005)?
A. Dahil ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
B. Dahil binibigyang pugay ang mga ninuno.
C. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay
na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
Sagot: A
7. Bakit mahalaga ang wika sa lipunan?
A. Ang wika ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng isang indibidwal sapagkat sa tulong nito
naipahahayag ng tao ang kanyang saloobin o hinaing, pakiramdam, at kaalaman.

B. Mahalaga ang wika sa lipunan sapagkat ito ang nagsisilbing kaluluwa ng kanilang kultura.
C. Ang wika ang nagsisilbing daluyan ng kaunawaan ng bawat taong naninirahan sa isang pamayanan at
siyang ugat ng pagkakaisa ng mga ito.
Sagot: Maaring sagot ang lahat.
8. Bakit mahalaga ang wika pambansa sa isang bansa?
A. Upang magsilbing pagkakakilanlan.
B. Upang magkaroon ng wikang magbubuklod sa bawat mamayan.
C. Upang magkaroon komunikasyon lalo na sa pagbabahagi ng kaalaman.
Sagot: Maaring sagot ang lahat.
9. Bakit dinamiko ang wika?
A. Ang isang wika ay maaring madaragdagan ng mga bagong bokabularyo
B. Bunga ito ng pagiging malikhain ng mga tao
C. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.
Sagot: Maaring sagot ang lahat.
10. Bakit magkaugnay ang wika at kultura?
A. Ang wika at kultura ay hindi maaring paghiwalayin dahil ito ay tatak ng bawat isa.
B. Ang kapahayagan ng kaisipan, damdamin, mga pangarap, adhikain o anumang ninanais na tagumpay
ay bahagi ng wika at kultura.
C. Nababakas ang kaunlaran at kabihasnan ng bayan sa pamamagitan ng wika naginagamit ng
mamamayan kasabay ng tao sa pag-unlad ang wika.
Sagot: A
HOW (PAANO)
1. Paano nakikila ng mambabasa ang isang manunulat ng akda?
A. Tema
B. Estilo sa pagsulat
C. Makabuluhang paggamit ng salita.
Sagot: Maaring sagot ang lahat
2. Paano nakakaimpluwensiya ang may-akda sa buhay ng mambabasa?
A. Sa tema ng kanyang akda
B. Sa mga pangaral
C. Nagbibigay ng sitwasyong maaring maranasan ng mambabasa
Sagot: B.
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa wika at panitikan?
A. Pagbabasa at pagkilala sa mga taong may kontribusyon sa wika at panitikan.
B. Pagkibit-balakit sa mga ito
C. Pagsusulat ng mga akdang maaring magbigay ng kontribusyon sa wika.
Sagot: A at C
4. Paano maipapakita ang pagmamahal sa sariling wika?
A. Paggamit sa pang-araw-araw
B. Gawing tulay sa pakikipag-ugnayan
C. Pag-aaral at pagpapalawak sa kaalamang pangwika
Sagot: Maaring sagot ang lahat
5. Paano mo mahahasa ang ang kaalaman at kakayahan sa wika at panitikan?
A. Pagbabasa
B. Pagsusulat ng sariling akda
C. Pagkilala sa mga tuntuning pangwika
Sagot: Maaring sagot ang lahat.
6. Paano maipapakita ang pagmamahal sa wika?
 Maipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit nito sa pakikipagtalastasan. Mahalaga ang paggamit
nito upang maging mabisa ang pagbabahagi ng mga ideya, talino at impormasyon. Isa pang
mabisang gawain ay ang pag-aaral nito. Ako, bilang isang mag-aaral ng Filipino ay nagpapakita ng
pagpapahalaga at pagmamahal nito. Ang aking matututunan ay aking maibabahagi sa aking mag-
aaral sa hinaharap.
7. Paano mo mapapahalagahan ang mga akdang pampanitikang filipino?
 Ang pagkilala sa mga may-akda at paghahanap sa mga akdang kanilang gawa ay makatutulong
upang lumawak ang kaalaman sa mga akdang pampanitikan. Sa pagbabasa sa mga ito ay mainam
upang lumawak ang kaalaman at ang kakayahang umintindi sa mga tema ng mga akdang ito.
Mainam itong libangan dahil makikilala mo ang mga tanyag na manunulat at ang kanilang
kontribusyon sa pagpapaunlad ng panitikang filipino.
8. Paano mo maiimpluwensiyahan ang iba na pahalagahan ang wika?
 Ang pagkilala sa wikang iyong sinasalita ay para na ring pagkilala sa iyong pinanggalingan. Ang
pakikinig sa mga musikang gamit ang sariling wika pati na rin ang katutubong wika ay mahalaga
upang mapahalagahan ang mga wikang umuunlad sa Pilipinas. Maari nating gamitin ang mga ito
upang lubusang kilalanin ang wika. Makikita natin dito na hindi lamang ginagamit ang wika sa
pagsasalita, bagkus pati na rin sa larangan ng musika. Marami tayong magagawa sa ating wika kung
lubos natin itong kilala.
9. Sa iyong palagay, sang-ayon ka bang tanggalin sa kurikulum ang wika at panitikan? Kung hindi,
paano mo kukumbinsihan ang mga may katungkulan na huwag itong tanggalin?
 Hindi ako sang-ayon na tanggalin ang wika at panitikan sa kurikulum. Ang pagtanggal nito sa
kurikulum ay parang pagpatay na rin sa buhay ng isang tao. Nananalaytay sa ating lahi ang wika at
panitikan kung kayat kung tatanggalin ito, paano na tayo matuto sa ating pinagmulan, paano pa natin
makikilala ang ating kultura? Kaya ang nais ko lamang ay lalo pang pag-ibayuhin ang pagtatag nito
nang sa gayo'y makikilala pa nating mabuti ang ating pagkikilanlan.
6. Paano mo masasabing may koneksyon ang wika at panitikan?
 Walang panitikan kung walang wika. Malaki ang ginagampanan ng wika upang maisatitik ang mga
gumagalaw sa isip ng isang manunulat. Ganun pa man, nakadugtong na sa wika ang panitikan
sapagkat sinasalamin ng dalawa ang tradisyon, kultura at paniniwala ng lahing Filipino.
MGA PINAGHANGUAN NG IMPORMASYON

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-wika/

https://www.slideshare.net/thaddeussoria/kahulugan-at-kahalagahan-ng-wika

http://memafilipino.blogspot.com/2017/09/wika.html?m=1

https://www.slideshare.net/RichelleSerano/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-81940212

https://www.academia.edu/37505364/Kasaysayan_ng_Pambansang_Wika_Panahon_ng_Espanyol_Hapones

https://brainly.ph/question/11609386

https://www.scribd.com/doc/38718310/Panahon-ng-Amerikano

https://www.scribd.com/document/398201679/GROUP-3-Panitikang-Filipino-Sa-Panahon-Ng-Kastila-1-2

https://brainly.ph/question/1501878

https://www.panitikan.com.ph/bakit-mahalaga-ang-wika-sa-lipunan

You might also like