You are on page 1of 3

Maikling Kwento at Nobelang Filipino

(F.Lit 101)
Pagsusulit
Direksyon:Bilugan ang titik nang tamang sagot.
1.Sino ang namuno at nagsuri ng maikling kwento at siya rin ang naglimbag sa mga akda
noong 1947 ?
Tamang Sagot: B. Alejandro G. Abadilla
A.Teodoro Agoncillo C.Manuel J. Ocampo
B.Alejandro G. Abadilla D.Hilario L. Koronel

2.Sa taong 1957-1958,Sino ang dalawang nanalo sa patimpalak ng Palanca Memorial


Awards ?
Tamang Sagot: A. Ponciano Pineda at Simplicio Bisa
A. Ponciano Pineda at Simplicio Bisa
B.Pedro S. Dandan at Eduardo Reyes
C.Efren Abueg at Cristobal Cruz
D.Martina Del Rosario at Pedro T. Salazar

3.Lalong sumigla ang pagsulat ng Maikling Kwento noong _____?


Tamang Sagot: D.1950
A.1953 B.1949 C.1955 D.1950

4.Nakita ang tahasang pagkampi ng mga manunulat sa ina –aping mga mahihirap at
lumutang sa mga akda ang kasamaang bunga ng pang-aalipin sa mga mahihina,nang
pumasok ang Dekada __?
Tamang Sagot: C Dekada '70
A. Dekada '50 B. Dekala '80 C. Dekada ’70 D. Dekada ‘60

5. Dumating ang panahong humina ang pagtangkilik ng mga mambabasa sa maikling


kwento. Ano ang ginawa ng manunulat upang maisalba ang unti-unting namamatay
larangan?
Tamang Sagot. B. Sumulat sila ng mga akdang matatapang na nagpapakita sa tunay na
nagaganap sa mundo. Inilahad nila ang tunay na mukha ng lipunan at ang tunay na
katayuan ng mga mahihirap at mayayaman.
A. Sila ay gumawa ng akda na nakaka-aliw at nakaka-manghang basahin.
B. Sumulat sila ng mga akdang matatapang na nagpapakita sa tunay na nagaganap sa
mundo. Inilahad nila ang tunay na mukha ng lipunan at ang tunay na katayuan ng mga
mahihirap at mayayaman.
C. Ang manunulat ay nagpakitang gilas, gamit ang matalinghagang salita. Sila ay
gumawa nang akda na nakakapag-antig ng damdamin.
D.Gumawa sila ng akdang kapupulutan ng aral,na maaaring gamitin sa kanilang pang-
araw-araw buhay.

6. Anong taon ang walang nanalo sa patimpalak ng Palanca Memorial Awards?


Tamang Sagot:D.1990-1991
A. 1994-1995 C.1998-1999
B. 1992-1993 D.1990-1991

7. Sa panahon ng ___________,maraming manunulat ang nabilanggo dahil sa mga


itinuring na rebeldeng panulat, ngunit marami pa ring maikling kwento ang lumabas.
Tamang Sagot: B. Batas Militar
A. Panahon ng Kastila C. Batas ng Sibil
B. Batas Militar D. Panahon ng Amerikano

8.Anong akda ang sinulat ni Domingo Landicho, noong nalantad sa mga akda ang
malalang sakit ng lipunan ?
Tamang Sagot: A. Himagsik ni Emmanuel Lazaro
A. Himagsik ni Emmanuel Lazaro C. Ngiti ng Isang Bangkay
B. Ang Guwardiya D. Sa Luntiang Bukid

9. Sa taong 1992-1993 Anong akda ang sinulat ni Mayette Bayuga ?


Tamang Sagol: D. Rosal
A. Wala sa Sarili C.Ayoko Na
B.Pinsan D.Rosal

10.Ito ay Mga Ugat ng Maikling Kwento,maliban sa isa.


Tamang Sagot C. Kwentong Pambata
A.Anekdota C.Kwentong Pambata
B.Kwentong Bayan D.Mitolohiya

11. Ang salaysay na ito’y hango Bibliya. Lumulutang dito ang moral at ispiritwal na
pamumuhay ng mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga.
Tamang Sagot: B. Parabula
A. Mitolohiya B.Parabula C. Alamat D. Pabula

12. Sa kasalukuyan, ang ______________ ang pinakamaunlad na Sangay ng Panitikan


dito sa ating bansa,maging sa Wikang Filipino o sa Wikang Ingles.
Tamang sagot. D. Maikling Kwento.
A.Nobelang Filipino C.Kasaysayan
B.Alamat D.Maikling Kwento

13. Isinasalaysay sa uri ng kwentong ito ang pinagmulan ng isang bagay, pook,
pangyayari at iba pa.
Tamang Sagot: B: Alamat
A Pabula B.Alamat C. Kwentong-Bayan D. Parabula

14.Nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa na kapupulutan ng mga aral sa


buhay.
Taming Sagot: C.Anekdota
A. Kwentong Bayan C.Anekdota
B.Alamat D.Pabula

15.Ito’y salaysay tungkol sa iba’t-ibang diyos na pinaniniwalaan ng mga sinaunang


katutubo.Ang mga paksa ay tungkol sa mga kababalaghan sa kanilang mga pananalig at
paniniwala sa mga anito.
Tamang Sagot: A.Mitolohiya
A.Mitolohiya C.Pabula
B.Parabula D.Alamat

Inihanda ni Binibining:
Angela Mae P. Vallecer BSED-Filipino 1

You might also like