You are on page 1of 30

YUNIT-IV

Panulaan sa Panahon ng mga Kastila


 Ang Pasyon
 Ang Ibong Adarna
 Ang Karagatan
Layunin
Napaghahambing ang pagkakkaiba ng pasyon, ibong adarna, at karagatan.

Pre- test
1. Ano ang tawag sa isang tulang naratibo ng buhay ni Hesus na isang pang-relihiyong
panitikan na naging pinaka-popular sa panahon na mga Kastila?
a. Karagatan
b. Pasyon
c. Ibong Adarna
d. Florante at Laura

2. Sa anong anyo madalas isinusulat ang pasyon?


a. Quintilla
b. Patula
c. Paawit
d. Plosa

3. Ilang linya mayroon ang bawat saknong ng quintilla?


a. Apat
b. Lima
c. Anim
d. Pito

4. Ilang silabiko naman ang tinataglay nito bawat saknong nito?


a. Lilimahin
b. Pipitohin
c. Wawaluhin
d. Siyam

5. Ilang linya naman mayroon ang bawat saknong ng plosa?


a. Dalawa
b. Tatlo
c. Apat
d. Lima
6. Ilang silabiko naman ang tinataglay ng plosa sa bawat saknong?
a. Lalabindalawahin
b. Lalabintatluhin
c. Lalabin-apatin
d. Lalabinlimahin

7. Ano ang pinakaunang tagalogna pasyon na nailimbag noong 1703 o1704?


a. Pasyong Genesis
b. Ang Casaysayan nang Pasiong Mahal ni JesuCristong Panginoon Natin na Sucat
Ipag-alab nang Puso nangSinomang Babasa
c. Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola
d. Pasyong Candaba.

8. Anong pasyon ang isinulat ni Marcelo H. del Pilar noong 1885 naisangpatutya o
nakakatawang imitasyon ng Pasyong Genesis na may layuning isiwalat ang pang-
aabusong mga prayle?
a. Pasyong Genesis
b. Ang Casaysayan nang Pasiong Mahal ni JesuCristong Panginoon Natin na Sucat
Ipag-alab nang Puso nangSino mang Babasa
c. Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola
d. Pasiong Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Baba sa Kalupitan nang Fraile

9. Sa “Pasiong Pilipino:Ang Buhay at Hirap ng Ating Dakilang Martir” na isinulat ni


Nicasio L. Geronimo.” sino ang itinuturing na reinkarnasyon ni Hesus?
a. Marcelo H. Del Pilar
b. Andres Bonifacio
c. Juan Luna
d. Jose Rizal

10. Ano pinakamapangahas at pinaka-orihinal naman na pasyong politikal na inilathala


noong 1936 ni Lino Gopez Dizon?
a. “Pasion ding Talapagobra, I Cristo Socialista Ya”
b. Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola
c. Pasyong Candaba.
d. Pasiong Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Baba sa Kalupitan nang
Fraile
11. Ano ang tawag sa kaharian na tahanan ng mga pangunahing tauhan?
a. Berbanya
b. Babilonya
c. albanya
d. atenas
12. Saang puno matatagpuan ang Ibong Adarna?
a. Platas
b. Platas Piedras
c. Piedras platas
d. piedras
13. Saang bundok matatagpuan ang mahiwagang ibon?
a. Tabor
b. Arayat
c. tarala
d. armenya
14.Sino ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang ibon?
a. Diwata
b. Ermitanyo
c. lobo
d. matanda
15.Ano ang mga ginamit ni Don Juan upang mahuli ang ibon?
a. Dayap, kutsilyo, gintong lubid
b. Kutsilyo at hawla
c. pagkain ng ibon
d. pana at sako
16.Bakit nagkasakit si Haring Fernando?
a. Siya ay nanaginip
b. Siya ay isinumpa
c. may lumason sa kanya
d. may epidemya ang kaharian
17.Ano ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan para makuha ang
ibon?
a.Binugbog
b.Nilunod
c. itinali
d. Binitag

18. Ano ang ibinigay ni Don Juan sa matandang nakasalubong niya?


a. Tubig
b. Tinapay
c. kanin
d. Prutas

19. Ano ang mensaheng taglay noong tumulong si Don Juan sa matanda?
a. Likas siyang maawain at mapagkawanggawa
b. Alam niyang may maitutulong ang matanda kaya ginawa niya ito
c. Nais ni Don Juan ng gabay sa kanyang misyon
d. Makadiyos si Don Juan at mapanalanginin

20. Sino ang pinaniniwalaang sumulat sa tulang Ibong Adarna?


a. Huseng sisiw
b. Epifanio delos Santos
c. Huseng Batute
d. Francisco Baltazar
21. Ano ang tawag sa pagtatanghal na patula at maipapalagay na isang ritwal dahil
ito ay maaaring isagawa sa paglalamay sa patay?
a. Pasyon
b. Ibong Adarna
c.Karagatan
d.wala sa nabanggit

22. Ano ang tawag sa laro na galing daw sa alamat ng singsing na pag aari ng
isang dalaga?
a. Pasyon
b. Duplo
c. Karagatan
d. Ibong Adarna

23. Saan nahulog ng dalaga ang kanyang singsing?


a.Sa Dagat
b.Sa Kagubatan
c. Sa Plasa
d. Lahat ng nabanggit

24. Ilang taludtod ang bumubuo sa isang saknong?


a. Anim
b. Walo
c. Sampu
d. Apat

25. Ano ang tawag sa ipinalit sa karagatan?


a. Pasyon
b. Duplo
c. Ibong Adarna
d. Wala sa nabanggit

26. Saan galing ang salitang "Duplo"?


a. Amerikano
b. Hapon
c. Kastila
d. Intsik

27. Alin dito ang hindi kabilang sa layunin ng karagatan?


a. Pakinisan sa pagtutula
b.pagandahan ng palaisipan
c. Paiklihan ng pagtutula
d. Palaliman ng talinhaga
28. Ano ibig sabihin ng salitang "Duplo"
a. Tula
b. Doble o ibayo
c. Awit
d. Pasyon

29. Ano ang tawag sa namamatnugot sa larong Duplo?


a. Bilyako
b. Bilyaka
c. Hari
d. Embahador

30. Ano ang tawag sa lalaking nakikipag duplo o duplero?


a. Embahador
b. Hari
c. Bilyako

Iba't Ibang Anyo ng Pasyon sa Pilipinas


Introduksiyon
Ang panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila (1565-1897) ay
masasabingnagtataglay ng relihiyosong karakter dahil na rin sa Kristiyanisasyon sa
ating bansa. Kaya naman,karamihan sa mga obrang nagawa sa panahong ito ay
madalas na katesismo, manwal ukol sa pangungumpisal, libro ng balarila at mga
talahulugan. At dahil ang naunang panahon ay oral pa lamang ang anyo ng literatura,
nang itala ito ng mga prayle ay nahaluan na ito ng tema ngKristiyanismo.
Isa sa mga naging pinaka-popular na anyo ng pang-relihiyong panitikan ay
ang ‘pasyon,’na isang mahabang tulang naratibo ng buhay ni Hesus. Madalas ay
isinusulat ito sa anyongquintilla kung saan sa bawat saknong ay mayroong limang
linya na nagtataglay naman ngwawaluhing silabiko. Samantalang ang ibang anyo
naman nito ay ang plosa o apat na linya na maylalabindalawahing silabiko ang bawat
saknong. Parehong asonantal ang tugmaan ng dalawanganyong ito (paraan ng
pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig).

Kasaysayan ng Pasyong Pilipino


Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola (Holy
Passion ofOur Lord Jesus Christ in Verse) ni Gaspar Aquino de Belen ang sinasabing
pinakaunang tagalog na pasyon na nailimbag noong 1703 o 1704. Ang bersyong ito ni
Aquino de Belen ay nag-umpisa sa Huling Hapunan at nagtapos naman sa kamatayan
bilang isang martir ni Longinus. Noong 1814 naman ay nagkaroon ng panibagong
bersiyon ng pasyon, angCasaysayannang Pasiong Mahal ni Jesucristong Panginoon
Natin na Sucat Ipag-alab nang Puso nangSinomang Babasa (The Story of the Holy
Passion of Our Lord Jesus Christ That Should Inflamethe Heart of the Reader). At
dahil nag-umpisa ito sa Paglikha ng Tao sa Aklat ng Henesis atnagtapos naman sa
Huling Paghatol sa mundo, mas nakilala ito sa tawag na Pasyong Genesis.
Nagkaroon pa ng ikatlong bersyon ang tagalog na pasyon noong 1852, angEl
Libro de LaVida: Historia Sagrada Con Santas Reflexiones y Doctrinas Morales Para
La Vida CristianaEn Verso Tagalog (The Book of Life: Sacred History with Pious
Reflections and Moral Teachingsfor the Christian Life Written in Tagalog Verse) na
isinulat ni Aniceto de la Merced. Mas kilala ito sa tawag na Pasyong de la Merced o
Pasyong Candaba.
1 Balarbar, Corazon et. al.,Gems in Philippine Literature (National Bookstore Inc.,1989), p. xxiv.

Ang tatlong teksto na ito ng pasyon ay naglalaman ng aral tungkol sa


moralidad at
Kristiyanong pamumuhay. Halimbawa nito ay ang aral ng Pasyong Genesis matapos
matagpuan si Hesus sa templo nang siya’s mawalay sa piling nina Jose at Maria.
Itinuturo nito ang pagigingmasunurin at paglapit ng anak sa magulang dahil sa
sakripisyong ginagawa ng magulang para sa anak.Hindi umano ito masasabing basta-
basta na lamang na pagsasalin ng Espanyol na bersyon ng pasyon sa Tagalog sapagkat
nagbago na mismo ang teksto ng pasyon dahil sa paglalapat ng mga Pilipinong
makata ng sarili nilang sensibilidad sa mga tauhan nito.
Dagdag pa rito, dahil sa taglay na kasikatan ng Pasyong Genesis, naisalin ito
sa iba’t ibangdialekto ng mga lalawigan sa ating bansa. Ilang naitalang pagsalin ay sa
dialektong Pangasinense,Bicolano, Ilocano, Ilonggo, Waray, Pampango, Sambal,
Ibanag at Cebuano. Sa Pampanga pa nga,naging kaugalian ang pagpapagawa ng
sariling espesyal na pasyon ng isang partikular na pamilyasa mga makata sa kanilang
lugar. Isang halimbawa nito ay ang David Codex.Sa mga nangyaring pagsasalin na ito
ng pasyon, hindi talaga maiiwasan ang pagkakaroonng pagpapakahulugan sa ibang
pangungusap (paraphrasing), pagdaragdag ng mga kuwento mula sabibliya na hindi
naman naisama sa naunang bersyon at pagkakaiba-iba ng simula at wakas mismonito.

Pasyon Bilang Instrumento ng mga Politikal na Ideolohiya


Dahil nga sa kasikatan ng pasyon, ginamit ito bilang bihikulo ng mga kaisipang
ipinaglalaban ng ilang manunulat laban sa konseptong ipinasok sa atin ng mga Kastila
- na isangHesus na maaamo at sunud-sunuran na siyang naging modelo nating mga
Pilipino.
Isa sa mga naunang halimbawa nito ay ang sinulat ni Marcelo H. del Pilar noong 1885
na“Pasiong Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Baba sa Kalupitan nang Fraile,”
na isangpatutya o nakakatawang imitasyon ng Pasyong Genesis na may layuning
isiwalat ang pang-aabuso ng mga prayle.
Noong 1935 naman, sinulat ni Pascual Poblete ang “Patnubay ng Binyagan”
na halaw saPasyong Candaba at dagdag na berso mula sa Pasyong Genesis, ngunit
binago niya ang mga aralnito upang ikonekta sa mga kasalukuyang pambansang isyu
noon. Halimbawa nito ay angkataksilan ni Hudas, ang kanyang pagtanggap ng
kabayaran ay inihantulad ni Poblete sa 20milyong dolyar na tinanggap ng Espanya
mula sa Amerika bilang bayad-pinsala ayon sanangyaring Kasunduan sa Paris noong
1898.
Itinuring naman na reinkarnasyon ni Hesus si Rizal sa “Pasiong Pilipino: Ang Buhay
atHIrap ng Ating Dakilang Martir na si Dr. Jose Mercado Rizal” na isinulat ni Nicasio
L. Geronimo.
Ang akda naman ni Julian Leguro ay ang “Tonco del mundo” o ang “Pasyong
Truncalis nanagtatalakay ngmga esoterikong kaalaman sa miyembro ng kanilang
samahan.Noong 1934 naman, inilimbag ni Joaquin Mañibo ang “Pasion nang Bayan
sa Kahapo'tNgayon” na may temang nasyonalismo dahil sa pagtalakaay sa umano'y
mapayapang buhay ngmga Pilipino bago ang mga naging pananakop, ang
pagkawasak na sanhi ng Kastila at ng Amerika,at ang pagkakanulo sa interes ng masa
ng mga makasariling pulitiko tulad nina Quezon, Roxas atOsmeña.
Samantala, ang pinakamapangahas at pinaka-orihinal naman na pasyong
politikal ayinilathala noong 1936 ni Lino Gopez Dizon na “Pasion ding Talapagobra,
I Cristo Socialista Ya”(Passion of the Worker) o mas kilala sa bansag na Pulang
Pasyon dahil sa paglalantad nito ng mgakatiwalian sa lipunan at panawagang baguhin
ang bulok na sistemang kapitalismo. Tulad ngorihinal na pasyon, ang Pulang Pasyon
ay nasa anyong dalit (tulang may walong pantig bawattaludtod) at may limang
taludtod bawat saknong. Nasusulat ito sa Kapampangan, merong 794 nasaknong
(3,970 taludtod) at binubuo ng tatlumpung kabanata. Umaabot ito ng 108 pahina
kungsaan ang orihinal na bersyong Kapampangan ay may katapat na salin sa Tagalog.
Sa haba nito,halos dalawang araw itong inaawit sa Pabasa pag mahal na araw. Sa
Pulang Pasyon, angmanggagawa ang bagong Kristong nagpapasan ng krus ng
kahirapan, na nananawagan ngpagkakaisa ng uring manggagawa at pagbabalikwas
laban sa kapitalismo. Naging malaki angambag nito upang lumaganap ang sosyalismo
sa bansa.Muli na itong nasundan noong 1976 sa ilalim ng rehimeng Marcos, na
nilikha ni Francisco“Soc” Rodrigo matapos ang kanyang naging detensiyon bilang
isang “political prisoner.”Pinamagatan niya itong “Si Kristo ay Rebelde” kung saan
binigyang-diin niyang si Hesus, sa halipna tila mahina o walang tapang na siyang
inilalarawan ng mga naunang pasyon, ay marunonglumaban at manindigan para sa
katarungan. Tinutukan ng bersyong ito ni Rodrigo ang mga berso
sa Bibliya na tila kinalimutan na o hindi nabigyang pansin ng mga tao.

Deribasyon ng mga Makata ng Pasyon


Maraming mga makatang Pilipino ang ginamit din ang pasyon bilang
inspirasyon ngkanilang mga sariling akdang pampanitikan kung saan ang imahe nito,
ang mga tauhan, ang istoryaat ang porma ay maaaring naaayon o sumasalungat sa
ideya ng pasyon.
Isa na rito ay ang “Pasyong Mahal ni San Jose” ni Jose F. Lacaba (ca 1971),
na gumamitng anyong quintilla sa tatlong saknong na monologo ng karpinterong si
Jose na siyang noo'ykasintahan ni Maria. Narito ang tala ng tula ni Lacaba:
Matay na niyang isipin
ang kabuntisan ng Birhen
anopa’t babaling-baling
walang matutuhang gawin,
ang loob niya’t panimdim.Pait, katam at martilyo,
ibubulong ko sa inyo
ang masaklap kong sikreto:
hindi ko pa inaano
ay buntis na ang nobya ko.
Ang sabi ng anghel, wala
akong dapat ikahiya,
walang dahilang lumuha;
dapat pa nga raw matuwa
pagkat Diyos ang gumahasa.
Martilyo, katam at pait,
makukuha bang magalit
ng karpintero? Magtiis.
Ang mahina at maliit,
wala raw laban sa langit.

Pulang 2 Pulang Pasyon (Pasyon ng mga Manggagawa) ni Gregorio V. Bituin Jr. (Pahayagang Obrero, Marso 2004, pahina 7).

Naging kontrobersiyal ang isa mga taludtod ng tulang ito na - “ pagkat Diyos
anggumahasa” dahil “offensive” na mga salita umano ito sa relihiyong Kristiyanismo.
Ngunit sa isang interbyu na isinagawa ni Carmela Lapena ng GMA News noong
Nobiyembre 30, 2011 para sakanyang artikulong “When literature offends: authors
speak up,” nagbigay paliwanag si Lacaba:"Ibig sabihin, patama sa mga, kung sa
salitang aktibista, sa mga naghaharing uri. Hindidiyos na Diyos kung ‘di mga diyos
ng ating lipunan. So merong deliberate na pinapatamaan.”Bukod dito, isa pa sa
akdang pinabasa sa amin ay ang maikling kuwento ni Wilfredo P.Virtusio na “Maria,
Ang Iyong Anak” kung saan ginamit ang persona nina Jesus, Maria at Jose bilang
mga tauhan na bumubuo sa isang pamilya noong kasagsagan ng pamumuno ni
Marcos.
Kung susuriin ang akda, pagkamulat ng isang ina ang tema ng “Maria, Ang
Iyong Anak” niVirtusio. Napilitang makisosyo ni Maria sa tiwaling pulis para
mapaaral lamang ang anak na siJesus. Naging kolektor si Maria ng tong ng pulis.
Nakatira sila sa Looban at nais niyang mahangosi Jesus sa lugar na ito. Mag-isa itong
binuno ni Maria dahil ang asawang si Jose ay biktima ngkarahasan. Natagpuan itong
lumulutang sa estero, basag ang bungo, pinapatay ng Intsik na galit sakanya dahil siya
ang pinuno ng unyon ng mga manggagawa sa kanilang pabrika.
Hindi mapigil ni Maria ang paghinto sa pag-aaral ni Jose. Ang anak niya ay
naging aktibosa kilusan. Laman ito ng mga DG at naging manunuri ng lipunan.
Ipinaliwanag ni Jesus angkaniyang prinsipyo: labanan ang pang-aapi, ipalaganap ang
demokrasya sa lahat, at tapusin angkarahasan ng mga pulis at poltiko. Nagwelga rin
sila sa Plaza Miranda para labanan angreaksiyonaryong simbahan. Nasaksihan ni
Maria ang karahasan ng mga pulis sa kabataan. Sakaniyang panaginip, pinaliligiran
sila ng mga baboy-ramo, lobo, at buwaya. Ito ang simbolo ng mga kaaway. Sa huli’y
matatagpuan niya ang anak na bangkay sa ilalim ng tulay ng Mendiola.
Konklusyon
Makikita sa mga talang iyan pa lamang kung paanong yumabong ang kaisipan
ng mgamakatang Pilipino mula sa simpleng pasyon na nagsasalaysay ng buhay ni
Hesus hanggang sa paghulma nito sa iba't ibang kaanyuan bilang repleksiyon ng mga
nasiyonal na isyu na kinaharapng ating bansa.
Kung isasalarawan ko ito, masasabing sa umpisa ay tila isang kuting ang
pasyon natingmga Pilipino. Isang kuting na itinuturing lamang na simpleng anak ng
kanyang Ina. At ang mga makatang Pinoy ay tila isang inosenteng bata na labis na
natuwa sa kuting na ito. Ang kanyang naging unang pananaw ay maamo at 'di
makabasag-pinggan ang kuting. Kanya itong paglalaruan kasama ng kanyang mga
kaibigan. At sa paglalaro nilang ito ay matutuklasan nila na marunong rin pa lang
mangalmot ang kuting. Kanila itong patuloy na paglalaruan, hanggang sa ito'y maging
isa nang ganap na pusa. Sa paglaking ito ng kuting ay kayraming pagbabago itong
naranasan.
Nariyang nabalian ito ng paa dahil sa labis na paglalaro ng mga bata, nariyang
nalapnusan ito ngbalat dahil sa kakulitan ng mga bata at nariyan naman pininturahan
ito at pinagmukhang isang tigre dahil iyon ang ninanais ng mga bata. Sa pagiging
ganap na pusa ngayon ng dating kuting na ito,hindi mo na halos makita ang bakas o
hawignito sa kanyang Ina. At sa huli, ang kuting na ito naisa na ngang ganap na pusa
ay siya namang manganganak ng mga panibagong kuting. Siyempre, naririyan pa rin
ang mga hindi mapigilan sa 'kakulitang' mga batang patuloy na paglalaruan ang mga
panibagong silang na kuting. Tulad ng mga makatang Pinoy na siyang gagawa at
gagawa ng mga panibagong bersyon ng pasyong Pilipino, o kahit na anong anyo pa
man ng obra maestra ito –tula, maikling kuwento, awit, kahit ano. Patuloy ang ikot ng
buhay ng kuting!
Sanggunian:
 LumberaBienvenido.Tagalog Poetry:Assimilation and Synthesis.1987.Pasyon.
Handouts na ibinigay ng guro
 Nakuha mula sawebsite ng GMA News –
http://www.gmanetwork.com/news/story/240131/lifestyle/literature/when-
literatureoffends-authors-speak-
 Pulang 2 Pulang Pasyon (Pasyon ng mga Manggagawa) ni Gregorio V. Bituin Jr.
(Pahayagang Obrero, Marso 2004, pahina 7).
 Balarbar, Corazon et. al.,Gems in Philippine Literature (National Bookstore
Inc.,1989), p. xxiv.
Ang Ibong Adarna (Korido)
KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA
Walang tiyak na petsa kung kailan isinulat ang tula. Hindi rin alam kung sino ang sumulat
ng akda. May ilang naniniwalang si Jose dela Cruz o Huseng Sisiw ang nagsulat nito, ang
makatang nagturo kay Francisco Balagtaskung paano tumula.
Ang Ibong Adarna ay isang korido. Ito ay kadalasang nagsisimula sa panalangin o pag –
aalay ng akda sa Birhen o sa isang santo. Ito ay tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at
kababalaghan. Nakasentro ang kwento ng Ibong Adarna sa isang Ibong nagtataglay ng
mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling
umawit at marinig ang tinig nito.
Ito ay patulang salaysay na paawit. Tinatawag din itong tulang romansa (metrical romance).
Ang salitang kurido ay nagbuhat sa salitang Espanyol/Latino na nangangahulugang
“kasalukuyang pangyayari.” Ang kurido ay dala rito ng mga Kastila buhat sa Europa na
pawang sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa salaysay. Pinagsama-sama rito ang
romansa, ang pakikipagsapalaran, kabayanihan, at kataksilan at mga sangkap na pantakas sa
karahasan ng katotohanan. Minsan ang kurido ay tinatawag ding awit, at di-tiyak ang
pagkakaiba ng dalawa.
Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa
impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat nawalong pantig bawat linya at may apat
na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang
pagpapahayag ng mga tula. Corrido at buhay na pinagdaanan nang tatlong Prinsipeng
magkakapatid na anak nang Haring Fernando at nang Reyna Valeriana sa kahariang
Berbanya.

Ang Kurido at awit ay parehong tulang romansa.

AWIT KURIDO
Binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang . Binubuo ng walong pantig sa loob ng isang
taludtod. taludtod.

Ang himig ay mabagal na tinatawag na Ang himig ay mabilis na tinatawag na


andante. allegro.

Tungkol sa bayani at mandirigma at larawan Tungkol sa pananampalataya, alamat, at


ng buhay. kababalaghan .

Ang mga tauhan ay walang kapangyarihang Ang mga tauhan ay may kapangyarihang
supernatural ngunit siya ay nahaharap din sa supernatural o kakayahang magsagawa ng
pakikipagsapalaran ngunit higit na mga kababalaghan na hindi magagawa ng
makatotohanan o hango sa tunay na buhay. karaniwang tao.

Apat na Bahagi ng Ibong Adarna


 Unang Bahagi –
Ang paghahanap ng tatlong prinsipe (Don Pedro, Don Dieago at Don Juan) na anak
nina Haring Fernando at Reyna Valeriana ng Berbanya sa Ibong Adarna upang
gumaling ang sakit ng hari. Ang awit ng Ibong Adarna ay makapagpapagaling sa sakit
ng Hari.
 Ikalawang Bahagi –
Pakikipagsapalaran ni Don Juan sa kaharian ng Armenya at pagkahulog nito sa balon.
Ditto natuklasan at nakilala ni Don Juan si Donya Juana at Donya Leonora. Ipinakita
sa bahaging ito ang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.
 Ikatlong Bahagi –
Ang pagliligtas ng lobo kay Don Juan ayon sa habilin ni Donya Leonora at patuloy na
pakikipagsapalaran ni Don Juan hanggang sa makilala si Donya Maria.
 Ikaapat na Bahagi –
Ang pagbabalik ni Don Juan sa kahariang Berbanya na kasama si Donya Maria.
Iniwan mismo si Donya Maria at pinangakuan na babalikan dahil kay Donya Leonora.
Nagkaroon ng pagdinig sa hinaing ng dalawang prinsesa at nagtapos ang kabanata sa
pagpapakasal ni Don Juan kay Donya Maria.

MGATAUHAN
Ibong Adarna
-Ang makapangyarihang ibon na nakatira sa puno ng Piedras Platas na matatagpuan sa
Bundok Tabor. Tanging ang magandang tinig niya ang lunas sa karamdaman ng hari.
Haring Fernando
-Siya ang hari ng Cahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.
Donya Valeriana
Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ang ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan
Don Pedro
-Panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ay nagtungo sa
kabundukan upang hanapin ang ibong nakapagpapagaling sa karamdaman ng amang hari.
Don Diego
- Siya ang pangalawang anak nina Hari Fernando at Reyna Valeriana. Siya rin tumungo sa
kabundukan upang hanapin ang ibong adarna.
Don Juan
- Siya ang makisig na bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang
prinsipeng nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor.

DONYA MARIA BLANCA


-Sya ang anak ni Haring Salermo na tunay na inibig ni Don Juan. Sya ay nagtataglay ng
kakaibang mahika.
Donya Leonora
-Ang magandang prinsesa ng Armenya na nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don Juan. Sya
ang naging kabiyak ni Don Pedro
Donya Juana •
-Prinsesa ng kahariang Armenya na kapatid ni Donya Leonora ang nakatuluyan ni Don
Diego.
Donya Isabela
-Sya ang kapatid ni Donya Maria Blanca na anak ni Haring Salermo.
Ang Leproso
-Matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulong kay Don Juan.
Unang Ermitanyo
-Nagsabi kay Juan kung paano hulihin ang Ibong Adarna at iligtas ang mga kapatid.
Ermitanyong Uugod-ugod
-Ang tumulong kay Don Juan upang manumbalik ang kanyang lakas matapos syang
pagtaksilan ng kanyang mga kapatid.
Haring Salermo
-Ang hari ng Kahariang Reyno delos Cristales na nagbigay ng matinding pagsubok kay Don
Juan. Sya ang ama ni Donya Maria Blanca.
Arsobispo
-Ang humatol na dapat ikasal sina Donya Leonora at Don Juan.
Ang Higante
-Ang may bihag at nagbabantay kay Donya Juana.
Malaking ahas na pito ang ulo
-Nagbabantay kay Donya Leonora. Serpyente
Lobo
-Alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa kaharian ng Armenya.

Ibong Adarna
May isang kahariang ang pangalan ay Berbanya na pinamumunuan ni Haring
Fernando. May asawa siyang nagngangalang Reyna Valeriana at mga anak na sina Don
Pedro, Don Diego at Don Juan na pawang nakalinya bilang susunod na hari ng Berbanya.
Nang nagkaroon na di malamang karamdaman ang hari, hinanap ni Don Pedro ang Ibong
Adarna na ang awit lamang ang makapagpapagaling sa sakit ng hari. Narating niya ang puno
ng Piedras Platas subalit hindi niya nakita ang ibon dahil nakatulog siya dala ng pagod at
naging bato nang mataehan ng mahiwagang ibon. Sumunod naman ay si Don Diego, nakita
niya ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng awit ng Adarna kaya naging bato.
Maluwalhati namang nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok Tabor at doon ay may
nakita siyang ermitanyo. Binigyan siya nito ng pagkain at ilang impormasyon tungkol sa
Ibong Adarna pati na rin 7 dayap at isang labaha upang hindi makatulog. Nang marating niya
ang puno, ginamit niya ang mga dayap at labaha. Nang mahuli niya ang adarna, tinalian niya
ang paa at saka dinala sa ermitanyo at nilagay sa loob ng isang hawla. Pinabuhusan ng tubig
ang dalawang kapatid at naglakad sila patungo sa Berbanya. Habang nasa daan,
pinagtulungan ng dalawa si Don Juan upang masolo ang pagiging hari. Ang adarna ay
malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si Don
Juan. Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya.
Nakita ng Adarna si Don Juan at ito ay umawit at nagamot si Haring Fernando. Iminungkahi
ng Adarna na gawing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na ipatapon ang dalawa, ngunit dahil
humiling si Don Juan na huwag na lang, ito ay pinatigil. Pinabantayan ng hari ang Adarna sa
tatlong magkakapatid, ngunit pinuyat ng dalawa si Don Juan at pinakatakas ang Adarna.
Pinahanap ng hari ang maysala. Nagkita-kita ang magkakapatid sa kaharian ng Armenya at
dahil nabighani sila sa ganda ng lugar, hinikayat nila si Don Juan na doon na lang manirahan.
Di nagtagal, nakakita sila ng balon. Tinangka nilang marating ang ilalim nito ngunit tanging
si Don Juan lang ang nagtagumpay. Namangha si Don Juan sa ganda ng ilalim ng balon at sa
kagandahan ni Juana. Nag-ibigan ang dalawa. Napatay ni Don Juan ang higante. Paalis na
sana sila nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang bunso niyang kapatid na si Donya
Leonora. Umibig din si Don Juan kay Prinsesa Leonora. Sa huli, ay napaibig din niya si
Leonora. Hindi matalo ni Don Juan ang serpiyente kaya, binigyan ni Leonora si Don Juan ng
balsamo at napatay niya ang serpiyente. Sila ay lumabas ng balon kasama si Juana. Naalala ni
Leonora ang kanyang singsing, kaya nakiusap siya kay Don Juan na balikan ito, ngunit nang
babalikan na ito ni Don Juan, pinatid ng kanyang panganay na kapatid ang tali. Ginawa ito ni
Don Pedro dahil nagkagusto siya kay Donya Leonora. Pagkatapos, inaya na ng dalawang
magkapatid sina Juana at Leonora na sumama na sila sa kaharian ng Berbanya. Nag alala si
Leonora kay Don Juan kaya pinasundan niya si Don Juan sa kanyang alagang lobo.
Nanaginip si Haring Fernando tungkol kay Don Juan kaya nang dumating ang apat sa
Berbanya, nalungkot siya nang di makita si Don Juan. Hiniling ni Don Pedro na ipakasal na
sila ni Leonora ngunit hindi pumayag si Leonora, sinabi nitong siya ay may panata na hindi
muna magpapakasal sa loob ng 7 taon. Sa halip, sina Don Diego't Juana ang ipinakasal.
Lumakas si Don Juan nang mapahiran ng tubig mula sa ilog-Herdan sa tulong ng lobo. Pauwi
na siya ng Berbanya nang makita siya ng Ibong Adarna. Sinabi nito sa kanyang kalimutan na
si Leonora at sa halip, siya'y maglakbay patungo sa Reyno de los Cristales upang makita ang
higit pang maganda at makapangyarihang si Maria Blanca. Nahirapan si Don Juan bago
marating ang kaharian ng de los Cristales.may mga tumulong sa kanya na magkakapatid na
ermitanyo na may mga balbas. Samantala, hinihintay ni Don Pedro si Leonora subalit si Don
Juan lang ang nasa puso ng prinsesa. Sumakay si Don Juan sa isang agila ng pangatlo sa
tatlong ermitanyo tumulong sa kanya patungong de los Cristales. Doon, nakarating sila sa
banyo ni Maria Blanca at ng kanyang mga kapatid.
Di nagtagal, dumating ang mga ito at naligo sila. Sa kanyang nakita, pinakanabighani
si Don Juan kay Prinsesa Maria Blanca. Ninakaw ni Don Juan ang kasuotan ni Prinsesa Maria
habang ito'y naliligo. Nagalit ito nang matapos siyang maligo at di matagpuan ang kanyang
damit. Humingi ng patawad si Don Juan kay Princesa Maria at di nagtagal umibig na rin si
Maria kay Don Juan. Matapos mapagbilininan ni Donya Maria, hiningi ni Don Juan ang
kanyang kamay kay Haring Salermo. Gaya ng kaugalian sa panliligaw, ibinigay na agad ng
hari ang kanyang unang pagsubok kay Don Juan. Ginamit ni Prinsesa Maria ang kanyang
mahika upang maisagawa ang pagsubok. Dahil dito, nagtagumpay si Don Juan sa unang
pagsubok at palihim na nagulat si Haring Salermo kay Don Juan. Inilahad na ng hari ang
kanyang ikalawang pagsubok kay Don Juan: ang pangongolekta muli ng 12 na negrito at si
Maria na naman ang gumawa nito. Pagkatapos, ibinigay na ng hari ang kanyang ikatlong
pagsubok; ang paglipat ng bundok sa tapat ng bintana ng kwarto ng hari. Malamang, nagulat
ang hari sa pagiging matagumpay ni Don Juan. Tinawanan lamang ni Donya Maria ang ika-
apat na pagsubok. Hinayaan lamang Maria na matulog si Don Juan habang ginagawa niya ito.
Nawala ang singsing ng hari sa pagkakatalsik nito sa dagat nang siya ay nasa muog na
ipinatayo niya kay Don Juan. Hiniling naman ng hari na ibalik ang bundok sa dating puwesto
at patagin bilang ika-limang pagsubok na nagawa naman ni Donya Maria nang maayos.
Kinailangan namang tadtarin pa ni Don Juan si Maria upang mahanap ang nawawalang
singsing ng hari na naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang daliri na nakapaloob sa ika-
anim na pagsubok ng hari. Hiniling ng hari kay Don Juan na paamuhin ang mailap at ubod ng
samang kabayo ng hari bilang huling pagsubok. Napaamo naman ni Don Juan ang kabayo sa
tulong ng mga tagubilin ni Donya Maria. Nang mapili ni Don Juan si Maria, hindi pa rin
pumayag si Haring Salermo na ipakasal si Don Juan sa kanyang anak kaya nagtanan ang
dalawang magkasintahan. Sa sobrang kalungkutan ng hari ito ay namatay. Bumalik si Don
Juan sa kaharian ng Berbanya at nagsaya ang buong kaharian. Hiniling niya sa hari na
magpaksal sila ni Leonora. Nagpunta si Maria sa Berbanya ngunit hindi siya nakilala ni Don
Juan. Nagsagawa ng pagtatanghal si Maria patungkol sa mga pangyayari at pagsubok nilang
dalawa ni Don Juan, at naalala na niya na ang mahal nya ay si Maria Blanca. Nagpakasal sina
Maria Blanca at Don Juan bumalik sila sa Reyno de los Cristal at namuno. Si Leonora naman
at si Don Pedro ang nagkatuluyan. At dito nagwawakas ang kuwento ng Ibong Adarna

Sanngunian:

https://www.slideshare.net/kasaysayan-ng-ibong-adarna
https://youtu.be/stq_PGJpJts

ANG KARAGATAN
Ang karagatan ay isang pagtatanghal na patula at maipapalagay ring isang ritwal dahil
ito'y maaring maisagawa sa paglalamay sa patay o kaya'y bilang isang uri ng pagdiriwang sa
ikaapat na araw, ikasiyam na araw o sa ikaapatnapung araw o kaya sa pagkaraan ng isang
taon.
Ang karagatan ayon kay Jose Villa Panganiban (1992) ay isang larong may paligahan sa
tula. Ang pangalan ng laro ay KARAGATAN na galing daw sa alamat ng singsing na pag
aari ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat. Ang binatang makakakuha ng singsing ay
siyang pagkakalooban ng gintong "granada" o ng pag-ibig ng dalagang nawalan. Ang laro ay
karaniwan nang ipinahahayag ng isang namumuno at sa pamamagitan ng tula ay isasaad ang
dahilan ng gayong pagsasaya at pagtitipon. Ang isang lumbo o tabo na may tandang puti ay
paiikutin at ang matapatan ng tanda sa pagtigil ng tabong umiikot ay siyang may tungkuling
maunang lumusong sa dagat upqng siyang humanap sa singsing at ihandog sa dalagang
napupusuan matapos na siya'y bumigkas sa tula. Ang dalagang pipili at tutula rin bago niya
tanggapin ang singsing. Sa pagbigkas pa lamang, ang dalaga't binata ay magpapagalingan na
sapagbigkas ng tula. Ang karagatan ay may apat na taludtod sa isang saknong at ang mga
dulong sa salita ay may tugma. Layunin nito ang pakinisan sa pagtula, pagandahan ng
palaisipan at palaliman ng talinghaga. (Panganiban, Jose Villa et al., 1992)
Karagatang ito'y kahit na malalim,
Pangangahasan ko't aking lulusungin,
Hustong bait ninyo ang titimbulanin
Na maaasahang sasagip sa akin.
O kaya'y
Karagatang ito'y oo nga't mababaw,
Mahirap lusungin nang hindi maalam,
Kaya kung sakaling ako'y masawi man,
kamay mong sasagip yaong hinihintay.

ANG KARAGATAN

 (May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote.
May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang
matanda ang lalapit sa ponda.)

Tandang Terong:   Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay ‘di


                              pa nagagatungan.

Isang Manonood:   Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y


                              makakain.
Maring:  Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit
               na marami ang nasa kalan kaysa kailangan.

Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t


                       naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap;
                             ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan.Kung ‘di   
                                 matiyak ni Neneng  kung sino sa kanila ang kakausapin,  
                             mga kanayon ano’ng  kailangan?

Lahat:  Tanging paraa’y ang karagatan.

Ingkong Terong:  Ayos ka na ba, Neneng?

Neneng:  Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan


                rin ninyo ang masusunod.

Ingkong Terong:  At kayong apat?

Apat na Lalaki :   Opo.

Ingkong Terong:   Akin  na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga  


                      ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon).
                             Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang
                             sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan).    
                             At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig                       
                             upang makuha ang singsing.

Mga Tao:   (Palakpakan)

Isang Tao:  Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang   


                   nailunod  na talisuyo sa karagatan.

Berting:  Magandang gabi sa inyong lahat


               Mga nariritong kanayon ni Neneng
                  At sa iyo mutya’y muling nagpupugay.
                  Ipinangangakong nahulog mong singsing
                    Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay
                    Tanda ng pag-ibig na walang hangganan.
                    Dahilan sa ako’y siyang nakabunot
                    Ng palitong itong nagpapahintulot
                    Ako ay sumisid sa dagat ng nais
                    At ang iyong singsing ay aking makamit
                    Ay katunayan nang Diyos ang pumili
                    Na ako ngang ito’y siya mong itangi.    
                    Sumisid sa singsing na aking hinulog
                    Subalit ‘di upang siyang maging irog
                    Kundi idaan lang muna sa pagsubok
                    Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito
                    At singsing kong ito ay nang maangkin mo
                    Ang singsing na itong linso’t walang bato
                    Turan mo’ng simula at ang dulo nito.

Berting:  Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat


           Na ‘di matatarok ng isip kong pahat.
           Kaya’t iyong singsing nais mang makuha
           Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.

Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa iba


           Nang ‘di masabing ikaw ay buwaya
           Akong nabunot ng pang-ikalawa
           Inaangkin hirang kanyang karapatan
           Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong
           Na siyang panumbas sa iyong pag-irog.

Neneng:  Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin


           Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing.

Kulas:  Singsing, aking Neneng, walang puno’t dulo


           Mayroon ngang simula at may wakas ito
           Ang simula’y bilog nito na panloob
           At ang katapusa’y panlabas na bilog.
           Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig
           Haya’t nasisid  ko singsing mong nahulog.

Neneng:   Iyan ang tanong diyan kay Lamberto


           Kaya’t heto naman ang para sa iyo;
           Nang ika’y parito, pamula sa kanto
            Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo?
           May ilaw ay ilan, iyo sanang turan
           Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo?

Kulas:  Salamat Neneng ko’t iyang katanungan


           Kay daling sagutin kaya’t aking masasabing
           Ako’y tanging mahal; Heto ang tugon ko:
           Bahay, pito lamang at sa mga ito’y
           Aking natandaan, apat ang may ilaw-
           Ito’y patotoong isip ko’y malinaw.

Neneng:  Kulas, ika’y mali sa iyong katugunan


           Kaya’t isasalin itong aking tanong
           Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong
           At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong.

Nardo:  Ako ang ikatlong dapat subukin mo


           Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y:
           Pamula sa kanto at hanggang sa rito
           Walang bahay ni ilaw akong natandaan
           Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal.
Mga Tao:  (Palakpakan at kantiyawan)

Neneng:  Kung gayon ito naman ay tugunin


           Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin
           Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo
           Hindi tumatapon walang ligwak ito?

Nardo:  Sa abot ng isip narito ang tugon:


           Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo
           Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo
           Ay isang malaki’t mabisang magneto;
           Hinihigop nito ang lahat ng narito
           At sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo.

Mga Tao:  Magaling! Mabuhay si Nardo!

Neneng:  Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan


           Paanong buwang sa langit ay tanglaw
           Aking mahihipo’t mapaglalaruan?
           Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lamang
           Kung talagang ako ay sadyang mahal mo
           Paiirugan mo ang hiling kong ito.

Nardo:  Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo,


           Noong ako’y munti’t pinalalaki mo.
           Isang paborito’t ibig kong kuwento
           Ay siyang panugon sa tanong na ito.
          Sa pamamagitan ng isang salamin
          Minumutyang buwan ay pabababain
          Kahit sa kandungan ng mutya ko’t giliw
          Mapaglalaruang buwang hinihiling.

Mga Tao:  Magaling! Iyan ang binata namin!...


           Pakinggan natin ang tanong na ikatlo.

Nardo:  Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong


           Singsing na nahulog aking sisisirin
           Sukdang ikapugto ng hiningang tangan
           Kung puso ng mutya’y aking maaangkin.

Neneng:  Ako’y nangangamba, ako’y natatakot


           Na ang huling tanong kaniyang masagot
           Itong karagatan isang laro lamang
           Ngunit paglalarong birong totohanan
           Ayoko na yatang ito ay ituloy
           Baka sa sagutan ako’y maparool.

Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako.


Neneng:  Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito.
            Kung tayo’y makasal, ay nanaisin ko
Na magpulot-gata sa bayang Mindoro
           Na ating sasakya’y binalsang kawayan
           Na bigkis ng lubid na pawang hinabi
           Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili.

Nardo:  Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita


           Kaya’t imposible’y pag-aariin pa
           Lubid na buhangin, aking pipiliin
Kung pababaunan ng aking pagkain
           Bawat isang linggong kakailanganin
           Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin.

Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggaling


           Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin?

Nardo:  ‘Pagkat paniwalang ‘di ka sinungaling

Neneng:  Ano ang batayan ng iyong pasaring?

Nardo:  Salamat kung gayon, mutya ko at giliw


           Ikaw ay may wikang tapat at matining
          Nang iyong sabihin tayo’y kakasalin
          Inakalang tapat ikaw sa paggiliw
          Kaya’t sa problemang aking
          Kahati ka sa tuwa’t  sa ligaya gayo’y din
          Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin
          Kung sa hirap nito’y kasalo ang giliw.

Neneng:  Ayoko’t ‘di tama! ‘Di pala kasal,


           Ni walang sintahan ay mag-aasawa na.

Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta!

Neneng:  Ay sayang! Sayang na pag-ibig


           Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig
           Kung ikaw rin lang siyang sisisid
           Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig.

Tandang Terong:   Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko.


                    Ako ang hahatol. Tama si Nardo.
                    Ang karagata’y simula lang ng kuwento
                    Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
                    At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.

Pepito:   (Iiling-iling at magkikibit ng balikat.)

Mga Tao:   Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay!


           Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino!
           (Palakpakan)

ANG DUPLO
Kung kailan nawala ang "karagatan" upang mapLitan ng "duplo" ay mahirap nang matunton
ngayon, ngunit pinaniniwalaang ang duplo ay isang pagpapalawak ng paligsahan sa
pagbigkas ng tula. Sa kastila ang salitang "duplo" ay nangangahulugang DOBLE o IBAYO.
Sa larong ito, amg mahalaga ay ang pagtatalo sa tula at ang kahusayan sa pagbigkas. Ang
mga tula ay isinasaulo ng mga duplero at karaniwang hango sa mga awit at kurido,
salawikain, kasabihan at iba pang babasahing pangkasalukuyan.
Ang laro ay pinangungunahan ng isang hari na tinatawag ng "punong halaman." Ang
mga kasali ay mga bilyako (lalaki) at bilyaka (babae). Nagsisimula ang laro sa pagdarasal ng
isang "Ama Namin" at isang "Aba Ginoong Maria" at isang "Rekyemeternam" na patungkol
sa namatay. Ang hari ay tutula at mag sasabing may ibon siyang nakawala na hinuli at
pinatay ng kung sino ang kanyang tatawagan. Ang tinawag o pinagbintangan ay
magtatanggol sa pamamagitan ng tula, kung lalaki ay magbibintang namansa isang babae at
ang babae ay sasagot o tatanggi rin nang patula. Magpapatuloy ang pagbibintang at
pagtatanggol. Magpapatuloy ang ganitong palitan ng tula at hahantong sa pagkakainitan
hanggang sa ipasya ng harina tapos na ang laro. Magkakaiba ang pamamaraan ng duplo sa
iba't ibang pook. Kungminsan ay nagiging paraan ito ng pagpapahayag ng pag-ibig ng isang
bilyako sa isang bilyaka at ang dalawa ay magsasagutan ng tula.
Paraan ng Paglalaro
Sa pamumuno ng mamamatnugot na hari, ang lahat ng nasa dupluhan, maging mga
kalahok at mga nagsisipanood, ay magsarasal muna ng isang Ama namin, isang Aba Ginoong
Maria at isang Rekyementernm bilang patungkol sa kaluluwa ng yumaong sa gabing iyon ay
pinararangalan o ginugunita. Pagkatapos ng dasal at makaupo na ang mga bilyako at mga
bilyaka (nasa gawing kanan ang mga babae at nasa gawing kaliwa ang mga lalaki) ay
pasisimulan ang duplo.
Mga tauhan
Hari- Namamatnugot sa larong Duplo.
Bilyako- Lalaking nakikipagduplo o duplero.
Bilyaka- Babaeng nakikipagduplo o duplera.
Embahador- Ang sinumang marunong ng Duplo na mananawagan nang patula mula sa labas
ng kabilugang pinagtatanghalan at naghahangad na lumahok sa laro.

Duplo
Ang Ibon ng Hari
                                           
Hari:  Simulan na ang laro. Bumilang kayo.
Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo.

Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo.

Hari:  Tribulasyon!

Lahat:  Tribulasyon!

Hari:  Estamos en la Buena composicion.(Titindig)


          Ang komposisyon ng tanan
          ay paglalarong mahusay!
          Ang magulo ay mahalay
          Sa mata ng kapitbahay.
          Mga binibini at mga ginoo,
          Matatanda’t batang ngayo’y naririto,
          Malugod na bati ang tanging handog ko
          sa pagsisimula nitong larong duplo.
          Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal,
          Asero ang pinto’t patalim ang urang;
          Ngunit at nawala ang ibon kong hirang,
          Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw!

Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw.

Hari:  Sino ang nagnakaw?

Bilyako 1:  Kagabi po, hari, maliwanag ang b’wan;


          May isang aninong aking natanaw;
          Hindi sinasadya, nang aking lapitan
          Isang babae po, iyang natagpuan.

          At kitang-kita kong ikinubli niya.


          Siya’y naririto at nasa tribuna,
          Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!

Hari :  Diyata’t bilyaka?


           Sino sa kanila?

Bilyako 1: Sa unang hanay po.

Bilyaka 2:  H’wag paniwalaan.


                   Siya’y bulaan!
                  (Magkakaingay)

Hari:  (Sa lahat) Katahimikan!


          (Sa Bilyako 1) Mapatototohanan?

Bilyako 1:  Ako’y nalalaan!

Bilyaka 2:  Kung kagabi lamang ang sinabi niya,


                   Hindi maaari’t kami’y magkasama;
                   Kami’y namamasyal ng irog kong sinta,
                   Pa’nong mananakaw ang ibon sa hawla?

Hari:  Kung hindi nga siya, sabihin kung sino


          At pakaasahang parurusahan ko.

Bilyaka 2:  Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang hanay,


                   Doon nakaupo nang buong hinusay,
                   Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.)
                   Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang?

Hari:  Pinararatanga’y hindi umiimik,


           Tila nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-iisip)
           Sapagkat may sala
           Heto, palmatorya! (Akmang papaluin)

Bilyako 2:  Kaiingat kayo, O mahal na hari,


                   Mag-isip-isip ka’t baka magkamali.
                   (Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy)
                   Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw.
                   Aking ibubulong kung pahihintulutan.

Hari: Nagpapahintulot!

Bilyako 2: (Lalapit at bubulong)

Hari:  Ipakakaon ko, talaga bang tunay?


         (Siyang pagdating ng abay ng reyna)

Abay ng Reyna:  Mahal na hari po, ibo’y aking dala,


                   Isasauli ko sa kinunang hawla;
                   Kagabi po ito’y kinuha ng reyna
                   Siya ay nag-aliw sa pangungulila!

Hari:  Kung gayon ay walang dapat parusahan!


          Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan.
          Kung uulitin pa’y ipagbibigay-alam
          Nang huwag ang iba ang mapagbintangan.

Abay ng Reyna: ’Pinagbigay-alam sa inyong gward’ya,


                    Baka nalimutan at nalingat siya.

Hari:  Maraming salamat, bilyaka’t bilyako,


           Ngayo’y tinatapos itong larong duplo

Post-test
1. Ano ang tawag sa isang tulang naratibo ng buhay ni Hesus na isang pang-relihiyong
panitikan na naging pinaka-popular sa panahon na mga Kastila?
a. Karagatan
b. Pasyon
c. Ibong Adarna
d. Florante at Laura

2.Sa anong anyo madalas isinusulat ang pasyon?


a. Quintilla
b. Patula
c. Paawit
d. Plosa

3. Ilang linya mayroon ang bawat saknong ng quintilla?


a. Apat
b. Lima
c. Anim
d. Pito

4. Ilang pantig ang bumubuo sa bawat saknong nito?


a. Lilimahin
b. Pipitohin
c. Wawaluhin
d. Sisiyamin

5. Ilang linya naman ang bawat saknong ng plosa?


a. Dalawa
b. Tatlo
c. Apat
d. Lima
6. Ilang silabiko naman ang tinataglay ng plosa sa bawat saknong?
a. Lalabindalawahin
b. Lalabintatluhin
c. Lalabin-apatin
d. Lalabinlimahin

7. Ano ang pinakaunang tagalog na pasyon na nailimbag noong 1703 o 1704?


a. Pasyong Genesis
b. Ang Casaysayan nang Pasiong Mahal ni JesuCristong Panginoon Natin na Sucat
Ipag-alab nang Puso nangSino mang Babasa
c. Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola
d. Pasyong Candaba.

8. Anong pasyon ang isinulat ni Marcelo H. del Pilar noong 1885 na isangpatutya o
nakakatawang imitasyon ng Pasyong Genesis na may layuning isiwalat ang pang-aabusong
mga prayle?
a. Pasyong Genesis
b. Ang Casaysayan nang Pasiong Mahal ni JesuCristong Panginoon Natin na Sucat Ipag-
alab nang Puso nangSino mang Babasa
c. Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola
d. Pasiong Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Baba sa Kalupitan nang Fraile

9. Sa “Pasiong Pilipino: Ang Buhay at Hirap ng Ating Dakilang Martir” na isinulat ni


Nicasio L. Geronimo.” sino ang itinuturing na reinkarnasyon ni Hesus?
a. Marcelo H. Del Pilar
b. Andres Bonifacio
c. Juan Luna
d. Jose Rizal

10. Ano ang pinakamapangahas at pinaka-orihinal na pasyong politikal na inilathala


noong 1936 ni Lino Gopez Dizon?
a. “Pasion ding Talapagobra, I Cristo Socialista Ya”
b. Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola
c. Pasyong Candaba.
d. Pasiong Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Baba sa Kalupitan nang Fraile

11. Ano ang tawag sa kaharian na tahanan ng mga pangunahing tauhan?


a. Berbanya
b. Babilonya
c. albanya
d. atenas

12. Saang puno matatagpuan ang Ibong Adarna?


a. Platas
b. Platas Piedras
c. Piedras platas
d. piedras

13. Saang bundok matatagpuan ang mahiwagang ibon?


a. Tabor
b. Arayat
c. Tarala
d. Armenya
14.Sino ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang ibon?
a. Diwata
b. Ermitanyo
c. lobo
d. matanda
15.Ano ang mga ginamit ni Don Juan upang mahuli ang ibon?
a. Dayap, kutsilyo, gintong lubid
b. Kutsilyo at hawla
c. pagkain ng ibon
d. pana at sako
16.Bakit nagkasakit si Haring Fernando?
a. Siya ay nanaginip
b. Siya ay isinumpa
c. may lumason sa kanya
d. may epidemya ang kaharian

17.Ano ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan para makuha ang ibon?
a. Binugbog
b Nilunod
c itinali
d. Binitag

18. Ano ang ibinigay ni Don Juan sa matandang nakasalubong niya?


a. Tubig
b. Tinapay
c. kanin
d. Prutas

19. Ano ang mensaheng taglay noong tumulong si Don Juan sa matanda?
a. Likas siyang maawain at mapagkawanggawa
b. Alam niyang may maitutulong ang matanda kaya ginawa niya ito
c. Nais ni Don Juan ng gabay sa kanyang misyon
d. Makadiyos si Don Juan at mapanalanginin

20. Sino ang may akda sa tulang Ibong Adarna?


a. Huseng sisiw
b. Epifanio delos Santos
c. Huseng Batute
d. Francisco Baltazar
21. Ano ang tawag sa pagtatanghal na patula at maipapalagay na isang ritwal dahil ito ay
maaaring isagawa sa paglalamay sa patay?
a. Pasyon
b. Ibong Adarna
c.Karagatan
d.wala sa nabanggit

22. Ano ang tawag sa laro na galing daw sa alamat ng singsing na pag aari ng isang dalaga?
a. Pasyon
b. Duplo
c. Karagatan
d. Ibong Adarna
23. Saan nahulog ng dalaga ang kanyang singsing?
a.Sa Dagat
b.Sa Kagubatan
c. Sa Plasa
d. Lahat ng nabanggit

24. Ilang taludtod ang bumubuo sa isang saknong?


a. Anim
b. Walo
c. Sampu
d. Apat

25. Ano ang tawag sa ipinalit sa karagatan?


a. Pasyon
b. Duplo
c. Ibong Adarna
d. Wala sa nabanggit
26. Saan galing ang salitang "Duplo"?
a. Amerikano
b. Hapon
c. Kastila
d. Intsik

27. Alin dito ang hindi kabilang sa layunin ng karagatan?


a. Pakinisan sa pagtutula
b.pagandahan ng palaisipan
c. Paiklihan ng pagtutula
d. Palaliman ng talinhaga

28. Ano ibig sabihin ng salitang "Duplo"


a. Tula
b. Doble o ibayo
c. Awit
d. Pasyon

29. Ano ang tawag sa namamatnugot sa larong Duplo?


a. Bilyako
b. Bilyaka
c. Hari
d. Embahador

30. Ano ang tawag sa lalaking nakikipag duplo o duplero?


a. Embahador
b. Hari
c. Bilyako

You might also like