You are on page 1of 5

Filipino 7

Ikaapat na Markahan

Aralin: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

MELC: Naibibigay ang kahulugan at katangian ng korido (F7PT-Iva-b-18);


Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa
bisa ng binasang bahagi ng akda (F7PB- Iva-b-20);

Susing Konsepto

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG IBONG ADARNA


Pag-aalay sa Birhen
Saknong 1 – 6

Ayon kay B.S. Medina, Jr. ang mga naunang salaysay-bayan ay dinala
rito mula Mehiko at kabilang dito ang mga tulang romansa at balada na naging
popular noon sa Europa sa panahon ng Edad Media o Middle Ages.
Kabilang sa mga tulang romansa ang korido at ang awit. Ang sabi pa ni
Medina, naging tanyag at naging masigla ang mga tulang romansa noong
ika-18 dantaon nang matuto ang mga katutubo ng alpabetong Romano.

Nagmula ang salitang korido sa “corrido” ng Mehiko na galing sa


Espanya na “occurido” na ang ibig sabihin ay “nangyari.”
Ang korido ay may sukat na wawaluhing pantig sa bawat taludtod at
maaaring awitin sa himig na allegro o mabilis samantalang ang awit ay may
sukat na lalabindalawahing pantig sa bawat taludtod at maaaring awitin sa
himig na andante o banayad.

Batay sa ibinigay na impormasyon ni Medina, ang “Ibong Adarna”


bilang isang halimbawa ng korido ay nagtataglay ng sumusunod na mga
katangian:
• isinulat upang basahin at hindi awitin;
• maaaring may himig na allegro o mabilis kung aawitin;
• tumatalakay sa romansa’t pakikipagsapalaran;
• ginagalawan ng mga tauhang malabayani;
• nagtataglay ng kapangyarihang may kababalaghan;
• nagbibigay ng aral sa mambabasa;
• naglalarawan kung paano ipinaglalaban ng mga tauhan ang tunay
nilang pag-ibig; at
• may wawaluhing pantig sa bawat taludtod.

Isinaayos ni Marcelo P. Garcia sa makabagong paraan ang


pagkakahati-hati ng mga kabanata ng “Ibong Adarna.”

1
Unang Bahagi – Ang paghanap ng tatlong prinsipe (Don Pedro, Don
Diego at Don Juan) na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana ng
kaharian ng Berbanya sa Ibong Adarna upang gumaling ang sakit ng hari.
Ang awit ng Ibong Adarna ay makapagpapagaling sa sakit ng hari.

Ikalawang Bahagi – Ang pakikipagsapalaran ni Don Juan sa kaharian


ng Armenya at pagkahulog nito sa balon. Dito natuklasan at nakilala ni Don
Juan sina Donya Juana at Donya Leonora. Ipinakita sa bahaging ito ang
pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.

Ikatlong Bahagi – Ang pagliligtas ng lobo kay Don Juan ayon sa


habilin ni Donya Leonora at ang patuloy na pakikipagsapalaran ni Don
Juan hanggang sa makilala si Donya Maria.

Ikaapat na Bahagi – Ang pagbabalik ni Don Juan sa kaharian ng


Berbanya na kasama ni Donya Maria. Iniwan mismo si Donya Maria at
pinangakuan ni Don Juan na babalikan ito .Habang naghihintay naman si
Donya Leonora ang unang inibig ni Don Juan . Nagkaroon ng pagdinig sa
hinaing ng dalawang prinsesa at nagtapos ang kabanata sa pagpapakasal ni
Don Juan kay Donya Maria at ni Don Pedro kay Donya Leonora.
Sanggunian: Tatlong Panahon ng
Panitikan
ni B.S. Medina, Jr. (1972)

Iba pang akda tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido


(Marina G. Merida)

Mula nang dumating ang mga Kastila hanggang sa pagtatapos ng


kanilang pamamahala sa Pilipinas, ang panitikang Pilipino ay itinuturing na
makarelihiyon sapagkat ang pangunahing layunin ng pananakop ng mga
Kastila ay ang ipalaganap ang Kristiyanismo. Makikita ito sa mga literatura
na kanilang iniwan tulad ng awit, tula, sanaysay, korido, komedya, at ang
moro-moro. Ang korido, tulad ng awit, ay higit na kinagiliwang basahin o
pakinggan tuwing Linggo at tuwing pista at sa mga oras ng pamamahinga.
Kadalasan itong binabasa samantalang nakikinig sa paligid ang maraming
kapitbahay.

Ang korido ay mahabang tula na binubuo ng mga taludtod na may


wawaluhing pantig . nagsasalaysay ng isang kasaysayan o mga pangyayaring
nagdudulot ng mabubuting aral. Layunin ng korido ang mangaral at palakasin
ang pananampalataya kay Hesukristo at ang kaalaman tungkol sa daigdig
pangalawa lamang ang magbigay-aliw sa mambabasa o tagapakinig.
Kitang-kita ito sa pinakahuling saknong na karaniwang binibigyang-diin ang
aral ng tula, manaka-naka’y may pangaral habang inilalahad ang kuwento.
Sa Ibong Adarna, makikita ito sa unang bahagi pa lamang ng korido, ang
“Pag-aalay,” ng isang dasal na inialay sa Mahal na Birheng Maria.

2
O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit
Liwanagin yaring isip
Nang sa layo’y di malihis.

Ang korido ay kadalasang tumatalakay sa mga alamat at sa mga paksang may


kinalaman sa pananampalataya at relihiyong Katoliko. Ito ay binibigkas o
inaawit nang allegro o mas mabilis na musika. Isinasabuhay sa anyong awit
ang mga kuwento na hango sa alamat at kasaysayan ng Espanya gaya ng
“Alamat ni Bernardo Carpio” at “Siete Impante de Lara” na kadalasang
naririnig ng mga Pilipino sa pakikinig ng korido. Kadalasang ang mga paksa
ay tungkol sa alamat, kuwentong-bayan, buhay ng santo, at mga kuwento
na hango sa Bibliya. Mga prinsipe, prinsesa at iba pang marangyang tao
naman ang karaniwang pangunahing tauhan ng korido.

Ayon kay Trinidad Hermenigildo de Tavera o mas kilala sa tawag na


T.H. Pardo de Tavera at isang mahusay na manunulat tungkol sa iba’t ibang
aspekto ng kultura ng Pilipinas na binanggit sap ag-aaral ng manunulat na si
Lilia A. Villa na ang korido ay isang distorsyon o balbal ng salitang Kastilang
“occurido” na nangangahulugan ng “mga pangyayari.”

Naging popular ang korido bilang libangan sa panahon ng Kastila sa


dahilang ang korido ay naihahalintulad ng mga tagapakinig ang kanilang
sariling buhay tulad din ng mga pangunahing tauhan na nakamit ang
kanilang pangarap na kaginhawahan sa buhay.

May tatlong elemento ang tema na nangingibabaw sa isang korido. Ito


ay ang romantiko, relihiyoso at pangaral, at ang kahima-himala at kagila-
gilalas na pangyayari. Ang romantiko ay naglalarawan ng pag-ibig o
pagmamahal sa kapwa, bayan o bansa. Ang relihiyoso at pangaral ay ang
pagbibigay ng payo gayundin ng mga tamang kaugalian sa loob at labas ng
tahanan na siyang nagpapatibay sa mga aral ng mga relihiyoso o ng mga
taong simbahan. Samantala, ang kahima-himala at kagila-gilalas na
pangyayari ay ang paglalahad sa korido ng mga bagay o pangyayari na may
halong nakagugulat at may mahika na kung susuriin ay hindi mangyayari
sa tunay na buhay.

Gawain 1

Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Paano nakarating sa bansa ang korido?
2. Bakit kinagiliwan ng mga Pilipino ang mga korido?
3. Paano ang pagkakahati-hati ng mga kabanata ng Ibong Adarna na
isinaayos ni Marcelo Garcia?
4. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang korido bilang
isang anyo ng panitikang Pilipino?
5. Paano ginamit ng mga Kastila ang korido upang maipalaganap ang
Kristiyanismo sa Pilipinas?

3
Gawain 2
A. Panuto: Tukuyin ang mahahalagang detalye at mensahe mula sa binasang
akda. Isulat sa inyong sagutang papel ang hinihingi ng graphic organizer.

Kaligirang
Pangkasaysayan
ng Korido

B. Panuto: Ilahad ang iyong sariling pananaw at saloobin tungkol sa


layunin ng awtor sa pagpasok ng mga katangiang sa kabila ng paghihigpit
ng mga Kastila, pilit pa rin na naipapasok sa mga korido ang mga katangian
ng mga sinaunang Pilipino. Isulat sa inyong sagutang papel ang hinihingi ng
graphic organizer.

Korido

Sariling Pananaw
Sariling Pananaw sa sa
Korido Korido
4

You might also like