You are on page 1of 5

Pagsusuri sa Ibong Adarna

I. Panimula:

Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na
ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa
pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring
Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong
Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kuwento sa Adarna, isang ibon
na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling
umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kuwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng
Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan
kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora. May ilang mga kritiko ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong
Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw.

II. Pagsusuri sa Ibong Adarna

a. Kaligirang Kasaysayan
Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay Corrido at Buhay na
Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anak ng Haring Fernando at ng Reina
Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito,
bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de
la Cruz. Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas
kung paano sumulat ng tula.

b. Pagkakaiba ng awit at korido


Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:

1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit


2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa "allegro", samantala ang awit
ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya "allegro"
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga
mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob ditto

Mga Halimbawa ng Korido: Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso,
Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo
de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya
Maria sa Ahas

Mga Halimbawa ng Awit: Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni


Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita
at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana.

c. Mga Tauhan:
 Ibong Adarna – ang mahiwagang ibon
 Haring Fernando – hari ng Berbanya at ama nina Don Juan, Don Pedro at Don Diego
 Don Pedro – pangganay sa magkakapatid at may inggit kay Don Juan
 Don Diego – Pangalawa sa magkakapatid at sunudsunuran ni Don Pedro
 Don Juan – bunso sa magkakapatid
 Prinsesa Leonora – prinsesa iniligtas ni Don Juan sa serpyente. Kapatid ni Prinses Juana
 Prinsesa Juana – Kapatid ni Prinsesa Leonora. Ikinulong sa balon. Ang nagbabantay sa
kanya ay isang higante.
 Donya Maria Blanca – Prinsesa ng Reino de los Kristales. May mas makapangyarihan
kaysa kay Haring Salermo. Mayroon sya na Mahika Blanca
 Donya Isabel - ang kapatid nina Donya Juana at Donya Maria
 Serpyente - ang ahas na may Pitong ulo. Ang nagbabantay kay Prinsesa Leonora
 Higante - ang bantay ni Prinsesa Juana.
 Olikornyo - ang naghatid kay Don Juan sa kapatid ng Ermitanyo na kanyang napaghingan
ng tulong.
 Haring Salermo - Ama nina Donya Juana, Isabel at Maria Blanca. May taglay ng Itim na
Mahika
 Ang Leproso - ang tumulong kay Don Juan
 Reyna Valeriana - Ina nina Don Juan, Diego, Pedro
 Lobo - ang Hayop na alaga ni Prinsesa Leonora na gumamot kay Don Juan noong siya'y
pinag kaisahan at pinagtulungan nila Don Pedro't Don Diego.
 Ang Agila- nagsakay kay Don Juan upang makapunta sa Reino Delos Kristales. Alaga ng
Ermitanyong kapatid niya . Ang kapatid niya ay ang Ermitanyong Hari ng Himpapawid.

d. Tagpuan: sa tahimik at masaganang kaharian ng Berbanya

e. Maikling Buod:

May isang kaharian pangalan ay Berbanya na pinamumunuan ni Haring Fernando. May asawa
siyang nagngangalang Reyna Valeriana at mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan na pawang
nakalinya na susunod na hari ng Berbanya. Nang nagkaroon ng di malamang karamdaman ang hari,
hinanap ni Don Pedro ang Ibong Adarna na ang awit lamang ang makapagpapagaling sa sakit ng hari.
Narating niya ang puno ng Piedras Platas subalit hindi niya nakita ang ibon dahil siya ay naging bato.
Sumonod naman ay si Don Diego, nakita niya ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng awit ng Adarna
kaya naging bato. Maluwalhati namang nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok Tabor at doon ay may
nakita siyang Ermitanyo. Binigyan siya nito ng pagkain at ilang impormasyon tungkol sa ibong Adarna pati
na rin 7 dayap at isang labaha upang hindi makatulog. Nang marating niya ang puno, ginamit niya ang mga
dayap at labaha. Nang mahuli niya ang Adarna, tinalian niya ang paa at saka dinala sa Ermitanyo at nilagay
sa loob ng isang hawla. Pinabuhusan ng tubig ang dalawang kapatid at naglakad sila patungo sa Berbanya.
Pinagtulungan ng dalawa si Don Juan upang masolo ang pagiging hari. Ang Adarna ay malungkot ganoon
din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si Don Juan. Ginamot ng isang uugod-ugod
na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Naakit ng Adarna si Don Juan at ito ay umawit at
nagamot si Haring Fernando. Iminungkahi ng Adarna na gawing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na
ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si Don Juan na huwag na lang, ito ay pipinatigil.

Pinabantayan ng hari ang Adarna sa tatlong magkakapatid, ngunit pinuyat ng dalawa si Don Juan
kaya nakatakas ang Adarna. Pinahanap ng hari ang maysala. Nagkita-kita ang magkakapatid sa kaharian ng
Armenya at hinikayat nila si Don Juan na doon na lang manirahan. May nakita silang tao sa balon at
tinangka nilang marating ang ilalim nito ngunit tanging si Don Juan lang ang nagtagumpay. Namangha si
Don Juan sa ganda ng ilalim ng balon at kagandahan ni Juana. Nag-ibigan ang dalawa. Napatay ni Don Juan
ang higante. Paalis na sana sila nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang bunso niyang kapatid na si
Donya Leonora. Umibig din si Don Juan kay Prinsesa Leonora. Sa huli, ay napaibig din niya si Leonora.
Hindi matalo ni Don Juan ang serpiyente kaya, binigyan ni Leonora si Don Juan ng balsamo at napatay niya
ang serpiyente. Sila ay umalis ng balon kasama si Juana. Naalala ni Leonora ang kanyang singsing, kaya
nakiusap sya kay Don Juan na balikan ito, ngunit nang babalikan na ito ni Don Juan, pinatid nang kanyang
dalawang kapatid ang tali. Inaya na nang dalawang magkapatid si Juana at Leonora na sumama na sila sa
kaharian ng Berbanya. Nag alala si Leonora kay Don Juan kaya pinasundan niya si Don Juan sa kanyang
kaibigang lobo. Nanaginip si Haring Fernando tungkol kay Don Juan. Nalungkot ang hari nang di Makita si
Don Juan. Hiniling ni Don Pedro na ipakasal na sila ni Leonora ngunit hindi pumayag si Leonora, sinabi
nitong sya ay may panata na hindi muna magpapakasal saloob ng 7 taon. Sa halip, sina Don Diego't Juana
ang ipinakasal. Lumakas si Don Juan nang mapahidan ng tubig mula sa Ilog Jordan sa tulong ng lobo.
Hinanap ni Don Juan ang Ibong Adarna at natagpuan nya ito at sinabi sa kanyang kalimutan na si Leonora
at sa halip siya'y maglakbay patungo sa Reino de los Kristales upang makita si Donya Maria Blanca.
Nahirapan si Don Juan bago marating ang Reino de los Kristales. May mga tumulong sa kanya na
magkakapatid na Ermitanyo na may mga balbas. Hinintay ni Don Pedro si Leonora subalit si Don Juan lang
ang nasa puso ng prinsesa. Sumakay si Don Juan sa isang agila ng ermitanyo patungong Reino de los
Kristales. Narinig ni Don Juan na may mga dalagang naghahagikhikan, hinanap niya ito.ang mga dalagang
ito ay tatlong mag kakapatid, naliligo sila sa iba’t-ibang ilog. Ang pinaka nagustuhan ni Don Juan sa tatlong
magkakapatid ay si Donya Maria Blanca. Ninakaw ni Don Juan ang kasuotan ni Donya Maria habang ito'y
naliligo. Humingi ng patawad si Don Juan kay Donya Maria at di nagtagal umibig na rin si Maria kay Don
Juan. Pinatuloy ni Haring Salermo si Don Juan. Gusto niyang pakasalan si Maria kaya ibinigay na agad ng
hari ang kanyang unang pagsubok kay Don Juan. Ginamit ni princesa Maria ang kanyang mahika upang
maisagawa ang pagsubok, dahil dito nagtagumpay si Don Juan sa unang pagsubok, palihim na natuwa si
Haring Salermo kay Don Juan. Inilahad na ng hari ang kanyang ikalawang pagsubok kay Don Juan; ang
pangongolekta muli ng 12 na negrito at si Maria nanaman ang gumawa nito. Pagkatapos, ibinigay na ng
hari ang kanyang ikatlong pagsubok; ang paglipat ng bundok sa tapat ng bintana ng kwarto ng hari.
Malamang, nagulat ang hari sa pagiging matagumpay ni Don Juan. Tinawanan lamang ni Donya Maria ang
ika-apat na pagsubok. Hinayaan lamang ni Maria na matulog si Don Juan habang ginagawa niya ang
pagsubok. Nawala ang singsing ng hari sa pagkakatalsik nito sa dagat nang siya ay nasa muog na ipinatayo
niya kay Don Juan. Hiniling naman ng hari na ibalik ang bundok sa dating puwesto at patagin bilang ika-
limang pagsubok na nagawa naman ni Donya Maria ng maayos. Kinailangan namang tadtarin pa ni Don
Juan si Maria upang mahanap ang nawawalang singsing ng hari na naging dahilan ng pagkaputol ng
kanyang daliri na nakapaloob sa ika-anim na pagsubok ng hari. Hiniling ng hari kay Don Juan na paamuhin
ang mailap at ubod ng samang kabayo ng hari bilang huling pagsubok. Napaamo naman ni Don Juan ang
kabayo sa tulong ng mga tagubilin ni Donya Maria. Nang mapili ni Don Juan si Maria, hindi pa rin pumayag
si Haring Salermo na ipakasal si Don Juan sa kanyang anak kaya nagtanan ang dalawang magkasintahan.
Sa sobrang pagkalungkot ng hari ito ay namatay. Bumalik si Don Juan sa kaharian ng Berbanya at nagsaya
ang buong kaharian. Hiniling niya sa hari na magpakasal sila ni Leonora. Nagpunta si Maria sa Berbanya
ngunit hindi siya nakilala ni Don Juan. Nagsagawa ng pagtatanghal si Maria patungkol sa mga pangyayari
at pagsubok nilang dalawa ni Don Juan at naalala na niya na ang mahal niya ay si Maria Blanca.
Nagpakasal sina Maria Blanca at Don Juan bumalik sila sa Reyno de los Kristales at namuno. Si Leonora
naman at si Don Pedro ang nagkatuluyan.

f. Banghay at elemento ng Pangyayari


Simula: Mapayapa anag kaharian nang Berbanya na pinamumunuan ni Haring Fernando at nang kanyang
asawa na si Reyna Valeriana. Sila ay may tatlong anak, sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Nang
biglang nagkaroon ng malubhang sakit si Don Fernando na sanhi ng isang bangungot. Pinapunta ni Haring
Fernando si Don Pedro para hulihin ang ibon na sinasabing makakapagpagaling sa kanya. Sumunod si Don
Diego dahil sa tagal ni Don Pedro.

Suliranin: Mga pagtataksil kay Don Juan ng mga kapatid niya at ang tangkang pagpatay kay Don Juan ni
Haring Salermo

Tunggalian:
Tao laban sa Tao: Don Juan at Haring Salermo
Tao laban sa Sarili: Don Diego at ang kanyang sarili (kung sino ang kakampihan niya)
Tao laban sa Kalikasan: Don Juan at Serpente
Tao laban sa Lipunan: Don Diego at ang mga tao sa Berbanya

Kasukdulan: Nagdaan ang maraming panahon at hindi rin nakabalik si Don Diego sa kaharian. Kaya
naisipan ni Don Juan na kagaya nang mga kapatid niya, hahanapin din nya ang Ibong Adarna. Nahuli ni
Don Juan ang ibon at naibalik sa dati ang mga batong buhay na siyang mga kapatid niya na naging bato
dahil sa ipot ng ibon sa tulong nang ermitanyo. Habang dala-dala ang ibon sa daan patungo sa kaharian,
dumaan sila sa isang balon kung saan doon nila natagpuan ang magkakapatid na prinsesa na sina Donya
Juana at Leonora at dahil sa inggit ni Don Pedro, itinapon niya si Don Juan sa balon at dinala ang ibon.

Kakalasan: Hindi umawit ang Ibong Adarna sa harap ng mahal na hari. Sinabihan ni Donya Leonora ang
kanyang lobo upang tulungan si Don Juan sa bingit nang panganib. Nagbalik si Don Juan at umawit na ang
ibon. Pinatawad ni Don Juan ang mga kapatid at nagkasundo na bantayan ang ibon nang tigtatatlong oras
ang bawat isa. Dahil sa kasamaan pinakawalan nina Don Pedro’t Diego ang ibon at idiniin si Don Juan.
Nakita ni Don Juan ang ibon, sinabi nang ibon na hanapin niya si Maria Blanca ng de los Crytal.

Wakas: Nakita ni Don Juan si Maria Blanca at umibig siya rito at hinarap ang mga hamon ni Haring
Salermo para makuha ang kamay ni Maria Blanca. Ngunit sa pagdating sa kaharian ng Berbanya,
nakalimot si Don Juan kay Maria Blanca. Napilitan tuloy si Maria Blanca na sundan si Don Juan sa kaharian
at itigil ang kasal nina Donya Leonora’t ang minamahal niyang si Don Juan. Ipinalala rin niya ang
pinagdaanan nila sa kanilang pagsasama. Kaya napagdesisyonan ni Haring Fernando na ipakasal sina
Donya Leonara at Don Pedro samantalang si Don Juan at Maria Blanca naman. Ipinasa ni Haring
Fdernando ang pamamahala sa kaharian ng Berbanya kay Don Pedro’t Donya Leonora habang bumalik
sina Maria Blanca at Don Juan sa Cristalinos upang doon na mamuhay nang mapayapa.

III. Implikasyon ng Ibong Adarna

a. Sa sariling bilang anak

Karaniwan sa atin ay may inggit na nakatago sa kalooban natin kapag ang isang kapatid natin ay
may mas magandang ginawa kaysa sa atin. Gusto man natin angkinin ang kanilang gantimpala ng ating
magulang na inaasam-asam natin. Pero dahil sa sobrang inggit, pwede rin natin masaktan ang isa’t-isa.
Ang pagmamahal lang ang tatapos ng lahat ng problema natin.

b. Sa pamilyang Pilipino

Mahal ni Don Juan ang kanyang pamilya kahit ilang beses sya sinaktan ng kanyang mga kapatid.
Para sa atin, gano ka ayaw natin sa ating mga kapatid o magulang, maaalala natin na sila ang ating
minamahal na pamilya sa lahat ng problema natin. Sila ang sasalo sa atin pag nahuhulog tayo sa ating mga
problema. Kaya si Don Juan ay mapatawad sa kanyang mga kapatid dahil alam nya na kapamilya nya sila.

c. Sa paniniwalang Katoliko

Sa mga paglalakbay ni Don Juan, pinapakita ang proteksyon at gabay ng Panginoon sa kanya.
Hindi sya hinayaan mamatay kung saan-saan lang. Sa tulong ng Panginoon, naging matagumpay si Don
Juan sa lahat ng kanyang paglalakbay dahil sa kanyang malakas na paniniwala para sa Diyos. Pag
naniniwala tayo sa Diyos, gagabayin, pro-protektakan at papagaling tayo ng Panginoon sa ating lakbay.

VI. Mahalagang Aral

Nag-iwan si Don Juan sa kanyang lakbay ang kanyang kabutihan sa mga Tauhan. Kahit hindi nya
kilala, tinutulungan pa rin ni Don Juan sila. Bilang pasasalamat sa kanyang kabutihan, tinutulungan nila si
Don Juan sa kanyang lakbay para hanapin ang Ibong Adarna.

Sa madaling salita pagminahal mo ang kapwa tao mo, babalikan nila ikaw ng kabutihan binigay
mo sa kanila.

V. Sangguanian: http://tl.answers.com/Q/Sino_ang_mga_tauhan_sa_kwentong_ibong_Adarna
http://tl.wikipedia.org/wiki/Ibong_Adarna
http://tl.answers.com/Q/Pinaka_maikling_buod_ng_ibong_adarna_sa_tagalog

You might also like