You are on page 1of 6

I.

Layunin
sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na:
a. Makikilala ang mga panulaan sa panahon ng kastila
b. Matatalakay ang Panulaan sa panahon ng kastila
c. Nakapagbibigay ng mga mahahalagang pangyayare sa Florante at Laura
II. Introduksyon

Ang panulaan sa panahon ng Kastila ay nagsimula sa pagdating ng mga misyonerong


Kastila sa Pilipinas. Sa simula, ang mga tula ay walang tiyak na kaanyuan at masasabing ang
mga unang tulang Pilipino ay ang mga salawikain, bugtong, sawikain, at kasabihan. Nang matuto
ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una nilang pinagtuunan ng pansin ang
pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa
kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang
ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Dahil dito, ang mga tula ang
unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula ng mga paring Kastilang
misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga ito ay nadagdagan ng mga
taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa
panulaan nang panahong ito
III. Talakayan

Panulaan sa panahon ng kastila

 Sinabi nina Angeles, Matenzo at Panganiban (1992), bago pa dumatng sa Pilipinas angmga
Kastla nang pumasok ang atng mga ninuno ay marunong nang bumasa't sumulat, ngunit
nang pumasok ang abecedario ng mga Kastila ay halos biglang naging mangmang ang mga
katutubong Pilipino.
 Gayunpaman, ang likas na matandang uri ng panitkan ay nanatli pa ring buhay sa mga labi
ng mga mamamayang Pilipino, kaya upang mapaunlad ng mga Kastila at mapalaganap ang
pananampalatayang Katolika Apostolika Romano ay unti-unti nilang pinag-aralan ang mga
tula ng ating mga ninuno sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng pangyayari.
 Mapapansin na iba sa bigkas nila ang bigkas ng mga Tagalog. Nanatli ang kanilang gawi at
kinamulatang paraan ng pagbigkas dahil iyon ang kinasanayan ng kanilang dila. Hindi
naglaon aynangyaring namalasak ang haluang Kastla-Tagalog sa mga panulaan, at ito ang
ipinalalagay naunang uri ng tula nang panahong yaon.
 Ang mga sumulat nito ay kinilala sa tawag na LADINO -nakababatid ng dalawang wika. Si
Bagong banta (1946) ay nakisama sa daloy na ito kung kayat kanyang sinulat ang:

Salamat na walang hanga

Gracias se den sempiternas


na nagpasilong ng tala at que hizon saler la estrella
que desterno las tinieblas
sa lahat nang bayan natin de toda nuestra terra.

Isa pang kayarian ng tula ang mapapansin sa ibaba na haluang tagalog-Kastla rin
nasinulat ni Francisco Balagtas noong 1860. Narito ang taludtod mula sa "La India
Elegante yel Negrito Amante."

A ver, kung siya'y suminta


ngayong ako'y de levita"
pagkat ang aking "echura"
Kastla't di na Ita

Ang mga kayariang ito ng mga tulang haluang Kastila Tagalog ay naging
pangunahin sa mga unang panahon ng pananahanan ng mga Kastila sa kapuluan, ngunit
hindi nagtagal at nagkaroon din nga ng mga maipapalagay na tunay na tula at ito'y unang
sinimulan ni Phelipe DeJesus

Ibong kamunti sa pugad


sa inang inaalagaday
dili makalipad "
hanggang sa di magkapakpak
loob ninyong nasilakbo
parang ningas alipato
sa alapaap ang tungo
ay bago hamak na abo

Ang Kurido at Awit

Ang kurido at awit ay mga patulang salaysay na paawit kung sabihin. Taglay nito ang
mga paksang may pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga tauhang tulad ng hari,
prinsipe,duke, reyna, prinsesa. (Rivera 1982).
Ang TALINDAO ay isang berso na inaawit ng isang namumuno sa isang
seremonya.Karaniwang ginaganap ito sa pagdaraos ng isang nobena.
Ang PABINIAN ay ang paawit na sagot ng isang pangkat at dinarasal ng namumuno.
Narito ang halimbawa:

Talindao: "Aba anak ng Diyos Ama sa langit bunying prinsesa."


Pabinian: "Kasanta-santahang Maria Sa amin po'y maawa ka."
Talindao: "Mula nang ikaw ay sumilang
sa kay Santa Anang iyan ay
lubos mong nalupigan ang langit ng kasalanan."
Pabinian: "Kasanta-santahang MariaSa amin po'y maawa ka."
Talindao: "Lumitaw ka rin naman
Busilak sa kalinisan
Sa salang mana-manahan
Sa tanang Anak ni Eva."
At dili ka na narungisan Tangi ka ngang napaisa

 Sa halimbawa ay mapapansin ang katalinuhan ng mga makata sa paglinang ng


kahusayan sa paghabi ng mga tulang pangkristyanismo. Ayon kay de Tavera ang
salitang"Kurido" ay g aling sa Kastlang "occurido" na nangangahulugang kasalukuyang
pangyayari na sa Mehikano naman ay "Corrido." (Casanova, Rubin, et. al., 2001)
 Sa Pilipinas ang kurido ay mga tulang pasalaysay na may sukat na walong bilang
ngpantig sa bawat taludtod, karaniwang mahaba at may mahusay na banghay ng
mgapangyayaring isinalasaysay. Ito ay may himig na mapanglaw sa paksang Europeo na
dala rito ngmga Kastla. (Panganiban, et. al., Binagong Edisyon, 1995)

Pagkakaiba ng Kurido sa Awit

Ang kaibhan nila sa bilang ng pantg o sukat.


a. Ang kurido ay may walong bilang ng pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa
"allegro"samantalang ang awit ay may labindalawang bilang ng pantig at mabagal na inaawit
sasaliw ng gitara o bandurya.
b. Mabilis ang bigkas ng kurido at may kabagalan naman ang awit.
c. Ang ikinawiwili ng mambabasa ay nasa kwento o kasaysayang nakapaloob sa kurido at ang
ikinagaganda naman ng awit ay nasa aral na ipinahihiwatg nito

Halimbawa ng Kurido:
1. Ibong Adarna
2. Don Juan Tiñoso
3. Mariang Kalabasa
4. Ang Haring Patay
5. Bernardo Carpio ni Jose dela Cruz
6. Rodrigo de Villas ni Jose dela Cruz
7. Prinsipe Florencio ni Ananias Zorilla
8. Buhay na Pinagdaanan ng Doña Maria sa Ahas
9. Mariang Alimango

Halimbawa ng Awit:

1. Florante at Laura ni Francisco Balagttas


2. Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona
3. Doce Pares ng Kaharian ng Francia ni Jose dela Cruz
4. Salita at Buhay ni Mariang Alimango
5. Prinsipe Igmedio at Prinsesa Clariana
6. Siete Infantes de Lara

Ang awit

 Ang awit ay kilala sa pagtataglay nito ng labindalawang bilang ng pantig sa isang


taludtod. Ito ay higit na masigla kaysa sa kurido dahil sa malalambing at maririkit na
pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan. Sa kanilang pagkakatulad, ang
mga ito'y kapwa nagtuturo ng mabubuting asal sa mga bumabasa, nagpapatibay ng
paniniwala sa pananampalataya at nagpapalawak ng karunungan sa tao.

Ang Pasyon

 Isa pa rin sa nakilala at lumaganap sa panahon ng mga Kastila ay ang pasyon. Ang pasyon
ay patulang salaysay ukol sa buhay, paghihirap at pagpapakasakit ng Panginoong
Hesukristo. Kinapapalooban din ito ng ilang kasaysayang hango sa Banal na Kasulatan na
buong kataimtimang inaawit sa panahon ng Kuwaresma, Maraming kinikilalang ang
nagsisulat ng Pasyon ngunit ayon sa mga kritiko ang pinakamahusay na bersyon ay ang
isinagawa ni Aniceto dela Merced dahil ito ay umakma sa may pinakamahusay na
pamantayang pampanitikan. Ang pasyon bagamat makarelihyon at may paksang hinggil
sa kabanalan ay inihahanay na ring tula at maaaring bigkasin nang paawit o patula man
(Panganiban, Jose Villa et. al., manunulat 1992)

Ang karagatan

 Ang karagatan ay isang pagtatanghal patula at maipapalagay ring isang ritwal dahil ito'y
maaaring isagawa sa paglalamay sa patay o kaya'y bilang isang uri ng pagdiriwang sa
ikaapat na araw, ikasiyam na araw o sa ikaapatnapung araw o kaya sa pagkaraan ng
isang taon.
 Ang karagatan ayon kay Jose Villa Panganiban (1992) ay isang larong may paligsahan sat
ula. Ang pangalan ng laro ay KARAGATAN na galling daw sa lamat ng singsing nap ag-aari
ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
 Ang binatang makakakuha ng singsing ay siyang pagkakalooban ng gindtong "Granada" o
ng pag-ibig ng dalagang nawalan.
 Ang karagatan ay may apat na atludtod sa isang saknong at ang mga dulong salita ay
may tugma.
 Layunin nito ang pakinisan sa pagtula, pagandahan ng palaisipan at palaliman ng
talinghaga. (Panganiban, Jose Villa et al., 1992)

Ang Duplo

 Kung kailan nawala ang "karagatan" upang mapalitan ng duplo ay mahirap nang matunton
ngayon, ngunit pinaniniwalaang ang duplo ay isang pagpapalawak ng ng paligsahan sa pagbigkas
ng tula. Sa Kastila ang salitang "duplo" ay nangangahulugang DOBLE o IBAYO.
 Sa larong ito, ang mahalaga ay ang pagtatalo sa tula at ang kahusayan sa pagbigkas ng tula.. Ang
mga tula ay isinasaulo ng mga duplero at karaniwang hango sa mga awit at kurido, salawikain,
kasabihan at iba pang babasahing pangkasalukuyan.

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

(FRANCISCO BALAGTAS)

UNANG PAGLILIMBAG kay Epifanio

 Ayon sa de los Santos (isang historian ), nalimbag ang unang edisyon ng"Florante at Laura"
noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon.
 Nakalusot sa mahigpit na sensura ng pamahalaang Kastila.
 Pagsasanib ng tula at kasaysayan ng Pilipinas sa pamamahala ng Kastila
 Tauhan at lugar-kuha sa ibang bansa ngunit ang kilos, gawi at pangyayari ay himig Pilipino.
 Isinulat ni Balagtas habang siya ay nasa piitan mula sa kanyang mga karanasan sa kalupitan ng
mga Kastila at pagkabigo ng kanyang pag ibig kay Celia.
 Nalimbag sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz) - yari sa palay
 Pinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa.
 Naisalin ang awit sa 24 na edisyon sa tagalog mula 1853 hanggang 1939.
 May pagsasalin din sa mga wikang Kapampangan,Bicolano, Pangasinense. Gayundin sa mga
wikang English Spanish at German Katangiang makabago ng awit.
 Isang paghahandog ang simula ng aklat sa halip na panalangin Gumamit ng balik-
tanaw(flashback) sa halip na tiyak ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari.
 Pantay ang pagtatampok ng Muslim at Kristyano. katotohanan ang mga pahiwatig gayundin ang
pangyayari.

APAT NA HIMAGSIK

1. MALING PANANAMPALATAYA
2. MASAMANG PAMAHALAAN
3. MALING KAUGALIAN
4. MALING LAKAD NG PANITIKAN
1. Maling Pananampalataya Kristiyanong tauhan laban sa Kristiyanong tauhan; Morong tauhan -
tagapagligtas ng Kristiyanong tauhan pamagat, pangyayari ay hinango sa Mitolohiya ng Griyego
na nagtataglay ng diwa, kulay at alamat ng paganismo at idolatria .
2. .Malupit na pamahalaan Mailigaw ang mambabasa at maligtas pang-uusig sa Reynong
Albanya, mapanglaw na gubat ngalan ng tauhan - Kristiyanong Kastila at Arabe Kunwari'y pang-
aliw suwail ngunit patuligsa at kinawiwilihan ng tao awit at korido pinapayagan ng Censura-
labanan ng Kristiyano at Moro, binyagan at di binyagan
3. Maling kaugalian Tinulig sa ang ang maling maling kaugalian subalit tinatapatan ng panlunas at
halimbawa : Katulad ng wastong pagpapalaki ng anak.
Kompetisyon - Pakikipagkapwa-tao
4. Maling lakad ng panitikan Ginawang tunay na obra maestra ang akda, tulang nagtataglay ng
wastong sukat, , talinhaga at kariktan, malalim at angkop na Tagalog
Pinataas ang kalidad ng panitikan sa bansa noong panahon ng Kastila

You might also like