You are on page 1of 6

Lit104– Panulaang Filipino

Modyul 3 – Kasaysayan ng Tula


ggc hdfv qqq

INAASAHANG
MATUTUNAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito, bilang
nagpapakadalubhasa sa Filipino ikaw ay inaasahang:

a. natatalakay ang progreso ng panulaan sa


bawat panahon; at
b. nasusuri ang tula ng bawat panahon ;
BALANGKAS NG
PAKSA

1. Panahon ng Katutubo
2. Panahon ng Kastila
3. Panahon ng Amerikano
4. Panahon ng Hapon
5. Ang Pagkakatatag ng Republika
Hanggang sa Kasalukuyan

PANIMULANG
IDEYA
Lahat ng bagay sa mundo ay may pinagmulan. Ang
mga kinamulatan nating paniniwala at tradisyon ay
nagmula sa ating mga ninuno. Nabuo ang mga ito sa
kanilang mga karanasan habang nakikipagsapalaran
sa buhay. Ang mairikit, maharaya at masisining na
paglalahad sa panitikan ay bunga ng mga kaganapan
at kalikasan na mayroon sila. Kumatha ang isang
makata para isatitik o isatinig ang kayamanan sa
kanyang guniguni sa pamamagitan ng pagsasama-
sama ng mga salita na siyang naglaong taludtod at
nagkakaroon ng tugmaan. Dahil dito, natatamasa
natin ang mga kayamanan na minsa’y di na natin
nasilayan sa pamamagitan ng mga katha nilang
panitikan.

Sa anyo ng panitikan, ang tula ay masasabi nating


noon pa man ay mayroon na ang mga ninuno natin,
patunay rito ang mga karunungang bayan na
magpahanggang ngayon ay pinapahalagahan pa rin
natin.

Modyul 3 – Kasaysayan ng Tula | Page 1 of 6


BUGTUGAN TIME PANAHON NG
KATUTUBO
Sa nakaraang modyul ay natalakay natin
ang bugtong. Isa ito sa mga kinikilalang unang tula Alinsunod sa kasaysayan, ang panulaan ay nag-ugat
sa panitikang Tagalog na umusbong sa panahon ng
at sumibol sa kamalayan n gating mga ninuno noong
katutuno. Kung kayat sa sandaling ito ay timbangin
natin ang karunungan mo sa bugtungan. panahong hindi pa man nakadaraong ang barko ng
mga Kastila sa ating lupain. Maipapalagay na ang
Sagutan ang bugtong sa pamamagitan ng pagguhit sa panulaan ay kasabay na sumilang sa kapuluan noong
iyong kasagutan. mamalasak ang panitikang salindila at bukambibig
na sinasabing matandang panitikang Pilipino o
katutubong panitikan.Dito nakilala ang bugtong,
talinghaga, palaisipan at iba pa na sa dahilan ngang
Nakatalikod na ang prinsesa,
ang mukha’y nakaharap pa. taglay ng mga ito ang sintunog o tugma ay
maipapalagay na na unang anyo ng tulang Tagalog
(Macaraig,2004).
.
Ang mga natalakay nating patugmang-bayan at
kantahing bayan sa modyul 2 ay ang mga tulang
Tinuktok ko ang bangka, kabilang sa panahon ng katutubo.
naglapitan ang isda.
PANAHON NG
KASTILA

Sa panahon ng Kastila, nagpatuloy pa rin ang


Dalawang batong itim, kinamulatang tula ng mga ninuno, ngunit hindi
malayo ang narating. naglaon ay nangyaring namalasak ang haluan
Kastila-Tagalog sa mga panulaan, at ito ang
ipinalalagay na unang uri ng tula nang panahong
yaon. Ang mga sumusulat nito ay kinilala sa tawag
na LADINO – nakababatid ng dalawang wika. Ang
ganitong uri ng tula ang hinahangaan ng marami.
Nang munti pa ay paruparo, Halimbawa na rito ang sinulat ni Francisco Balagtas
nang lumaki ay latigo. noong 1860, narito ang taludtod mula sa “La India
Elegante y El Negrito Amante”.
A ver , kung siya’y suminta
ngayong ako’y de levita
pagkat ang aking “echura”
Kastila’t di na Ita.
Isang pirasong tela lang ito, Ang mga ganitong tula ay naging pangunahin sa
sinasaluduhan ng mga sundalo. mga unang panahon ng pananahanan ng mga Kastila
sa kapuluan, ngunit hindi nagtagal at nagkaroon din
nga ng mga maipapalagay na tunay na tula at ito’y
unang sinimulan ni Phelipe de Jesus.

Ang Kurido at Awit

Modyul 3 – Kasaysayan ng Tula | Page 2 of 6


Ang kurido at awit ay mga patulang salaysay na VENN DIAGRAM
paawit kung sabihin. Taglay nito ang mga paksang
may pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga
Layunin: Natatalakay ang pagkakatulad at
tauhang tulad ng hari, prinsipe, duke, reyna, at
pagkakaiba ng Kurido at Awit.
prinsesa (Rivera, 1982).

Gawain: Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


Ayon kay de Tavera ang salitang “Kurido” ay galing
Kurido at Awit.
sa Kastilang “occurido” na nangangahulugang
kasalukuyang pangyayari na sa Mehikano naman ay
“Corrido”. Casanova,Rubin, et. al., 2001).

Sa Pilipinas ang kurido ay mga tulang pasakaysay na


may sukat na walong bilang ng pantig sa bawat
taludtod, karaniwang mahaba at mahusay na
banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. Ito
ay ,ay himig na mapanglaw sa paksang Europeo na
dala rito ng mga Kastila (Panganiban, et. al.,
Binagong Edisyon, 1995).
Kurido Awit
Ang awit ay kilala sa pagtataglay nito ng
labindalawang bilang ng pantig sa isang talutod. Ito
ay higit na masigla kaysa sa kurido dahil sa
malalambing at maririkit na pangungusap at
nangangailangan ng ,malalim na kaisipan. Sa
kanilang pagkakatulad, ang mga ito’y kapwa Pagmamarka: Ang bawat hanay ay bibigyan ng 5
nagtuturo ng mabubuting asal sa mga bumabasa, puntos.
nagpapatubay ng paniniwala sa pananampalataya at
nagpapalawak ng karunungan sa tao. Pasyon
Isa pa rin sa nakilala at lumaganap sa panahon ng
mga Kastila ay ang pasyon. Ang pasyon ay patulang
salaysay ukol sa buhay, paghihirap at
pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo.
Kinapapalooban din ito ng ilang kasaysayang hango
sa Banal na Kasulatan na buong kataimtimang
inaaawit sa panahon ng Kuwaresma.

Bisitahin ang websayt na


https://tinyurl.com/8ocqcel . Ito ay naglalaman ng
piyesang pasyon na may pamagat na Pasyong Mahal
ni San Jose akda ni Jose Lacamba.

GAWAIN 1

Modyul 3 – Kasaysayan ng Tula | Page 3 of 6


Karagatan “Florante at Laura”. Hindi pambihirang damdaming
Ang karagatan ay isang pagtatanghal na patula at makabayan ang pinalutang ni Balagtas sa naturang
maipapalagay ring isang ritwal dahil ito’y maaaring akda. Dahil ditto sinabi ni Balmaseda na ito’y isang
isagawa sa paglalamay sa patay o kaya’y bilang akdang nagingibabaw sa pagka-liiko dahil sa
isang uri ng pagdiriwang sa ikaapat na araw, pananaig ng damdamin ng makata na siyang
ikasiyam na araw o sa ikaapatnapung araw o kaya sa nakapaloob dito.
pagkaraan ng isang taon (Macaraig, 2004).
Jose de la Cruz
Ang karagatan ayon kay Jose Villa Panganiban Mas kilala sa kanyang sagisag panulat na Huseng
(1992) ay isang larong may paligsahan sa tula. Ang Sisiw. Siya ay ipinanganak sa Tondo noong ika-20
pangalan ng laro ay KARAGATAN na galing daw ng Disyembre 1746. Si Huseng Sisiw ay kilalang
sa alamat ng singsing na pag-aari ng isang dalaga na hari at makata ng buong Katagalugan. Tinawag
nahulog sa gitna ng dagat. siyang Huseng Sisiw dahil kinaugalian niyang
humingi ng sisiw sa sinumang humihingi sa kanya
Duplo ng pabor o tulong tulad ng pagsusulat ng tula. Hindi
Kung kalian nawala ang “karagatan” upang siya nakapagtapos sa kolehiyo dahil sa kahirapan ng
mapalitan ng “duplo” ay mahirap nang matunton buhay ngunit sa sariling pagsisikap ay natapos ang
ngayon, ngunit pinaniniwalaang ang duplo ay isang katon, kartilla at ganoon din napag-aralan niyang
pagpapalawak ng paligsahan sa pagbigkas ng tula. lubusan ang Doktrina Kristiyana, pilosopiya,
Sa Kastila ang salitang “duplo” ay teolohiya at batas simbahan.
nangungahulugang DOBLE o IBAYO. Sa larong ito,
ang mahalaga ay ang pagtatalo sa tula at ang Lope K. Santos
kahusayan sa pagbigkas. Naging dakila siya sa kangyang tulang “Ang
Pangginggera”. Nakilala siya sa estilong maluwag,
PANAHON NG mahiig sa aklat na may pamagat na “Puso’t Diwa” at
kinilala rin siya sa akdang “Banaag at Sikat”. Bukod
AMERIKANO
sa pagiging makata ay kinilala rin siya at itinampok
Ang panitikan sa panahong ito ay naging
sa pagiging “Ama ng Balarilang Tagalog”.
mapanlaban. Ang bunga ng panitik ay naglalarawan
ng mga damdaming makabayan. Ang mga akda ay
Jose Corazon De Jesus
binabalot ng mga paksang ukol sa pag-ibig at
Siya ay nakilala sa mga akdang “Itinapon ng
pagmamahal sa bayan, pangarap sa kasarinlan at
Kapalaran”, “Pamana”, “Pagbabalik” at “Bayan
pagtutol sa kolonyalismo. Ang akda ay
Ko”, na nilapatan ng tugtugin ni Constancio de
kasasalaminan ng mapanlabang damdamin ng mga
Guzman at naging awitin sa Rebolusyon ng EDSA
Pilipino sa mga akdang tula o tuluyan man. Dito
sa panahon ni Gng. Corazon C. Aquino. Siya ay
nagsimulang lumaganap ang romantisismo. Ang
kilala sa pagiging sentimental, maramdamin,
mga akda ay naging emosyunal, sentimental at may
dramatiko malungkutin, palasintahan o romantiko at
pansariling kamalayan ng katutubong kulturang
ang himig ng panitik ay laging nauukol sa
Pilipino.
pangungulila at kamatayan. Tinagurian siyang
Unang Makatang Tagalog
“Huseng Batute” sa mapanudyong tudling na
Itinatampok bilang pangunahing Makatang Tagalog
“Buhay Maynila” na lumalabas sa Taliba.
sa kapuluan ang mga sumusunod (Panganiban et. al.,
1992) :
Florentino Collantes
Francisco Balagtas
Nagsimula siyang tumula sa gulang na labinlima at
Sa panulaan, naging maningning ang pangalan ni
naisaulo niya ang buong “Pasyon” at “Buhay
Francisco Balagtas dahil sa kanyang akdang awit na
Lansangan”. Kinilala siyang makata na gumagamit

Modyul 3 – Kasaysayan ng Tula | Page 4 of 6


ng tula sa panunuligsang pampulitika sa panahon ng IV. Pagsusuri
mga Amerikano. Naputungan din siya ng titulong “ A. Paksa
Hari ng Balagtasan”, at naging malaking malaking B. Simbolismo
karangalan niya ang tulang “Lumang Simbahan”. V. Mensahe

Amado V. Hernandez 4. I-post ang Gawain sa pamamagitan ng


Siya ay kinilala sa pagiging “Makata ng mga pagpapadala ng dokumento o larawan sa
Manggagawa”, mambabalagtas, mambibigkas at ang ating FB PAGE gamit ang
nagbigay sa kanya ng pangalan ay ang tulang #PAGSUSURINGTULA
“Bonifacio” at “Guro ng Lahi”. Kilala siya sa
pagiging relaista. Ang kanyang panitik ay Pagmamarka: Ang bawat seksyon sa balangkas ay
naglalarawan ng mga suliranin at kaapihan ng mga may katumbas na 2 puntos.
manggagawa.
PANAHON NG
Bisitahin ang mga sumusunod na websayt para sa HAPON
pyesa ng mga akdang tula ng mga makatang
Tagalog. Ang pagsapit ng mga Hapon sa Pilipinas ay
nakapagdagdag din nang malaki sa kasaysayan ng
GAWAIN 2 bansa bagamat hindi gaanong nakaimpluwensya sa
larangan ng edukasyon, pulitika at panitikan. Hindi
PAGSUSURI NG TULA naging bahagi ng panitikan ang wikang Hapon.
Layunin: Nasusuri ang tula ayon sa mga sumusunod Malaki ang pagbabagong naganap sa larangan ng
na aspeto. panitikan sa panahong ito. Naging matamlay ang
panulaan, dahil sa pamamahinga ng maraming
Gawain: Basahin at Suriin ang tulang “Lumang manunulat sa pagsulat, pag-akda o pagkatha ng
Simbahan” na akda ni Florentino Collantes. alinmang akdang dating kinalulugdan ng
sambayanang mambabasa.
Kagamitan : Papel o Long Coupon Bond, Panulat, PAGKAKALATAG NG REPUBLIKA
Laptop o Cellphone HANGGANG SA KASALUKUYAN

Hakbang: Sa larangan ng panulat, muling nabanaasan ang


1. Basahin at suriin ang tula. isang Malaya at demokratikong pamamahayag. Ang
2. Isulat o i-encode ito sa long coupon bond mga lathalain ay malayang nakapagbabandera ng
( margin (1cm sa bawat bahagi), Tahoma anumang damdaming sarili ng may-akda. Ang
panitikan ay naging makatotohanan at tunay na
(12) ).
kalibang-libang sa mga mambabasa. Naging
3. Sundin ang pormat sa gagawing pagsusuri puspusan ang pagpapaubaya sa mga manunulat sa
anumang naisin ng kanilang panitik na siyang
I. Paksa namamalasak pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Pamagat: Naging bukas ang panitik sa lahat ng anggulo ng
May: Akda pamamahayag. Naging makulay at makabuluhan ang
II. Kayarian mga palimbagan at naging mabulaklak ang lahat ng
bunga ng panitik na tinatangkilik ng masa at ng
A. Uri
sambayanang Pilipino. Hindi naglaon sa panahon ni
B. Kayarian Pangulong Estrada, ang naging sentro ng iba’t ibang
III. Anyo uri ng panulat ay naging mapamuna,mapanghusga
A. Tono ngunit naging matuwing sa bandang huli na naging
B. Tayutay

Modyul 3 – Kasaysayan ng Tula | Page 5 of 6


dahilan upang muling sumiklab ang isa pang EDSA SANGGUNIAN
Rebolusyon.

Sa kasalukuyan ay nagkaroon tayo ng iba’t ibang


Macaraig, Milagros, (2004). “Sulyap sa panulaang
porma ng tula tulad na lamang ng fliptop at spoken
word poetry. Filipino”. Sampaloc Manila. Rex Book Store

LAGOM

Suriin natin ang iyong natutunan sa modyul na ito:


 Sa panahon ng katutubo ang pamamaraan sa
pagpapalaganap ng tula ay pasalindila.
Karaniwang ang mga sinaunang tula ay
binubuo ng dalawang taludtod na may sukat
at tugma. Ang mga sinaunang tula ay
tumatalakay sa pang-araw-araw na buhay ng
tao na siyang nagbibigay aral at gabay sa
pag-uugali ng mga mamamayan at
nagsilbing libangan. Ang mga sinaunang
tula ay sumasalamin sa karunungan ng mga
ninuno natin.
 Sa panahon ng kastila, ang mga tula ay
pumapaksa sa panrelihiyon. Mas naging
ganap ang tugmaan sa panahong ito
sapagkat binubuo na ito ng maramihang
saknong. Ang mga tula sa panahong ito ay
nagpapamalas ng pagalingan sa pagbigkas.
 Tanging paksa lamang ang nagbago sa
panahon ng Amerikano, mula sa
panrelihiyong paksa ay naging pagpapakita
o pagpapamalas ng marubdob na damdamin
sa bayan ang naging pangunahing paksa.
Nakilala sa panahong ito ang mga unang
makatang tagalog tulad na lamang nina
Francisco Balagtas, Jose de la Cruz, Lope K.
Santos, Jose Corazon de Jesus, Florentino
Collantes at Amado V. Hernandez.
 Pagsapit sa panahon ng Hapon ay hindi
ganun naging kaunlad ang panulaan
sapagkat namahinga ang mga makata sa
pagkatha ng kanilang mga akda maging sa
pagpapalimbag, ngunit sa panahong ito ay
nabigyan ng pagkakataon ang pambansang
wika at mga wikang katutubo na gamitin sa
paglilimbag ng mga panitikan.
 Sa kasalukuyang panahon, naging mas
maluwag ang pagpapahayag sa panitikan. At
naging mas makulay ang pagbuo ng mga
taludturan.

Modyul 3 – Kasaysayan ng Tula | Page 6 of 6

You might also like