You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE


Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph

Name: JAY ANN C. OLIVA


Course and Section: BSED III-FILIPINO

PANULAANG FILIPINO WEEK 7-12

Pre-competency checklist (Formative Assessment/Diagnostic)


Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Bilugan ang tamang sagot.
1. Ang lahat halos ng pahayagan ng Ingles ay pinatigil ng mga Hapones maliban sa?
A. Tribute News Paper
B. Balintataw Pahayagan
C. Tribute at Philippine Review
D. Manila Times Philippines
2. May malayang taludturan at binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa 3 taludtod?
A. Haiku
B. Oda
C. Awit
D. Tanaga
3. Ito ay maikli ngunit may sukat at tugma, ang bawat taludtod ay may pitong pantig at may
matatalinghagang kahulugan?
A. Haiku
B. Oda
C. Awit
D. Tanaga
4. Ito ay isa lamang sa mga naging resulta sa pananakop ng mga Hapon sa larangan ng panulat
ng mga tula at iba pang akda sa Pilipinas?
A. Naging maganda ang ibinunga ng pananakop ng Hapones sa larangan ng panitikan
Tagalog sapagkat patuloy na umunlad ito sa pamamagitan ng mga dating sumusulat sa Ingles ay
bumaling sa pagsulat sa Tagalog.
B. Naging maganda at maunlad ang panitikang Filipino lalo na sa pagsulat ng tula na
pumapaksa sa pag-ibig at kalikasan at marami ang manunulat na nakilala at sumulat ng mga tula
sa Tagalog.
C. Naging maunlad ang panitikang sa panahon ng Hapon dahil marami ang tula ang
naipalimbag at marami ang manunulat na sumulat ng mga akda.Marami rin ang pinangaralan sa
Palanca award.
D. Naging matamlay ang panulaang Filipino sa panahon ng Hapon sapagkat marami sa
makata ang hindi na ipinagpatuloy ang pagsulat ng tula at nagsipagsara ang mga teatro na
pinagdarausan ng mga dula.
5. Anong uri ng tula ang nasa ibaba?
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta.
A. Oda
B. Haiku
C. Tanaga
D. Tanka
6. Ang tulang sinulat ni Ildefonso Santos
A. Palay
B. Pag-ibig
C. Kalikasan
D. Anyaya
7. Ang mga akda sa panahon ng hapon ay karaniwang nasusulat sa anyong?
A. Malayang taludturan
B. May sukat at tugma
C. May tatlong saknong at apat na taludtod
D. May apat na taludtod sa bawat saknong
8. Sa panahon ng Hapones nauso ang maiikling tula maliban sa?
A. Haiku
B. Tanka
C. Tanaga
D. Oda
9. Natigil ang panitikan sa Ingles ng ang Filipinas ay kanilang sinakop.
B. Kastila
C. Hapones
D. Gerilya
10. Ang manunulat sa Ingles na nagsulat sa tagalog ng dumating ang mga Hapones sa Filipinas.
A. Juan Laya
B. Juan De Jesus
C. Gonzalo Flores
D. Ildefonso Santos
Discuss Board
Tanong:
1. Ano ang magandang ibinunga ng pananakop ng mga Hapones sa larangan ng
panulaang Filipino sa panahon ng hapon?
Ang panahon ng pananakop ng mga Hapones sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan
ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino sapagkat ipinagbawal ng mga
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at tinaguyod ang pagpapayaman sa
panitikan gamit ang mga katutubong wika ng bansa. Higit na naging malaya ang mga Filipino
sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Filipino. Pinasunog
din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hingi mababahiran ng kanluraning
ideya ang panitikang nililikha.

2. Ano ang mga namayaning tula sa panahon ng Hapon?


Sa panahon ng Hapon, namayani ang haiku. Ang Haiku ay isang uri ng tula na
binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may
limang pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig; ang ikatlo ay may limang pantig (5-7-5).
Kahit na napakaikli ng haiku, ito’y dapat na may masaklaw na kahulugan , matayog na
kaisipan, matiim na damdamin at di mapasusubaliang kariktan. Binuhay naman ng makatang
Ildefonso Santos ang tulang  tanaga. Ito’y maikli ring katulad ng haiku ngunit ito’y may sukat
at tugma at ang bawat taludtod ay may pitong pantig. Namayani rin ang tulang may malayang
taludturan.

3. Ano ang paksain ng mga tula sa panahon ng Hapon?


Sa panahon ng Hapon, naging paksain ng tula ang tungkol sa buhay lalawigan o
nayon, pag-ibig, pananampalataya, kalikasan, sining at pagkamakabayan.

POST COMPETENCY CHECKLIST


Panuto: Gumawa ng isang orihinal na tulang Haiku
Ulan
Tag-ulan naman
Umalis na si araw
Lamig ay nandyan

Lungkot sa mukha
Hindi tanaw ang daan
sa durungawan

Uupo na lang
at pagmasdan ang ulan
sabay awitan

Ngunit sa likod
may pag-asang handog
tubig ay dulot

Palay ko’y bigyan


Patak ng kagalakan
Ani may laman

Ang panalangin
Ng masasaka’y dinggin
Nang may ihain

Dahon lumago
Sa halamang mabango
Wikang plantito
Bata sa ulan
O kay gandang pagmasdan
Hirap ‘di ramdam

Itong pag-ulan
Kung minsan ay sagwil man
May pakinabang
PRE-COMPETENCY CHECKLIST

Panuto: Basahin at unawain. Bilugan ang tamang sagot.

1. Ang mga ito ay naging paksa ng tula sa panahon ng Bagong Lipunan maliban sa isa?

A. Pagkakaisa

B. Pag-uugali

C. Kagandahan ng kapaligiran

D. Pag-ibig

2. Alin sa mga nabanggit na pangyayari ang naganap sa panahon ng bagong lipunan sa larangan
ng panulaang Filipino?

A. Muling ibinalik ang sinaunang dula, senakulo, sarswela at embayoka ng mga Muslim

B. Nagkaroon ng pag-aaklas ang mga manunulat dahil sa hindi magandang pagtrato

C. Sumibol ang maraming bagong tula pero hindi gaano pinansin ng mga tao ito.

D. Maraming manunulat ang nakilala at gumamit ng Ingles at Filipino sa pagsulat.

3. Sinasigla niya ang dulaan sa panahon ng bagong lipunan sa pamamagitan ng pagpapaayos ng


lumang tanghalan at pagtatayo ng sentro ng tanghalan.

A. Fidel Ramos

B. Imelda Marcos

C. Orlando Nadres

D. Reuel Molina

4. Mga dulang unang naitanghal sa Metropolitan Theater

A. Usa ka Kasalan at Tales of the Manuvu

B. Dulang Raha Sulayman at Halik sa Kampilan

C. Sakada at Isang Munting Alamat

D. Isang Munting Alamat at Portrait of the Artist


5. Saang lugar unang naitanghal ang dulang Halik sa Kampilan, Usa Ka Kasalan at Tales of the
Manuvu?

A. Cultural Center of the Philippines

B. Metropolitan Theater

C. Teatro Pilipino

D. UP Repertory

6. Isang pangkat na binuo ni Amelia Lapena Bonifacio ng UP?

A. UP Repertory

B. Teatro Pilipino

C. Teatrong Mulat

D. UP Teatro

7. Itinanghal din ito ang mga lumang dulang gaya ng senakulo at duplo, kabilang dito ang
sakada, Kabesang Tales at Juan Obrero.

A. Teatrong Mulat

B. UP Teatro

C. Metropolitan Theater

D. Dulaang Raha Sulayman

8. Kaugnay ng seryosong panitikan, itinatag ito noong Agosto 1973 ang Galian sa Arte at Tula
(GAT), isang samahan na binuo ng mga kabataang makatang nag-aaral at nagtapos sa
Unibersidad ng Pilipinas.

A. Galian sa Arte at Tula

B Galing Y Arte Sa Tula

C. Gat Arte y sa Tula

D. Gale Y Arte Y Tula


9. “ At naging alipin ang bayan kong irog ma-Iloko,ma-Bisaya,ma-Kapampangan, ma-Tagalog”
ay hango sa anong tula?

A. Sidewalk Vendor Reuel Molina

B. Pilipino: Isang Depinisyon ni Ponciano Pineda

C. May isang sundalo ni Rene Villanueva

D. Doktrinang Anak Pawis ni Virgilio Almario

10. Sa panahon ng Bagong Lipunan, ang mga ito ay kinikilala at ginagawaran sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng taunang Pista ng Pilipinong Pelikula, ginagantimpalaan rito ang mga
pelikulang kalahok maging ang mga artistang kabilang dito.

A. Metro Manila Festival.

B. Mga Pelikulang Filipino

C. Pista ng Pelikulang Filipino

D. Film Festival
A. Discussion Board
1 Ano-ano ang Sangkap, Elemento at Katangian ng tula?
SANGKAP NG TULA
1. Sakat-Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.
Sesura-bahagyang pagtigil sa pagbabasa ng bawat taludtod
2. Tugma- tumutukoy sa pagsisintunog ng huling salita ng mga taludtod.
3. Kariktan- sa pangkalahatang diwa o kaisipan ng tula na nais iparating sa mga mambabasa
4. Kagandahan o Kariktan- paggamit ng mga piling salita sa tula upang ito ay maging maganda.
a. Tunog- Kinakasangkapan ng makata sa pagpapatingkad ng mga karanasang inilalarawan niya
sa kanyang tula
a.aliterasyon- pag-uulit ng tunog ng isang katinig na ginagamit sa nagkakalapit na salita o
pantig.
b. Talinghaga- mga sagisag, tayutay o salita at pariralang nagbibigay ng ikatlong kahulugan na
nag-uudyok sa mambabasa na mag-isip sa diwang ipinahihiwatig ng mga ito.
c. Larawang –diwa (imagery)- salitang nakapaloob sa tula na kapag binabanggit aynag-iiwan ng
mga tiyak na larawan sa isipan at pinatatalas nila ang iba’t ibang pandama.
d. Simbolo-paraang ginagamit ng makata sa pagpapaganda ng kanyang tula . Ito’t paggamit ng
sagisag na maaring larawan o salitang larawan.

ELEMENTO NG TULA
1. Sukat-bilang ng pantig sa bawat taludtod.
-ang isang taludtod ay karaniwang may 8,12 at 16 na pantig o sukat.
2. Tugma- pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat talustod na maaaring
ganito ang tugma ng hulihan: a-a-a-a,a-b-a-b, o kaya ay a-b-d-a.
3. Talinghaga- Ito ay ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata.
4. Kariktan- Ito ay malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng
mambabasa. Mahusay ang tula kapag may naibibigay na impresyong mahirap mabura sa puso at
isipan ng bumabasa.

KATANGIAN NG TULA
1. Maiikli, lalung-lalo ng mga nalathala sa Liwayway noong 1943.
2. Ang karaniwang paksa ay pag-ibig at kalikasan.
3. Namayani ang tulang malayang taludturan.
4. Marami ang gumagad sa haiku.
5. Nagtataglay ng talinghaga
2. Gaano kahalaga ang sangkap at elemento ng tula?
Mahalaga ang sangkap at elemento ng tula sapagkat ito ang bumubuo rito. Nasusukat nito
ang haba, ganda, istilo, mensahe at kaayusan ng tula. Ito ang magiging batayan ng kalalabasan
ng mabubuong tula. Sa pamamagitan ng talinghaga at kariktan nagkakaroon ng kulay ang bawat
salita at nagiging malikhain ang may akda nito.
B. Pagsusuri

Suriin ang tula batay sa sumusunod:

TUGMA Katinig (n) (m) (k) (s)


Patinig (a) (o)
-May mga salita na magkakasintunog ang huling salita sa
bawat taludtod at magkakatulad pa ang bigkas o uri ng
diin at tuldik
- May mga salita na pareho ang tunog ngunit hindi pareho
ang diin sa mga dulong salita ng taludtod
SUKAT Iba-t iba ang sukat ng bawat taludtod
PAKSA/KAISIPAN Ang tulang ito ay nagpapakita ng kuwento ng pag-iibigan ng
dalawang mag-irog na nagsimula sa pagmamahalan ngunit sa
huli ay magpapaalam din sa bawat isa.
TALINGHAGA Nangibabaw sa tulang ito ang labis na pagmamahalan
dalawang magkasintahan
IMAHE/LARAWAN NG Ang tulang ito ay nagpapakita ng maagang paghihiwalay at
DIWA pagtatapos ng relasyon ng dalawang nagmamahalan. Sa una
ay masaya ngunit sa dulo ay nagpaalam sila sa bawat isa.
PERSONA Isang persona (ang may-akda)
ALIW-IW Ang inilapat na musika o tunog ay angkop sa damdaming
namamayani sa tula. Ang paraan ng pagbigkas ng tumutula ay
puno ng emosyon at damdamin.
TONO Pagkalungkot, Pagmamahal
KARIKTAN Ang tula ay nagtaglay ng marikit na salita tulad ng Ng
pamilyang kasimbuo ng isang tula, di na kayang tumayo sa
sariling mga paa, libo-libong luha na pumapatak
KATANGIAN NG TULA -Maikli
-Nagtataglay ng talinghaga
-Ang paksa ay tungkol sa pag-ibig
-May tugma

POST-COMPETENCY CHECKLIST
Panuto: Panoorin at basahin ang Tula ng Anak para sa Magulang sa link na ito,
A. Ayon sa inyong napanood at nabasang tula, suriin ang nilalaman nito batay sa pamantayang
inihanda sa loob ng kahon.

TUGMA Katinig (n) (p) (t)


Patinig (a) (o)
-May mga salita na magkakasintunog ang huling salita sa
bawat taludtod at magkakatulad pa ang bigkas o uri ng diin at
tuldik
- May mga salita na pareho ang tunog ngunit hindi pareho ang
diin sa mga dulong salita ng taludtod
SUKAT Iba-t iba ang sukat ng bawat taludtod (may 6, 10,12 na sukat)
PAKSA/KAISIPAN Ang tulang ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa kanyang
magulang at pamilya na nag-aruga at nagsakripisyo sa kanya.
Isinalaysay din ng may akda ang pagkakaroon niya ng broken
family.
TALINGHAGA Nangibabaw sa tulang ito ang labis na pagmamahal ng anak
sa magulang
IMAHE/LARAWAN NG Ang tulang ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng isang anak
DIWA sa magulang at pagmamahal ng magulang sa kanilang mga
anak.
PERSONA Isang persona (ang may-akda)
ALIW-IW Ang inilapat na musika o tunog ay angkop sa damdaming
namamayani sa tula. Ang paraan ng pagbigkas ng tumutula ay
puno ng emosyon at damdamin.
TONO Pagkalungkot, Pagmamahal
KARIKTAN Ang tula ay nagtaglay ng marikit na salita tuladng; Ng
pamilyang kasimbuo ng isang tula, Yung sama-sama ang mga
talinghaga sa hirap man o sa ginhawa, Yung kapag binabasa
mo’y kumakanta
KATANGIAN NG TULA -Maikli
-Nagtataglay ng talinghaga
-Ang paksa ay tungkol sa pag-ibig o pagmamahal sa
magulang at anak
-May tugma

B. Ano-ano ang kabuuang diwa nito na nais iparating sa mambabasa. Isulat ang paliwanag sa
ibaba.
Wala ng hihigit pa sa pagmamahal ng magulang sa kanyang anak. Kaya’t bilang
pagbabalik sa buhay na kanilang ibinigay, ang pagtulong ng isang anak sa kanyang magulang
ang maaaring maisukli nito. Mapalad ang isang anak na kumpleto ang kanyang pamilya, may
mga magulang na sumusuporta, gumagabay at mga kapatid na nariyan upang tumulong. Tayo ay
magpasalamat sa biyayang ito mula sa Diyos.
PRE-COMPETENCY CHECKLIST
Panuto: TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama, MALI naman kung ang
pahayag ay Mali.
TAMA 1. Ang tradisyunal ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may
malalim na kahulugan.
TAMA 2. Ang Berso Blangko ay tulang may sukat bagamat walang tugma.
TAMA 3. Ang Tulang Liriko ay itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at
pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang
kinaroroonan.
TAMA 4. Ang Tulang Pasalaysay ay naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari
sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kuwento.
TAMA 5. Ang Korido ay tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang
mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig mapanglaw
at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay hiram sa paksang
Europeo.
TAMA 6. Ang Awit ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla
ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na
kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang “Awit ng Ibong Adarna.”
TAMA 7. Ang Tulang Pandulaan ay sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng
mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa
pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. Saklaw ng uring ito ang nga komedya,
trahedya, melodramang tula, at dulang Oda.
TAMA 8. Ang Tulang Patnigan ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaliang
makata sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang
pasalita.
TAMA 9. Ang Balagtasan ay tagisan ito ng pag-iisip at bilis sa pagbigkas ng tula, bilang
pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.
TAMA 10. Ang Duplo ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Kawikaa, salawikain at mga
kasabihan.

A.DISCUSSION BOARD
1. Ano-ano ang mga anyo ng tula?
May tatlong anyo ng tula. Una ang Tradisyunal, itoay isang anyo ng tula na may
sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan. Pangalawa ang Berso Blangko
kung saan ito ay tulang may sukat bagamat walang tugma. Pangatlo ang Malayang
taludturan na kung saan ay tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang
ito ay siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga
kabataan.

2. Ano ang pagkakaiba ng Tulang Liriko, Tulang Pasalaysay, Tulang Pandulaan, Tulang
Patnigan?
Ang Tulang Liriko ay tinatampok dito ng makata ang kanyang sariling
damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa
buhay o ang kalagayang kinaroroonan. Ang Tulang Pasalaysay ay aglalarawan ito ng
mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na
nagsasaaysay ng isang kwento. Ang Tulang Pandulaan ay sadyang ginawa ito upang
itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o
dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito.
Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa. Ang
Tulang Patnigan ay tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata
ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino
sa paraang patula.
B. Paggawa ng isang spoken word poetry at pagbibigay-buhay nito sa pamamagitan ng aktwal na
pagsasagawa ng nabuong tula.

POST-COMPETENCY CHECKLIST
A.Panuto: Panoorin ang Pilipinas Got Talent 2018 auditions sa link na ito.
B.Suriin ang tula batay sa anyo at uri ng tula. Gamitin ang kahon sa ibaba.

ANYO NG TULA URI NG TULA


Malayang Taludturan Tulang Liriko

PAGSUSURI
TUGMA
-katinig
-patinig
-May mga salita na magkakasintunog ang huling salita sa bawat taludtod at magkakatulad pa ang
bigkas o uri ng diin at tuldik
- May mga salita na pareho ang tunog ngunit hindi pareho ang diin sa mga dulong salita ng
taludtod
SUKAT
-iba’t iba ang sukat

PAKSA/KAISIPAN
-Ang tulang ito ay tungkol sa kanyang pag-ibig sa isang babae na inihalintulad sa pakbet

TALINGHAGA
-Nangibabaw sa tula ang pagkamalikhain ng may-akda sa pamamagitan ng paggamit ng mga
kasangkapan at kagamitan sa pagluto ng pakbet at mga matatalinhagang pananalita.

IMAHE/LARAWAN NG DIWA
-Nagpapakita ito ng labis na pag-ibig at pagsinta na sa panahon ay laganap ang pamamaraang ito.
binigyang halaga ang pagluluto ng gulay upang maipakita ang pagmamahal.

PERSONA
-may isang persona, may-akda (Antonio Bathan Jr.)

ALIW-IW
- Ang inilapat na musika o tunog ay angkop sa damdaming namamayani sa tula. Ang paraan ng
pagbigkas ng tumutula ay puno ng emosyon at damdamin.

TONO
-pagmamahal, pagsinta

KARIKTAN
- Ang tula ay nagtaglay ng marikit na salita tuladng; taingang kawali, ihahain kong sangkap

KATANGIAN NG TULA
- tungkol sa pag-ibig, may talinghaga, malayang taludturan

SARILING REAKSYON
Mahirap gumawa ng isang spoken word poerty. Masasabi kong naisatitik ng maaayos ni Antonio
ang kanyang mga nadarama. Inihambing niya ang kanyang pag-ibig sa pagluto ng pakbet, kung saan
makikita ang mga talinghaga ng mga salita. Aaminin kong ako’y nabitin sa kaiklian nito, mas nararapat
sana kun ito’y nadagdagan sa pamamagitan ng pagsama ng iba pang sangkap sa pagluluto ng pakbet
upang mas naging mahaba.

Week 12: ASSESSMENT


MULING LALABAN PAGSIKAT NG ARAW

Papalapit na ng papalapit
Dinig ko ang tinig na impit
Tumakbong walang pait
Sumilong na pilit

Nakatakip ang tainga upang hindi marinig


Ang bawat hanging tila galit na galit
Kailangang ang mata'y mulat
Sa maaring tumama sa iyong balat

Hapon, nang ang hagupit ay matapos


Kalungkutan at kalumbayan ay taos
Paghihirap dulot yaring unos
Ito'y nakadagdag pa sa paghihikahos

Ngayo'y may bahay pa kayang masisilungan?


Kung ang aming bubong dumako na kung saan saan
Ngayo’y may pagkain pa kayang ilalagay sa tiyan?
Kung ang hangin ay pinahiga na ang aming palayan

Nakaluhod at tatayo habang may hininga


Maruming kamay, aabutin ang tulong ng ahensya
Isang ngiti at pasasalamat ang ipinaabot sa kanila
Muling lalaban pagsikat ng araw, sapagkat ganyan ang buhay ng madla

You might also like