You are on page 1of 4

PANAHON NG MGA HAPONES

Ang Panitikang Filipino Noong Pananakop ng mga Hapones

Sinakop ng mga Hapones ang pilipinas Noong taong 1941 hanggang 1945. Sa pagsasakop na ito'y
nabalam ang umuunlad na panitikang Filipino. Ipinapinid ng mga hapon ang mga pahayagan. Ang
lingguhan liwayway ay inilagay sa mahigpit na pagmamatyag ng mga Hapones. Ang mga manunulat na
sandaling nahinto ay nagkaroon ulit ng pagkakataong makapaglathala ng mga kwento at tula sa
liwayway.

Ang pinakamahusay na akda ng taong 1945 ay pinili ng isang lupong binubuo nina Agustin c. Fabian,
Francisco b. Icasiano, Jose Esperanza Cruz, Arsenio b. Afan, Antonio b. Rosales, Clodualdo del Mondo,
Buenventura c. Medina at Teodorico c. Santos. Ang dalawampu't limang napili ay ipinasuri
naman kina Lope k. Santos, Juan Cruz Balmaceda at Iñigo Ed. Regalado. Ipinalimbag ang aklat na
"25 Pinakamahusay na kathang Filipino"may katangiang katulad ng mga sumusunod:

1. Ang mga paksa ay matimpi.


2. Ang mga pangyayari'y madula ngunit di-maligoy.
3. Ang mga kwento ay walang balangkas.
4. Ang mga paksa ay iba iba, yaong nauukol sa karaniwang karanasan at buhay ng mga
Tao.
5. Ang mga paraang ginamit ay iba iba.
6. Ang pagkakaroon ng mga malawak na paningin ng mga manunulat ay bakas na bakas sa
kanilang mga sinulat.
7. Ang mga pangungusap na ginamit ay payak, isang bagay na nakapagpaganda sa mga
Ito.

Ang dula

Ang dulang tagalog ay nagtangkang bumangon upang magbigay ng kaunting aliw sa mga
mamamayan. Ang paksa ay tumutugon sa lahat ng hinihingi ng isang totohanang drama
sapagkat nangingibabaw sa mga dulang sinulat noong ang init ng mga damdamin at
kataimtiman ng pagmamahal ng anak ina, ina sa anak, ng kasuyo sa kasintahan, at gayun din sa
pakilala sa tungkulin at ng pagibig sa inang bayan.

Mga dula at manunulat:


Ang mga pangunahing nagningning sa larangan ng dula sa panahon ng hapones ay ang mga
sumusunod:

 Julian c. Balmaceda sa may akda na 'sino ba kayo? . Itinanghal Ito sa dramatic Philippines
sa mthropolitan theatre
 Francisco soc Rodrigo -'Sa pula, sa puti'
 Clodualdo del Mundo at Mateo Cruz Cornelio-'bulaga'

Ang Tula

Isang mahalagang uri ng tula ang namalasak sa panahon ng mga hapones, ang ' haikku', isang
tulang binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Mayroong limang pantig
sa unang takudtud, pito sa ikalawa ,at lima sa huling taludtod .Karaniwang paksa ng tula noong
panahon ng hapones ay tungkol sa bayan o sa pangkamakabayan, pag ibig, kalikasan, buhay
lalawigan o nayon, relihiyon at Sining.

Katangian ng mga Tula:

1. Maikli
2. May malayang taludturan, walang sukat na sinusunod at kadalasa'y walang tugma
3. Marami ang gumagad sa haikku
4. Nagtataglay ng talinghaga.

Tatlong Uri ng Tula:

1. Karaniwang anyo
2. Malayang taludturan na ang pinakamarami ay haikku
3. Tanaga - isang uri ng tulang Tagalog noong unang panahon na sa katipiran ang
pamamaraan ay maiaagapay sa haikku ng mga hapones bagamat lalong maikli ang
haikku. ang bawat taludtod ay may pitong pantig.

Halimbawa ng Haikku:

Tutubi

Hila mo'y tabak...

Ang bulaklak nanginig


Sa paglapit mo

Halimbawa na Tanaga:

Kabibi

Kabibi ano kaba?

May perlas maganda ka

Kung idiit sa tainga

Nagbubuntunghininga

Ang nobela

Walang gaanong nobelang naisulat noong panahon ng hapon. Marahil ang naging dahilan ay
ang kakauntian ng mga nobelang nalathala ng panahon yaon ay ang kakapusan ng papel. Ang
nobela ni Jose Esperanza Cruz,"tatlong maria" ay isa sa mga nobelang naisapelikula noong
panahon ng hapon. " Sa lundo ng pangarap"ni (Jose), Gervacio Santiago, at" Lumubog ang
Bituin" ni Isidro Zanaga Castillo.

Ang sanaysay

Ang sanaysay ay pinagtangkaang paunlarin noong panahon ng hapon ng isang hapon, Kinichi
Ishikawa. Nagbigay sya ng mga halimbawa ng pagsulat ng sanaysay sa tagalog. Ito ay sinundan
naman nina Maria Luisa Lopez, Lina Flor, Emilio Agustin atbp..

PANITIKAN NG INGLES

Ang Panitikan ng ingles ay pinangunahan nina Federico Mangahas, Salvador P. Lopez , Francisco B.
Icasiano, at Manuel Aguila. Ang mga manunulat sa ingles ay tila nagsipagtago. Ang mga nasa Estados
Unidos lamang ang mga nakasulat. Kabilang dito ay sina Jose Garcia Villa na ipinalathala sa Viking noong
1942 ang kanyang tulang " Have come, Am here" . Si Carlos Bulosan ," Chorus for America" at "Letter
from America". Ang pinakatanyag na Aklat sa America naman ay ang " I saw the fall of the Philippines" ni
Carlos P. Romulo.

You might also like