You are on page 1of 4

MGA TULANG LUMAGANAP NOONG PANAHON NG MGA ESPANYOL AT HAPONES

MGA TULANG LUMAGANAP NOONG PANAHON NG MGA ESPANYOL

1. Korido - Ito ay mga tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod at nagtataglay ng mga paksang kababalaghan at
malaalamat na karamiha'y hiram at halaw sa paksang Europeo na dala rito ng mga Espnayol. Hindi lubos na nakilala ang mga sumulat
ng korido maliban kina Jose dela Cruz at Ananias Zorilla. Ang pinakatanyag na halimbawa nito ay ang Ibong Adarna.

2. Awit- Ito ay isang tulang romansa (metrical romance) nà may sukat na labindalawang pantig bawat taludtod na kalimitang ang
pangunahing paksa ay tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay. Ang Florante at Laura ni Francisco Baltazar ang
pinakatanyag na awit na lumaganap sa bansa.

3. Tulang Patnigan (Justice Poetry) -Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang
padula. lto ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng talino at tulain. Ang tulang ito ay may iba t ibang uri, gaya ng sumusunod:

a. Duplo-Ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas. Ang mga katwirang ginagamit dito ay karaniwang
hango sa mga salawikain, kawikaan, at kasabihan. Pinasisimulan ang paligsahang ito sa pamamagitan ng pag-usal na isang"Ama
Namin," isang "Aba Ginoong Maria," at isang Rekyemeternum para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan.

b. Karagatan – Isang paligsahan sa tula na kalimitang nlalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao na bago
pa man dumating ang mga Espanyol ay ginagawa na ng ating mga ninuno. Ang paksa nito ay pumapatungkol sa isang alamat nà
nauukol sa singsing ng isang dalagang diumano'y nahulog sa gitna ng karagatan. Ito ay binubuo ng mga saknong na apatang taludtod
at labindalawahing pantig. Sinasabing ito ay higit na mainam kaysa sa duplo sapagkat ito ay nag-aangkin ng malulundong talinghaga
at malalalim na palaisipan.

4. Tulang Dulang Pauroy (Farce in Poetry) -Ito ay isa pa ring anyo ng tulang dula na ang itinatanghal ay mga pangyayaring lubhang
katuwa-tuwa. Ang balangkas nito ay higit na katawa-tawa kaysa makatwiran. Magandang halimbawa nito ang "La India Elegante y El
Negrito Anante" ni Francisco Balagtas na isang saynete o isahing yugtong parsa.

MGA TULANG LUMAGANAP NOONG PANAHON NG MGA HAPONES

1. Haiku-Ito ay isang uri ng tulang binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay binubuorng
limang taludtod ay may pitong pantig at ikatlo ay may pantig; ang ikalawang ay may lima ring pantig tulad ng unang taludtod.
Totoong maikli lamang ang haiku ngunit ito ay nagtataglay ng masaklaw na kahulugan, malalim na kaisipan at damdamin na
tumatalakay sa kalikasan o mga bagay sa paligid. Narito ang ilang halmbawa nito na isinulat ni Gonzalo K Flores sa magasing
Liwayway noong 1943.

Tutubi Anyaya

Hila mo't tabak... Ulilang damo

Ang bulaklak nanginig Sa tahimik na ilog

Sa paglapit mo. Halika, sinta.

Senryu - Ang tulang ito ay katulad din ng haiku sa bilang ng pantig at


maging sa pagkakaayos ng taludtod. Naiba lamang ito sa haiku dahil
sa paksang tinatalakay. Kung ang haiku ay seryoso, ito ay may bahid
ng pagpapatawa o kagaspangan tungkol sa kalikasan o katangian ng
tao. Sa katunayan ay tinatawag itong hunan haiku sa Ingles. Narito ang
halimbawa ng Senryu na isinalin sa wikang Tagalog.

Magnanakaw Kamatayan

Ang magnanakaw Sa huling hinga

Na aking huhulihin May isang kahilingan

Anak ko pala. Walang iiyak.

2. Tanaga - Ang uri ng tulang ito ay pinasikat ni Ildefonso Santos noong panahon ng mga Hapones. Ang tanaga ay kaiba sa haiku
sapagkat ito ay may sukat at tugma. Ayon kay Juan de Noceda at Pedro Sanlucar sa Vocabulario de la Lengua Tagala, ang tanaga ay
isang uri ng tulang napakataas sa wikang Tagalog na binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod. May apat na taludtod sa bawat
saknong at ito ay hitik na hitik sa talinghaga. Narito ang dalawang halimbawa nitong isinulat ni Dr. Manuel na naitala sa Ang Tanaga
sa Panulaang Tagalog at Pilipino:

"Alipusta kayuro;

kung sino ang kasuno

ng aso y di kasundo;

ako'y iyong ituro."

"Lunsad na sa bakood;

yayamang pa sa bundok.

Bakit mararagosgos?

walang kukong ikamot.


MGA ELEMENTO NG TULA

1. Sukat- Isang mahalagang elemento ng tula ay ang sukat o ang bilang ng mga pantig sa bawat
taludtod ng saknong. Karaniwang gamitin ang labindalawa, labing-anim, at ang labingwalong pantig.

Halimbawa:

Mapapansing ang bawat taludtod ng halimbawang nasa itaas ay binubuo ng 12 pantig kayat ito'y may
sukat na lalabindalawahin. Mapapansin ding may saglit na tigil sa pagbasa o pagbigkassa kalagitnan
ng bawat taludtod, pagkatapos ng ikaanim na pantig na nilagyan ng panandang (/). Ang saglit na tigil
na ito ay tinatawag na sesura.

2. Tugma – Isa sa pinakamahalagang elemento o sangkapng tula ay ang pagkakaroon ng pare-


parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod. Tinatawag itong tugma. Ang
panghuling pantig sa dulo ng taludtod ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig at binibigkas nang
mabilis, malumay, o may impit sa lalamunan.

3. Talinghaga-Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging


kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag, Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga pangungusap
na nagtataglay ng mga matalinghagang pahayag o salita.

Halimbawa:

Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.


Bumaha ng dugo nang ang bayan ay lumaya.
Ang baya'y umiiyak dahil ito'y may tanikala.

4. Larawang-diwa (lmagery)-Ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at


tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.

Halimbawa:

Kung ang bayang ito'y mapapasa-panganib


at siya ay dapat na ipagtangkilik,
ang anak, asawa, magulang, kapatid,
isang tawag niya'y tatalikdang pilit.

5. Simbolismo (Symbolism) -Ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng
mambabasa.
Halimbawa:

punò - buhay
ilaw - pag-asa
tinik - pagsubok/ hirap
Bathala - panginoon

6. Kariktan– Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, maaaring bigkasin ang isang hanay-hanay ng mga
talatang tugma-tugma ang mga dulo at sukat-sukat ang mga bilang ng pantig ngunit di pa rin
matatawag na tula kung hindi nagtataglay ng kariktan. May mga tulang walang sukat at tugmang
sinusunod subalit matatawag pa ring tula sapagkat pilimpili ang mga salita, kataga, parirala, imahen o
larawang-diwa, tayutay o talinghaga, at mensaheng taglay na siyang lalong nagpåpatingkad sa
katangian nito bilang tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng bumabasa.

You might also like