You are on page 1of 16

Ang Panahon ng Republika

(1946-1972)
Inihanda nina:
Jodivine Navarosa Armand Sebastian Benabaye
Timothy River Paler Danielle Dalman Allyssa Albores
Ang Panitikan sa Panahon ng
Republika

 Ang Maikling Katha


 Ang Nobela
 Ang Dula
 Ang Tula
Ang Maikling Katha

 Sa tuluyan, namayani ang maikling kuwento dahil sa:


- Malaki ang pang-akit sa mambabasa
- Sa mga taong abala, ang pagbabasa ay kailangang
panandalian lamang

 Uri ng Maikling Katha


- Komersiyal
- Pampanitikan
Ang Maikling Katha

 Malakin ang naging impluwensiya ng mga manunulat sa


panitikang Ingles kagaya nina Hemingway, Saroyan, Poe, Gale,
Faulkner, Anderson, at iba pa.
 Sa mga nagsisulat ng maikling kuwento sa panahong ito ay
kabilang sina Genoveva Edroza Matute, Serafin C. Guinigundo,
Macario Pineda, Elpidio P. Kapulong, Hilario Coronel, Pablo N.
Bautista, at Pedro S. Dandan
 Ang mga akdang saklaw ng Ilaw at Panitik ay may balangkas na
karaniwan at kung minsa’y may katapusang ala-O. Henry.
 Kabilang sa mga mahuhusay na manunulat ay sina Deogracias A.
Rosario, Amado Hernandez, Carmen Herrera at Jovita Aguinaldo
Ang Maikling Katha

Ang paghihimagsik sa maikling kwento ay hindi naiiba


sa mapanghimagsik na pintura at musika. Ito’y
nakikilala sa (1) kalamnan, (2) pamamaraan, (3) porma,
(4) estilo, (5) paglalarawang-tauhan at (6) lenggwahe
Ang Nobela

 Ayon kay Efren Abueg:


 Sa lahat ng anyo ng panitikan, ang nobela ang pinakamalayang gamitin.
 Hindi sagabal dito ang limitasyon ng tula o katotohananan ng talambuhay.
 Ang pagpili ng mga salita ay hindi masyadong maselan at ang pagpapakilos
sa mga tauhan ay payak lamang
 Sa kabuuan, ang nobela ay nasa katayuang magtala, magtimbang-timbang,
at humusga ng mga nangyayari sa isang lipunan.
Ang Nobela

 Katangian ng mga nobela sa panahon na ito ay:


(1) Kamalayang sosyal
(2) Kamalayang Pangkasaysayan
(3) Nasyonalismo
(4) Intelektwalismo
Ang Nobela

 Ang ikinaiba lamang ng nobela sa maikling katha ay pagiging higit na


pangyayari at suliranin nito at yamang nakatalakay nang mabuti ang
mga mahahalagang salik ng paghihimagsik sa maikling katha.
Ang Nobela

 “Fort Santiago” ni Pedrito Reyes


Ang Dula

 Sa panunumbalik ng kapayapaan sa Pilipinas noong 1946 ay muling


nagpanibagong sigla ang panitikan.
 Nagkaroon ng pagsisikap na buhayin muli ang sarsuwela. Sa kasamaang
palad ay nagging malamig ang bayan sa pagtangkilik.
Ang Dula

 Ang muling pagpasok ng mga pelikulang banyaga na kinauhawan ding


may apat na taon ng mga manonood na karamihan, nakaklungkot na
aminin ay may higit na pagpapahalaga sa mga bagay na inangkat sa
United States.
 Ang limitasyon ng tanghala, di tulad ng pelikila na kung hinihingi ng
mga pangyayari sa akda ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang pook na
tapuan.
 Malaki rin ang gugulin sa pagtatanghal dahil sa mga kasuotan ng mga
tauhan at sa mga tagpuan na kung minsan ay kailangang palitan araw-
araw.
Ang Dula

 Sa kabila ng wari’y panlulupaypay na ito sa dula ay may kapisanan pa


rin at kilusang sumuhay sa nagugupong sining na ito.
 Mga nagbibigay ng gantimpala sa panahong ito:
- Carlos Palanca Memorial Awards
- Children’s Museum and Library Inc.
- Citizens Crusade for Mass Media
- Philippine Educational Theater Assocaiation
Ang Dula

 Malaki ang naitulong ng Unang Ginang ng bansa na si Imelda Romualdez


Marcos sa kanyang pagsisikap na magkaroon tayo ng Dulaang
Pangkalinangan ng Pilipinas (Cultural center of the Philippines).
Ang Tula

 Ang mga unang tulang malathala sa unang dekada pagkaraan ng


Ikalawang Digmaang Pangdaigdig ay nasa tradisyon ng romantisismo at
nagpupuri sa inang bayan.
 Sunod sa tradisyunal na pamamaraan ang pagkakaroon ng tugma at
sukat nito, ngunit gumamit na rin ng sariling estilo ang makata sa
paggawa ng lalabingwaluhing pantig ng bawat taludtod kayat ang hati
ay anim/anim/anim, saka nagwawakas sa dalawang taludtod na
aaniming pantig.
Ang Tula

 Kailangang basahing maingat sa kanyang kabuuan ang tula upang


malurok ang mga maiilap na pag-iilang-diwa ng makata
 Sa tula ay may mga pag-iilang diwa na matutunton sa panulaang
pranses.
- hindi nagpapakita ng kawalang-kakayahan ng makata o panlalansi,
kundi pagpapalitan ng maraming kaisipang kalakip ng alinmang karanasan
Karagdagan: Dula at Dulaan

 Bunga ng impluwensya ng wikang Ingles namutiktik sa bansa lalo na sa


mga eklusibong paaralan ang mga dula sa wikang Ingles na nagbigay
daan sa mga pangkat pandulaan na nakabatay sa mga paaralan,
kolehiyo, at unibersidad.

You might also like