Professional Documents
Culture Documents
B. BODABIL
● Unti-unting nanghina ang zarzuela nang napansin ng manonood ang tinatawag na Bodabil o “stage
show”
● Taong 1916 naman ipinakilala sa Pilipinas ang isang uri ng dula, ang bodabil . Ang dulang ito ay
pinaghalu-halong awitan, sayawan, drama, may katatawanan at iba pa.
● Ang Bodabil, na kilala rin sa vodabil, vaudeville o stage show, ay tumutukoy sa mga teatrong
pagtatanghal na nagtataglay ng samu’t saring musical at katatawanan ng palabras skit at monolog,
mga akrobatik na bilang, solos at chorus lines.
● Ang bodabil ay hinago sa Pranses na vaudeville na inilipat sa teatrong Amerikano, ito ay dumating
sa bansa noon panahon ng pananakop ng mga Amerikano . Ito ang unang kapansin-pansing
impluwensya ng Amerikano sa bansa.
● Ang palabras na ito, na binubuo ng mga kanta at sayaw, mahika at mga musical na pagtatanghal, skit,
at stand-up comedy, chorus girls at mga komedyante, ay unang dinala sa Pilipinas upang
makapagbigay-aliw o libangan sa mga sundalong Amerikano.
● Ang mga kanta at sayaw ng bodabil ay pampuno sa mga maikling zarsuela sa pagitan mg mga
mahahabang pagtatanghal. Ang bodabil ay tinawag na stage show noong panahon ng mga Hapon at
nang kinalaunan ay nagging variety show. Sa ilang mg probinsya, ang mga intermisyon na bodabil ay
tinatawag na jamboree na orihinal na ginagamit sa panimulang musical na pagtatanghal sa
entablado.
C. PELIKULA
● Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong
Tomasites sa pagtuturo. Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda
at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.
● Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula ng bansa, ngunit nag-uumpisa ito sa mga artistang
gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig o walang talktales (silent films/movies). Ang mga ito
rin ang itinuturing na unang pelikula sa bansa. Unti-unting naisantabi pansamantala ang dulang
panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.
● Itinatag ni Jose Nepomuceno (tinaguriang “Ama ng Pelikulang Pilipino” ) ang kauna-unahang
kompanya ng pelikula noong 1917 na tumatalakay sa kalagayang Pilipino at ayon sa panlasang
Pilipino.
● Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng kanyang
dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang pelikulang
Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene. Ngunit ang
pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose Nepomuceno hango sa
panteatrong Dalagang Bukid (1919) na malateatro rin ang kinalabasan. Ito ay dula ni Hermogenes
Ilagan. Si Honorata “Atang” de la Rama ang bituin nito.
● Nagkaroon ng talkties ang pelikula noong 1929, at ang Punyal na Ginto ni Anronio Sempio ang
kauna-unahang pelikula n Nepomuceno na may talkties noong 1932.
Ang Nobela sa Panahon ng Amerikano
● Ang nobela ay lumaganap sa Pilipinas pagsakop ng Amerikano sa ating bansa. Ang kalayaan sa
pamamahayag, salita, relihiyon, mga samahan at ang katahimikan sa bansa ay Malaki naitulong sa
pagpalaganap sa mga nobela.
● Karamihan sa mga nobelang binsa ng mga Pilipino ay yaong mga nalathala sa mga pahayagan at
magasing lumabas nang putol-putol o di tuloy-tuloy
● Dalawang uri ng Nobela sa Panahon ng Amerikano: Nobelang Panlipunan at Nobela ng Pag-ibig.
Nobelang Panlipunan
- Ang mga kilos dito ay hindi personal, kundi kumakatawan sa lipunan o ekonomiya na nagpapaligsahan
upang mapabuti ang bawat panig. Ang mga may-akda ay maaaring naakit ng mga babasahing nanghihingi
ng panlipunang pagbabago sa Europa at mga pamukaw-siglang nakikita sa mga pangyayari sa loob ng
bansa.
Nobelang Pag-ibig
- Ang uring ito ng nobela ay nagbibigay halaga sa utos ng puso, damdamin at pagkahumaling kaysa sa
katalinuhan.
LESSON 2: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON
https://youtu.be/1JFfm3162wM
● Layunin ng mga Hapon na itaboy ang mga bansang kanlurang sumasakop sa ibang bansa sa Asya,
Indonesia, Vietnam at Pilipinas.
● Sa panahon ng mga Hapon, ang Pilipinas ay nakahanda na sa kanyang pagtanggap ng Kalayaan buhat sa
Amerika.
● Sampung taong transisyon sa panahon ng pagkakasakop sa atin ng mga Hapon, may apat na taon ding
ipinagpatuloy ang pagtuturo ng Wikang Pambansa mula sa unang batayan ng mababang paaralan sa buong
Mataas na Paaralan at Kolehiyo ng Edukasyon.
● Ang wikang Pambansa ay sinimulang itinuro sa mga paaralan sa taong 1940-1941.
● Nabalam ang pag-unlad ng panitikang Filipino nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas noong 1941-1945. Ang
mga pahayagan at lingguhang magasing Ingles ay halos ipinatigil na lahat liban lamang sa Tribune at
PANITIKANG FILIPINO
GE 116 • PROF. Vacalares • SEMI FINALS • 2223
Philippine Review. Natigil ang panitikan sa Ingles. May ilang sumulat na sina Federico Mangahas, Francisco
B. Incasiano, Salvador Lopez at Manuel Aguila.
● Sa panahong ito, nagplano ang mga Hapones ng isang pangunahing pangkulturang reoryentasyon para sa
mga Pilipino upang gisingin ang katutubong kulturang Pilipino bilang bahagi ng Greater East Asia
Co-Prosperity Sphere; palaganapin ang wika at kulturang Hapones at iwaksi ang mga impluwensiya ng
kulturang Kanluranin.
● Kontrolado ang lahat ng midya: dyaryo at radio ay sinesensor nang tuwiran; binabago ang mga radyong
short-wave upang hindi makatanggap ng mga brodkast mula sa bansang Alyado; ipinamalagi ang mga
leaflet, poster at pamphlet.
● Binuksan ang mga eskuwelahang primarya at sekondarya ngunit tinanggal sa mga aklat ang mga
bahaging pumapaksa sa Estados Unidos, pamahalaang Komonwelt at demokrasya. Naging sapilitan ang
pag-aaral ng wikang Hapon sa mga paaralan at kahit sa ilang tanggapan ng pamahalaan dahil ito’y naging
pambansang wika kasama ang Tagalog.
● Hinihikayat ang paghahanap ng katutubong kulturang Pilipino. Binalikan ng mga manunulat ang kanilang
sinaunang nakaraan, ang Rebolusyong Pilipino at bumuo ng tema na humihikayat sa mga taong bumalik sa
baryo at buhay-probinsya.
● Sinasabing ang panahon ng Hapon ay itinuturing na Gintong Panahon ng Filipino at namayagpag sa
panahon na ito ang kalipunan ng mga akdang binubuo ng mga maikling kwento, sanaysay, tula at dula na
nasusulat sa wikang Tagalog.
● Nakatulong din ng malaki ang pagbabawal ng pamahalaang Hapon sa pagsusulat ng mga anumang
akda sa Ingles.
● Umunlad ang panitikang Filipino. Ang mga dating sumusulat sa Ingles ay bumaling sa pagsulat sa wikang
katutubo.
● Ang namalasak na tula sa panahong ito ay Haiku, Tanaga at karaniwang anyo.
● Ang dulang Tagalog ay nagkaroon ng pagkilos sapagkat nasarado ang mga sinehan gawa ng ipinagbawal
ang pagpasok ng pelikulang Amerikano dito, ang mga malalaking sinehan ay ginawang tanghalan ng mga
dula. Karamihan sa mga dulang ipinapalabas ay salin sa Filipino mula sa Ingles.
● Bagama’t masasabing ang panahong ito ay tigib ng pangamba, takot, luha dugo at kamatayan, maituturing
naming ito rin ay panahon ng pagkamulat at paglinang ng kamalayang Pambansa o damdaming
nasyonalismo ng mga Pilipino. Higit nilang naunawaan at napahalagahan ang kanilang sariling kalinangan na
ipinapahayag ng kanilang sariling wika.
Mga Paksa ng mga Akdang Pampanitikan sa Panahon ng Hapon
● Ang maikling kuwento, dula, tula, nobela, sanaysay na nalathala noong panahon ng Hapones ay karaniwang
may damdamin at makabayan ngunit hindi ito tuwirang binabanggit ng mga manunulat. Mapapansin din ito
sa mga pamagat na kanilang inilapat sa mga katha. Kaya mahigpit man ang mga mananakop sa pagsusuri
hinggil sa paksa at mga pananalitang ginagamit ay ibig din ng mga mannulat na manatili sa pamagitan ng
patalinghaga o di tuwirang pamamaraan.
● Ang mga paksa ng iba’t ibang sangay ng ating panitikan noong panahon ng mga Hapones ay Pilipinong
Filipino sa diwa at sa buhay na dumadaloy nang mabini sa ilalim ng napakainam na pampanooring Pilipino.
● Binibigyang ng diin ng mga manunulat noon ang katutubong kulay. May nauukol din sa uri ng pamumuhay na
dinaramdam ng mga tao sa lungsod, ang karalitaan o pagdarahop sa pagkain, damit, paghahanapbuhay at
pakikisama sa kapwa.
● Pinapaksa rin ang karaniwang pamumuhay sa lalawigan ang mga gerilya, mga Hukbalahap, at atbp. Naging
karaniwang tako ng mga kuwento tungkol sa pag-ibig ng pagkakaroon ng balakid, ang pagsama ng kalahi sa
labanan, at paghihiwalay, kaya’t malimit na hindi magkatuluyan ang mga magkasintahan.
LESSON 3: MGA PILING AKDANG PAMPANITIKAN SA PANAHON NG HAPON
Ang Tula sa Panahon ng Hapon
● Ang tula ay isa sa mga anyo ng panitikan na nakatanggap ng higit na pagbabago o impluwensya sa panahon
ng Hapon. Namalasak sa panahong ito ang mga tulang maikli subalit nagtataglay ng talinghaga gaya ng
haiku at tanaga.
● Ang mga tula ay nailathala sa magasing Liwayway ng mga Roces ngunit nasa ilalim ng pangangasiwa ng
Hapon.
1. Mga Katangian ng Tula
● Maikli, lalong-lalo na ang mga nailathala sa Liwayway noong 1943.
● Namayani ang tulang may malayang taludturan, walang sukat na sinusunod at kadalasan ay walang
tugma.
● Marami ang gumagad sa Haiku.
● Nagtataglay ng talinghaga.
2. Mga Paksa ng Tula
● Karaniwang paksa ng tula noong panahon ng Hapon ay tungkol sa bayan o sa pagkamakabayan,
pag-ibig, kalikasan, buhay lalawigan, o nayon, relihiyon at sining.
3. Mga Uri ng Tula sa Panahon ng Hapon
● Haiku
○ Isang tulang binubuo ng labing pitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang
taludtod ay binubuo ng limang pantig (5): ang ikalawang taludtod ay may pitong (7) pantig at
PANITIKANG FILIPINO
GE 116 • PROF. Vacalares • SEMI FINALS • 2223
ang ikatlo naman ay may limang (5) pantig tulad ng una. Nagtataglay ng masaklaw na
kahulugan, kagandahan malalim na kaisipan at damdamin.
○ Ang Haiku ay isang tulang pandamdamin. Ito ay nagpapahayag ng saloobin ng isang tao sa
kanyang kapwa. Madarama sa Haiku ang katuwaan, papuri, kalungkutan, at iba pang
saloobin ng isang sumusulat nito.
○ Halimbawa ng Haiku
■ Maaliwalas
Kaligayaha’y taglay
Di na iiyak.
● Tanaga
○ Sa katipiran ang pamamaraan ay maiaagapay sa Haiku ng mga Hapones bagama’t lalong
maikli ang Haiku. Ang tanaga ay may sukat at tugma. Ito ay binubuo ng apat (4) na taludtod.
Ang bawat taludtod ay binubuo naman ng pitong pantig.
○ Ang pagkakahawig lamang ay ang pangyayaring kapwa maikli at nagtataglay ng talinghaga na
siyang nagpaparikit sa dalawang uri ng tulang ito. Ang uri ng tulang ito ay binuhay ni Ildefonso
Santos.
○ Halimbawa ng Tanaga
■ Itong buhay ng tao
Parang ikot ng mundo
Minsa’y parang totoo
Luha’y itinatago.
● Karaniwang Anyo at Malayang Tula (free verse)
○ Ang karaniwang tula ay may tiyak na sukat, tugma at talinghaga
○ Ang malayang tula naman ay walang sukat at maaaring walang tugma