You are on page 1of 3

THE WORLD IS AN APPLE

Isinulat ni: Alberto S. Florentino

ANG MUNDO AY ISANG MANSANAS


Isinalin sa Filipino ni: Lanie Lyn T. Mendoza

BUOD

Ang kwentong ito ay tungkol sa nagngangalang Mario. Siya ay hirap sa buhay kaya’t napilitan
siyang humawak sa patalim. Nagnanakaw siya kasama ang kaniyang kaibigan upang mabili
niya ang kaniyang mga gusto dahil nakakakuha siya ng malaking pera mula sa pagnanakaw.
Subalit nagbago siya noong nakilala niya si Gloria, isang babaeng tapat at relihiyosa na
kalaunan ay naging asawa niya ito. Kahit na may pangit na nakaraan si Mario ay buong pusong
tinggap ito ni Gloria dahil naniniwala ang babae na magbabago ito. Kinalaunan ay nagbago nga
ang lalaki at pinili nitong mamasukan sa isang desenteng trabaho.

Sa loob ng apat na taon ay naghirap ang pamilya nina Mario ngunit hindi niya naisipan pang
bumalik sa kaniyang masamang gawain dahil alam niyang hindi magugustuhan ng kaniyang
asawa. Subalit noong binigyan siya isang pagsubok ng Diyos upang sukatin ang kaniyang
katapatan ay nagkasakit ang kaniyang anak na si Tita. Nagkasakit ito dahil sila ay salat sa pera
at hindi nila ito napapakain ng masusustansyang pagkain.

Sa katunayan ay hindi niya nais malaman ni Gloria na nawalan siya ng trabaho dahil ayaw
niyang magalala ito. Sinubukan niyang maghanap ng bagong trabaho ngunit wala siyang
nahanap kaya’t buong loob si Mario na lumapit sa kaniyang kaibigan na si Pablo na kasama
niya dati sa pagnanakaw. Gustuhin man niyang gumawa ng mabuting gawain ay wala siyang
magagawa. Gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya at naniniwala
siyang magagawa niya lang iyon kung babalik siya sa dati niyang gawaing pagnanakaw.

Isang araw, nang siya ay makauwi sa kanilang bahay ay hiningian siya ng kaniyang asawang si
Gloria ng pera upang ipambili ng biscuit para kay Tita. Nagalit si Mario sa asawa at dahil dito
nag away silang dalawa. Pinilit siya ni Gloria na ibigay ang kaniyang sweldo ngunit sinabi
niyang wala. Nang tanungin ng asawa kung bakit wala siyang sinahod ay sinabi nito na ginamit
niya ang pera sa babae at ipinang inom ng alak ngunit hindi naniwala ang asawa. Naniniwala si
Gloria na hindi iyon magagawa ni Mario. Alam niyang mahal nito ang pamilya.

Dahil nga hindi naniwala si Gloria sa dahilan ni Mario ay napilitan ang lalaki na magsabi ng
totoo. Inamin niyang nawalan siya ng trabaho dahil sa pagnanakaw ng isang mansanas sa
trabaho. Nakita niya ang isang maliit na mansanas na gumulong mula sa kahon at nakita niya
na lamang ang sariling mga kamay na inilalagay ito sa kaniyang bulsa. Ang kaniyang ninakaw
ay hindi isang dosena at hindi isang kahon ngunit isang piraso lamang ng mansanas. Dahil dito
ay nagalit ang kaniyang asawa, hindi rin nito maintindihan kung bakit mansanas at hindi
pandesal o bigas o kaya'y gatas. Mabubuhay naman daw sila kahit na hindi sila makakain ng
mansanas ani nito.

Sinabi ni Mario na nagawa niya lamang ito dahil habang pauwi sila ng kaniyang anak na si Tita
mula sa pamamasyal ay may nakita silang nagtitinda ng masasarap na mansanas sa bangketa.
Nais magpabili ng kaniyang anak ngunit ang halaga ng mansanas ay pitumpung sentimo at
wala siyang ganoong halaga. Ang ginawa na lamang ni Mario ay bumili siya ng maliit na
mansanas na kulay berde ngunit nang ininigay biya ito kay Tita ay nagiiyak ito dahil hindi raw ito
tunay na mansanas.

Kinalaunan ay naintindihan naman ito ng kaniyang asawa at tinanong siya kung ano ang balak
niyang gawin gayong nawalan siya ng trabaho. Ikinatuwa naman ng babae ang sagot ng asawa
dahil ayon dito ay magkakaroon na ito ng bagong trabaho.

Ngunit nawala ang ngiti sa mukha ni Gloria nang tumambad sa kaniya si Pablo at napalitan ito
ng galit. Kinamumuhian niya si Pablo dahil ito ay masamang tao. Ito ang naghikayat noon sa
asawa na gumawa ng masasamang gawain. Pilit na pinaalis ni Gloria si Pablo ngunit sinabi ng
kaniyang asawa na sasama siya rito. Mas lalong nagalit si Gloria at pinilit niya ang asawa na
huwag magpadala at huwag sumama kay Pablo ngunit pinigilan siya ng asawa. Alam niya raw
ang makakabuti para sa kanilang pamilya at kailangan niyang humawak muli sa patalim upang
mabuhay sila. Pilit na kinumbinsi ni Gloria ang asawa na huwag itong sumama ngunit hindi na
nakinig pa ang asawa. Sinabi na lamang ni Mario na siya ay magiingat kaya't wala siyang dapat
na ipag alala at doon ay umalis na nga ito at ang kasama. Naiwang umiiyak si Gloria kasama
ang kaniyang anak sa kanilang bahay.

SARILING REPLEKSYON:

Una kong nabasa ang akdang ito ni Alberto Florentino noong ako ay nasa ikatlong taon sa
Sekondarya. Nang mabasa ko ito ay agad akong naantig sa kuwento at simula nun ay hindi ko
na ito nakalimutan. Naging isa na rin ito sa aking mga akdang paborito kaya't nahikayat akong
magbasa pa ng ibang mga akda.

Hindi na rin ako nagtataka kung bakit lubos itong sumikat at ilang beses na itong ginawan ng
stage play dahil maganda nga naman talaga ang kuwento dahil ito ay talaga namang
napapanahon at nangyayari talaga sa totoong buhay.

Sa katunayan ay marami akong napulot na aral mula sa dulang ito. Ang una ay nasabi ko sa
aking sarili na pagbubutihin ko pa lalo ang aking pagaaral nang sa gayon ay makahanap ako ng
magandang trabaho at hindi ko maranasan ang hirap na naranasan ng mga karakter sa akda.
Pangalawa ay napagtanto kong ang buhay talaga ay puno ng mga pagsubok. Binibigyan tayo
ng Diyos ng mga pagsubok upang subukin at sukatin kung gaano ba katatag ang
pananampalataya natin sa kaniya.

Pangatlo ay kahit gaano pa karami ang dumarating na pagsubok at kahit gaano pa ito kalala ay
dapat palagi nating piliin ang pagiging mabuti. Oo, may karapatan at kalayaan tayong piliin ang
daan na ating tatahakin ngunit dapat manatili tayong maging mabuti. Maraming mga
alternatibong paraan kung sisikapin lamang natin na hanapin pagtuunan ng pansin. Hindi
natutulog ang Diyos at may awa ito, hinding hindi niya tayo pababayaan. Ika nga sa isang
kasabihan, nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa, kung hindi tayo magsisikap at
magpupunyagi ay mawawalan ng saysay ang awa at biyayang pinagkaloob ng Diyos sa atin.

Sikapin nating maging matatag, maging mabuti at mabuhay sa katapatan palagi dahil sa
paraang ito ay magiging maayos ang takbo ng ating buhay na siyang ikagagalak ng Diyos.

You might also like