You are on page 1of 6

Tulang Pandamdamin

1. Oda- Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang
nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod
Halimbawa
Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus
Mangagawa ni jose corazon de jesus

2. Elehiya- Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni hinggil sa
kamatayan

Mga Katangian ng Elehiya


Tula ng pananangis — pag-alaala hinggil sa yumao

Ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at di masintahin.

3. Soneto – Ang soneto ay hindi basta tula lamang na binubuo na labing-apat na taludturan. Ito’y
kailangang may malinaw na kabatiran sa kalikasan ng tao at sa kabuuan. Ito ay naghahatid ng aral sa mga
mambabasa. Sa unang walong taludtod ay inilalahad ang diwa, paghanga man o talinghaga, at sa huli
naman ang karagdagan o anumang kapupunan sa ikabubuo ng tula. 
Halimbawa:
1. May pinahirapang puso ng pag-ibig,
Dahil sa paghanap ng isa pang puso,
Ang pusong nakita’y katulad ng langit,
Magandang-maganda puso ng pagsuyo,
Ang dalawang puso’y masayang nabuhay,
At sa püso’y hindi na raw magtataksil,
Naniwala silang ang pagmamahalan….
Pag likas at wagas ay walang kahambing,
Bubuyog at kamya’y laging nag-uusap,
Laging nagsasalo sa dusa’t ligaya,
Sapagkat ang kamya’y langit ng pagliyang,
Ang bubuyog nama’y puso ng pag-irog,
Ang puso ng tao’y ligayang may dusa,
Di lahat ng puso’y laging maligaya.

2."Sonnet on Worker's Rights" ni Amado M. Yuson, na isinalin sa wikang Filipino ni Joey A. Arrogante, at


pinamagatang "Soneto

4. Awit- Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa,
pangamba, poot at kaligayahan

5.Ang himno o dalit ay isang awit ng papuri luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwang


para sa Diyos, sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba
Tulang Pasalaysay
1. Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at
mga tagumpay niya sa digmaan.  Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na
kababalaghan.
Halimbawa:
Hudhud at Alim ng Ifugao Kumintang ng Katagalugan
Ibalon ng Bicol Biag ni Lam-ang ng mga Ilokano.
Maragtas ng Visayas

2.  Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang
tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang
layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo.  Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.

Halimbawa:
Florante at Laura 
Ibong Adarna

3. Pasyon (Kastila: pasión) ay isang naratibong tula ng Pilipinas, na nagsasaad ng buhay


ni Hesukristo, mula kapanganakan, pagkapako niya sa krus, hanggang sa muling pagkabuhay. Ito
ay may saknong ng limang linya sa bawat linya ng pagkakaroon ng walong pantig. Ang anyong na
ito ng salaysay ng pasyon ay popular sa Pilipinas, lalo na sa panahon ng Mahal na Araw o Semana
Santa.

Halimbawa:

Ang unang Pilipinong sumulat at kumanta ng pasyon sa Tagalog ay si Padre Gaspar Aquilino de


Belen, isang katutubo ng Rosario, Batangasna pinamagatang " Ang Mahal na Pasión ni Jesu
Christong Panginoon Natin na Tola". Ang kanyang salin ay makikita sa "Manga Panalangin
Nagtatagubilin sa Calolowa Nang Taong Naghihingalo". Dahil sa binigyan ng permiso mula sa
simbahan ni Padre Antonio del Pueblo si de Belen

4 Balada: isang uri o tema ng isang tugtugin


Tulang Dula
1.Moro-Moro-ang moro-moro ay isang dula noong panahon ng mga kastila. 

Ang moro-moro o comedia ay isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada.
Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing
palabas na katulad nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro na ang
obrang ito ay tuluyan nang itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo.
Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong
Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo nang ang mga Kristiyanong
Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Espanyol laban sa mga
Pilipinong Muslim na nasa Timog.

2. Komedya (Comedy) - isang termino mapa-pelikula man o entablado. Ito ay ginagamit kung saan ang
mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa
kanyang bibig. Ang Komedya ay maaari ding walang salita na nauso noong panahon ng Silent Movies na
makikita di sa pagsalita ng bibig kundi sa pagkilos ng katawan .

3. Trahedya- Isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding
mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas. [1] Nagsimula ang ganitong uri ng
drama mula sa Sinaunang Gresya. Kabilang sa maagang mga bantog na tagapagsulat ng trahedya sa Gresya
sina Aeschylus (o Esquilo), Sophocles (o Sofocles), at Euripides
Tulang Patnigan
1. Karagatan- ito aymay sukat at pagandahan ng tula
2. Duplo- palaisipang tula na walang sukat, tugma at talinghaga

3. Balagtasan- Ang balagtasan ay ang sagutan mula sa magkaibang panig na may iisang paksa. Ang ilan
dito ay tungkol sa paghihiwalay ng mag-asawa, paglipat sa ibang bansa at marami pang iba.
- isang sining kung saan inilalahad sa isang uri ng panitikan ang mga saloobin o mga
gustong ipahayag ng isang tao sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli (rhyme).
Isa itong uri ng pagtatalo ng dalwang magkaibang panig ukol sa isang paksa

Halimbawa:
Pananalig 
Ramon Magsaysay

4. Batutian- Malaki ang naging impluwensiya ng balagtasan sa buhay ng mga Filipino noon, dahil sa unang
pagkakataon ay nasilayan sa entablado ang paligsahan sa pagtula at pangangatwiran ng dalawang makata.
Ang balagtasan, na hango sa pangalan ni Francisco Balagtas, ay lumitaw noong 1924, at lumunsad sa dating
popular na duplo. Pinakatanyag sa lahat ang pares na Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes, na
walang makahihigit hangga ngayon. Ngunit hindi magtatagal ang balagtasan, dahil na rin sa pagsulpot ng
radyo at telebisyon, na pawang pumatay sa halina ng entablado.
Ang mahika ng balagtasan ay malilipat sa mga magasin o pahayagan, at ilalathala noong 1940 sa
magasing  Mabuhay Extra ang balagtasan nina De Jesus at Amado V. Hernandez, kahit may walong taon na
ang nakalilipas nang yumao si Batute. Samantala, lilitaw ang isa pang uri ng balagtasan, na tatawagin noong
“batutian” na hinango naman sa pangalan ni “Huseng Batute,” ang alyas ni De Jesus.
Kabilang sa mga katangian ng Batutian na lumabas sa mga magasin noon ang pagtataglay ng siste, ang
pagtalakay sa kasalukuyang isyung pampolitika o pangkultura, ang pag-antig sa damdamin ng mambabasa,
ang pagpapalitan ng katwirang maaaring taglayin ng magkatunggaling sektor. Ang daloy ng
pangangatwiran ay maluwag ang lohika, at hindi tulad sa mga tekstong prosa. Heto ang halimbawa ng
Batutian na nalathala sa Sinag-Tala noong 1946, at isinulat ng di-nagpakilalang awtor, na makikilala
pagkaraan na si Manuel Principe Bautista na noon ay katuwang na editor sa naturang magasin.
Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan

            Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay
ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng
bansa.

            Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay
ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha at Mga
Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y
Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito
ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at
pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas.

            Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca
Memorial Awards for Litetature.

            Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula
ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-
panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.

            Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag sa media gaya ng sa radyo,


telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at Victor
Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar
na naging laman ng mga jukebox. Mga lagaristang gaya nina Ricardo “Ricky” Lee (may-
akda/Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag) at
Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/Oro, Plata, Mata).
Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at
ang pinakatanyag na Pugad Baboy.

            
Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang
Filipino dahil sa trend o pinauso na dulot ng media.

           Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa


pagpapasigla muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa
Yano, Siakol, Green Department, the Teeth, Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong
hihip sa kulturang Pilipino ang mga bandang ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa
lahi. Kinilalang The Beatles of the Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng bawat
pagtanghal at bagong awitin. Ilan sa mga awiting kinilalang imortal sa panahong ito ay
ang Huling El Bimbo, Iskin, Banal na Aso Santong
Kabayo,Himala, Silvertoes, Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare Ko at Miss sa Loob ng
Jeepney. Maliban sa mga banda, kinilala rin ang mga       musika ni Jolina Magdangal,   Jeremiah,
Rossel Nava at Carol Banawa na mga supling         ng makabagong melo-musika ng bansa.

            Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na angBatibot, Ang


TV at 5 and up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda. Puspusan
din ang produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at nobela sa pelikula at
ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at kasaysayan sa pagbuo ng marami pang
dulang pampelikula. Naipanganak din ang maraming genre ng pelikula gaya ngindependent
flims at cinema veritae film.

           

            Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at
aklat,  hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo;
kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon
ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng
Filipino kundi ng ibang lahi mandin.

            Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng
panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at
kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga
mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang
ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at
pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.

You might also like