You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
SAN PEDRO RELOCATION CENTER NATIONAL HIGH SCHOOL
FINAL EXAM IN RIZAL

Name: ______________________________________ Section:________________ Score:____________

I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at bilugan ang tamang kasagutan.
1. Si Jose Rizal ay isinilang noong _________________.
a. Hunyo 19, 1861 b. Hunyo 20, 1861 c. Hunyo 21, 1861
2. Ang bayang sinilangan ni Rizal ay sa _________________.
a. Sta. Cruz, Laguna b. Binan, Laguna c. Calamba, Laguna
3. Ang nagbinyag kay Rizal ay isang paring Batangueno na kilala bilang si __________________.
a. Padre Jose Sanchez b. Padre Rufino Collantes c. Padre Lleonart
4. Ang unang kalungkutan ni Rizal ay ang pagkamatay ng kanyang kapatid na si _______________
a. Concha b. Saturnina c. Olimpia
5. Kauna-unahang tula na naisulat ni Rizal.
a. Kwento ng Gamu – Gamo b. Sa Aking mga Kababata c. Isang Alaala sa Aking Bayan
6. Unang guro ni Jose sa Binan.
a. Maestro Celestino b. Maestro Justiniano Aquino Cruz c. Maestro Leon Monroy
7. Ang unang paboritong tula ni Jose Rizal na isinulat ni Alexander Dumas.
a. The Count of Monte Cristo b. Travels in the Philippines c. Universal History
8. Marso 23, 1877 nagtapos si Rizal sa Ateneo Municipal ng digring ___________________.
a. Batsilyer ng Sining b. Batsilyer sa Agrimensor c. Sarbeying
9. Noong si Rizal ay nag-aaral pa sa Ateneo, siya ay umukit ng isang imahen na inilagay sa may pinto ng dormitoryo ng mga
estudyanteng naninirahan sa loob ng Ateneo upang ipaalala na si Rizal ay nagtapos sa kanilang Alma Mater.
a. Imahen ng Birheng Maria b. Imahen ng Sagradong Puso ni Hesus c. Imahen ni Padre Jose Bech
10. Unang tula na naisulat ni Rizal noong siya ay nasa Ateneo at inihandog sa kanyang ina.
a. Aking Unang Inspirasyon b. Sa aking Mahal na Ina c. Sa Alaala ng Aking Bayan
11. Ang unang pag-ibig ni Rizal ay kanyang nakilala noong 16 na taong gulang.
a. Segunda Katigbak b. Leonor Valenzuela c. Leonor Rivera
12. Hindi naging masaya si Rizal sa kanyang pag-aaral sa UST kung saan siya ay nag-aral ng medisina kung kaya’t napagpasiyahan
niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa _____________.
a. Paris b. Espanya c. Hongkong
13. Sa pagpapadala ng kanyang mga akda sa Diariong Tagalog, ginamit ni Jose Rizal ang sagisang na pangalang _____________.
a. Laong Laan b. Dimas – Ilaw c. Taga – Ilog
14. Habang nasa Espanya, nag-aral si Rizal sa Unibersidad Central de Madrid at kumuha ng kursong ____________.
a. Medisina at Pilosopiya at Sulat b. Pagpinta at Eskultura c. Sarbeying
15. Matapos ang pag-aaral sa Madrid, nagtungo si Rizal sa Paris at Alemanya para magpakadalubhasa sa ____________________.
a. Medisina b. Optalmolohiya c. Pagsulat sa kanyang mga akda
16. Tinaguriang tagapagligtas ng Noli Me Tangere.
a. Maximo Viola b. Ferdinand Blumentritt c Felix Hidalgo
17. Ang Noli Me Tangere ay may ____ na kabanata.
a. 75 b. 50 c. 63
18. Upang makatipid sa pagpapalimbag, may kabanatang tinanggal si Rizal at ito ay ________________
a. Sa Kakahuyan b. Elias at Salome c. Sa Handaan
19. Ang pamagat na Noli Me Tangere o Huwag mo akong Salingin ay nagmula sa Bibiliya na nagmula sa magandang balita ni
______________.
a. San Juan b. San Lucas c. San Mateo
20. Dahil sa kakulangan ng pondo, pinahiram ni Maximo Viola si Rizal ng halagang ______ para sa ________ sipi.
a. 350-200 b. 300 – 2,000 c. 500 – 1,500
21. Gumawa ng malaking kaguluhan ang nobelang Noli Me Tangere sa Pilipinas. Marami ang kumalaban at tumuligsa dito. Kung kaya’t
isang pari mula Guadalupe ang naglabas ng walong polyeto na bumabatikos sa nobela ni Rizal at ang paring ito ay si
_______________________.
Ricajoybrotonel
a. Jose Salamanca b. Fernando Vida c. Jose Rodriguez
22. Isang tenyente ng hukbong Espanyol na inatasan ni Gobernandor Terrero upang magsilbing tagabantay ni Rizal mula sa mga lihim
na kaaway.
a. Jose Taviel de Andrade b. Jose Sainz de Varanda c. Miguel Morayta
23. Ang babaing inibig ni Rizal noong siya ay nasa bansang Hapon at mas kilala sa katawagang ibinigay ni Rizal na O-Sei-San.
a. Seiko Usui b. Binibing L c. Conseulo Ortega y Perez
24. Sinasabing ang lalaking ito ay may pagkakatulad kay Rizal sapagkat pareho silang makabayan, nilalabanan ang pang-aapi sa kani-
kanilang bayan sa pamamagitan ng pagsulat.
a. Chengoy b. Tetcho c. Alfred Charlton
25. Isa sa mga bansang napuntahan ni Rizal kung saan ang kalayaan na mayroon ang bansang ito ay para lamang sa mga puti.
a. Hongkong at Macao b. Italy c. Amerika
26. Isang aklat na isinulat ni Morga noong 1609 ukol sa mga kaganapan sa Pilipinas.
a. Sucesos de las Islas Filipinas b. Travels in the Philippines c. History of Philippines
27. Pahayagan na itinatag ni Graciano Lopez Jaena noong Pebrero 5, 1889.
a. Asociacion La Solidaridad b. La Solidaridad c. Diariong Tagalog
28. Isa sa mga babaeng nagustuhan ni Rizal sa kanyang pagpunta sa London, anak na babae ng kanyang kasero sa London.
a. Gertrude Beckett b. Valentin Ventura c. Maria de la Paz Luna
29. Isa sa umakit kay Rizal sa Pandaigdigang Ekposisyon na kanyang dinaluhan.
a. Eiffel Tower b. Bibliotheque Nationale c. Flower Gallery
30. Sa babasahing ito tinalakay ni Rizal ang kadahilanan ng katamaran at pagiging mabagal ng pag-unlad ng mga Pilipino.
a. Sobre la Indolencia de los Filipinos b. Filipinas dentro de Cien Anos c. La Politica Colonial de Filipinas

31. Lugar at taon kung saan nailathala ang El Filibusterismo.


a. Ghent (1890) b. Paris (1892) c. Ghent (1891) d. Brussels (1899)
32. Tagapagligtas ng nobelang El Filibusterismo.
a. Juan Luna b. Pardo de Taverac. Valentin Ventura
33. Ang nobelang El Filibusterismo ay inihandog ni Rizal kay:
a. Gomburza b. Paciano c. Padre Damaso
34. Lugar kung saan nagkakilala si Rizal at Josephine Bracken.
a. Hongkong b. Ireland c. Dapitan d. Fort Bonifacio
35. Nang si Rizal ay dakpin, ang kanyang napiling tagapagtanggol ay si:
a. Ferdinand Blumentritt b. Ten. Luis Taviel de Andrade c. Heneral Blanco

II. Ayusin ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod sunod. (A-D)
36 - 39
______ Kapanganakan
______ Pag-aaral sa Ilalim ng Pagtuturo ni Maestro Celestino
______ Pag-aaral ng Latin kay Don Leon Monroy
______ Pagpasok sa Biñan
40 - 43
______Pagsiklab ng rebolusyon
______ Pagkalimbag ng Noli Me Tangere
______Kamatayan
______ Romantikong Pagbisita sa Japan
III. Ibigay ang tamang kasagutan:
Sino ang tao sa likod ng mga tauhan ng nobelang Noli Me Tangere ni Rizal? (44-47)
44. Crisostomo Ibarra at Elias –
45. Maria Clara -
46. Pilosopong Tasio -
47. Padre Damaso –
48. Ilang kabanata mayroon ang El Filibusterismo?
49 – 50. Ano ang pinagkaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?

GOODLUCK! 
Ricajoybrotonel

You might also like