You are on page 1of 11

KABANATA VII

PANAHON NG MGA HAPONES

Malaki ang paghahangad ng bansang Hapon na maging pinakamakapangyarihan sa buong


Asya. May lihim na hangaring maitaboy ang mga bansang Kanluraning sumasakop sa ibang mga
bansa sa Asya katulad ng Pilipinas; Malaysia, Indonesia at Biyetnam.

Noong Disyembre 8, 1941 ay bigla na lamang binagsakan ng bomba ng mga Hapones ang
Pearl Harbor sa Hawaii na kinaroroonan ng Hukbong Dagat ng mga Amerikano. Maraming
nawasak na sasakyang pandagat ang Amerika. Sunud-sunod na binagsakan ng bomba ang
Malaysia, Indonesia, China at Pilipinas. Nadaling nasakop ang Pilipinas sapagkat hindi ito
nakahanda sa biglaang pagsalakay ng mga kaaway.

Pinaghandaan na ng Pilipinas sa panahong iyon ang ipinangakong kalayaan ng Amerika.


Pinangakuan tayong bibigyan ng kalayaan sa taong 1945. Itinatadhana ng TYDINGS MCDUFFY
LAW na pinairal mula noong 1935 ang pagbabalik ng ating kalayaan sa taong 1945. Napasailalim
ng bansang Hapon ang Pilipinas mula 1941 hanggang 1945.

Napinid na pansamantala ang mga palimbagan kaya’t namahinga ang mga manunulat.
Muling nabuksan ang lingguhang “Liwayway” na naging dahilan nang muling pagsulat ng mga
manunulat. Nakapaglathala sila ng mga kuwento at tula sa naturang magasin. Ang
pangangasiwa nito ay nasa ilalim ng mga Hapones. Sinundan ng “Taliba” ang “Liwayway”.
Ipinagbawal ang mga magasing Ingles tulad ng “Tribune” at “Free Press”.

Mapapansing sa panahong ito ng pananakop ng mga Hapones hanggang sa mabawing


muli ng Amerika ang Pilipinas, ang mga paksa ng mga akdang pampanitikan ay buhay lalawigan.
Nagsisulat sa Tagalog ang mga manunulat ngunit kapansin-pansing karamihan sa kanila ay
hilahod sa pananagalog. Si Juan C. Laya ay kabilang sa mga manunulat na mahusay sumulat sa
Tagalog at Ingles.

Naging mapalad ang Panitikang Tagalog sa panahong iyon dahil sa pagmamalasakit ng


isang pinunong Hapones na itinalaga ng kanilang pamahalaan, si Kinichi Isikawa. Pinagsikapan
niyang tumulong sa pagpapaunlad ng mga gawaing kaugnay ng panitikan at kultura.

Nagkaroon ng mga seminar na makakatulong sa mga manunulat upang sila’y mahasa sa


larangan ng pagsulat. Tinawag itong “Pasanayan ng mga Manunulat” at ang naging puno ng
tagapagpanayam ay ang lubos na kinikilalang si Lope K. Santos. Sa panahong ito ng madilim na
kalagayan ng bansa, kagipitan, sindak at agam-agam ng kalooban ay sumilang ang magagaling
na manunulat na hanggang sa ngayon ay hindi kumukupas ang ningning, katulad nina Liwayway
A. Arceo, Alicia L. Lim, Ligaya D. Perez, Gloria Villarasa Guzman atbp.

Sa panahong ito na itinuturing na “GINTONG PANAHON” ng Panitikang Pilipino, ang mga


maanunulat sa Ingles at Tagalog ay nagkaisa sa pagtatampok ng panulatang Tagalog at
nagpataas sa uri ng pamumunang pampanitikan. Kinilala sa mga pamumunang pampanitikan sa
tula sina Alejandro Abadilla, Iñigo Ed. Regalado at Ildefonso Santos. Sa mga sanaysay naman ay
sina Gloria Villarasa Guzman, Lina Flor at Tarrosa Sabido. Sa pamumunang panlipunan na
nakapag-ambag nang Malaki sa sariling panitikan ay natampok sina Pura SAntillan Castrence,
Maria Luna Lopez at Emilio A. Cruz.

ANG MAIKLING KUWENTO – Ang sangay na ito ng panitikan ay maunlad at maituturing na


lubusang namulaklak sa panahon ng mga Hapones. Hindi na gaanong binigyang-pansin ng mga
patnugot ang panlasa ng mga karaniwang mamamayan. Noong 1943 ay isinaaklat ang “25
Pinakamahuhusay na Kathang Pilipino ng 1943.”

Ang mga nagsisulat ng maiikling kuwentong ang paksa ay buhay lalawigan ay sina Macario
Pineda, Serafin Guinigundo, Brigido Batungbakal at iba pa. Noong 1944 ay may ginanap na
pamimili ng pinakamahuhusay na akda ng 1945. Ang lupon ay binubuo nina Jose Esperanza
Cruz, Francisco B. Icasiano, Agustin Gabian, Clodualdo del Mundo, Antonio Rosales, Arsenio
Afan, Buenaventura Medina Jr., at Teodorico Santos. Ipinasuri naman ang 25 napili kina Lope K.
Santos, Iñigo Ed. Regalado at Julian Cruz Balmaceda. Ang mga sumusunod ang nagkamit ng
gantimpala.

Unang gantimpala – Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes

Ikalawang gantimpala – Uhaw ang Tigang ng Lupa ni Liwayway Arceo

Ikatlong gantimpala – Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales


ANG DULA – Ang dula ay mahalaga sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.
Nangangailangan ng aliwan ang libu-libong mamamayang naggala sa lansangan.
Nangangailangan sila ng paglilibang upang malimutan ang mga pangamba, pag-aalaala at iba’t-
ibang emosyong sumsanib sa kanilang katauhan. Nawalan sila ng hanapbuhay o Gawain at
kinakailangang may mapagpalipasan ng oras upang malimot ang sama ng loob. Dumagsa ang
mga tao sa mga sinehan lalo na yaong mga sinehang nagbibigay ng dalawang palabas at
mayroon pang bodabil. Ang mapagpatawang mga artistang tulad nina Pugo at Tugo ay
nagtangay sa pansamantalang paglimot sa kawalan ng pag-asa ng mga Pilipino dahil sa kanilang
mga birong tumutuligsa sa mga Hapones. Ang mga birong iyon ay nakaligtas sa “Board of
Censors” ngunit nauunawaan ng mga manonood na Pilipino. Kung minsan, pati mga balitang
pampalakas-loob sa mga Pilipino ay pinararating sa madla sa pamamagitan ng dula.

Ang mga dating artista sa mga paaralang pangkolehiyo aay nagkakaroon ng pagkakataong
humanap ng ikabubuhay sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga dula sa “Metropolitan
Theater”. Ang dulang iyon ay katulad ng estilo ng makalumang bodabil,ngunit nang lumaon ay
naging makabago ang paraan ng pagpapalabas ng dula sa pagsibol ng bagong dugo sa dulaan
tulad nina Lamberto Avellana, Narciso Pimentel at Climaco. Naging mahusay ang pagganap ng
mga tauhan at nawala ang maanghang na biro. Nagkaroon ng kaisahan ang balangkas. Ang
mabubuting dula ay ipinalabas sa Avenue Theater at sa Life Theater.

Higit na kinagigiliwan ang mga palabas sa Life theater kaysa Avenue Theater sapagkat kabilang
sa mga artista sina Katy dela Cruz at Diana Toy. Si Katy de la Cruz ang malapit sa damdamin ng
mga manonood sa lahat ng mga artistang Pilipino noong panahong iyon.

Ang tagumpay ni Katy ay dahilan sa kanyang katangi-tanging personalidad at sa kanyang


pambihirang pagbibitiw ng pananalita at biro.

Sa kabila ng pamamayani ng mga dulang katatawanan ay hindi natabunan ang dulang “Sino Ba
Kayo?’’ ni Julian Cruz Balmaceda. Ito ay natanyag.

Ipinalabas ni Avellana ang mga sumusunod na dula: Kapitbahay, Pitang Muelle, Diborico Na,
Kuarta Na, at Parbol. Mahusay ang pagkakaganap ng mga tauhan, kaya naging matagumpay ang
pagtatanghal ng nasabing mga dula.

Noong panahong iyon na ang stage show ay naging palasak, ang mga manunulat ng “Script” at
dula ay hindi tumanggap ng karapat-dapat na pagpapahalaga. Sila’y binabayaran lamang sa
murang halaga. Nang si Lupita ay mamatay sa dulang “Pitang Muelle” ay kinailangan ding
mamatay si Diana Toy sa “Tapos ang Boksing”. Patuloy ang mga pagpapatawa nina Pugo at
Tugo bagaman bahagyang nabawasan ang kanilang katanyagan dahil sa pagsulpot ng ibang
komikero.

Sa kabila ng maraming kakulangan, ang pag-unlad ng dulang Tagalog ay nagpatuloy. Naging


mahusay ang mga pagkilos, pagbibitiw ng pananalita ng mga artista, pagpili ng mga tanawin at
pagdidirihe ng mga director.

Ang digmaan ay nakalikha ng pangangailangan ng libangan para sa mga tao upang malimot nila
kahit sandal ang kawalan ng katiyakin sa hinaharap, ang gutom at kung minsan pa ay
kamatayan. Sinikap ng mga artista na bigyang-buhay ang kanilang pagganap at sila nama’y
naagtagumpay na maibigan ng mga manonood.
Sa panahon ng mga Hapones, ang dula ay nagkaroon ng puwang sa lipunan at nangako ng
magandang hinaharap.
ANG PANULAAN – Sa panahon ng mga Hapones, ang tulang “haiku” ang namalasak. Binubuo
ito ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. May limang oantig ang unang
taludtod, may pitong pantig ang ikalawang taludtod at may limang pantig tulad ng una ang
ikatlong taludtod. Matalinghaga at masining ang pagpapahayag sa uring ito ng tula. May isang
uri ng tulang binuhay ni Ildefonso Santos noong panahong iyon. Ito ay ang “tanaga”. Kaiba sa
“haiku” ang tanaga ay may sukat at tugma, may pitong pantig ang bawat taludtod. Ang
“haiku” at “tanaga” ay kapwa maikli at may talinghaga. Namayani sa panahong iyon ang mga
tulang may malayang taludturan.
Halimbawa ng Haiku:

Pag-ibig Kalikasan

Hatid ay saya Biyaya’y taglay


(5 pantig sa unang taludtod)
Sa pusong sumisinta Kaloob ng Maykapal
(7 pantig sa ikalawang taludtod)
Irog, halika Anyaya’y buhay.
(5 pantig sa ikatlong taludtod)

Halimbawa ng Tanaga:

Tanaga ni Ildefonso Santos (Liwayway, Oktubre 10, 1943)

Palay Kabibi

Palay siyang matino Kabibi ano k aba?


Nang humangi’y yumuko May perlas maganda ka
Ngunit muling tumayo, Kung idiit sa tainga
Nagkabunga ng ginto. Nagbubuntunghininga.
(7 pantig sa bawat taludtod, may sukat at
tugma)

ANG NOBELA – Hindi naging maunlad ang nobela sa panahong ito. Ang dahilan ay ang
kakapusan ng mga papel na magagamit. Ang ilan sa mga nobela noong panahong iyon ay ang
mga sumusunod: “Tatlong Maria” ni Jose Esperanza Cruz, “Pamela” ni Adriano Laudico,
“Magandang Silangan” ni Gervacio Santiago, “Sa Lundo ng Pangarap” ni Gervacio Santiago at
“Lumubog na Bituin” ni Isidro Z. Castillo.

You might also like