You are on page 1of 3

PANAHON NG HAPON

Kasaysayan

Noong Disyembre 7,1941 ay nilusob at binombahan ng Hapon ang Pearl Harbor,Hawaii. Inatake nila ang
mga kagamitang pandigma ng Estados Unidos. Kasunod nito ay ang pambobomba sa Pilipinas noong
Disyembre 8,1941. Tuluyan nang nasakop ng mga Hapones ang Pilipinas mula 1941-1945. Naapektuhan
ang sistema ng edukasyon at pagsulat ng mga Pilipino maging ang kanilang pamumuhay.

Mga Ipinagbawal sa Panahon ng Hapon

Higit na ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng sulatin maging sa edukasyon at sa mga
panlimbagan. Naging maahigpit din sa pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng mga
pahayagan.Hindi naging malaya sa pagpapahayag ang mga Pilipino noon. Ang tanging nakapagsusulat
nang may kalayaan ang yaong mga Pilipinong naninirahan sa Estados Unidos. Dahil dito ay inatas ng
pamahalaang Hapon na gamitin ang wikang Tagalog.

Panahon ng Hapon

• Sa panahong ito, bumagsak ang dulang seryoso at tinangkilik ang mga pelikula ng Amerikano na
katatawanan, awit at sayaw.

Mga dula sa Panahon ng Hapon

•Legitimate- ay binibuo ng mga dulang sumusunod sa kumbensyon ng pagsusulat at pagtatanghal.

•Illegitimate- ay mas kialla sa tawag na stageshows

Mga Pinahintulutang Pahayagan/Sulatin

May mga pahayagan na nagsikalat sa panahon ng Ikalawang Digmaang Daigdig, isa na rito ay ang
“Tribune”. Nang ipinasara ito kabilang din sa mga naipahinto ang mga panlimbagan kaya ang tanging
paraan ng pakikipagkomunikasyon ay ang programang panradyo na tinatawag na “Voice of
Freedom”.Kinalaunan ay muling sumigla ang pahayagan nang pinahintulutang muling gamitin ang
Liwayway ng mga Roces na pinamahalaan ng isang Hapones na nagngangalang Ishiwara. Sunod-sunod
ng nagsilabasan ang iba pang pahayagan kabilang na rito ang Taliba,Manila Sinbunsya at iba pa.

Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino

Tinawag na “Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino” ang panahon ng pananakop ng mga Hapon dahil
sa tagging wikang Tagalog ang nangibabaw na wika na ginamit sa pagsulat ng mga panitikan. Isa sa mga
manunulat na napilitang gumamit ng wikang Tagalog ay si Juan Cabreros Laya.Ngunit kahit na sa
panahong iyon ay hindi ganoon kahasa na magsulat ang mga Pilipino gamit ang sariling wika kaya may
mga tagapagsalin na tumulong upang isalin ang mga panitikang nailimbag sa Ingles,kabilang na rito sina
Francisco Rodrigo,Alberto Concio, at Narciso Pimentel. Maliban sa kanila ay isa rin sa mga namahala ay si
Kini’chi Ishikawa,isang Hapones na may mataas na panunungkulan sa pamahalaan. Tumulong siya sa
pagpapaunlad ng mga gawaing may kaugnayan sa panitikan at kultura. Nagdaos din ng seminar na
“Pasanayan ng mga Manunulat”. Ang naging tagapanayam sa nasabing seminar ay ang tanyag na si Lope
K. Santos. Ang tunguhin ng seminar ay tulungan ang mga manunulat upang sila’y mahasa sa larangan ng
pagsulat.

Tema ng Panitikan sa Panahon ng Hapon

Ang mga naging sentro na paksa ng pagsulat sa panahon ng Hapon ay ang mga sumusunod:

• Pamumuhay sa lalawigan
• Ugali ng mga Hapon na masipag magtrabaho
• Pagkamakabayan,pag-ibig,kalikasan
• Pananampalataya,sining
• Ugali ng mga Hapon na pagiging tapat sa bansa.

Mga Manunulat sa Panahon ng Hapon

Sa panahon ng kagipitan,sindak at agam-agam ng kalooban ay sumilang ang ilan sa mga magagaling na


manunulat katulad nina Liwayway Arceo,Alicia L. Lim,Ligaya D. Perez ,Gloria Villarasa Guzman at iba pa.

Ang mga manunulat sa Ingles at Tagalog ay nagkaisa sa pagpapataas ng uri ng pamumunang


pampanitikan sa bansa. Ang mga naging pamumunang pampanitikan sa tula ay sina Alejandro G.
Abadilla,Iñigo Ed. Regalado, at Ildefonso Santos.

Sa mga sanaysay naman ay sina Gloria Villarasa Guzman,Lina Flor at Tarrosa Subido.

Sa pamumunang panlipunan ay sina Pura Santillan Castrence,Maria Luna Lopez, at Emilio A. Cruz.

Maikling Kwento

Noong 1943 ay isinaaklat ang “25 Pinakamahusay na Kathang Pilipino ng 1943”.Ilan sa mga nagsisulat na
may paksa na buhay sa lalawigan ay sina Macario Pineda,Serafin Guinigundo at Brigido Batungbakal.
Noong 1944 ay ginanap ang pamimili ng pinakamahusay na akda ng 1945. Ang lupon ng mga tagapamili
ay binubuo nina Jose Esperanza Cruz,Francisco B. Icasiano ,Agustin Gabian,Clodualdo del Mundo,
Antonio Rosales,Arsenio Afan,Buenaventura Medina Jr. ,Teodorico Santos. Matapos magkaroon ng
pamimili ng 25 akda ay ipinasuri naman ito kina Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regalado at Julian Cruz
Balmaceda.

Ang mga nagkamit ng gantimpala ay ang mga sumusunod:

Unang gantimpala-Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes

Ikalawang gantimpala-Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo


Ikatlong gantimpala-Lunsod,Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales

Dula

Sa panahon ng kawalan ng pag-asa at pagkalugmok ay umusbong ang mga dulang panteatro upang
umaliw sa mga Pilipino. Isa sa mga sumikat ay ang mga nakatutuwang dula tulad ng “Pugo at Tugo” na
itinatanghal sa Metropolitan Theater.Nagkaroon ng kabuhayan ang ilan sa mga Pilipino sa pamamagitan
ng pagtatanghal.Kinalaunan ay nabago ang estilo ng pagtatanghal,nawala ang maaanghang na biro at
nagkaroon ng kaisahan sa balangkas. Ang mabubuting dula ay ipinapalabas sa Avenue Theater at Life
Theater.Kabilang sa mga naging artista ay sina Katy dela Cruz at Diana Toy. Sa kabila ng pamamayani ng
mga dulang katatawanan ay ‘di natatabunan ang dulang “Sino Ba Kayo?” ni Julian Cruz Balmaceda.
Maliban sa kanya ay namayagpag din si Lamberto Avellana at itinanghal ang Kapitbahay,Pitang
Muelle,Diborico Na,Kuarta Na, at Parbol.

Ilan sa mga kilalang manunulat ng dula ay ang mga sumusunod:

• Jose Ma. Hernadez-Panday Pira


• Francisco Soc Rodrigo-sa Pula,sa Puti
• Clodualdo del Mundo-Bulaga
• Julian Cruz Balmaceda-Sino ba Kayo?,Dahil sa Anak, at Higante ng Patay

You might also like