You are on page 1of 3

Di-Berbal na Komunikasyon-Ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan na ang

daluyan o channel ay hindi lahat lamang ng sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng
katawan at ang tinig na iniaangkop sa mensahe.
Halimbawa: kumpas ng kamay, galaw ng braso, taas ng kilay, iba-ibang uri ng pagtingin at
pagtitig at iba pa.
Mga Uri ng Komunikasyong Di Berbal

Galaw ng Katawan (Kinesics) - Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang
paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan.
a. Ekspresyon ng Mukha “Nagpapakita ng Emosyon”
b. Halimbawa: masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot kung umiiyak.
10. b. Galaw ng Mata - Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag- iiba ang mensaheng
ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
11. c. Kumpas “Galaw ng Kamay” - ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa. a.
Regulative – kumpas ng isang pulis o kumpas ng isang guro. b. Descriptive – kumpas na maaring
naglalarawan sa isang bagay. Halimbawa: laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay c.
Emphatic – Kumpas na nagpapahiwatig ng damdamin Halimbawa: paghampas ng kamay sa
mesa, pagpalakpak, pagtaas ng kamay
12. d. Tindig o Postura - Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung
anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.
13.  Proksemika (Proxemics) - “Pag – aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang
katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo. Uri ng Proxemic Distance 1.
Espasyong Intimate up to 1- ½ ft. 2. Espasyong Publik- 12 ft. o higit pa 3. Espasyong Sosyal- 4 -
12 ft. 4. Espasyong Personal- 1- ½ - 4 ft.
14.  Oras / Kronemika (Chronemics) a. Teknikal o siyentipikong oras - ginagamit lamang ito sa
laboratoryo atkaunti lamang ang kaugnayan nito sapang- araw-araw nating pamumuhay. b.
Pormal na Oras - tumutukoy kung paano binibigyan ng kahuluganang kultura at kung paano ito
itinuturo.Halimbawa, sa kultura ng ating oras, hinahati ito sa segundo, minuto, oras, araw,
linggo, buwan at taon. Sa eskwelahan c. Impormal na Oras - medyo maluwag sapagkat hindi
eksakto.hal. Magpakailanman, agad-agad,sa madaling panahon atngayon din d. Sikolohikal na
Oras- tumutukoy sa kahalagahan ng pagtatakda ng oras sanakaraan, sa kasalukuyan at sa
hinaharap.
15.  Pandama o Paghawak (Haptics) - Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon.
Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa
isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob. Halimbawa: Pagyakap,
Paghaplos, pisil, tapik, batok, haplos, hipo at iba pa.
16.  Paralanguage - tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita pagbibigay diin sa mga
salita. Halimbawa: bilis ng pagbigkas,paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses, kasama
rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at paghinto
17.  Katahimikan / Hindi Pag-imik - may mahalagang tungkulin ding ginagampanan ang dipag-
imik/ katahimikan pagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita namakapag-isip at bumuo
at mag-organisa ng kaniyang sasabihin - sandata rin ang katahimika - tugon sa pagkabalisa o
pagkainip, pagkamahiyain opagkamatatakutin
18.  Kapaligiran - ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong,
kumperensya,seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran Pormal/ di pormal kaayusan
ng lugar  Simbolo (Iconics) - mga simbolo sa paligid na may malinawna mensahe Hal. Sa
palikuran, bawal manigarilyo atbp.
19.  Kulay (Colorics) nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Halimbawa: kulay asul at
pula sa bandila ng pilipinas  Bagay (Objectics) -Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa
pakikipagtalastasan. Kabilang rito ang mga elektronikong ekwipment.
20. Maraming salamat sa pakikinig!
Pakikipagkapwa-tao[baguhin | baguhin ang batayan]
Ibang-ba ang konsepto ng kapwa sa salitang Ingles na others sapagkat ang kapwa ay ang
pagkakaisa ng sarili at ng ibang tao. Ito ang pagtatanggap sa ibang tao bilang kapantay, at katulad.
Nakikitungo ang Pilipino sa kapwa na may respeto at dignidad bilang isang tao rin.

Pagiging malapit sa pamilya[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa mga kanluraning kultura, inaasahang umalis na sa bahay ng magulang, mamuhay at suportahan
ang sarili kapag may edad ng 18 ang isang tao. Iba ang kaugaliang Pilipino: kahit may edad na ang
isang Pilipino, namumuhay pa rin siya sa bahay ng kanyang magulang hanggang handang-handa
na siyang magkaroon na siya ng sariling pamilya. Kapag matanda na ang magulang at hindi na
maalagaan ang sarili, inaasahang sa mga anak na mag-alaga sa kanila, bihira ang "Tahanan para
sa mga Matatanda" sa Pilipinas na nakikita sa mga kanluraning lipunan at kultura. Hindi rin
pambihira sa kulturang Pilipino ang mga pagtitipon at kainan kasama ang buong angkan.
Napakahalaga sa mga Pilipino ang pagiging malapit sa pamilya.

Biro[baguhin | baguhin ang batayan]


Marunong magbiro ang mga Pilipino sa kahit anong situwasyon. Kahit hindi angkop sa situwasyon
ang pagbibiruan, sinasalamin nito ang pagiging maasahin at determinado ng mga Pilipino sa harap
ng kahirapan. Ginagamit rin ang biro upang maiwasan ang hiya kapag napahiya o may nagawang
nakakahiya o kinahihiyaan.

Pakikibagay sa sitwasyon[baguhin | baguhin ang batayan]


Organiko at likas ang konsepto ng oras ng mga Pilipino, ginagawa nila ang mga bagay kapag
nararamdaman nila na tamang-tama na ang panahon upang gawin iyon. Hindi sila nakatali sa mga
mahigpit sa itinakda (schedule), at nakatuon sila sa kasalukuyan, hindi sa kinabukasan. Nakikibagay
ang mga Pilipino sa kanyang situwasyon, kapag may oras para huminga, hihinga siya, at kung
kailangan nang magtrabaho, magtatrabaho na siya. Hindi sila mag-aalala sa mga bagay na hindi pa
nangyayari, dahil alam nila na kapag dumating na ang oras, makikibagay sila. Mabilis mag-isip ang
mga Pilipino at magaling maghanap ng solusyon sa mga problema kahit hinaharap na nila ito.

Pananampalataya at relihiyon[baguhin | baguhin ang batayan]


Napakahalaga sa mga Pilipino ang kanilang pananampalataya at relihiyon. Kristiyano ang mga 85%
ng populasyon sa Pilipinas, at makikita at kahalagahan nitong relihiyon sa dami ng mga pista
opisyal, sa siksikan sa mga simbahan tuwing Linggo, hilig ng mga Pilipino sa dasal at Novena,
moralidad ng mga Pilipino, mga pista para sa imahe (katulad ng Sto. Nino at mga Santo), at mga
malalang ritwal tuwing Semana Santa.

Tibay at lakas[baguhin | baguhin ang batayan]


Mayaman sa kabiguan at kahirapan ang kasaysayan ng Pilipinas, ngunit nagtagumpay pa rin ang
mga Pilipino sa harap ng mga ito. Sinakop na ng ibang bansa, nawasak ng giyera, napasailalim sa
batas militar, pinamahalaan ng mangungurakot, nawasak ng bagyo, at kahit ano pa, hindi sumuko
at hindi susuko ang mga Pilipino, at magsusumikap hanggang may mahanap na solusyon sa
problema.
Ang lakas ng loob ay isa sa pitong pinakamahalagang katangian na mayroon ang isang Pilipino.
Tumutukoy ito sa abilidad ng tao na magpursiga sa halip ng kahirapan, o kamatayan. Ito ay isang
napaka-importanteng sangkap sa pagkakamit ng pagbabagong-dangal, at madalas, lumalabas ang
lakas ng loob ng isang tao kapag nais niyang ipaglaban ang kanyang dangal. Subalit, hindi lamang
ang sariling mga interes ang iniisip kapag tinatalakay ang mga dahilan kung bakit nagpapakita ng
lakas ng loob ang mga Pilipino. Dagdag sa unang sinabi na lumalabas ang lakas ng loob ng isang
tao para protektahin ang kanyang dangal, maaaring ipaglaban din niya ang katarungan para sa
kanyang kapwa. Dahil dito, masasabi na ang lakas ng loob ay isang damdamin, o pangkaloobang
pakiramdam, na mahalaga para makamit ang kabutihan para sa lahat.
Mga halimbawa na nagpapakita ng lakas ng loob[baguhin | baguhin ang batayan]

 Lumaban si Lapu-Lapu kay Ferdinand Magellan upang protektahan ang mga Pilipino sa
puwersa ng mga Kastila. Kahit dehado si Lapu-Lapu sapagkat mas maganda ang mga armas ni
Magellan, sumikap siyang subukin pa ring talunin ang Kastila.
 Nagsama-sama ang mga mayayaman at ang mga mahihirap sa Rebolusyon sa EDSA upang
italsik ang dating pangulo na si Ferdinand Marcos. Kahit wala silang armas at mga militar ang
katapat nila, sabay-sabay silang pumuntang EDSA upang ipagtanggol ang katarungan at ang
kanilang mga karapatan.
 Nagsulat si Jose Rizal ng kanyang mga librong Noli Me Tangere at El filibusterismo kahit alam
niyang na maaari siyang ipapatay ng mga Kastila kung makita nila ito. Dahil sa matapang na
aksyon ni Dr. Rizal, nagising ang mga Filipino sa kaapihan na naranasan nila sa ilalim ng mga
Kastila, at sinimulan nila ang mga rebolusyon upang makamit ang kalayaan.
Kasipagan[baguhin | baguhin ang batayan]
Masipag at matiyaga ang mga Pilipino sa mga gawaing determinado nilang tapusin. Makikita ito ong
kaugaliang Pilipino sa kanilang mga sakahan. Kahit laos na ang mga teknolohiya at kagamitan ng
mga magsasaka, at madalas na nawawasak ang mga bukid dahil sa mga bagyo nagpupursigi pa rin
sila para para mamuhay. Malapit sa kamalayang Pilipino ang konsepto ng OFW o Overseas Pilipino
Worker na nagsasakrapisyo upang matulungan at masuportahan ang kanilang mga pamilya.

Respeto[baguhin | baguhin ang batayan]


Napakahalaga sa mga Pilipino ang respeto, at makikita ito sa kanilang paggamit ng "po" at "opo".
Ang mga bata ay inaasahang makinig at sumunod palagi sa magulang at mas nakatatanda.
Inaasahang din silang magmano sa mga mas-nakatatanda. At Kahit may sapat na gulang na ang
isang Pilipino, nirerespeto pa rin nila ang mga mungkahi, nais at gusto ng kanyang mga magulang,
naiimpluwensiya pa rin ng mga magulang ang mga desisyon ng kanilang mga anak.

You might also like