You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

I. LAYUNIN
Sa loob ng 60 minutong talakayan, 85% ng mga mag-aaral sa ika-siyam
na baitang ay inaasahang:

1. Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa


napakinggang diyalogo o pag-uusap.
2. Natutukoy ang mga kahulugan at elemeto ng dula.
3. Nakakagawa ng isang pagsusuri gamit ang iba‟t ibang elemento ng dula.

II. PAKSANG-ARALIN:
Paksa: Munting Pagsinta
Sanggunian: Panitikang Asyano 9, p. 157-165
Kagamitang Pampagtuturo: Powerpoint Presentation
Pagpapahalaga: Pag-unawa at pagpapahalaga sa dula

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


Panimulang Gawain
Magandang wika at maalab na panitikan sa
ating lahat Grade 9.
• Pagbati
• Panalangin
• Pagtala ng liban sa klase
• Pagbabalik-aral

A.Aktibiti
Bago natin simulan ang bagong talakayan,
may inihanda akong gawain para sa inyo.
Ang gawaing ito ay tatawagin nating Kuha
mo, Hulaan ko! May ipapakita akong mga
larawan sa inyo at kailangan ninyong hulaan
kun ano ang inilalarawan nito.

Handa na ba kayo?
Handang-handa na po.
1. Gumaganap o Aktor

2. Iskrip

3. Tanghalan

4. Direktor

5. Manonood
B. Analisis
Ano ang napansin ninyo sa mga larawan?
Ito ay nakikita sa isang pagtatanghal.

Ito ay mga kasangkapan sa isang


Magaling! Ano pa? dula.

Mahusay!
Ang mga larawan na inyong nakita ay may
kinalaman sa ating tatalakayin sa hapong
ito.
C. Pagtalakay
Ngayong araw ay sama-sama nating
lakbayin at tuklasin ang makulay at
mayamang panitikan ng Mongolia.
Pero bago „yan ay pag-usapan muna natin
ang tungkol sa Dula.

Ano nga ba ang dula?

Mahusay!

Narito ang mga elemento ng dula.


1. Iskrip
-Pinakakaluluwa ng isang dula
-Lahat ng bagay na isinasaalang-
alang sa dula ay naaayon sa isang
iskrip
-Walang dula kapag walang iskrip

2. Gumaganap o Aktor
-Ang mga aktor o gumaganap ay ang
nagsasabuhay sa mga tauhang nasa
iskrip
-Sila ang bumibigkas ng diyalogo
-Sila ang nagpapakita ng iba‟t ibang
damdamin
-Sila ang pinanonood na tauhan sa
dula

3. Tanghalan
-Anumang pook na pinagpasyahang
pagdausan
ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan

4. Direktor
-Ang direktor ang namamahala at
nagpapakahulugan sa isang iskrip ng
dula
-Siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula
Sa pagpasya sa kaayusan ng
tagpuan, ng kasuotan ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan.

5. Manonood
-Sa kanila inilalaan ang isang dula.
-Sila ang sumasaksi sa pagtatanghal
ng mga aktor.

Ngayon ay dadako na tayo sa dula ng


Mongolia.
Kung ang pag-uusapan ay ang serye ng
mga pangyayari sa buhay ng tao, maaaring
ang pangyayari ngayon sa iyong buhay ay
nangyari o nangyayari rin sa buhay ng isang
taga-Mongolia. Upang mapatunayan mo na
mabisa ang dula sa paglalarawan ng
karaniwang pamumuhay ng tao, naririto ang
isang akdang hinalaw sa pelikula mula sa
Mongolia.
Ngayon ay papanoorin ninyo ang dula.
Kailangan ninyong unawain at tandaan ang
mahahalagang detalye.
Handa na ba? Handang-handa na po.

Naunawaan ba ang dula?


Opo.
Ngayon, gamit ang mga larawan na ito iisa-
isahin nating talakayin ang mga
mahahalagang kaganapan sa dulang
napanood.
Para sa unang bilang. Sa inyong palagay
alin sa mga larawan ang unang naganap?

Magaling!
Anong kaganapan mayroon sa larawang Inalok ni Yesugei ang kanyang anak na
ito? Ano ang nagyari? si Temujin na maghanap ng
mapapangasawa doon sa Tribong Merit
dahil malaki ang atraso ng kanyang ama
sa tribong ito. Kaya naman, ay atat na
atat ang kanyang ama na umalis. Sa
gitna ng kanilang paglalakbay,
nakaramdam sila ng pagod at
nagpahinga muna.
•Kung ikaw si Temujin, papayag ka ba sa -Oo, sapagkat ito ay magbibigay ng
desisyon ng iyong ama? Bakit? katahimikan sa amin, dahil sa
nagawa ng aking ama ay
mababayaran ang malaking atraso
sa tribong Merit. Ito rin ay bilang
pagrespeto sa desisyon ng aking
ama.

Para sa pangalawang bilang. Sa inyong


palagay alin sa mga larawan ang sunod na
nangyari?

Magaling!
Habang sila‟y nagpapahinga,
Anong kaganapan mayroon sa larawang ginalugad ni Temujin ang paligid at
ito? Ano ang nagyari? nakakita ng isang dampa kung saan
naninirahan ang daliginding na si
Borte. Nabigla siya nang biglang
bumagsak ang pinto ng kanilang
kusina na likha ng aksidenteng
pagkabuwal ni Temujin.

Para sa pangatlong bilang. Sa inyong


palagay alin sa mga larawan ang sumunod
na naganap?

Magaling! Noong una ay akala ni Borte na sila‟y


mga magnanakaw. Subalit ay
Anong kaganapan mayroon sa larawang
napahinaon siya ni Temujin. Nakinig
ito? Ano ang nagyari?
na lamang si Borte sa kung ano ba
talaga ang pakay ni Temujin at iyon
ay nais niyang pakasalan ito. Dapat
sana ay pupunta sila sa Tribong Merit
upang maghanap ng
mapapangasawa subalit nagbago
ang isip niya nang makita siya.
Dagdag pa nito na bata pa raw sila
sa ngayon pero babalikan niya raw
ito matapos ang limang taon at
papakasalan para para sila‟y
magsasama habang buhay.
•Kung ikaw naman si Borte, papayag ka rin
ba sa alok ni Temujin? Bakit? -Opo. Dahil malinis naman ang
kanyang layunin.

Sa inyong palagay alin sa mga larawan ang


huling naganap?

Magaling!
Anong kaganapan mayroon sa larawang
Pagkatapos noon ay ipinakilala ni
ito? Ano ang nagyari?
Temujin si Borte sa ama niya, kahit
na hindi iyon ang inaasahan ni
Yesugei, wala na siyang magagawa
kung siya na talaga ang pinili ni
Temujin. Kaya naman, tinanggap na
lang ni Yesugei ang desisyon ng
anak niya at umasang magkakaroon
ng masayang kinabukasan ang
dalawa.

Mahusay!
• Ano ang aral na nais iparating sa atin ng -Kinakailangang alam ng ating
dula? magulang ang pasya o desisyon na
ating ginagawa.

Makikita natin sa dulang ito na bahagi ng


Kultura ng mga taga-Mongolia ang
maagang pag-aasawa at ito ay tanggap sa
kanilang tribo o komunidad tulad ng
nangyari sa ating mga ninuno. Kaugalian din
nila ang humingi ng bendisyon o basbas
mula sa kanilang magulang.
D. Aplikasyon
Panuto: Suriin ang dula gamit ang graphic
organizer.

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON
Quiz (Google Form)

Panuto: Buksan ang link na ito at piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfPufX4dlBLEZOfnTF8EpIz
S1UjwsCRH6nhHZUCEyVhtH_ULg/viewform?usp=sf_link

V. TAKDANG- ARALIN

Basahin at pag-aralan ang isa pang dulang “Dahil sa Anak”. Gamit ang
graphic organizer, paghambingin ang dulang “Munting Pagsinta” at dulang “Dahil
sa Anak”. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (Ipasa sa messenger ni Jay Ann
Candelaria Oliva).
Inihanda ni:
Bb. JAY ANN C. OLIVA
BSED IV-Filipino

You might also like