You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Surigao Del Norte
Bacuag National Agro-Industrial School
Poblacion, Bacuag Surigao Del Norte

Masusing Paaralan Bacuag National Agro- Baitang: 9


Banghay-Aralin Industrial School
Guro LEAMAE TUBIS-BICOG Asignatura Filipino 9
COT JANUARY 23, 2023 Qurter: 2ND
DATE 1:00-2:00 PM

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang


komunikatibo,mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang
teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang
pagkakakilanlang Asyano. (F8PS-lg-h-22)

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakauuri ng mga tiyak na elemento at katangian ng isang dula.
2. Nakasusuri ng mga larawang ipinakita batay sa elemento ng dula.
3. Nakagawa ng pagsasadula mula sa sitawasyong nakalahad.

II. NILALAMAN: DULA

Reference: SLM Modyul 6

III. MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURO:


 LCD Projector, Loptop, , Power Point Presentation at mga larawan
IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PAUNANG GAWAIN

1. Panalangin
2. Magsitayo ang lahat para sa Sa ngalan ng ama, sa anak……
panalangin

3. Pagbati Magandang umaga din po Gng. Bicog


4. Magandang umaga sa inyong
lahat!
(Inayos ang mga upuan at umupo)
5. Bago umupo ay ayusin muna
ang mga silya at ang inyong
mga sarili ng sa ganoon ay
maging komportable kayo sa
daloy ng ating talakayan.

6. Checking Attendance Wala po maam!


-Sinong lumiban ngayong araw?

-Mabuti naman, akoy nagagalak


at lahat kayo ay ganadong
pumasok!
Opo maam!
Kumusta? Handa na ba kayong
matuto ng panibagong aralin?

Bago ang lahat babasahin ko


muna sa inyo ang mga tuntunin
sa loob ng ating klase.

(Binasa ang mga tuntunin)


Maam! Maam!
4. Gawaing Pangganyak

Bago natin simulan ang ating talakayan,


sino ang gustong pumunta dito sa
harapan upang gumawa nitong aking
hinandang maikling Gawain. Kailangan
ko ng dalawang representante.

Okay, Vince at Dyna maari ba kayong


pumunta dito sa harapan?

Ang gagawin lamang ninyo ay


gagayahin niyo lamang itong aking
ipapanuod na bidyo sa inyo.

(Nagpakita ng bidyo ang guro)


Wow! Palakpakan naman natin ang (Ginaya ang nasa Bidyo)
inyong kamag-aral. Maraming salamat
sa inyong dalawa.
Alam niyo ba anong pelikula ito?

B. ANALYSIS

Wow! Magaling kapag talaga may mga


iconic lines at magagaling ang mga Opo maam. (Sinabi ang pamagat ng
gumanap hindi talaga makakalimutan. pelikula)
Pero ano nga ba nag kinalaman ng
ginawa ng dalawa ninyo kakaklase sa Nag aakting po maam!
ating aralin ngayong araw? Ano ba ang
ginawa nila.

Mahusay! Ang ating tatalakayin ngayon


ay may kinalaman sa pag-arte!

Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang Opo maam!


“Dula at mga Elemento nito”.

Handa naba kayo?

Okay! Bago tayo dumako sa ating


talakayan basahin muna nating ng LAYUNIN:
sabay-sabay ang mga layunin ng aralin. 1. Nauuri ang mga tiyak na elemento
at katangian ng isang dula.
2. Nasusuri ang mga larawang
Maraming salamat, ang inyong binasa ipinakita batay sa elemento ng dula.
ay ang inaasahan nating makuha 3. Nakagagawa ng pagsasadula mula
pagkatapos ng aralin. sa sitwasyon inilahad.

C. ABSTRAKSYON
Pagtatalakay……

Dula- Ito ay nahango sa salitang


Griyego na “drama” na
nangangahulugang Gawin o ikilos”
Ito ay isang pampanitikang
panggagaya sa buhay upang
maipamalas sa tanghalan.

May ipapakita ako sa inyong maikling


clip ng dula, ito ay pinamagatang
“Munting Pagsinta” mula sa pelikulang
Mongol: The Rise of Genghis Khan ni
Sergie Bordrov. Hinalaw ni Mary Mary
Grace A. Tabora.

BAHAGI NG DULA
1. Yugto - Nahahati ang mga dula sa iba’t
ibang yugto depende sa haba nito. May
mga dulang may iisang yugto na kung saan
nagaganap ang dula sa isang lugar at
pangyayari lamang.

Sa pinanood nating bidyo, anong Maam!


bahagi doon ang nagpapakita ng yugto.

Okay bb. Dalia

Mahusay. Ang pagtatapos ng pag-uusap ng mag-


amang Yesugei at Temujin.
2. Eksena - Ang bumubuo sa isang yugto.
Sa madaling sabi, ito ay isang pangyayari sa
isang lugar sa isang panahon. Ito rin ay
maituturing na paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa
dula.
Ang pagdidiskusyon ng mag-amang
Ano naman ang halimbawa ng eksena mula
Yesugei at Temujin hinggil sa pagaasawa
sa ating pinanood?
habang papaalis.

3. Tagpo- Ang pagpapalit o ang iba’t ibang


tagpuan na pinangyarihan ng mga
pangyayari sa dula.

Magbigay naman ng pangayayari sa bidyo Mapapadpad si Temüjin sa isang dampa


na nagpapakita ng tagpo. kung saan nakatira ang dalaginding na si
Borte
Mahusay. Ngayon ay pumunta na tayo sa
element ng dula.

ELEMNTO NG DULA
Iskrip- nakasulat ang detalyadong
dayalogo ng mga tauhan sa isang dula. Para
kay Ricky Lee ang isang epektibong script
ay iyong bumubuhay sa imahinasyon at
dumadausdos sa kaibuturan ng kaniyang
mambabasa, manonood at maging ng
gaganap nito. Nakalagay rin sa mga iskrip
ng dula ang mga teknikal na kailanganin at
kahingian ng isang dula.

Banghay- pagkasunod-sunod ng mga


pangyayari.

Diyalogo- Ang mga bitaw na linya ng mga


actor na siyang sandata upang maipakita at
maipadam ang mga emosyon.
Gumaganap/Karakter o Aktor- Ang
nagbibigay buhay sa mga tauhan sa iskrip;
sila ang nagbibigkas ng diyalogo; sila ang
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila
ang pinanonood na tauhan sa dula; ang
nagsasabuhay sa iskrip ng dula.

Tanghalan- anumang lugar na


pinagpasyahang pagtanghalan ng isang
dula. Maaaring entablado, kalye at iba pa.

Direktor –Nagbibigay ng pagpapakahulugan


sa iskrip. Ito rin ang nagpapasya sa itsura ng
tagpuan, damit ng mga tauhan hanggang sa
a paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan sa iskrip.

Manonood- ang siyang manonood na


siyang nagbibigay reaksiyon sa mga
damdaming ipinahihiwatig ng isang dula

D. Gawain (Buuin mo ang litrato)


Naintindihan ba ng talakayan?

Kung gayon, upang masubok ang


inyong kaalaman sa ating talakayan,
magkakaroon tayo na pangkatang
Gawain.

Bumuo ng limang pangkat. Magbilang


tayo mula isa hangang lima.

Panuto: Bawat pangkat ay bibigyan ng


ng nakagulong mga larawan, bubuuin
ito ng bawat pangkat upang malaman
nila kung anong elemento ng dula ang
kanilang nabuo. Kapag natapos ng
mabuo ng pangkat ay ipapaalam nila sa
pamamagitan ng tunog ng hayop na
napili ng bawat pangkat. Ang pangkat
na unang makabuo at makasagot ay
ang magkakaroon ng puntos.

Unang Larawan: Aktor

Ikalawang Larawan: Tanghalan

Ikatlong Larawan: Iskrip

Ikaapat na larawan: Manonood

Ikalimang Larawan: Dialogo


Napakahusay ng ikalawang pangkat sila
ang may maraming puntos, palakpakan.

APLIKASYON
Nakikita kong naintindihan na ninyo ang
mga elemento ng dula. Ngayon
magkakaroon naman tayo ng iba’t ibang
serye ng mga gawain na naaayon sa
inyong kakayahan (Unang gawain)
Sitwasyon 1: Lima kayong
Ang unang gawain ay biglaang magkakaibigan at malalim na ang
pagganap o biglaang pagsasadula. inyong pinagsamahan, Isang araw ay
Bubuo lamang ako ng 3 pangkat para nalaman ninyong nagnakaw pala ng
sa gawain ito. Ang panuto ay kung sino pera ang isa sa inyong kaibigan dahil
ang mapipili kong mga mag-aaral na sa hirap ng buhay, isa siya sa
gaganap ng gawaing ito ay bibigyan ko pinagbibintangan ng karaminahan na
ng sitwasyon at isasadula nila ito batay alam naman ninyong siya nga ito. Ano
sa kanilang naintindihan. ang gagawin ninyo?

Sitwasyon 2: May sakit ang iyong ina


at natanggal naman sa trabaho ang
iyong ama, wala kayong pambili ng
gamot para sa iyong maysakit na ina.
Nang ikaw ay maglakad sa daan may
nakita kang pitaka na nahulog nang
isang ale. May laman itong pera at
saktong kailangang kailangan mo ito
sa panahong iyon, ano ang gagawin
mo?

Sitwasyon 3: Ikaw ay magtatapos na


sa ika-sampung baitang at gusting-
gusto mong mag-aral ng senior high
school sa pribadong paaralan ngunit
hindi pumayag ang iyong nanay
sapagkat wala kayong sapat na pera.
Ano ang magiging reaksyon mo dito?

Para naman sa ikalawang gawain ay


paggawa ng Iskrip. Humanap ng
kapareha at magtulungang gumawa ng
skrip mula sa pinanood na dulang
“Munting Pagsinta” Gumamit ng sariling
mga diyalogo ngunit huwag baguhin
ang kwento.

At sa huling gawain ay Gawan ng


Banghay ang Pinanood na dula at iulat
sa klase. Ang gawaing ito ay binubuo
ng 3 myembro bawat pangkat.
PAGTATAYA
Ngayon ay bumalik na sa inyong mga
upuan at para sa huling gawain ay
kumuha ng kalahating papel at sagutan
ang inihanda kong pasulit. Tingnan
natin kung talaga bang naintindihan
ninyo.

PAGWAWASTO NG PAGSUSULIT

Tapos na ba? Okay at atin nang


iwawasto ang inyong mga sagot.

Ipasa ang mga papel, 1, 2, 3 , 4,


V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Bilang isang mabuting anak
sumulat ng iskrip ng dula na naglalarawan
kung paano ka makatutulong sa mga
gawaing bahay. Salungguhitan ang mga
ginamit na pang-ugnay. Isulat ito sa isang
buong bondpaper at gamiting gabay ang
rubriks na ito sa pagmamarka ng iyong
awtput.

KRAYTIRYA SA PAGSULAT NG
ISKRIP

Okay! Iyon lamang para sa araw na ito,


Iayos na ang mga upuan at iayos na rin
ang inyong mga sarili para sa susunod
na asignatura.

Paalam na!
Paalam na po Gng. Bicog.

Inihanda ni:

LEAMAE TUBIS BICOG


TEACHER- I

Iniwasto at Inaprobahan ni:

ROLDAN J. MACARAYO
PUNONG GURO

You might also like