You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

Ikalimang Limang: Ika-15 at 17 ng Marso, 2023

I. Layunin

Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mga elemento na dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula;

b. naipaliliwanag nang pasulat ang mga kontradiksyon sa napanood na pelikula (F8PS-


IIIg-h-33) at

c. naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa isyung nangyayari sa pamilya.

II. Paksang-Aralin

a. Paksa: Pagsulat ng Rebyu ng Isang Pelikula

b. Sanggunian: Pinagyamang Pluma p.412-423

c. Kagamitang Pampagtuturo: Laptop, telebisyon at bidyo

d. Estratehiya: Popcorn Segmental Approach

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Paghahanda

Magsitayo ang lahat at manahimik parasa ating


pambungad na panalangin. Annie, pangunahan
ang panalangin. Ama naming makapangyarihan sa lahat, ikaw
ang aming tanglaw at gabay sa araw-araw.
Ama, nawa po'y bigyan mo po kami ng laks at
talino upang matagumpay po na matapos
ang klaseng ito. Gabayan mo po ang bawat
isa upang nang sa ganon ay maghahari ang
pag-uunawa at pakikinig sa bawat isa sa
amin. Ito po ang aming hiling sa'yo Ama.
Amen.
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat klas.

Isang mapagpalang araw din po ma'am.

Kumusta ang araw niyo?

Maayos naman po.

Bago tayo magsimula ay maaring itigil na muna


ang inyong ginagawa, pulutin ang mga kalat na
inyong nakikita at ipokus niyo ang inyong mga
mata at tainga dito sa harapan upang sa gayon
ay maintindihan ang ating gagawing talakyan.

Mark, maari mo bang ilista ang mga lumiban sa


ating klase at ibigay ito sa akin pagktapos ng
ating talakayan.
(Titignan kung sino ang mga lumiban sa
klase at ito'y ililista)

2. Balik-Aral

Ngayon, nais kong subukin ang inyong


natutuhan sa ating ginawang talakayan noong
nakaraang araw. Tungkol saan na nga ba ang
ating tinalakay? Angela, tumayo at sagutan ang
aking katanungan.

(Ang mga mag-aaral ay sasagot)


Mahusay! Palakpakan siya klas.

3. Pagganyak

Bago natin simulan ang ating talakayan ay may


ipanonod akong bidyo at pagkatapos ay
mayroon kayong sasagutan.

Maliwanag ba klas?

Opo ma'am.

(Magpapanood)
Pinakapaborito kong pelikula

Ilang impormasyon tungkol sa


pinakapaborito kong pelikula

Dahilan kung bakit ko ito paborito

4. Paglalahad

Batay sa ating ginawang gawain, ano sa


palagay niyo ang ating tatalakayin ngayong
araw? Tungkol po sa pelikula.
Pelikula nga ba? Atin ng alamin kung ano nga
ba ang ating tatalayakin ngayong araw.

B. Panlinang na Gawain

Bago natin simulan ang gagawing talakayan,


Miguel basahin ang mga layunin. Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mga elemento na dapat


isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula;

b. naipaliliwanag nang pasulat ang mga


kontradiksyon sa napanood na pelikula (F8PS
-IIIg-h-33) at

c. naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob


sa akda sa isyung nangyayari sa pamilya.
Hazel, pakibasa naman ang ating mga gabay na
tanong.
Mga Gabay Tanong

1. Ano ang pelikulang Pilipino?

2. Ano ang kahulugan ng pagrerebyu o


pagsusuri ng pelikula?

3. Ano-ano ang mga elemento na dapat


isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula?
Hannah, pakibasa ang paksa ngayong araw.

Pagsulat ng Rebyu ng Isang Pelikula


Bago tayo dumako diyan, atin munang alamin
kung ano nga ba pelikula.

Joyce, pakibasa.

Ang pelikulang Pilipino ay itinuturing na isa sa


pinakabata ngunit kinaliwang libangan
ngayon ng mga Pilipino sa bansa. Ayon sa
kasaysayan ng pelikulang Pilipino, ang
naitalang kauna-unahang pelikulang ginawa
sa Pilipnas ay angDalagang Bukid sa
direksyon ni Jose Napomuceno noong 1919
na hango sa Zarzuelang isinulat nina
Hermogenes Ilagan at ni Leon Ignacio. Ang
mga pelikula noon ay kalimitang batay
lamang sa mga pelikulang gawa sa
Hollywood kung hindi naman ay hinahango
(Magpapaliwanag) ang istorya ng mga ito sa mga aklat.

Pakibasa naman Jeremy.

PAGSULAT NG REBYU NG ISANG PELIKULA

Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay


isang paraan ng pagpapahalaga na sa sining
ng pelikula kung saan ang manunuri ay
maingat nagtitimbang at nagpapasiya sa
katangian nito. Ang pagsusuri ay tumutukoy
hindi lamang sa kahinaan at kakulangan
kundi gayundin sa mabubuting bagay na
dapat isaalang-alang sa pagpapaganda ng
pelikula.

Ang sumusunod na mga elemento ay dapat


isaalang-alang sa pagsusuri

1. Kuwento- tumutukoy ito sa istorya o sa


mga pangyayan kong ng pelikula: saan
umiikot ang pelikula. Sa pagsusuri ng pelikula
pagtuonan pansin ang sumusunod na mga
tanong:

•Bago o luma ba ang istorya?

•Ito ba ay ordinaryo o gasgas na at naulit-ulit


na rin sa ibang pelikula?•Malinaw ba ang
pagkakalahad ng istorya?

•Nakapupukaw ba ito ng interes?

2. Tema- to ang paksa ng pelikula. Ito ang


diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.

•Napapanahon ba ang paksa?

•Malakas ba ang dating o impact sa


manonood kung saan ito ay nakatitimo sa
isip?

•Akma ba ang tema sa panahon kung kailan


ito nagawa o akma sa lahat ng panahon?

3. Pamagat- ang pamagat ng pelikula ay


naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito ay
nagsisilbi ring panghatak ng pelikula.

•Ito ba ay angkop sa pelikula?

•Nakatatawag ba ito ng pansin?

•Mayroon ba itong simbolo o pahiwatig?

4. Tauhan- ang mga karakter na gumaganap


at nagbibigay-buhay sa kuwento ng pelikula.

•Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga


tauhan?
•Makatotohanan ba ang mga ito?

•Angkop ba ang pagganap ng artista sa


pelikula? Diyalogo-Ito ang mga linyang
binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.

5. Diyalogo- ito ang mga linyang binabanggit


ng nga tauhan sa kwento.

•Naisaalang-alang ba ang uri ng


lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa
kuwento?

•Matino ba, bulgar, o naaangkop ang mga


ginamit na salita sa kabuoan ng pelikula?

•Angkop ba sa edad ng target na manonood


ng pelikula ang diyalogong ginamit?

6. Cinematography- ito ay ang matapat na


paglalarawan sa buhay ng pelikula.

•Mahusay ba ang mga anggulong kinunan?

•Naipakita ba ng camera shots ang mga


bagay o kaisipang nais palutangin?

•Ang lente ba ng kamera ay na-adjust para


sumunod sa galaw ng artista?

7. Iba pang Aspektong Teknikal- kabilang dito


ang paglalapat ng tunog sa pelikula,
pagpapalit-palit ng eksena, special effects, at
editing.

•Akma ba ang musika at nababagay sa tema


at eksenang ipinakikita sa pelikula?

•Maayos ba ang pagkaka-edit ng pelikula?


Wala bang bahaging parang putól?

•Ang ilaw ba at tunog ay coordinated at akma


sa eksena?

•Akma o makatotohanan ba ang special


effects, blastings; pagkawala, pagliit o
paglaki ng bagay; animasyon, make-up ng
mga artista; paggamit ng computer graphics,
at iba pa.

Kwento, tema, pamagat, tauhan, diyalogo,


Ibigay nga ang mga elemento na dapat isaalang cinematography at iba pang teknikal.
-alang sa pagsusuri ng pelikula.

Mahusay!

Dumako naman sa pagsusuri ng pelikulang


Anak. (Magbabasa)

(Magbabasa)

1. Pagtalakay

Batay sa ating tinalakay klas, ano ang kauna-


unahang pelikula na ginawa sa Pilipinas?
Ma'am dalagang bukid
Tama! Saan naman ito hinango?
Sa zarzuela po ma'am.
Mahusay! Sa anong taon ito nagawa?
Taong 1919 po.
Magaling!

Ano naman ang rebyu o pagsusuri ng pelikula?


Ito po ay isang paraan ng pagpapahalaga sa
sining ng pelikula kung saan ang manunuri ay
maingat na nagtitimbang at nagpapasiya sa
katangian nito.
Mahusay! Ibigay nga ulit mga elemento na
dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula.
Kwento, tema, pamagat, tauhan, diyalogo,
cinematography at iba pang teknikal.
Magagaling!
C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalapat

Maglabas ng isang buong papel at sagutan ang


mga katanungang aking inihanda.

Ayusin na ulit ang inyong mga upuan nang


tahimik at makinig na sa akin.

D. Paglalahat
IV. Ebalwasyon

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod. Sagutan ang mga ito batay sa inyong sariling
pananaw o opinyon at isulat sa isang malinis na papel.

1. Bakit mahalaga ang pagrebyu ng pelikula? Bilang kabataan, bakit mahalagang maging
maingat ka sa pagpili sa pagpili ng iyong panonoorin?

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bilang isang anak, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pagsuporta sa iyong
pamilya?

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Inihanda ni: Sinuri ni:

Bb. Andrea E. Domingo Gng. Shirly Almario


Practice Teacher Cooperating Teacher

You might also like