You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Layunin

Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy kung anong uri ng salitang impormal ang ginamit sa isang


pangungusap;

b. nagagamit sa iba't ibang sitwayon ang mga salitang ginagamit sa impormal na


komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) (F8WG-IIIa-c-30) at

c. naihahayag ang kahalagahan ng wika sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga


indibidwal.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Gramatika/Retorika: Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na


Komunikasyon

b. Sanggunian: Modyul Filipino 8 p.7-9

c. Kagamitang Pampagtuturo: Telebisyon at laptop

d. Estratehiya: Popcorn Segmental Approach

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Paghahanda

Magsitayo ang lahat at manahimik parasa


ating pambungad na panalangin. Annie,
pangunahan ang panalangin.

Ama naming makapangyarihan sa lahat, ikaw


ang aming tanglaw at gabay sa araw-araw.
Ama, nawa po'y bigyan mo po kami ng laks at
talino upang matagumpay po na matapos
ang klaseng ito. Gabayan mo po ang bawat
isa upang nang sa ganon ay maghahari ang
pag-uunawa at pakikinig sa bawat isa sa
amin. Ito po ang aming hiling sa'yo Ama.
Amen.

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat


klas.
Isang mapagpalang araw din po ma'am.
Kumusta ang inyong araw?
Maayos naman po ma'am.
Mabuti kung ganon.

Bago tayo magsimula ay maaring itigil na


muna ang inyong ginagawa, pulutin ang mga
kalat na inyong nakikita at ipokus niyo ang
inyong mga mata at tainga dito sa harapan
upang sa gayon ay maintindihan ang ating
gagawing talakyan.

(Gagawin ang sinabi ng guro)

Mark, maari mo bang ilista ang mga lumiban


sa ating klase at ibigay ito sa akin pagktapos
ng ating talakayan.
(Titignan kung sino ang mga lumiban sa klase
at ito'y ililista)

2. Balik-Aral

Ngayon, nais kong subukin ang inyong


natutuhan sa ating ginawang talakayan
noong nakaraang araw. Tungkol saan na nga
ba ang ating tinalakay? Angela, tumayo at
sagutan ang aking katanungan.

(Ang mga mag-aaral ay sasagot)


Mahusay! Palakpakan siya klas.

3. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ang ating talakayan,


mayroon akong inihandang gawain para sa
inyo. Mayroon akong ipapakitang mga salita
at bibigyan niyo ito ng pagpapakahulugan.
Malinawanag ba klas?

Kung gayon atin nang simulan. Opo ma'am.

Halimbawa:

Magagaling! Selfie - paraan ng pagkuha ng mga litrato.

4. Paglalahad

Miguel tumayo ka at basahin ang ating


paksa.

Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na


Magbigay nga kayo ng inyong sariling pananaw o Komunikasyon
ideya tungkol sa ating paksa ngayong araw.

Tama! Ang paksa natin ngayon ay mga salitang


Ito ang mga salitang pinaikli o bago sa ating
pinaikli at bago sa ating pandinig. Matatalakay
pandinig.
natin mamaya ang mga halimbawa nito.

B. Panlinang na Gawain

Bago natin simulan ang gagawing talakayan,


Miguel basahin ang mga layunin.

Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga


mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy kung anong uri ng salitang


impormal ang ginamit sa isang pangungusap;

b. nagagamit sa iba't ibang sitwayon ang mga


salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)
(F8WG-IIIa-c-30) at
Hannah pakibasa naman ang mga gabay na
tanong. c. naihahayag ang kahalagahan ng wika sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
indibidwal.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang iba't ibang uri ng salitang ginagamit sa


impormal na komunikasyon?

Klas, ihanda na ang inyong sarili upang sa 2. Bakit tinawag ito na impormal na
gayon ay maintindihan niyo ang ating komunikasyon?
tatalakayin ngayon. 3. Paano mo mapahahalagahan ang wika sa pang-
araw-araw na pamumuhay?
Ano nga ba ang impormal na komukasyon?

Kathlyn, pakibasa ang nasa presentasyon.

(Magpapaliwanag)
Ito ay mga uri ng salita na ginagamit sa pang-
Andrei, pakibasa ang susunod na slide.
araw-araw na pakikipagtalastasan at ginagamit ito
sa kaswal na pamamaraan sa mga kakilala at
kaibigan.

Ito ay nauuri sa apat.

Mga uri ng salitang impormal

 Lalawiganin
Jessica, pakibasa.
 Balbal

 Kolokyal

 Banyaga

Lalawiganin (Provincialism)
• Ito ang mga salitang kilala sa saklaw lamang ng
pook na pinaggagamitan nito.
• Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita,
bukod sa iba ang bigkas, may kakaiba pang tono.
• Hal:
natuod (waray) – naniniwala
(Magpapaliwanag) malakat (hiligaynon) – aalis
nasi (kapampangan) - bigas/ kanin
Princess, pakibasa.

Balbal (Slang)
• Ang mga salitang ito noong una ay hindi
tinatanggap ng matatanda at mga may
pinagaralan dahil hindi raw magandang
pakinggan.
• Ang salitang balbal ay tinatawag ding salitang
kanto o salitang kalye.
• Hal:

yosi – sigarilro
tsikot – kotse
tsimay – katulong o kasambahay
ermat – nanay

Kolokyal (Colloquial)
• Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-arawaraw
na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan
at pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at
malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.

Hal:
Pormal
mayroon
kailan

nasaan

Impormal

Meron

Kelan

Asan/nasan

Banyaga
• Ito ay mga salita mula sa ibang wika. Karamihan
sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal,
pangagham, simbolong pangmatematika, o mga
salitang banyagang walang salin sa wikang
Filipino.

Hinango sa mga salitang katutubo


• Hal:
utol (Bisaya) – kapatid
buang (Bisaya) – luko-luko
gurang (Bikol, Bisaya) – matanda

Hinango sa Wikang Banyaga


• Hal:
orig – (Ingles: original )
tisoy – (Epanyol: mestizo)
sisiw – (Ingles: chicks)
tsimay (Espanyol: muchacha)

Binaligtad (Inverted or Reversed Category)


• tomguts – gutom
• lispu – pulis
• gatbi – bigat
• astig – tigas

Nilikha (Coined Words)


• paeklat- maarte
• bonsai – maliit
• epal – mapapel
• espi – esposo

Pinaghalo-halo (Mixed Category)


• kilig to the bones – sobrang nakakakilig
• in-na-in – usong uso

Dinaglat (Abbreviated Category)


• KSP – Kulang sa Pansin
• SMB – Style Mo Bulok
• HHWW- Holding Hands While Walking
• GTG – Got to go
Ito ay mga uri ng salita na ginagamit sa pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan at
ginagamit ito sa kaswal na pamamaraan

Kolokyal.

Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-


arawaraw na pakikipagtalastasan ngunit may
kagaspangan at pagkabulgar.

1. Pagtalakay

Base sa ating natalakay, ano ang impormal na Ito ay mga salitang kalye.
komunikasyon?

George, ano ang iyong kasagutan?

Ito ang mga salitang kilala sa saklaw lamang


ng pook na pinaggagamitan nito.

Magbigay ng uri nito.

Mahusay!

Ano nga ulit ibig sabihin ng kolokyal?

Ano naman ang salitang balbal?

Tama! Opo ma'am.

Jenny, ano naman ibig sabihin ng lalawiganin?


PANUTO: Bawat araw ay nahaharap tayo sa iba’t
ibang sitwasyon ng buhay. Upang maiwasan ang
Mahusay! pagkakamali o pagkabigo, kailangan natong
maging maingat sa pagharap sa mga sitwasyong
ito lalo na sa mga pagkakataong kailangan nating
C. Pangwakas na Gawain ipahayag o magsalita sa mga oras na iyon.

Para sa ating panghuling gawain, kayo ay


aking papangkatin. Ito ang unang grupo,
Isipin kung ano ang iyong sasabihin sa mga
ikalawang grupo at ikatlong grupo. Pumili
sitwayong nakatala sa ibabagamit ang mga
kayo ng inyong pinuno na siyang magbibigay impormal na uri ng salitang nasa loob ng
ng gawain ng bawat isa. panaklong.

Maliwanag ba klas?

Magsimula na kayo.

Nagkakaroon ng pagbabago sa ating wika dahil


ang nakakagawa o nakabubuo tayo ng
panibagong mga salita na ginagamit sa
pakikipagtalastasan.

Dahil sa ay nagkakaunawaan tayo, hindi lang dito


kundi pati rin sa ibang bansa. Mahalaga ang wika
ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ito ang
sumisimbolo sa kultura nating mga Pilipino.

D. Paglalahat

Sa inyong palagy klas, bakit nagkakaroon ng


pagbabago sa ating wika?
Mahusay!

At ang panghuling katanungan, bakit kailangang


magkaroon tayo ng kaalaman sa wika?

Sige, Jonas.

Mahusay!

IV. Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng impormal na salita ang ginamit sa pangungusap
at salungguhitan ang salitang ginmit.

1. Nakakainis ang ugali niya kaya maraming galit sa kaniya, ewan ko ba.

2. Baliw na siguro ang babaeng iyon, nagsasalita kahit walang kausap.

3. Masaya at makulay ang pista sa Cebu.

4. Trapik palagi sa EDSA kaya ako ay nahuhuli sa klase.

5. Drawing nanaman ang plano na binuo natin.

V. Kasunduan

Bumuo ng isang maikling sanaysay na naglalaman ng mga salitang ginagamit sa


impormal na komunikasyon.

Pamantayan

3- nilalaman 2- gramatika 1- paggamit ng salitang impormal


Ipinasa ni: Bb. Andrea E. Domingo Sinuri ni: Gng. Shirly Almario

Guro sa Filipino Cooperating Teacher

You might also like