You are on page 1of 5

CAPITOL UNIVERSITY

GRADUATE SCHOOL

PAGDULOG SA PAGSUSURI NG PANITIKAN

Banghay -Aralin sa Filipino 8

Inihanda ni:
Ruth P.Madrazo
MAFIL-1

Ipinasa kay:
Dr.Sally Aguila
Propesor
I.Layunin
Pagkatapos ng klase,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A.Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung


mahihinuha sa napanood na pelikula (F8PD-IIIg-h-32)

II.Nilalaman

A.Paksa: Pelikula
B.Lunsaran: Anak
C.Sanggunian:
Akla sa Pluma 8
D. Manunulat:
Ailene G.Baisa-Julian,Nestor G.Lontoc,Mary Grace G.Del Rosario,Alma
M.Dayag(AWTOR KOORDINEYTOR) D.Kagamitan:Aklat,laptop
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Panalangin
2.Pagpapaayos ng mga upuan
3.Pagtala ng liban sa klase
B.Pagbabalik-aral
Bilang mag-aaral, paano nakatutulong ang dokumentrayong panradyo sa
inyo ?At bakit?
C.Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan.
Magpalaro ng “Pinoy Henyu” sa mga mag-aaral na ang paksa ay may kinalaman sa
pelikula.Ang ilan sa mga kategoryang maaaring ibigay ay ang sumusunod:pangalan
ng artistang babae/lalake,at pamagat ng pelikula.Maaaring ito ay lokal o pang
internasyonal.
-Vilma Santos
-Bituing Walang Ningning
-It Takes a Man and a Woman

D.Pang-unlad na Gawain
1.Paglalahad ng Aralin
Ilalahad ang pelikulang Anak.
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa
Hong Kong bilang domestic helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa
mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit niya na
ginagawa nya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.
Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang
kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak watak ang buhay ng
mga anak ni Josie magmula ng yumao ang kanilang ama na syang kasama nila sa
bahay. Dito nagsimulang masuklam si Carla (Claudine Baretto) sa kanyang ina.
Nagpadala sila ng sulat sa inang nasa Hong Kong upang malaman ang nangyari at
nang sya'y umuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil sya ay
kinulong ng kanyang amo sa loob ng kanilang bahay nang sila'y lumipad sa Estados
Unidos ng isang buwan. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan,
ngunit hindi pa rin siya pinayagan ng kanyang among umuwi kahit magmakaawa pa
siya.
Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa nya ito dahil itigil na nya
ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais siyang magtayo ng isang negosyo
na kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan. Namuhunan silang tatlo ng taksi para
ipasada sa kalsada. Masaya ang kanyang pagbalik pagkaraan ng anim na taong
pangungulila. Gayunpaman, naharap nya ang matabang na pagsalubong ng mga
anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi sya kilala. Si Michael (Baron Geisler) ay
mahiyain at walang kimi at si Carla, na hindi man lang ginagalang ang ina at iniitsa-
pwera lamang.
Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan ng mga
pasalubong. Hindi ito tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unti nakikita
ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng
droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. Dagdag pa dito ang pagkawala ng
iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak.
Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo
niya dahil nagastos niya ang perang ibabahagi sana niya.
Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko.
Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas si Carla sa bahay at
lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni Michael,
nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran.
Dahil dito, napahiya sa Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya.
Lumayas din si Michael.
Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang
inimpok na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa
Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa pagtrato
sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nya ang lahat
lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga
mata ni Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang
mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo nya sa kanyang
bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang
nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan
rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo sya sa kanilang
tabi.

2.Pagtatalakay
Talakayin ang tungkol sa pelikulang Anak at ang ang nakapaloob dito.
Gabay na mga tanong:
1.Sino ang Ina ni Carla?
2.Ano ang trabaho nang ina ni Carla?
3.Saan nagtatrabaho ang kanyang ina?
4.Ano ang kalagayan ng ina ni Carla sa kanyang pakikipagsapalaran?
5.Ano ang ginawang kasalanan ni Carla na kanyang pinagsisihan niya sa
huli.?
E.Paglalahat
1.Bilang isang anak,masasabi mo bang may pagkukulang ang iyong
magulang?Kung mayroon man,paano mo ito tinatanggap sa iyong buhay?

IV.Pagtataya
Sa isang buong papel ,sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1.Bakit nagdamdam nang husto si Carla sa kanyang ina?Sa iyong


palagay,makatarungan ba ang kanyang ginawang pagrerebelde laban sa kanyang
ina?

2.Kung ihahambing mo ang iyong ina sa bagay o tao,ano o sino kaya ito?Bakit?
3.Ano-ano ang mga isyung panlipunan may kinalaman sa problemang kinaharap ng
kabataan sa kasalukuyan at binibigyang-diin sa pelikula?Masasabi mo bang laganap
pa rin ang mga problemang ito sa ngayon?Bakit?

4.Kung ikaw si Gng.Josie Agbisit,ano kaya ang mararamdaman at gagawin mo sa


pangyayaring naranasan niya kung saan ang kanyang imahen bilang ina ay naging
masama pa para sa kanyang mga anak sa kabila ng kanyang ginawang
pagsasakripisyo para sa kanila?Bakit?

V.Kasunduan
Sa kalahating pahalang na papel isulat ang sagot sa tanong.
1.Alamin ang mga elemento sa pagrerebyu ng isang pelikula?

You might also like