You are on page 1of 1

Sheila Mae M.

Padayao Grade 11- Rizal

Libreng Edukasyon
Magandang hapon sa inyung lahat. Sheila Mae Millan Padayao ang inyung mananalumpati.

Edukasyon na ipinagkait sa karamihan na siyang dulot ng kamangmangan,na dapat tayong mga


kabataan sa makabagong henerasyon ang dapat na maging instrumento upang tuldukan ang
ganitong kaganapan. Libreng edukasyon ang inaasam ng lahat. Edukasyon na siyang susi tungo
sa tagumpay.

Layunin nitong bigyan ng opportunidad ang lahat ng kabataang kapos palad.


Una,opportunidad na makapag-aral. Makapag-aral ng walang iniisip na bayarin na kung saan ay
ang kanila lamang inaalala ay ang mag-aral at makapagtapos . Alam naman natin na maraming
kabataan ang hindi nabibigyan ng ganitong opportunidad. Opportunidad na makapag-aral na
resulta ng magandang kinabukasan at ginhawa sa buhay.
Pangalawa, opportunidad na makapag- trabaho. Isa sa mga problemang kinakaharap ng ating
bansa ay kawalan ng trabaho na kung saan ito ang nag- uudyok sa isang tao na gumawa ng
masama. Ngunit sa programang ito ay maaring mabawasan ang mga mamamayang walang
trabaho at maiwas sa masamang gawain sapagkat ang kanilang pinag-aralan at kaalaman ang
magiging sandata tungo sa ikakaunlad ng bawat isa.
Pangatlo, opportunidad na makaahon sa kahirapan. Ating mapapansin na maraming
mamamayan at kabataang Pilipino ang hindi nakapag aral at naghihirap. Na sa kanilang
paghihirap at kasalatan sa buhay ay tila ba pinarurusahan. Sa libreng edukasyon, tiyaga at
pagsisikap ay makabuluhan. At ang pangarap na makaahon ay makakamtan.
Alam naman natin na ang mga bagay na ito ay kapos tayo at sa programang ito na ibinigay ng
ating pamahalaan sa mga kabataang Pilipino ay nabigyan ng pag-asa ang bawat isa. Pag-asa na
makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng maayos na trabaho at makaahon sa kahirapan.
Ngunit paalala lamang nasa sa atin parin kung papaano natin pahahalagahan ang malaking
tulong na ito. Panghuli, laging tandan na ang edukasyon ay dapat pahalagahan datapwat ito ang
magiging daan tungo sa matagumpay na kinbukasan.
Muli, Sheila Mae Millan Padayao. Maraming salamat.

You might also like