You are on page 1of 3

Ang karapatan ng mga Kabataan

Ano ba ang karapatan ng mga kabataan?Kailangan ba silang dinggin o panoorin lamang?Paano


nagkaroon ng karapatan ang mga kabataan?Kabataan lang ba ang may karapatan o tayong lahat?

Karapatan ng mga kabataan ang mamuhay ng tahimik at normal.May karapatan din silang
unawain at dinggin.Hindi dapat natin silang hinuhusgahan agad lalo na't hindi mo alam anf kwento
niya.Ang kabataan ang pag–asa ng bayan,yan ang laging tandaan.Sila ang silbing gabay natin sa ating
pagtatagumpay.Kung kailangan ba nila ang tulong natin?titignan lang ba natin sila or makikinig tayo sa
problema nila.Ang pakikinig ng mga problema ay nakakatulong din sa pag papagaan ng pakiramdam ng
isang tao.Hindi lamang matatanda ang dapat gumawa ng mga desisyon,pakinggan din dapat nila ang
nasa puso't isip ng mga kabataan.Nagkakaroon ng karapatan ang isang tao kapag nakakapagdesisyon siya
ng maayos at malaya ng walang pumipigil.Karapatan ng mga kabataan na magsalita o ipagtanggol ang
kanilang sarili.Hindi lang kabataan ang may karapatan kundi tayong lahat, dahil lahat tayo ay may
karapatan hindi lang ang kabataan. Karapatang mag salita,makinig,dinggin, at tulungan, lahat tayo ay
may karapatan para diyan.

Tayong mga kabataan ay maaaring mag kwento sa mga kilala at mga pinagkakatiwalaan natin
karapatan nating pagsabihan ang mga mas bata saatin ng saganon ay magtanda sila sa mga mali nilang
gawain,karapatan nating respetohin ng mga matanda o bata.Ang mga kabataan na nasa 13–24 ay bawal
pa magtrabaho ngunit sa loob ng bahay ay karapatan nilang gawin ang nga gawaing bahay kagaya ng
paghuhugas,paglalaba,pagluluto,pagwawalis at marami pang iba.Karapatan nating mag–aral ng tahimik
ng walang nambubully,nananakit,naiinggit,nakikipaglaban,at sana wala silang paboritong estudyante.

Mary Claire Bastasa Sino ba si Mary Claire na bilang manlalaro?

Si Mary Claire ay isang manlalaro na ang tawag ay running.Siya ay labing apat na taong gulang,na
nakatira sa Zone 6,Bantay,Ilocos Sur.Si Mary Claire ay nag aaral sa Bantay West Integrated School simula
nong siya ay nasa ika apat na baitang hanggang sa ika siyam na baitang.Ipinanganak siya noong marso
20, 2009 at siya ay nag iisang anak nila ginoong Arsenio Bastasa at Ginang Clarita Bastasa.Si Mary Claire
ay isang magaling at mabilis tumakbo.

Paano ba pinaghandaan ni Mary Claire ang kanyang nalalapit na pakikipagsabak sa unit meet?
Nag ensayo siya ng limang araw at hindi tumigil upang maipanalo niya ang laban na ito upang
maipagmalaki niya ang paaralang kanyang pinagaaralan.Ano kaya ang naramdaman ni mary claire ng
nakarating siya sa unit meet?Siya ay masayang masaya sapagkat naka abot siya sa puntong iyon na
ikatutuwa ng lahat ng kanyang mga kamag aral at mga guro,masaya siya sapagkat makakapaglaro muli
siya sa malayong lugar at makakalaban ang iba't ibang manlalaro sa ibang skwelahan handa na kaya
siyang lumaban ulit?handang handa nadaw siyang sumabak ulit sa isang laro sa paparating na unit meet
syempre dahil nakapaghanda at nakapagensayo na ito,handang handa na daw siya kasi matagal na nya
itong pangarap at sinisigurado niya daw na siya ang mananalo!!
Si Mary Claire ang mahusay at matapang na babae sa kanilang baitang.Marami siyang
tagasupporta kaya nilalakasan niya ang kanyang loob para manalo sapagkat madaming umaasa sakanya
at meron siyang pag -asa at lakas loob upang lumaban matalo o manalo isa parin ako sa taga hanga niya
number one supporter.Sapagkat si ate Mary Claire ay tinuring ko naring aking nakakatandang kapatid.Si
ate Mary Claire ay ang aking pinagkakatiwalaan kaya't alam ko na kakayanin niya ang laban na iyon.Siya
ay may angking talento at talino na kinaiinggitan ng iba.Hindi niya kayang pabayaan ang kanyang pag-
aaral.Si Mary Claire ay pwedeng pwede tularan ng mga kabataan para balang araw ay maging champion
din sila sa mga larong kinahihiligan nila.Huwag kakalimutan siya si Mary Claire Bastasa isang mahusay na
manlalaro.

Invention of telephone

Bakit inimbento ang telepono?Para saan ai to?Mahalaga ai to sa mga tao?sino ang nag-imbento
neto?

Ang nagimbento ng telepono ay tatlong lalaki na sina Antonio Meucci,Philip Reis,at Alexander
Graham Bell.Ang salitang telepono ay pantukoy lamang sa mga landline phone.Inimbento ang telepono
upang gamitin ng mga tao para matawagan ang mga mahal sa buhay lalo na sa mga nasa ibang bansa o
sa mga malalayung lugar.Ang telepono ay napaka importante sa mga tao dahil yun lang kagamitan na
pwedeng gamitin ng mga nagtratrabaho sa ibang bansa upang maka-usap ang mga mahal nila sa buhay
kahit malayo sila sa Isa't isa. Ang telepono ay na-imbento noong 1875. Ang telepono ay sikat noong mga
panahon na yun dahil hindi pa na-imbento ang tinatawag nating cellphones. Ang telepono ay laging
ginagamit noon ngunit bakit ngayon ay hindi na ito sikat at ginagamit? Ang telepono ay ginagamit lang
upang makausap ang mga mahal sa buhay. Simula nung na imbento ang touch screen na cellphones ay
ito na ang ginagamit ng mga tao dahil pwede kana maka tawag,text,chat, video call, search, post,at
marami pang iba.

Mas magandang telepono nalang ang gamitin lalo pa ang cellphone ay nakakasira sa mata ng
mga tao sila ay abala na sa mga pag lalaro,pag sasayaw at marami pang iba.Dito sa cellphone ay may mga
iba't ibang laro at apps na tinatawag na facebook,messenger,tiktok,instagram at kung ano ano pa ang iba
ay ginagamit ang face book upang siraan at sumira ng pangalan ng taong tinutukoy nila. Ang iba ay hindi
na nakaka gawa ng kaylangan nilang gawin dahil sa cellphone kaya't nararapat lang na ibalik ang
telepono.

TEENAGE PREGNANCY

Ang teenage pregnancy ay ang pinaka delekadong pangyayari para sa mga abataan ngayun.Nasa
labing siyam pababa ay nabubuntis na.Ito ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang epekto sa abataan at
pamilya.Karaniwang may kinalaman ito sa sekswal na nagaganap sa murang edad na sanhi ng
pagkabuntis.
Bakit ngaba maagang nabubuntis ang mga kabataan ngayun?Ang iba ay palaging namamasyal
kasama ang mga lalaking tropa nila na may nais gawin sa mga kababaihan.Dahil sa paglabas labas nila ng
gabi ay pwedeng silang mabastos o may mangyari sakanilang masama na hindi kanais nais, yan din ang
isang dahilan kaya maagang nabubuntis ang mga kababaihan.Minsan ay ang mga kabataan ay
napapabayaan ng kanilang mga magulang kaya nabubuntis ng maaga ang kanilang mga anak.

Ano ang maaaring epekto ang maagang pagbubuntis sa buhay ng isang kabataan?Mahihirapan
kang mag alaga,at makakaapekto yan sa iyong pag-aaral.Magdudulot din ito body
impairment,respiratory diseases,at kamatayan.Na pwedeng maipasa ng ina sa kanyang
anak/sanggol.Maaari itong mag dala ng hamon at responsibilidad sa mga kabataang nagiging
magulang,kasama na dito ang sapat na pangangailangan para sa kanilang anak.

Bilang isang kabataan pangit tignan ang kabataan na ang bata bata pa ay nagkaanak na pero
hindi nating pwedeng husgahan sapagkat hindi natin alam kung ano ang nangyari, kung may gumawa ba
sakanyang masama, o ginusto ba niya ito kaya dapat alamin ang nangayari bago mang husga sa lahat ng
kababaihan.Ang ilan ay naniniwala sa kakayahan ng mga kabataang magulang na baguhin ang kanilang
buhay at maging mabuti para sa kanilang maagang pagbubuntis.

Ano ba ang teknolohiya?

Ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga kaalaman, kasanayan, at proseso na ginagamit upang


lumikha ng mga bagay na may praktikal na layunin.Bukod dito, ang mga teknolohiya ay maaaring
tumukoy din sa prinsipyo, at konsepto na nagbibigay gabay sa pag-unlad at pagpapalawak ng kaalaman
sa iba't ibang larangan. Sa kabuuan, ang teknolohiya ay mahalagang bahagi ng pag-unlad ng lipunan at
ekonomiya.

Mahalaga ba ang teknolohiya?Oo, ang teknolohiya ay mahalaga sa maraming aspeto ng ating


lipunan. Ito ay nagbibigay daan sa pag-unlad sa industriya, komunikasyon, at kalusugan. Gayundin,
nagbubukas ito ng mga bagong oportunidad sa edukasyon, ekonomiya, at iba pang sektor.Ang
teknolohiya ay naglalarawan ng koleksyon ng mga kasanayan, kaalaman, at pagsasanay na may layuning
mapabuti ang buhay ng tao.Sa larangan ng edukasyon, ang teknolohiya ay nagdadala ng mas moderno at
accessible na mga paraan ng pagtuturo at pag-aaral. Ang online learning, e-books, at educational apps ay
nagbibigay daan sa mga mag-aaral na mas mapadali ang access sa kaalaman kahit saan at kahit kailan.
Ito ay nagbubukas ng mas malawak na oportunidad para sa edukasyon sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Bilang isang kabataan sa pamamagitan ng teknolohiya, mas pinadali ang buhay ng tao, nagiging
mas mabilis ang proseso ng trabaho, at mas nauunawaan ang mga komplikadong isyu sa iba't ibang
larangan. Ang teknolohiya ay maaaring magdulot ng maraming benepisyo.Gayundin, maaari itong
maging daan upang mas mapalawak ang ating kaalaman at kasanayan sa iba't ibang larangan.

You might also like