You are on page 1of 1

ANG PAG-ASA NG BAYAN

Maree Gwen Angelee M. Escalante

Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan. Ngunit sa
panahon ngayon napapaisip na lamang ako kung totoo pa ba rin ang kasabihang ito?
Kung tatanungin ko kayo, naniniwala pa rin ba kayo na tayong mga kabataan ang pag-
asa ng bayan? Minsan hindi ko maiwasan mapaisip kung nagagawa pa ba natin ang
ating mga tungkulin bilang mga kabataan at mga anak ng bayang ito.
Ang mga kabataan ngayon ay adik sa teknolohiya, social media, o online games
na naglalaan sila ng mas maraming oras dito kaysa sa kanilang mga gawain sa
paaralan. Mas pinipili nila ang paglalaro ng Mobile Legends, Call of Duty, mag-scroll sa
TikTok, Facebook, Instagram at ipa ba pang mga social media platform. Alam ko halos
lahat tayo ay matatamaan rito. Minsan hindi natin namamalayan ang oras pag
gumagamit tayo ng ating cellphone dahil tayo ay nalilibang.
Ang mga kabataan rin ngayon ay parating nakaasa sa teknolohiya na sa tuwing
magkaroon ng konting mga takdang-aralin o proyekto ay maghahanap agad ito sa
google na minsan ay kinokopya lahat ng makikita nito sa google na nagdudulot ng
plagiarism. Kung minsan rin ay ang mga kabataan gumagamit nang Chat GPT upang
ito na mismo ang sasagot sa mga takdang-aralin. Ang ibang kabataan rin ay nandadaya
sa mga pagsusulit, umaasa sa mga sagot ng mga kaklase upang kopyahin ito.
Minsan nakakapagtaka kung may mga natutunan ba talaga ang mga mag-aaral
sa kanilang klase. Kasi kung oo, bakit nila kailangan gawin ang mga bagay na iyon?
Dahil pinipili nila ang mas madaling paraan? Walang tiwala sa sarili? Tinatamad? Kahit
ano pang mga rason nito, hindi ito ang dahilan para hindi magsumikap. Dahil kung
ganon, paano nila magagawa ang mga tungkulin nila bilang kabataan? Paano natin
matatawag na pag-asa ng bayan kung sa simpleng paraan ay hindi nila magagawa?
Ngunit ang iba namang mga kabataan o lalong-lalo na ang mga mag-aaral na
academic achiever ay pagod na pagod na dahil sa academic validation na nais nilang
makamit. Marami ring mga proyekto, takdang-aralin, at mga pagsusulit ang ibinibigay
ng mga guro na nagreresulta ng pagka burnout ng ibang mga mag-aarl. Ang iba ay
hindi na makapag-pahinga ng maayos, anong oras na makakauwi sa dami ng kailangan
tapusin sa paaralan, at pagdating sa bahay ibang gawain na naman ang kailangan
nilang aatupagin.
Minsan rin ay napapaisip ako kung para saan nag-aaral ang mga kabataan?
Kung anong rason bakit nag-aaral pa ang mga kabataan? Dahil minsan ang ibang
kabataan ay hindi nag-aaral para may matutunan. Nag-aaral sila upang makaabot sa
passing grade o upang magkaroon ng mataas na marka.
Edukasyon ay ang pinaka-importanteng yaman na dapat magkaroon ang bawat
kabataan dahil kailanman ay hindi ito mananakaw sa atin, at kahit saan man tayo dalhin
sa buhay, magagamit at magagamit natin ito. Ito ang mag-aahon sa atin sa kahirapan,
at magiging tulay upang maging matagumpay tayo sa buhay. Hindi pa huli ang lahat
upang magbago, at mag-aral nang mabuti dahil kahit ano man ang estado o pag-uugali
nating mga kabataan ngayon, hindi ito ang magtatakda sa ating buhay sa kinabukasan.
Ang kabataan pa rin ang pag-asa ng ating bayan dahil marami pang mga henerasyon
ang dadating at magpapaunlad sa ating bansa.

You might also like