You are on page 1of 8

Joylyn B.

Asis BSED-IV

Banghay-Aralin sa Pagtuturo sa Filipino


I. Layunin
Nagagamit ng wasto ang mga ekspresyong hudyat ay kaugnayang lohikal
(dahilan, bunga, paraan resulta)

II. Paksang Aralin


1. Paksa: Ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal
2. Kagamitan: Laptop, TV
3. Sanggunian: Pluma 8

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin “Ama Namin…”

2. Pagbati
Magandang araw mga bata! Magandang araw po Gng.
Joylyn
3. Pagtse-tsek ng liban at hindi
liban
Mayroon bang lumiban sa klase
ngayong araw?
Wala po Gng. Joylyn
4. Pagbabalik-aral

Ano ulit ang ating tinalakay


kahapon? Tungkol po sa mga
ekspresyon sa pagpahayag ng
kosepto at pananaw.
Tama po! Bakit kailangan
nating maipapahayag ng
malinaw ang ating mga
saloobin o opinion gamit ang
mga salitang ekspresyon?
Para maipahayag nang
malinaw at maayos ang ating
damdamin at saloobin upang
Magaling! maunawaan tayo ng ating
kapwa.

B. Panlinang na Gawain
1. Lunsarang/Pagganyak

Bago tayo magsimula sa ating


bagong talakayan, magpapakita
ako ng mga larawan. At
obserbahan ninyo kong ano ang
iyong nakita at ipaliwanag.

Ano ang iyong napansin sa unang


larawan?

Tama! Ano kaya ang maging sanhi


nito sa atin? Maraming basura maam.

Pagkakaroon ng pagbaha kaya


maraming nagkasakit.
Tama! Ano ang iyong napansin sa
pangungusap o sa iyong sagot?
Mayroong sanhi at bunga
ma’am.
Magaling! Ano pa?

May ginagamit na pang-ugnay


Tama. Ang pangungusap ay na kaya.
ginagamitan na pang-ugnay.

2. Paglalahad
Sa araw na ito ay ating
tatalakayin ang mga
Ekspresyong Huyat sa
Kaugnayang Lohikal. Sa
katapusan ng araling ito kayo
ay inaasahang magagamit ng
wasto ang mga ekspresyong
huyat ng kaugnayang lohikal.
(dahialn-unga, paraan-resulta)

3. Pagtatalakay

Ito ang mga iba’t-ibang hudyat


ng kaugnayang lohikal.

1. Sanhi at Bunga- ang


lohikal na ugnayan ng sanhi
at bunga ay dapat na
maliwanag na makita ng
mag mambabasa o
tagpakinig. Ang mga
pangatnig na sapagkat,
kaya, dahil, kasi, bunga, at
iba pa ang madalas na
ginagamit sa pahayag.

Sino ang makapagbigay ng


sariling halimbawa gamit
ang pangatnig na Mag-aaral 1. Nagsisikap
ginagamit sa ekspresyong siyang mabuti sa kanyang
sanhi at bunga? pag-aaral kaya gumanda ang
kanyang buhay.

Mag-aaral 2. Bunga ng
2. Paraan at Resulta- kahirapan ang mga maaga
nagsasaad kung paano niyang pag-aasawa.
nakuha ang resulta. Ang
pag-ugnay na sa ang
karaniwang ginagamit sa
ganitong pahayag.

Magbigay nang halimbawa


gamit ang pag-ugnay na
sa?
Mag-aaral 3. Nagbago ang
kanyang buhay sa tulong ng
kanyang mga kaibigan.

Mag-aaral 4. Sa sipag niyang


magtrabaho, nagustuhan siya
3. Kondisyon at Resulta- sa ng kanyang amo.
ugnayang ito ipinakitang
maaaring maganap o
sumalungat ang pagyayari
kung isasagawa ang
kondisyon. Ang mga pang-
ugnay na na, kung, kapag,
sana, sakali ay maaaring
gamitin sa pahayag na ito.

Magbigay nang halimbawa


na pangungusap gamit ang
pang-ugnay na kung at
sana? Mag-aaral 5. Kung
magsisikap ka sa iyong buhay,
hindi ka manatiling mahirap.

Mag-aaral 6. Natuto k asana


nang husto kung nag-aral
kang mabuti.

4. Paraan at Layunin-
isinasaad ng ugnayang ito
kung paano makakamit ang
layunin gamit ang paraan.
Ang mga pang-ugnay na
upang, para, nang, at iba
pa ang gamitin sa ganitong
pahayag.
Magbigay ng halimbawa
gamit ang pang-ugnay na Mag-aaral 7. Nagsikap
upang at para? siyang mabuti sa pag-aaral
upang mabago ang kanyang
buhay.

Mag-aaral 8. Para
makatulong sa mgaulang,
nagsikap siya nang sa pag-
5. Pag- aalinlangan at Pag- aaral.
aatubili- ito ay
magkaugnay sapagkat ang
nag-aalinlangan o
nagdududa ay nag-aatubili o
hindi kaagad
isinasakatuparan o
pinaniniwalan ang isang
bagay. Ang mga salitang
hindi sigurado, yata, tila,
baka, marahil, at iba pa ay
maaaring gamitin sa
ganitong pahayag kasama
ang pang-ugnay na kaya,
samakatwiran, kung
gayon.

Magbigay nang halimbawa


na pangungusap gamit ang Mag-aaral 9. Tila mahirap
pag-ugnay na tila at ang sinabi mo kaya baka
marahil? hindiko magawa ang bagay na
iyan.

Mag-aaral 10. Marahil ay


hindi na uulan dahil sa
sobrang init naman ngayon.

6. Pagtityak at
Pagpapasidhi-ito ay
ugnayang nagsasaad ng
katiyakan o kasidhian. Ilan
sa mga salitang ginagamitan
dito ay ang siyang tunay,
walang duda, sa
katotohanan, talaga,
tunay, siyempre kasama
ang pang-ugnay na at
nang.

Mag-aaral 11. Talagang


Magbigay nang hindi hadlang ang kahirapan
pangunngusap gamit ang sa buahy at walang dudang
pang-ugnay walang duda? napatunayan ko ito.

4. Paglalahat

Ano-ano nga uli ang mga uri


nang ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal?
1. Sanhi at Bunga
2. Paraan at Resulta
3. Kondisyon at Resulta
4. Paraan at Layunin
5. Pag- aalinlangan at Pag-
aatubili
Magaling! Mga bata. 6. Pagtityak at
Pagpapasidhi

Bakit mahalagang matutunan


ang mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayng lohikal? Mahalagang matutunan natin
ang mga ekspresyong hudyat
ng kaugnayang lohikal upang
madali nating makuha o
maunawaan ang mensaheng
nais iparating ng nagsasallita
o nagpapahayag.
Tama! Upang mas lalo tayong
magkaunawaan at
magkaintindihan kung ano ang
pinag uusapan.
C. Pangwakas na Gawain

Panuto: Dugtungan ang mga


pangungusap ayon sa
hinihinging ekspresyong hudyat
ng kaugnayang lohikal. Piliin
ang sagot sa kahon, letra
lamang ang isulat.

1. (Sanhi at Bunga) Maraming Mga sagot:


kabataan ang tumingil sa pag- 1. Dahil sa
aaral__________kahirapan. 2. Sa
3. Baka
2. (Paraan at Resulta) 4. Walang duda
__________clean and green 5. Kung
project nagging malinis ang
gaming barangay.

3. (Pag-alinlangan at Pag-aatubili)
__________hindi ko magawa
ang projecto natin dahil may
pupuntahan kaming burol.

4. (Pagtitiyak at Pagsisidhi)
__________makapapasa ako sa
asignaturang Pilipino.

5. (Kondisyon at Resulta)
__________hindi ka
magsusumikap ay wala kang
marating sa buhay.

A. Sa B. Baka C. Dahil sa

D. kung E. Sapagkat F. Walang


duda
IV. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal.salungguhitan ang sanhi at bunga, paraan at layunin, kondisyon at bunga,
paraan at resulta. Pagkatapos ng guhitan isulat sa taas ng na salungguhitan kung
ito ay sanhi at bunga, paraan at layunin, condition at bunga, paraan o resulta.

1. Nasisira ang kalikasan sapagkat nagpabaya ang mga tao.


2. Nagsaliksik ang tatlong batikang mamamahayag upang makatulong sa bayan.
3. Mababawasan ang init ng daigdig sa sandaling matutuhan nating
magmalasakit.
4. Dahil sa pagtaas ng temperature ng mundo, tumaas din ang lebel ng tubig sa
dagta.
5. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, maililigtas natin ang kalikasan.
6. Kung nagging maingat lang tayo sa kapaligiran, sana wala tayong ganitong
problema.
7. Mataas ang kanyang grado dahil nagbasa siya ng kanyang leksyon.
8. Sa paggamit ng bag na tela, mababawasan ang problema sa pagbabara ng mga
kanal.
9. Siya ay binaril ng pulis sapagkat siya ay nanlaban.
10. Tanggalin mo sa switch ang hindi ginagamit na kasangkapan, nakatulong kana
agad.

V. Takdang-Aralin
Isulat sa ½ crosswise ang mga plano ninyo sa inyong “Bakasyon”. Gumamit ng 2
ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal at salunggihitan ang mga ito.

You might also like