You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Layunin

Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakapagbibigay ng sarling pagpapakahulugan tungkol sa social media;

b. nailalahad ang sariling at pananaw hinggil sa maling gawain na dapat iwasan sa


paggamit ng social media (F8PN-IIIa-c-28) at

c. naipapakita ang paggamit ng social media sa paglulunsad ng social awareness.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Social Media

b. Sanggunian: Modyul Filipino 8 p.3-5

c. Kagamitang Pampagtuturo: Telebisyon, laptop at bond paper

d. Estratehiya: Popcorn Segmental Approach

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda

Magsitayo ang lahat at manahimik parasa ating


pambungad na panalangin. Annie, pangunahan
ang panalangin.

Ama naming makapangyarihan sa lahat, ikaw


ang aming tanglaw at gabay sa araw-araw. Ama,
nawa po'y bigyan mo po kami ng laks at talino
upang matagumpay po na matapos ang klaseng
ito. Gabayan mo po ang bawat isa upang nang
sa ganon ay maghahari ang pag-uunawa at
pakikinig sa bawat isa sa amin. Ito po ang aming
hiling sa'yo Ama. Amen.
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat klas!

Isang mapagpalang araw din po ma'am!


Kumusta ang inyong araw?
Mabuti kung ganon. Maayos naman po ma'am!

Bago tayo magsimula ay maaring itigil na muna


ang inyong ginagawa, pulutin ang mga kalat na
inyong nakikita at ipokus niyo ang inyong mga
mata at tainga dito sa harapan upang sa gayon ay
maintindihan ang ating ggawing talakyan.

Mark, maari mo bang ilista ang mga lumiban sa


ating klase at ibigay ito sa akin pagktapos ng ating (Gagawin ang sinabi ng guro)
talakayan.

(Titignan kung sino ang mga lumiban sa klase at


2. Balik-Aral ito'y ililista)

Ngayon, nais kong subukin ang inyong natutuhan


sa ating ginawang talakayan noong nakaraang
araw. Tungkol saan na nga ba ang ating tinalakay?
Angela, tumayo at sagutan ang akung katnungan.

Mahusay! Palakpakan siya klas.

(Ang mag-aaral ay sasagot)


3. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ang ating talakayan,


(Ang mga mag-aaral ay papalakpak)
mayroon akong inihandang gawain para sa inyo.
Ito ay tatawagin nating larawan ko, hulaan niyo.
Mayroon akong ipapakita na mga larawan at
huhulaan niyo kung ano ang mga ito.

Malinawanag ba klas?

Kung gayon atin nang simulan.

(Magpapakita ng mga larawan)

Batay sa mga larawan na inyong nakita, ano sa


palagay ninyo ang paksa natin ngayong araw?
Opo, ma'am.
Sige Mark.

Mahusay! Palakpakan siya klas.

4. Paglalahad Social Media po ma'am.

Miguel tumayo ka at basahin ang ating paksa.

(Papalakpak)

Sa inyong sariling pagkakaintindi klas, ano ang


ibig sabihin ng Social Media?

Mahusay! Atin nang alamin kung ano nga ba


Social Media
ang social media at kung may maganda ba
itong maidudulot sa atin.

B. Panlinang na Gawain Ito ay ginagamit upang mabigyan tayo ng


impormasyon, malibang at
Bago natin simulan ang gagawing talakayan, makipagkomunikasyon.
Miguel basahin ang mga layunin.

Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga


mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakapagbibigay ng sarling
pagpapakahulugan tungkol sa social media;
Hannah pakibasa naman ang mga gabay na
tanong. b. nailalahad ang sariling at pananaw
hinggil sa maling gawain na dapat iwasan sa
paggamit ng social media (F8PN-IIIa-c-28) at

c. naipapakita ang paggamit ng social


media sa paglulunsad ng social awareness.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ano ang mga positibo at negatibong


epekto ng social media?

2. Sa inyong palagay, bakit paboritong gawin ng


Klas, ihanda na ang inyong sarili upang sa gayon ay
mga kabataan sa kasalukuyan ang magpost ng
maintindihan niyo ang ating tatalakayin ngayon.
selfie o groufie sa social media? Sang-ayon ka ba
Ano nga ba ang Social Media? sa gawaing ito? Ipaliwanag.

Jessie, basahin ang nasa presentasyon. 3. Bilang isang kabataang netizen, paano mo
magagamit ang social media sa paglulunsad ng
social awareness?

(Magpapaliwanag) Ang hatirang pangmadla o sosyal medya (social


media) ay ang tawag sa mga interaktibong
teknoohiya na nagsisilbing tagapamagitan sa
Andrei, pakibasa ang susunod na slide. pagpapalitan, pamamahagi at paglikha ng mga
impormasyon, kaisipan, interes at iba pang uri
ng mga pahayag s mundong digital sa
pamamagitan ng mga birtwal na pamayanan at
network.

Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at


malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa
pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad
at mga indibidwal. Sa panahon ngayon, hindi na
bago ang katotohanang malaki ang naiaambag
Princess, pakibasa. ng social media sa ikauunlad ng anumang
aspeto ng buhay ng isang tao.

Subalit ang paggamit nito ay may positibo at


negatibong epekto.

1. Positibong epekto

 Pinahusay na komunikasyon
 Pagkamalikhain
 Pinahusay na memorya
 Damdaming Pangkaligayahan
 Suporta sa Emosyonal

2. Negatibong epekto

 Problema sa kalusugan
 Pagbabago ng oras sa pagtulog
 Problema sa mata
 Pagkabawas ng atensyon
 Walang oras sa ibang gawain
 Cyberbullying

Opo, ma'am!

Naintidihan niyo ba ang ating aralin ngayon klas? Wala po ma'am!

Mayroon ba kayong mga katanungan?

Kung gayon, ako naman ang magtatanong.

1. Pagtalakay

Base sa ating natalakay, ano ang social media?


Magbigay ng sariling pagpapakahulugan hinggil
dito.

George, ano ang iyong kasagutan?

Ang social media ay isang kasangkapan na kung


saan ito ay ginagamit upang tayo ay
makipagkomunikasyon o upang tayo ay
malibang.
Mahusay!

Ano-ano naman ang mga halimbawa ng social


media?

Instagram, facebook at messenger

Tama! Mayroon pa ba klas?

YouTube, Tiktok at marami pa pong iba.


Magaling!

At sa panghuling katanungan, bakit paboritong


gawin ng mga kabataan sa kasalukuyan ang
magpost ng selfie o groufie sa social media?
Sang-ayon ka ba sa gawaing ito? Ipaliwanag.

Dahil dito sila madalas malibang. Sumasang-


ayon ako dahil isa na rin ako sa mga nagpopost
ng mga selfie sa social media. Isa ito sa mga
libangan ko kapag wala akong magawa at dahil
dito naipapakita ko kung sino at ano ako.
Mahusay! Dahil daw dito ay naipapakita ni
Faye kung sino at kung ano siya.

Simon, ano naman ang iyong pananaw hinggil dito.


Hindi po ako sumasang-ayon sapagkat isa ito sa
mga dahilan kung may mga nabubully. May mga
nai-scam dahil sa pagpopost nila sa social
media.
Magaling! Ang social media ay isa mga dahilan
kung bakit tayo ay nalilibang ngunit isa rin ito sa
mga dahilan kung bakit tayo ay nawawalan ng oras
para sa ating sarili at sa mga ibang bagay.

C. Pangwakas na Gawain

Para sa ating panghuling gawain, maglabas ng


bond paper at mga pangkulay. Gumawa ng slogan
o poster na nagpapakita sa paglunsad ng social
awareness.

Narito ang pamantayan sa pagpuntos


Pagkamalikhain - 10
Kaugnayan sa Tema - 5
Nilalaman - 5
Kabuuan - 20

(Magsisimula na ang mga mag-aaral)

D. Paglalahat

Joyce, ano ang iyong pananaw hinggil sa maling


gawain na dapat iwasan sa paggamit ng social
media?
Marapat lang na ito ay iwasan sapagkat nakaka-
adik ang sobrang paggamit ng social media,
maaaring ang lahat ng oras mo ay mailaan mo
sa paggamit nito at hindi na nakakatulong sa
mga gawaing bahay o nalilimutan nang gunawa
ng mga takdang-aralin.
Mahusay!

Bilang isang kabataan, paano mo maiiwasan ang


sobrang paggamit ng social media?

Pagkinggan natin ang kasagutan ni Mikko.

Gawaing abala ang sarili, tumulong sa gawaing


Napakahusay! bahay, gawin ang mga aktibiti at mg takdang-
aralin at mag-ehersisyo.

IV. Ebalwasyon

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Sagutan ang mga ito batay sa inyong
pananaw o opinyon. Isulat sa papel ang iyong kasagutan.

1. Bakit mahalagang matutuhan ang responsableng paggamit ng social media?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_.

2. Ano-ano ang mga maipapayo mo sa mga kabataang nauubos at nasasayang ang oras dahil
sa labis o maling paggamit ng teknolohiya at social media sa kanilang buhay.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_.

V. Kasunduan
Magtala o magbigay ng mga uri ng popular na Babasahin. Bigyan ito ng paliwang o
ibigay kung ano ang mahihinuha rito. Isulat ito sa buong papel at ipasa sa susunod na
pagkikita.

Inihanda ni: Bb. Andrea E. Domingo Sinuri ni: Mrs. Shirly Almario

Guro sa Filipino Cooperating Teacher

You might also like