You are on page 1of 14

Gabay sa Pagtuturo ng Filipino

Ikatlong Markahan

Aralin Blg. 4

A. Panitikan : Kontemporaryong Programang Panradyo

B. Wika at Gramatika : Mga Hudyat ng Konsepto ng Pananaw

C. Uri ng Teksto : Impormatibo

I. Pamantayang Pangnilalaman
• Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kontemporaryong programang
panradyo bilang panitikang popular sa kulturang Pilipino na ginamitan ng mga
angkop na diyalogo na ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw

A. Panitikan
• Kontemporaryong Programang Panradyo

B. Gramatika
• Mga Hudyat ng Konsepto ng Pananaw

II. Pamantayan sa Pagganap


• Nakagagawa ng isang komentaryong panradyo

III. Mga Kasanayang Pampagkatuto

 Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at


personal na interpretasyon ng kausap (F8PN-IIId-e-29)

 Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag (F8PB-IIId-e-30)

 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting


(F8PT-IIId-e-30)

 Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay ang


sariling opinyon tungkol sa mga ito (F8PD-IIId-e-30)

 Nailalahad nang maayos at wasto ang pansariling papanaw, opinyon at


saloobin (F8PS-IIId-e-31)

 Nakagagawa ng isang komentaryong panradyo*

 Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng


pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa) (F8WG-IIId-e-31)
Marso 6, 2023 (Lunes)

• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207


• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 303
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 302

UNANG ARAW

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Natutukoy ang istasyong panradyo batay sa napakinggang islogan*
B. Naibibigay ang sariling pananaw sa mga istasyong panradyo*

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
Kahon ng Kaalaman

Panuto: Basahin ang mga salitang nakuha sa loob ng kahon ng kaalaman at ihanay
ang mga ito sa mga larawang nakapaskil batay sa kaugnayan ng mga ito sa
isa’t isa.
1. 4.

2. 5.

3. 6.
Mga Gabay na Tanong:
1. Alin sa mga salitang binanggit ang pamilyar sa iyo?
2. Saan ginagamit o naririnig ang mga salitang ito?

B. Palalapit sa Aralin

Talasan ang Pandinig… Paganahin ang Isip

Pakikinig ng ilang halimbawa ng kontemporayong programang panradyo sa Pilipinas.

Mga Gabay na Tanong:


1. Alin sa mga napakinggang kontemporaryong programang panradyo ang iyong
naibigan? Bakit?
2. Paano nakatutulong ang mga programang ito sa mga nakikinig?

C. Mga Tiyak na Gawain

Gawain 1: Tukuyin kung anong radio station ang may islogan na binanggit sa ibaba.
1. Basta Radyo, Bombo!
2. Ang Makabagong Bayanihan,
Naglilingkod sa Pagbabalita, RH… Agad!
3. Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang,
walang iwanan!
4. Una sa Balita, Una sa Public Service, Una ka Pilipino!

Gawain 2: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Anong istasyong panradyo ang iyong paborito? Bakit?
2. Sin ang paborito mong broadcaster? Bakit?
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroo ng islogan sa mga istasyong panradyo?
D. Sintesis
Dugtungan Mo!
Panuto: Buuin ang pahayag kaugnay ng aralin upang makabuo ng konsepto.

III. Kasunduan
1. Basahin at unawain ang “Alamat ni Lumawig ni Fanny Garcia.”
2. Isa-isahin ang mga positibo at negatibo pahayag sa nabasang komentaryo
3. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang ginagamit sa radio
broadcasting.
a. SFX
b. SOM
c. BIZ
d. CHROD
e. STANDARD CHORD
Marso 7, 2023 (Martes)

• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207


• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 303
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 302

IKALAWANG ARAW

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting
B. Naiisa-isa ang mga positibo at negatibobg pahayag mula sa narinig/nabasa
C. Nailalahad nang maayos at wasto ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin
batay sa paksa

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
Pagbabahagi ng mga paboritong pinakikinggang istasyong panradyo sa Pilipinas.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang pinakilalang istasyong panradyo sa Pilipinas?
2. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga istasyong panradyo na
ito?

B. Pagbasa ng Akda

Alamat ni Lumawig" ni Fanny Garcia na


nasa pahina 178-186 ng Batayang Aklat sa
Filipino na Pinagyamang Wika at Panitikan.

C. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Piliin sa Hanay B ang katumbas na kahulugan ng mga salitang ginamit sa
radio broadcasting na makikita sa Hanay A.
HANAY A HANAY B
1. SFX A. maikling musika na mag-uugnay sa putol-
putol na bahagi ng iskrip sa radyo
2. SOM B. tumutukoy sa sound effects na inilalapat
sa radyo
3. BIZ C. ito ang pambungad na tnog na
pagkakakilanlan ng programang
pinakikinggan
4. CHORD D. tumutukoy sa patalastas o komersiyal sa
bawat pagitan ng programa na nagsisilbing
isponsor ng programang panradyo
5. STANDARD CHORD E. nangangahulugang naririnig mula sa
malayo o background
F. ang theme song ng programang panradyo

D. Pagtalakay sa Aralin
Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa binasang akda.
1. Anong pag-uugali ang taglay ng mga anak ni Kabunian?
2. Ano ang mga ipinadala ni Kabunian kay Lumawig sa pagtungo nito sa mga
tagalupa?
3. Anong katutubong kulturang Pilipino ang ipinakita nang mamanhikan si
Lumawig kay Batanga?
4. Paano nakapili ng mapapangasawa si Lumawig
5. Paano ipinakita sad ula ang pagdiriwang ng canyao?
6. Paano natulungan ni Lumawig ang mga tao na mapaunla ang kanilang
pamumuhay?
7. Paano nabubuhay ang mag-iina ni Lumawig nang ianan niya ang mga ito?
8. Bakit naging malulungkutin si Lumawig?
9. Bakit naisipan ni Lumawig na bumalik sa kanila?
10. Bakit pinarusahan ni Lumawig si Cayapon?

E. Input ng Guro
F. Tiyak na Gawain
Gawain 1: Magtala ng dalawa hanggang tatlong pahayag mula sa “Alamat ni
Lumawig” na kakikitaan ng mga positibo at negatibong pahayag. Itala ito sa Plus (+) /
Minus (-) Matrix na nasa ibaba/ Sunduin ang halimbawa.
(+) Patunay na ito ay Positibong Pahayag
Positibong Pahayag Mula sa Alamat ni
Lumawig

(-) Patunay na ito ay Negatibong Pahayag


Negatibong Pahayag Mula sa Alamat ni
Lumawig

G. Sintesis
DUGTUNGAN NATIN!

Mahalaga ang pakikinig sa mga kontemporaryong programang panradyo sa kabataan upang


maiparating ang kanilang saloobin sa iba’t ibang isyung pambansa sapagkat _____________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

III. Kasunduan
1. Ibigay ang iyong sariling pananaw, opinyon at saloobin sa hinggil sa patuloy na
pagtaas ng mga bilihin. Isulat ito sa iyong kwaderno sa Filipino.

Inihanda ni:

REALINE B. MAÑAGO
Guro I, Filipino 8

Sinuri ni:

CARMELITA L. GATCHALIAN
Dalubguro I, Filipino 8
Binigyang-pansin ni:

LUCELMA O. CARPIO
Puno ng Kagawaran VI

Nabatid ni:

MA. PURA S. TALATTAD


Punongguro IV

Pinagtibay ni:

EDWIN REMO MABILIN, Ph.D


Superbisor sa Programang Edukasyon
Marso 8, 2023 (Miyerkules)

• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207


• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 303
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 302

IKATLONG ARAW

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay ang
sariling opinyon tungkol sa mga ito
B. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, at iba pa)

II. Mga Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
Panuto: Pag-ugnayin ang balitang napanood sa telebisyon at balitang
napakinggan sa radyo. Ibigay ang sariling pananaw tungkol dito.

Mga Gabay na Tanong:


1. Suriin ang mga salitang napanood/napakinggan sa usapan.
2. Paano ginamit ang mga nasabing mga salita sa usapan?
3. Nakatulong ba ito? Paano?

B. Paglalahad
1. Sa iyong palagay, naibigan bang magkaklase ang paksang tinalakay sa pang-
umagang programang panradyo? Ipaliwanag.
2. Sa daloy ng pagbabalita, may positibo at negatibong pahayag ba sa paksang
fraternity? Isa-isahin ito.
3. Alin sa mga salitang ginamit upang:
a. maipahayag ang konsepto ng pananaw o point of view
b. maipahiwatig ang pagbabago o pag-iiba-iba ng paksa o pananaw
4. Ano ang tawag sa mga salita/pariralang ginamit upang ipahayag ang pananaw
at pag-iiba ng paksa?
D. Pagbibigay Input sa Wika

E. Pagsasanay
Gawain 1: Gamitin ang angkop na ekspresiyon sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw.
MGA PAKSA KONTEMPORARYONG
NABUONG PAHAYAG
PROGRAMANG PANRADYO

Mga Pekeng Balita

Kabataang Barangay (Eleksyon)

Droga sa Paaralan

Parusang Kamatayan

Gawain 2: Magbigay ng limang (5) sariling ekspresyon na nagpapahay ng


konsepto ng pananaw.

F. Sintesis
Isulat sa kwaderno ang iyong natutuhan sa araling tinalakay gamit ang mga
ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.

III. Kasunduan
1. Manood sa You Tube ng ilan pang halimbawa ng Komentaryong Programang
Panradyo tungkol sa napapanahong isyu sa bansa.
Balikan mong muli ang =Alamat ng Bulkang Taal=. Itala ang mga
pang-abay sang-ayon sa uri nito.

2. Humanda sa pagsulat ng sariling likhang alamat tungkol sa mga


bagay na maaaring ihambing sa sarili
Marso 9, 2023 (Huwebes)

• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207


• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 303
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 302

IKALIMANG ARAW

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Napaghahambing ang iskrip sa isang dula at iskrip sa panradyo*
B. Nakagagawa ng isang komentaryong panradyo tungkol sa napapanahong isyu*

II. Mga Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
Pagpapabasa ng piling bahagi ng iskrip sa dula at radyo.
ISKRIP SA DULA ISKRIP SA RADYO
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang tinatawag na iskrip?
2. Paano ito nakatutulong sa dula at programang panradyo? Patunayan
3. Paghambingin ang iskrip sa isang dula at panradyo.

B. Paglalahad

C. Pagbibigay ng Gawain
Goal – Nakagagawa ng isang komentaryong panradyo tungkol sa napapanahong
isyu sa bansa

Role - Naatasan kang gumawa ng isang komentaryong panradyo tungkol sa


napapanahong isyung kinasasangkutan ng bansa.

Audience - Mga guro at kapwa kamag-aaral.

Situation - Naatasan kang gumawa ng isang komentaryong panradyo tungkol sa


napapanahong isyung kinasasangkutan ng bansa. May kalayaan kang pumili ng
paksa. Siguraduhing ginamit ang mga angkop na ekspresiyon sa pagpapahayag ng
konsepto ng pananaw sa pagtatalakay.

Product – Video ng komentaryong panradyo.

Standard – Rubrics

Pamantayan sa Pagmamarka para sa Mahusay na Komentaryong Panradyo


III. Takdang-Aralin
1.Magsaliksik tungkol sa pinagmulan ng pangalan ng inyong
Barangay.

2.Magdala ng mga larawan ng inyong barangay,ikapit sa notbuk at


lagyan ng caption.
1. Maghanda sa pangwakas na pagsubok.
Marso 10, 2023 (Biyernes)
• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207
• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 303
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 302

IKALIMANG ARAW

II. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, at iba pa)
B. Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo
II. Mga Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
Balik-aral
Gamit ang concept map, ibigay ang kahulugan ng katotohanan, opinyon, hinuha at
personal na interpretasyon at ibigay ang kahalagahan nito sa pagsasahimpapawid sa
radyo. Gawin ito sa hiwalay na papel.

B. Pangwakas na Pagtataya
Pangwakas na Pagsubok
Pagsagot ng mag-aaral sa pangwakas na pagsubok gamit ang google form.

C. Pag-alam sa Natutuhan
Isulat ng wasto ang buod ng dokumentaryong panradyong napakinggan at
gumamit ng angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw
(ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa) sa pagbuo nito. Isulat ito sa hiwalay
na papel.

D. Replektibong Pagkatuto
Kaalaman ay Kayamanan
Panuto: Itala ang mga natutuhan sa aralin sa pamamaraang 3-2-1 Go!

You might also like