You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE


Sta. Rosa Del Norte, Pasacao, Camarines Sur, 4417
Website:www.cbs ua.edu.ph
Email Address:ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054)
513-9519

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
Kabisayaan
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
 Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting - bayan gamit ang wika ng kabataan

C. KASANAYAN SA PAGKATUTO

Sa pagtatapos ng aralin, 80% ng mag-aaral ay inaasahang:

A. Nasusuri ang mensahe sa napanood na pagtatanghal. (F7PD-Iia-b-7)


B. Nagagamit ng wasto ang mga pag-uugnay sa pagsasalaysay at pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari. (F7WG-Iii-11)
C. Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga kalahok sa napanood na dulang
panlansangan (F7PD-Ih-i-5)

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Dula

Gramatika: Mga pag-uugnay sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari

a. PAKSA: MGA ELEMENTO NG DULA


b.Batis: Panitikang Rehiyonal : Modyul sa Filipino , Kuwarter II p. 121-123
c. Kagamitang Panturo: Projector, Laptop, Manila Paper, Larawan, flashcard.
d. Kakayahang dapat linangin sa mga mag-aaral: Panonood, Pag-unawa at Pagsusuri
e.Konsepto: Pag-unawa at pagsususuri sa daloy ng dula.
f. Halagang Pangkatauhan : Napapahalagahan ang kakayahan ng manonood
na makilala ang kaangkupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng
impormasyong nakalahad sa dulang napanood
g. Integrasyon sa mga Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao at Araling Panlipunan
h. Estratehiya: Diskusyon at gawain
i. Metodolohiya: 5P’s (Pagganyak, Pagtatalakay, Paglalapat, Paglalahat at Pagpapahalaga)

III. SANGGUNIAN:

 Pook sapot: https://www.slideshare.net/ladychu08/dula-15515688


 YouTube: https://youtu.be/r6V-8bKK_N4
 Curriculum Guide sa Filipino
III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
Binibining Izza Joy, Pangunahan mo
ang ating panimulang panalangin sa
araw na ito.
-Opo Ma’am, (Sa ngalan ng Ama, ng Anak ng
2. Pagbati Espiritu santo, Amen…)
Magandang umaga sainyong lahat
-Magandang araw din po, Ma’am.
3. Pagsasa-ayos ng Silid
Bago tayo magsi-upo maari bang
pakiayos ng mga upuan at pakipulot ng (Pinulot ng mga Estudyante ang mga nakikitang
nakikita ninyong kahat. kalat at isina-ayos ang mga upuan.)
4. Pagtala ng Liban
(Tatawagin ng Guro ang class monitor) -Wala po Ma’am.
Kaye, may lumiban ba sa araw na ito?
5. Balik-aral
Bago tayo magsimula sa panibagong
aralin, nais ko munang balik-aralan ang
tinalakay kahapon.

Ano ang huling tinalakay natin


kahapon?

Tama! Sino naman ang may akda ng


maikling kwentong “Nemo ang Batang -Ma’am ito po ay tungkol sa maikling kwento na
Papel”? may pamagat na Nemo ang Batang Papel po!

Mahusay! Kung ganoon sino ang -Ma’am si Rene O. Villanueva po ang may-akda
maaring magbuod ng kwentong ito? nito.

Jeonald, maari mo bang ibuod ang


tinalakay kahapon? (May nagtaasan ng kamay upang sumagot)

-Opo Ma’am, ang buod po ng Maikling kwento


ay si Nemo ay isang batang papel na
pinaggupit-gupit para sa proyekto ng mga
estudyante, naisip ni Nemo na gusto niyang
maging isang totoong bata kaya humiling siya
sa bulalakaw at nagkatotoo ngang naging isang
tunay na bata siya. Ngunit napunta siya sa
mahirap na pamilya at hindi siya nagging
masaya dito. Kaya naisip niya na gusto niyang
bumalik sa pagiging batang papel at isinama
niya ang kanyang mga kaibigan at lahat sila ay
Magaling! Bigyan natin siya ng (3) naging batang papel.
tatlong palakpak at (3) tatlong padyak.

-(pumalakpak at pumadyak ang mga mag-aaral


B. PAGGANYAK ng tatlong ulit)
Bago tayo magsimula sa ating
panibagong aralin may inihanda akong
limang (5) mga blangko at limang (5)
may sulat na kapiraso ng papel.

(Ipinamamahagi ang papel sa klase)


(Kumukuha ng kapirasong papel)
Ang gagawin ninyo ay kapag may
nakuha kayong blangkong papel ibig
sabihin ay kayo ay ang magbabasa ng
tanong sa Flashcard na ibibigay ko, at
ang may nakakuha naman ng may sulat
na papel ang siyang sasagot.

Maliwanag ba?

May katanungan pa ba?

(Sinimulan na ang Gawain) -Opo

-Wala na po!

-Ito ay nahango sa salitang Griyego na “ Drama”


na nangangahulugang gawin o ikilos.
 DULA

-Ito ay ang mga kumikilos at nagbibigay buhay


sa dula.
 TAUHAN

-Ito ay ang panahon at pook kung saan naganap


ang mga pangyayaring isinasaad.
 TAGPUAN
-Ito ay isang uri ng Dula na kapag masaya ang
tema, walang iyakan at magaan sa loob, at ang
bida ay laging nagtatagumpay.
 KOMEDYA
Ito ay isang uri ng Dula ma kapag malungkot at
kung minsan pa ay nauuwi sa isang matinding
Mahusay! Ang ginawa natin sa araw na pagkabigo at pagkamatay ng bida.
ito ay kaugnay sa tatalakayin natin.  TRAHEDYA
C. PAGLALAHAD NG LAYUNIN
Binibining Kaye, maari mo bang
basahin ang layunin?

- Opo Ma'am,
LAYUNIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Maraming salamat Binibining Kaye. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting -
Ang nabasa ni Binibining Kaye ay bayan gamit ang wika ng kabataan
ang layunin natin na sa pagtatapos
ng talakayan ay ating matamo.

Maliwanag ba sainyo ang ating


layunin?
D. PAGTALAKAY NG PAKSA

Batay sa gawain natin ano kaya ang


paksang pag-uusapan natin ngayong
umaga? - Opo Ma'am.

Ang paksang ating tatalakayin ay


tungkol sa dula.

Sino ang makapagbibigay ng uri ng


dula? -Leony Trahedya po!

Mahusay! Mayroon pa bang


makapagbibigay? -Ma’am Komedya po!

Magaling! Batid kung alam na ninyo


ang iba’t ibang uri ng dula, ngayon ay
may panonoorin kayong bidyo at nais (Pinanood ang nasa bidyo)
kung unawain ninyo kung ano ang
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.

(sinimulan ng i-play ang bidyo)

Anong uri ng dula ang inyong


napanood? Ma’am, ito po ay isang uri ng dulang komedya.

Tama! Pagkat itoy masaya ang tema at


walang iyakan at ang bida ay laging
nagtatagumpay.
Sino-sino ang mga pangunahing tauhan
sa dula?
Ma’am ito po ay sina Mang Kanor, Adrian,
Karen at Mang Perding.
Mahusay! Kung gayon ay alam na
ninyo ang tungkol sa dula at ang mga
uri ng dula.

May nais pa ba kayong itanong?

E. PAGLALAPAT
Wala na po!
Ngayon ay hahatiin ko kayo sa
dalawang grupo, at ang bawat grupo
ay dapat na makapaglahad ng kanilang
buod. Ito ay dapat na may simula, gitna
at wakas.

Maliwanag ba?

Pamantayan sa pagbibigay ng marka. Opo !


Batayan 5 4 3 2 1
1. Malinaw ang
pagkakalahad ng
mensahe ng dulang
napanood
2. Tama ang
pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari.
3. Angkop ang bawat
salita na naayon sa
dula.
4. May sapat at
kaugnayan sa dulang
napanood ang
tinalakay
5. Malinaw ang
simula, gitna ,
pagtatapos ng daloy
ng pagbubuod ng
dula.
Legend:
5 Bihasa
4 Mahusay
3 May Kakayahan
2Kailangan pang paghusayan
1 Walang sagot

Mahusay kayong lahat! Lubos ngang


naunawaan ang paksang tinalakay
natin ngayon.

F. PAGLALAHAT
Sa kabuoang pangyayari naging Opo
matagumpay ba upang makapag-
pasaya ang dulang pinanood ninyo?
Ma’am ang nais po nito ay magbigay-saya sa
Ano kaya ang nais ipahatid ng dulang mga manonood.
inyong napanood?

Wala na po Ma’am.
Mahusay! May iba pa bang kasagutan?

Wala na p o Ma’am.
May mga katanungan pa ba?

Magaling at lubos ninyong naunawaan


ang teksto.

V. PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap at sagutan ang blangkong patlang. Sagutan ito sa iyong
sagutang papel.

1. Ang _ _ _ _ ay isang uri ng panitikan, pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo ay sa
isang tanghalan o entablado.
2. Ang _ _ _ _ _ _ _ _ _ ay tumutukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga
tunggalian.
3. Ito ay tumutukoy sa _ _ _ _ _ _ _ _ _ o dito nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at
tunggalian sa tula.
4. _ _ _ _ _ _ _ _ _ Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.
5. _ _ _ _ _ _ _ _ _ Sila ang saksi sa isang pagtatanghal.

Sagot: 1. Dula 2. Kalakasan 3. Kalutasan 4. Tanghalan 5. Manonod

V. TAKDANG-ARALIN

Magbigay ng mga halimbawa tungkol sa Uri ng mga wakas ng kwento.

INIHANDA NI
YAN JONAH OLIVEROS AKIMOTO

IV BSED-FILIPINO

You might also like