You are on page 1of 4

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
• Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
• Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin

B. Pamantayan sa Pagganap
• Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


• Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa kuwento batay sa tunay na pangyayari/pabula
F2PN-Ie-9
• Natutukoy ang ngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar F2WG-Ic-e-2

D. Paksa
• Bakit Masikip Iyan… Ito Maluwag?
• Pangngalan

II. NILALAMAN

A. Kagamitang Panturo
1. Sanggunian Gintong Pamana Wika – Sanayang Aklat
sa Filipino 6
Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2
2. Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo
3. Mga pahina sa Kagamitang pang Mag-aaral 232
29-30
4. Mga pahina sa Teksbuk
5. Karagdagang Kagamitan mula sa LRDMS
6. Iba pang mga Kagamitang Panturo Mga larawan, sagutang papel, speaker,
panturong biswal

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang
Gawain
1. Pagdarasal Magsitayo ang lahat para sa panalangin.
(Tatawag ang guro ng isang mag-aaral
upang pangunahan ang pagdarasal.) (Ang mga mag-aaral ay tatayo at
magdarasal.)

2. Pagbati Magandang umaga Grade 2! Magandang umaga rin po!

3. Pagsasaayos Bago kayo umupo, pakipulot ang mga


ng silid-aralan kalat na nasa ilalim ng inyong mga
lamesa at paki-ayos ang inyong mga
upuan. (Magpupulot ng kalat ang mga mag-aaral
at aayusin ang kanilang mga upuan.)
Maaari na kayong maupo nang tahimik. (Mauupo nang tahimik ang mga mag-
aaral.)

4. Pagtatala ng Mayroon bang liban sa klase ngayong


mga liban at araw? Wala naman po Binibini!
hindi liban

5. Balik-aral sa Paghahawan ng Balakid


nakaraang Piliin ninyo sa Hanay B ang
aralin o kasingkahulugan ng mga
pasimula sa nakasalungguhit na salita sa
bagong aralin pangungusap.
Hindi sumunod sina Cassie at Marga sa
tagubilin ni Robert. Tagubilin – utos

Ang magkaibigan ay humayo sa


malayong lugar. Humayo – pumunta

Nawili sa paglalaro ng tagu-taguan si


Anna. Nawili – nalibang

Lingid sa kanila, hinahanap na sila ng


kanilang mga magulang. Lingid – hindi alam

Hinablot ng magnanakaw ang cellphone


ng dalaga. Hinablot – hinila

B. Pagganyak Ipapangkat ko kayo sa apat sa


pamamagitan ng pagbunot sa mga papel
na may kulay. Ang makakakuha ng
kulay asul ay ang unang pangkat,
ikalawang pangkat naman ay dilaw, sa
ikatlong pangkat ay pula, at ang huling
pangkat ay puti.
(Pabubunutin ng guro ang mga mag-
aaral ng papel na may kulay.) (Bubunot nang tahimik ang mga mag-
aaral.)
Maaari na kayong pumunta sa inyong
pangkat. (Pupunta ang mga mag-aaral sa kanilang
pangkat nang tahimik at maayos.)
(Ibibigay ng guro ang mga bubuuing
mga larawan sa mga grupo.) (Bubuuin ng grupo ang mga larawan nang
tahimik at organisado.)
Buuin ninyo iyan sa loob ng dalawang
minute. Pagkatapos ninyong mabuo ito,
idikit na ninyo ang mga larawan sa
pisara. Naiintindihan ba ninyo? Opo.
Tapos na ba kayo? Opo.
(Isa-isang ididikit ng mga mag-aaral ang
kanilang nabuong mga larawan.)

C. Paglalahad (Magkukuwento ang guro ng isang


kuwento.)
Babasahan ko kayo ng isang kuwento.
Ang kuwentong aking babasahin ay may
pamagat na “Bakit Masikip Iyan… Ito
Maluwag?” Makinig kayong mabuti
dahil tatanungin ko kayo pagkatapos. (Ang mga mag-aaral ay makikinig nang
mabuti sa guro.)

D. Talakayan Ngayong napakinggan na ninyo ang


kuwento. Tungkol saan kaya ito? Tungkol po ito sa magkaibigan na kalabaw
at baka.
Ano ang nangyari sa istorya? Maaari
ninyo ba uling isalaysay? (Isasalaysay ng mga mag-aaral ang mga
pangyayari sa kuwento.)
Mahuhusay! Mula sa istoryang inyong
napakinggan, ano ang napulot ninyong
aral? Sumunod po sa utos upang hindi
mapagalitan.
Mabuti! Ngayon, balikan muli natin ang
mga larawang inyong binuo. Sino ang
mga karakter sa istorya? Sina kalabaw, baka, at si Ka Tonyo po.
Magaling! Saan kaya naganap ang
kuwento? Sa bukid po.
Mahusay! Saan naman naligo sina baka
at kalabaw? Sa ilog po.
Sa anong bagay nagkapalit sina baka at
kalabaw? Damit po.
Mahuhusay! Ang mga binuo ninyong
litrato ay may kinalaman sa istoryang
ating binasa at sa ating paksang aaralin
ngayon.
Si Ka Tonyo ay isang? Magsasaka po.
Tama. Si Ka Tonyo ay isang magsasaka
at siya ay tao. Ano nga ulit si Ka Tonyo? Tao po.
Mahuhusay. Sina baka at kalabaw kaya,
anong uri? Hayop po.
Tama! Ang bukid ba at ilog? Lugar po.
Mahusay! Ang damit kaya? Bagay po.
Mahuhusay! Ang paksa natin ngayon ay
tungkol sa pangngalan. Ang pangngalan
ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, at lugar. Magbigay pa nga kayo
ng mga pangngalan. (Magbibigay ang mga mag-aaral ng tig-
iisang pangngalan.)

E. Paglalapat Pangkatang Gawain Tao Bagay Hayop Lugar


Bawat grupo ay magtatala ng tig-aapat 1. 1. 1. 1.
na pangngalan na nakikita ninyo sa 2. 2. 2. 2.
iyong paligid sa bawat kategorya. Tao, 3. 3. 3. 3.
bagay, hayop, at lugar. Isulat sa sagutang 4. 4. 4. 4.
papel.

Isahang Gawain
Sagutan ang “Sanayin Natin sa pahina
29.
Sanayin Natin
Isulat sa kuwaderno ang T kung ngalan
ng tao, B kung bagay, H kung hayop, at
P kung lugar.
____1. basket B.
____2. ospital P.
____3. Rodrigo Duterte T.
____4. lapis B.
____5. kalabaw H.

F. Paglalahat Tungkol saan ang ating pinag-aralan


ngayon? Tungkol po sa pangngalan at sa istorya po
na “Bakit masikip iyan… ito maluwag?”
Mahusay! Ano ang nangyari sa istorya? (Sasagot ang mga mag-aaral base sa
kanilang naunawaan.)
Ano ang pangngalan? Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan
ng tao, bagay, hayop, at lugar.
Bakit mahalaga ang ngalan? Upang magakaroon ng pagkakakilanlan.
Mahuhusay!

G. Pagtataya Sagutan ang “Gawin Natin” sa pahina


29.

Gawin Natin
Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng
mga pangngalan sa bawat bilang. Isulat
ang A kung tao, B kung hayop, C kung
bagay, at D kung lugar. Isulat ang
wastong letra sa kuwaderno.
____1. bukid parke silid D.
____2. baka ibon kalabaw B.
____3. bag lapis papel C.
____4. kamera sombrero telepono C.
____5. ate guro lola A.

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari


mula sa kuwento.
____ Naabutan ni Ka Tonyo si 5
Kalabaw.
____ Humayo ang magkaibigan sa 2
malayo-layong ilog.
____ Inaaya ni Baka si Kalabaw maligo 1
sa ilog.
____ Natanaw ni Baka na paparating 4
na si Ka Tonyo.
____ Naligo sa ilog sina Baka at 3
Kalabaw.

H. Kasunduan Gumupit ng 5 larawan ng tao, bagay,


hayop, o lugar at idikit ito sa kuwaderno.
Isulat ang pangnagalang tumutukoy sa
larawan.

Inilahad ni: Itinama ni: Ipinakita kay:

Mitzi C. Borgonia G. Ronilo Adao G. Ronilo Adao

You might also like