You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Filipino Para sa Baitang Dalawa

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kwentong napakinggan.
2. Naipapakita ang pagmamalasakit sa kapwa.
3. Nauuri kung ang mga salita ay ngalan ng tao,bagay,lugar,hayop,at pangyayari.
4. Nakapagbibigay ng halimbawa ng ngalan ng tao,bagay, lugar,hayop,at
pangyayari.
5. Nakikiisa sa pangkatang gawain.

A. Sanggunian
Sinag ng Lahi Baitang 2 Aklat
Pangngalan Retrieved @ https://www.youtube.com/watch?v=vxlAFSTONGU
Filipino-Pangngalan Retrieved @ https://www.youtube.com/watch?v=KYUFqYK8iKA

B. Kagamitan
1. Larawan ng mga tauhan sa kwentong babasahin ng guro
2. Larawan ng mga halimbawa ng tao, bagay, lugar,hayop,at pangyayari
3. Tsart na pagsasagutan ng mga mag-aaral
4. Garter na gagamitin sa palaro
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Mga bata tayo ay tumayo at
manalangin sa pamamagitan ng isang Tatayo at sabay-sabay mananalangin.
awitin.

2. Pagbati
Magandang umaga Baitang Dalawa! Magandang umaga din po!
Kamusta naman ang araw nyo? Mabuti naman po guro!

3. Pagtatala ng Liban
Mayroon bang lumiban sa inyo Sasagot ang mga mag-aaral.
ngayon?

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Mga bata tumayo kayong muli at
tayo ay aawit . Tatayo at makikiisa sa awitin.

2. Balik-aral

Ano nga uli ang aating pinag-aralan


kahapon mga bata? Pang-uri po guro
At ano nga uli ang pang-uri? Naglalarawan po ito ng
Magaling! tao,bagay,hayop,lugar,at pangyayari.
Magbigay ka nga ng halimbawa..
(Tatawag ng mag-aaral na sasagot). (Magbibigay ng halimbawa ang mag-aaral).

3. Paglalahad ng Gawain

Mga bata,bago natin simulan ang


talakayan,sa araw na ito ay may Nakikinig ang mga mag-aaral.
tanong si teacher.
Ano ang inyong nakikita sa ating
pisara? Bahay!
Tama!
Sino o ano kaya ang nakatira sa
bahay?
Tatawag ng isang mag-aaral at Sasagot ang mga mag-aaral
itatanong kung sino ang kasama nya
sa kanilang bahay.
Mag-aaral 1 Sasagot ang mag-aaral.
Mag-aaral 2… Sasagot ang mag-aaral.
Ngayon atin ng alamin kung sino at
ano ang nakatira sa ating bahay
Itong mga nakatira sa ating bahay Nakikinig ang mga mag-aaral.
ay maririnig natin sa ating kwento
mamaya.
Gusto nyo na bang malaman kung
sino ang mga nakatira sa ating bahay? Opo guro!
Sinong gustong tumulong kay
teacher upang buksan ang ating unang Tataas ng kamay ang mga mag-aaral at isa-
salita? isang lalapit sa unahan.
Tatawag ng mag-aaral ang
guro.Bubuksan isa-isa ang salita at
ididikit sa pisara.
Ngayong alam na natin ang mga
makikita sa bahay,atin itong balikan.
(Basahin isa-isa ang salita na nakadikit Nagbabasa ang mga mag-aaral sa pisara.
sa pisara).
Ngayon alam nyo na,handa na ba
kayong makinig? Opo guro
Ano kaya ang mararamdaman nyo
kapag isang umaga gumising kayo na
wala na sa inyong tabi ang inyong
mahal na ina? Sasagot ang mga mag-aaral.

Mayroon akong kaibigan na Nakikinig ang mga mag-aaral.


nakaranas ng kaparehas na sitwasyon.
Ang pangalan nya ay si Nena.
Ang inyong istoryang maririning ay
pinamagatang “Nasaan Ka Inay?”

(Paglalahad ng kwento…)

Tanong,bakit natakot si Nena? Paggising nya wala ang kanyang ina.


Magaling!
Kung ikaw si Amelia ano ang
ipakikita mong pagmamalasakit sa
iyong kapatid? Sasagot ang mga mag-aaral.
Sa kwento,paano naman ipinakita ni
Amelia ang kanyang pagmamalasakit
kay Nena?
Kung halimbawa kayo ang
magbibigay ng katapusan,ano kaya
ang magandang katapusan ng kwento? Sasagot ang mga mag-aaral.
Ngayon narinig na natin ang ating
kwento.
Ano naman ang nakikita nyo sa
paligid. Sasagot ang mga mag-aaral.
Ano b yung ginawa ni Nena sa
istorya? Naghanap

(Pang-isahang Gawain)

Ngayon ay maglalaro tayo at ito ay


pinamagatang “Hanapin Mo Ako”.
Magbibigay ng kahon ang guro na
naglalaman ng mga salita na
hahanapin ng mga bata sa loob ng silid
aralan.
Maghahanap ang mga magaaral ng
larawan na katugma sa kanilang Tatayo at maghahanap.
nabunot.
Pagkatapos nyo hanapin ang mga
salita ay idikit nyo ito sa pisara. Ididikit ang mga nahanap nila sa pisara.
Dahil magulo ang ating mga
larawan kailangan natin silang Tatayo ang mga bata at aayusin ang mga
pangkatin base sa kategorya ng larawan at salita sa pisara.
Tao,Bagay,Hayop,Lugar at Pangyayari.
Ngayon na tama na ang kanilang Magbabasa ang mga mag-aaral
pangkat,atin silang basahin.
Magtatanong ang guro ,ang guro ba ay
ngalan ng tao? Opo guro
(At magpapatuloy ang tanungan)

Mga bata,mula sa mga salita at mga


larawan na inyong kinuha at idinikit sa
pisara,may tamang tawag sa mga
larawang iyan.
At ang tawag sa kanila ay…. Pangngalan po guro

Ano nga uli ang tawag sa kanila? Pangngalan


Ang Pangngalan ang tawag sa
ngalan ng tao,bagay,hayop,lugar, at Ang Pangngalan ang tawag sa ngalan ng tao,
pangyayari.ulitin nyo nga mga bata. bagay,hayop,lugar, at pangyayari.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalapat

(Pangkatang Gawain-Maglaro Tayo!)

Papangkatin ko kayo sa dalawang


grupo.
Magbibigay ang bawat grupo ng tig-
tatatlong halimbawa sa bawat
kategorya ng Pangngalan.
Dalawang miyembro ng grupo
kinakailangang lumapit at maglakad sa
unahan na may suot na garter sa Nakikinig at naghahanda na sa palaro.
tuhod.
Ang unang grupo na makakatapos
ng mabilis at may tamang sasgot ang
tatanghaling panalo.
Bibigyan lamang kayo ng limang
minuto para sa palarong ito.

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari


1. 1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3. 3.

2. Paglalahat

Ano nga muli pangngalan? Ang pangngalan ay ngalan ng


tao,bagay,hayop,lugar,at pangyayari.
Ano-ano nga ang 5 pangkat ng
pangngalan? Tao,bagay,hayop,lugar,at pangyayari.
IV. Pagtataya

Buksan ang inyong libro sa pahina 25


at sagutan ang pagsasanay titik A.

A. Isulat ang T- tao , B- bagay,


H-hayop,L- lugar, at P- pangyayari

____1. Renz ____6. bagyo Kukuha ng papel at lapis at magsasagot


____2. klinika ____7. Cavite
____3. ospital ____8. lindol
____4. kuya ____ 9. lagari
____5. uniporme ____10. pato

V. Takdang Aralin

Gumupit ng mga larawan ng mga


pangngalan mula sa magasin at idikit
ito sa inyong kwaderno batay sa
kategorya ng Pangngalan.

Inihanda ni:

Angelita R. Mislang
BEE 3-1 ECED

You might also like