You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 3- First Quarter

I. Layunin: Nabibigyang kahulugan ang mga huni / ingay na ginagawa ng mga hayop - maamo o
mabangis

Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto F3TA-0a-j-1

II. Nilalaman: Pagsasabi ng pagkakaiba ng huni / ingay ng maamo o

mabangis na hayop.

III. Kagamitang Panturo

1. CG Grade 3- pahina 45/190

2. LC code: F3TA-0a-j-1

3. Karagdagang Kagamitan:

a. kwentong “Si Maria at ang kanyang mga alagang hayop”

b. Iba’t-ibang larawan ng hayop

IV. Pamamaraan:

A. Pagganyak

1. Magpakita ng mga larawan ng ibat-ibang hayop. (kagaya ng pusa, manok, bibe, baka,
kalabaw, kabayo, ibon, aso atbp.)

2. Ibibigay ng mag-aaral ang huni o ingay ng bawat isa.

B. Paglalahad

1. Ibigay ang mga patnubay na tanong.

- Anu-anong hayop ang maamo at pwedeng alagaan sa bahay?

- Anu-anong hayop ang mababangis?

C. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

“Si Maria at ang kanyang mga alagang hayop”

Agad umuuwi si Maria sa bahay pagkatapos ng klase upang makipaglaro sa kanyang mga
alagang hayop. Sinasalubong siya agad ng kanyang alagang si Bruno na isang aso sa pintuan
papasok ng bahay “aw! aw! grrr! ang bati nito sakanya at agad naman din sumasalubong si
kuningning na isang kuting “ngiyaw!, ngiyaw!” ang bati nito sakanya. “twit! Twit! Twit!”
pagbati din ng kanyang dalawang alagang ibon. Pinapaliguan, pinapakain, inaalagan at
nakikipaglaro siya sa kanyang mga alagang hayop araw-araw dahil ito ang tanging libangan
niya. Kinakasusap din niya ang mga ito na parang mga tao at nilalambing bago pumasok muli
sa Eskwelahan.

Balikang muli ang kuwento.

Itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral.

1. Paano inaalagaan ni Maria ang kanyang mga alagang hayop?


2. Mababangis ba ang mga alagang hayop ni Maria?
2. Kayo ba ay may mga alagang hayop?

3. Anu-ano ang mga ito?

D. Karagdagang Gawain:

Magbigay sa mga bata ng mga halimbawa ng maamo at mabangis na hayop. Iparinig ang huni/ingay at
mabangis na hayop na kanilang sinabi.

Maamong hayop Mababangis na hayop


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

E. Paglalahat

Panuto: Lagyan ng tsek (✔) kung ang huni/ ingay ay mula sa maamong hayop at ekis (X) kung mula sa
mabangis na hayop.

1. ba-a-a! ba-a-a! 6. arf! arf! arf!

2. shi-i-is, shi-i-is 7. u-u-unga, u-u-unga

3. oink! oink! oink! 8. tak! tak! tak! putak!

4. gra-a-aw! gra-a-aw! 9. tik-tila-o-ok!

5. ngiyaw! ngiyaw! 10. kokak! kokak!

IV. Pagpapahalaga

Panuto: Sa isang malinis na papel ay iguhit ang larawan na nagpapakita ng iyong pagmamahal at pag-
aalaga sa iyong alagang hayop sa bahay.

pamantayan:

pagkamalikhain----------10 puntos

kalinisan ng gawain----5 puntos

kabuuang puntos: /15 puntos

V. Takdang-Aralin:

Gumupit ng tiglimang larawan ng mga mabangis at maamong hayop at tukuyin ang kanilang
mga huni.

You might also like