You are on page 1of 2

SEMI DETAILED LESSON PLAN FOR FILIPINO

IBAT IBANG TUNOG NG MGA HAYOP

I Layunin:

A.Nauunawaan at natutukoy ang ibat ibang uri ng huni o ingay na ginagawa ng hayop.
B.Nakababasa nang may wastong galaw/hagod na mata mula sa kaliwa, pakanan.
C.Naibibigay ang mga detalyeng sumasagot sa mga tanong.

II. Paksang aralin:

Pagtukoy sa Ibat ibang Huni ng Hayop

Sanggunian: BEC Pakikinig p. 33, Landa sa Wika at Pagbasa p. 2-6

Kagamitan: larawan ng mga hayo at speaker

Kahalagahan: nasasabi ang kahalagahan ng mga hayop at ang kanilang mga gawi

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
Balik aral:
Pagganyak:
1. Sinu-sino sa inyo ang may alagang hayop? Anu-ano ang alaga ninyo sa
inyong bahay?
2. Ipakita ang larawan ng mga hayop sa paligid. Pag usapan ang mga ginagawa
ng mga hayop sa tao.
B. Panlinang na Gawain:
1. Sanayin ang mga bata sa mga sumusunod na gawain sa wastong pagbasa ng
malakas.
2. Ipabasa nang malakas ang kwentong “Masayang Paligid” sa isang mag aaral
bilang huwaran.
3. Ipaulit sa mga bata ang mga bahagi ng kwento na nagsasaad ng ginagawa ng
bawat hayop
4. Ipauulit sa kanila ang tunog/huni ng bawat hayop

IV. Pangwakas na Gawain:

Paglalapat:

Gayahin ang huni o ingay na ginagawa ng mga hayop batay sa nakalahad na


mgakalagayan.
1. Aso- nagagalit sa pagdating ng hindi niya kilalang tao.

2. Tandang -nanggigising ng tao dahil umaga na, nais niyang ipaalam ito.

3. Ibon-Masaya, sasayaw-sayaw at kakanta-kanta habang nagpapalipat-lipat sa sangang


mga puno.

4. Palaka- Masaya sapagkat maghapon at magdamag na umuulan.

V. Pagtataya:

Ipares ang tamang huni ng mga hayop sa pangkat I at pangkat II

I II

____1. Unga! Unga! a.baboy

____2. Me-e-e! Me-e-e! b.aso

____3. E-e-e-k! E-e-e-k! c.baka

____4. Ngiyaw! Ngiyaw! d.sisiw

____5. Tsip! Tsip! e.pusa

VI. Takdang Aralin:

Gumupit ng mga 3 larawan ng alagang hayop at idikit sa kwaderno, isulat ang tunog/huni
na tinutukoy nito.

You might also like