You are on page 1of 9

Department of Education

Region IV-CALABARZON
Division of Batangas
District of Padre Garcia
PADRE GARCIA CENTRAL SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino 3


I. Mga layunin

1. Natutukoy ang mga pandiwang nasa aspektong pangkasalukuyan;


2. Nagagamit ang tamang salitang kilos sa pangungusap;
3. Naisasagawa ang mga salitang kilos; at
4. Naipapakita ang pagkakaisa sa gawain.

II. Paksang Aralin

Paksa: Aspekto ng Pandiwang Pangkasalukuyan


Kagamitan: Larawan, cartolina, ppt., laptop, bigbook at sagutang papel
Sanggunian: Batang Pinoy Ako, TG pp. 208-209
Batang Pinoy Ako, LM pp. 106-108
Pagpapahalaga: Pagkakaisa

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po Ma’am!
3. Pagsisiyasat ng mga sumusunod:
3.1. Kaayusan at kalinisan ng Silid-Aralan
Mga bata, bago kayo magsiupo, maaari
bang pulutin ninyo ang mga kalat sa ilalim ng
inyong mga upuan?
(Isasagawa ng mga mag-aaral ang gawain)
3.2. Talaan ng liban
(pangalan ng bata), maaari mo bang
sabihin sa akin kung sino ang liban sa inyong
pangkat?
Ma’am wala pong liban sa aming pangkat.
(pangalan ng bata), Maaari mo bang
sabihin sa akin kung sino ang liban sa inyong
pangkat?
Ma’am wala pong liban sa aming pangkat.
Mahusay! Dahil diyan, bigyan ninyo
ang inyong mga sarili ng Batangueno Clap.
4. Balik Aral
Mga bata, mayroon akong ilang
pangungusap na inihanda sa araw na ito.

Panuto: Ikahon ang pandiwa sa pangungusap


na nasa aspektong pang-nagdaan.

1. Si Pedro ay naglinis ng bakuran kahapon.


(naglinis)
2. Naglaba ng mga damit ang nanay ni Maxine.
(naglaba)
3. Ang aming guro ay nagbigay ng parangal sa
mga mahuhusay na mag-aaral.
(nagbigay)
4. Naghugas ng plato si Diane kaninang
umaga.
(naghugas)
5. Ang aming pamilya ay naligo sa dagat
kahapon.
(naligo)
B. Pagganyak
Bago tayo pumunta sa ating paksang-aralin
sa araw na ito, mayroon muna akong ituturong
kanta at sayaw. Ito ay pinamagatang “Tayo’y
mag-ehersisyo”. Magsitayo ang lahat at atin
itong sabay sabay na awitin at sayawin.
(Tatayo ang mga bata at sasabay sa pag-awit at
pag-sayaw)
Anu-anong kilos ang ginawa ninyo mula sa
awit?
(Iba’t-ibang kasagutan)
C. Paghahawan ng balakid
May mga salita muna tayong bibigyan ng
kahulugan. Ang mga salitang ito ay inyong
mapapakinggan sa kwentong aking babasahin
mamaya.
1. Pilantod
2. Pulaero
(Bibigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng
larawan at mga pangungusap)
D. Paglinang
Mga bata, mayroon akong inihandang
kwento para sa inyo. Ngunit bago iyon ay may
ipapakilala ako sa inyo. (Ipapakita ang larawan
ni Jose)
Siya ang batang bida sa ating kwentong
babasahin. Ang pangalan niya ay Jose. Ano
ang gusto ninyong malaman tungkol sa kanya
at sa kanyang kwento?
(Iba’t-ibang kasugatan)
Ngunit bago ko simulan ang kwento, anu-
ano ang dapat nating tandaan sa tuwing tayo ay
makikinig ng isang kwento?
Ma’am ang mga dapat pong tandaan sa tuwing
nakikinnig ng kwento ay: tumahimik, umupo
ng maayos, huwag malikot at intindihin ang
binabasa ng guro.
“Si Jose, Pulaero”
(Pagkatapos banggitin ang pamagat ng kwento
ay magtatanong ang guro)

Mga bata, ano ang gusto ninyong malaman


tungkol kay Jose?
(Iba’t-ibang kasagutan)
Si Jose ay isang pulaerong bata. Lahat na
lamang ay pinulaan at pinagtawanan niya.
Tuwing nakikita niya si Mario na isang pilay
ay pinagtatawanan niya ito at sinasabihan ng
“pilay” at “pilantod” kaya naman ayaw sa
kanya ng mga kaklase niya.

Isang umaga, naglalakad si Jose patungo sa


isang parke. Nakita niya ang mga kaklase
niyang naglalaro. Lumapit siya sa mga ito
ngunit lumayo sila kay Jose. Nalungkot tuloy
si Jose. Pag-uwi niya ng bahay, nakita siya ng
kanyang ina. Sinabihan siya nito na huwag
maging pulaero upang magustuhan siya ng
mga kaklase niya.

1. Sino ang batang tauhan sa kwento?


Ma’am si Jose po ang batang tauhan sa
kwento.
2. Anong klaseng bata si Jose?
Ma’am, pulaerong bata po si Jose.
3. Bakit ayaw sa kanya ng mga kaklase
niya? Bakit sila lumayo?
Ma’am dahil pulaero po siya at lagging
pinagtatawanan si Jose.
4. Mga bata, katuad ba kayo ni Jose?
Hindi po.
Magaling! Mga bata, masama ang pagiging
pulaero. Dapat ay hindi natin pinupulaan ang
ibang tao lalo’t higit ang mga may kapansanan.

E. Pagtatalakay
Ngayon naman mga bata, mayroon akong
mga pangungusap na inihanda mula sa
kwentong aking binasa.
1. Naglalakad si Jose patungong parke
tuwing umaga.
2. Nakita niya kahapon ang mga batang
naglalaro.
3. Tuwing nakikita niya si Mario ay
pinagtatawanan niya ito.

Mga bata, tingnan natin ang mga salitang


may salungguhit.
(Iisa-isahing babasahin ang mga salita)
Sa unang bilang, ang salitang may
salungguhit ay naglalakad.
Anong kilos ang ginagawa ni Jose?
Ma’am ang kilos na ginagawa ni Jose ay
naglalakad.
Mga bata, masasabi natin na ang pandiwang
naglalakad ay nasa aspektong pangkasalukuyan
kapag ang unang pantig ng salitang-ugat nito
ay inuulit.

Sa ikalawang bilang, ang salitang may


salungguhit ay naglalaro.
Ano ang ginagawa ng mga bata?
Ma’am ang ginagawa po ng mga bata ay
naglalaro.
Mga bata, masasabi natin na ang pandiwang
naglalakad ay nasa aspektong pangkasalukuyan
kapag ang unang pantig ng salitang-ugat nito
ay inuulit.

Sa ikatlong bilang naman, ang salitang may


salungguhit ay pinagtatawanan.
Ano ang ginagawa ni Jose kapag nakikita
niya si Mario?
Ma’am ang ginagawa po ni Jose kapag nakikita
niya si Mario ay pinagtatawanan.
Mga bata, masasabi natin na ang pandiwang
naglalakad ay nasa aspektong pangkasalukuyan
kapag ang unang pantig ng salitang-ugat nito
ay inuulit.

Tama! Ang mga may salungguhit na salita ay


tinatawag na salitang kilos o pandiwa na nasa
aspektong pangkasalukuyan. Ito ay mga salita
na nagpapakita ng kilos o galaw na nangyayari
sa pangkasalukuyan o nagaganap ngayon.

F. Paglalahat
Ano ang salitang kilos?
Ma’am ang salitang kilos ay nagsasaad ng
kilos o galaw. Tinatawag din itong pandiwa.
Paano natutukoy na ang isang salita ay nasa
aspektong pangkasalukuyan?
Ma’am ang isang salita po ay nasa aspektong
pangkasalukuyan kung ito po ay naglalarawan
sa isang kilos na nagaganap sa kasalukuyan.
G. Pagsasanay
a. Pangkatang Gawain
Ngayon mga bata, papangkatin ko kayo
sa tatlo. Ngunit bago tayo tumungo sa inyong
gawain, anu-ano ang dapat ninnyong tandaan
sa pagpapangkatan?
Ma’am ang mga dapat pong tandaan sa
pagpapangkatan ay: iwasan ang mga hindi
kanais-nais na ingay, huwag malikot at makiisa
sa gawain.
Pangkat 1: Buuin ang larawan at isulat ang
isinasaad na kilos nito na nasa aspektong
pangkasalukuyan.
Pangkat 2: Ibigay ang aspektong
pangkasalukuyan ng bawat pandiwa.
Pangkat 3: Isagawa ang kilos na makikita sa
larawan.
Pangkat 4: Tukuyin kung anong kilos sa
aspektong pangkasalukuyan ang isinasagawa
ng nasa larawan.

b. Pag-aanalisa
Isulat sa patlang ang tamang aspekto ng
pandiwa na angkop sa pangungusap.
1.

Si Lourdes ay ng kanyang
talaarawan. (nagsusulat)

2.
Si Emman ay ng halaman sa
kanilang bakuran.
(nagtatanim)
3.

si Daisy araw-araw.
(Nagmamaneho)
4.

Sina Alex at James ay


tuwing Sabado.
(namimingwit)
5.

ng plato si Ana tuwing


umaga. (naghuhugas)

H. Paglalapat
Piliin ang salitang kilos ayon sa nakikita sa
larawan.
1.

Nagpipinta
Naglalaro
Lumalangoy
(Naglalaro)
2.

Humihinga
Kumakanta
Umiinom
(Humihinga)
3.

(Lumilipad)
Lumalangoy
Gumagapang
Lumilipad

4.

(Gumagapang)
Gumagapang
Lumalangoy
Tumatalon

5.
(Nagaaral)

Naglalaro
Nagbabasa
Nagaaral

IV. Pagtataya
Bilugan sa loob ng panaklong ang
pandiwang naaangkop sa nasa larawan.
1.
(umiinom)

Si Mikaela ay

2.

(Nagsusuklay)

(Nagsuklay, Nagsusuklay) ng buhok si


Anabelle.

3.
(umaakyat)

Si Dave ay (umaakyat, umakyat) sa batuhan.

4.

(Tumutula)

(Tumula, Tumutula) ang batang si Luis.

5.
(lumalangoy)
Si Andrea ay
(lumangoy,
lumalangoy).

V. Kasunduan
Gumawa ng limang pangungusap na
gumagamit ng pandiwang nasa aspektong
pangkasalukuyan.

Inihanda ni:

OCAMPO, CAROL L.
Student Teacher

Iniwasto ni:

BELLA T. AWATIN
Gurong Tagapagsanay

Ipinagtibay ni:

JULIET J. DIMACULANGAN
Punongguro I

JOY ANN M AMADA


Student Teaching Coordinator

You might also like