You are on page 1of 10

1

Aralin Pagsagot sa mga Tanong mula sa

1
Alamat, Tula, at Awit
Pagsulat nang Wasto sa Baybay ng Salitang Hiram

Mga Inaasahan
Magandang araw!
Sa araling ito mapagyayaman mo ang iyong kakayahan, talas sa pagsasalita,
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin .
Sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod na
kasanayan:
1. Nasasagot ang mga tanong mula sa napakinggan at alamat, tula, at awit
(F4PN-IIf-3.1)
2. Naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin; salitang
hiram; at salitang kaugnay ng ibang asignatura. (F4PU-IIa-j.1)

Paunang Pagsubok
Basahin ang tula at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Pook Pasyalan
ni Pat V. Villafuerte
(1) (4)
Lunes ang simula ng aming pasukan, Sa malapit na zoo kami nagpupunta,
Ito’y natatapos ‘pag Biyernes naman; Iba’t ibang hayop aming nakikita;
Kaya’t ang Sabado’t Linggong dumaratal, Hayop na malaki, masaya’t maganda,
Pahinga lang lagi sa ‘king pag-aaral. Mayro’ng lumanagoy, mayro’ng
(2) kumakanta.
Araw ng Sabado’y araw-paglalaro, (5)
Kasama ng pinsan at mga kalaro; Iba’t ibang rides aking nasasakyan,
Sa labas ng bahay kami nagtatagpo Pag sa isang mall ay pinupuntahan;
Kaya’t sa pag-uwi ako’y hapong-hapo. Iba’t ibang bola’y napaglalaruan,
(3) Lobo at Teddy Bear napananalunan.
Sa araw ng Linggo kami’y namamasyal (6)
Kasama si Mommy at Daddy kong mahal; Pagkatapos nitong pamamasyal namin,
Aming nililibot ang pook-pasyalan. Sa malaking resto kami’y kumakain,
Parke, cinema’t mall, O kaypalad ko naman. May ireregalo si Daddy sa akin,
Kaya’t ang gamit ko nararagdagan din.

1. Ano-ano ang lugar ang inilarawan sa tula?


A. pook-sambahan C. bahay-paaralan
B. pook-pasyalan D. bahay-pamahalaan
2. Anong magandang gawi ng mag-anak ang inilarawan sa tula?
A. pagtutulungan C. pagmamahalan
B. pagsasama-sama D. pagbibigayan

Modyul sa Filipino 4
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
2

3. Ano ang nais ipahatid ng tula sa mambabasa?


A. Bigyan ng insentibo ang mga batang masipag mag-aral.
B. Masaya ang pamilya kung nagtutulungan.
C. Ang araw ng Sabado at Linggo ay para sa pamilya.
D. Ipasyal ang mga bata sa magagandang lugar.
4. Anong mga salitang hiram ang makikita sa mall?
A. rides B. lobo C. bola D. sasakyan
5. Ano pa ang ibang salitang hiram ang ginamit sa tula?
A. Linggo B. hapong-hapo C. resto D. ireregalo
Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral
sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw
Piliin sa hanay B ang tamang maglalarawan sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

A B
A. Bahagi ng liham na kung saan
1. Lagda nakasulat ang lahat ng detalye.
2. Bating Panimula B. Dito nakalagay ang petsa at
3. Bating Pangwakas tirahan ng sumulat ng liham
4. Katawan ng Liham C. Pambungad na pagbati ng
5. Pamuhatan sumulat
D. Ang buong pangalan at pirma ng
pinanggalingan ng sulat
E. Huling pagbati ng sumulat

Pagpapakilala ng Aralin

A. Ang alamat ay kwentong bayan na naglalahad kung saan nagmula ang mga bagay sa
mundo. Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga tunay na
tao, pook o bagay sa mundo. Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Ang
mga alamat ay may naibabahaging magandang asal, katulad ng pagiging masipag, matapat,
mapagmahal, at iba pa.

Maaaring panoorin/mapakinggan sa link sa ibaba ang kwento ni “Natis Madungis.”


https://www.youtube.com/channel/UCb94dMeJQsjgohi6Pg

Natis Madungis (Alamat ng Ipis)


ni Eduardo S. Miguel Jr.
Sa baryo ng mataas na kahoy masayang naninirahan ang mag-asawang Toy at Ne.
Kasama ang kanilang tanging anak na si Natis.
Si Natis ay napakabibo at masayahing bata kaya naman kinagigiliwan ng mga tao sa
paligid niya. Subalit siya ay napakatamad sa paglilinis ng katawan. Kinakailangan pang
utusan siya upang maligo, maglinis, o kaya ay maghugas ng kamay.

Modyul sa Filipino 4
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
3

Sa panahon ngayon ay mahalaga ang pagiging malinis sapagkat maraming


lumalaganap na sakit. Subalit ang batang si Natis ay nanatiling madungis. Kaya tinawag
siyang Natis madungis.
Nagpatuloy ang mga araw at patuloy lang din si Natis sa panlilimahid sa dumi nang
makasalubong niya ang isang misteryosong matanda. Binilinan si Natis na kapag hindi
siya nagbago sa pagiging madungis habang buhay magiging kasama ang maruruming
insektong pakalat-kalat.
Nang umuwi si Natis ng bahay muli siyang pinaalalahanan ng kaniyang ina na
maglinis ng katawan upang malayo siya at kanilang pamilya sa sakit. Ngunit hindi siya
nakinig dumeretso siya sa higaan at natulog. Gumising si Natis ng umaga na gumagapang
sa sahig. Laking gulat niya sa pagbabago ng kaniyang sukat at ang pambihirang
pagkahumaling niya sa dumi, lalo na sa dumi sa bahay. Kinalaunan si Natis Madungis
ay binansagan na Ipis eksakto sa kanyang pagiging madungis at pagkahumaling sa dumi.

Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Tungkol saan ang alamat?


2. Sino-sino ang tauhan sa kwento?
3. Ano ang problemang kinaharap ni Natis?
4. Bakit naging ipis ang batang si Natis?
5. Kung ikaw ang tatanungin dapat bang tuluran si Natis Madungis ? Bakit ?

Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng


tayutay,at malayang paggamit ng mga salita sa ibat-ibang estilo, Kung minsan ito ay maiksi o
mahaba.Ito ay binubuo ng saknong at taludtod

Ang saknong ay ang mga grupo ng mga taludtod o linya sa isang tula. Ang talutod naman ay ang
isang linya ng m ga salita sa isang tula. Maaring panuorin/mapakinggan sa link sa ibaba ang
“Peysbuk Pa.” https://www.youtube.com/channel/UCb94dMeJQsjgohi6Pg

Peysbuk Pa
(Tula)
ni Eduardo S. Miguel Jr.
Peysbuk pa, Oo peysbuk pa Isipin mo, isipin mo
Sige, sige’ng pag-share at like Sa maghapon na paggawa
Mga post na kawili-wili Ikaw ba ay may napala
At paggaya’t panunuod Liwanaging ‘di masama
Sa artista at iba pa Paggamit ng social media
Oo masaya, wasto ba? Basta una ang pamilya

Sumunod! Ikaw ay bata


Hindi naman sa masama Sa magulang at matanda
Kung ‘to’y magiging sagabal Mga pangaral di mawala
Sa pagtulong sa gawain Magsumikap sa eskwela
Mga tagubilin sa atin Upang pangarap matupad
Nila nanay’t tatay natin Ang buhay mo’y maianga
Lubos ba nating nasunod?

Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.


1. Tungkol saan ang tula?
2. Anong ibig ipahiwatig sa una, pangalawa, pangatlo at pang-apat na saknong ng
tula ?
3. Sa iyong palagay may kabutihang asal bang maidudulot ang tulang nabanggit?
Ipaliwanag.

Modyul sa Filipino 4
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
4

Ang tawag sa taong kumakanta ng isang awit ay mang aawit, samantalang ang tawag
sa isang naisulat o nagawang awit ay awitin. Ito rin ay isang uri ng tula na may layuning
magsalaysay, at karaniwang binubuo ng o higit pang linya sa bawat taludtod. Karaniwan, ito ay
binubuo ng tig 12 na pantig at mayroong tugmaan sa bandang dulo. Maaring
panoorin/pakinggan sa link sa ibaba ang “Pagbangon”
(https://www.youtube.com/watch?v=J4XAQBRGmgA)
"Pagbangon"
(Julie Anne San Jose)
lugmok man tayo ng bagong pagsubok Isang lakas, Isang pag-asa
Mga puso nati'y 'di mapapagod Patungo sa bagong umaga
Abutin ang kamay na handang dumamay 'Yan ang ating puso
Mga puso nati'y 'di mapapagod Ako ang aakay sayo
Nasa Puso ng bawat Pilipino Pangarap muling itatayo
Pagmamahal sa Kapwa Walang kasing tibay ang puso ng Pilipino
At serbisyong totoo
Isang bayan, tayo'y aahon
Isang bayan, tayo'y aahon Walang maiiwan sa pagbangon
Walang maiiwan sa pagbangon Isang lakas, Isang pag-asa
Patungo sa bagong umaga
'Yan ang ating puso

Sagutin ang mga sumusunod gamit ang buong pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang pamagat ng awit ?
2. Bakit kaya ganito ang pamagat ng awit?
3. Ano ang nais iparating nito?
4. Naniniwala ka ba sa awit na ito ?
5. Bilang isang batang katulad mo, anong dapat gawin upang malampasan natin ang
pandemyang ating kinakaharap?

Salitang hiram ay mga salitang walang katumbas na salita sa Filipino kaya hiniram na lang
ang pagbigkas at pagbaybay ng banyaga dito. Salitang hiram ang tawag sa mga salitang galing
sa ibang wika. Maaaring ang mga ito ay may taglay na mga hiram na titik gaya ng: c, f, j, q, v,
x, z.
iskor–score iskrin – screen ketsap–ketchup keyk – cake
Mga Salitang Kaugnay ng Asignatura
Ito ang mga salitang nauugnay sa asignatura
Mga salitang Mga salitang Mga salitang Mga salitang
Nauugnay sa nauugnay sa nauugnay sa nauugnay sa
asignaturang Filipino asignatura Agham asignaturang asignaturang
Halimbawa: Mga Halimba: Araling Panlipunan Matematika
Pang-uri “Solar System” Mga Halimbawa: Mga Halimbawa:
Pang-abay “Veins” Ikalawang “Division”
Pandiwa “Nervous System” Digmaan “Radius”
Batas Militar “Circumference”
Saligang Batas
Mga salitang Mga salitang Mga salitang
nauugnay sa nauugnay sa nauugnay sa
asignaturang Ingles asignaturang EPP asignaturang ESP
Mga Halimbawa: Mga Halimbawa: Karapatan ng
“Verbs” Pagbuburda tao’t hayop
“Prefix” Pagtatanim Kaugnayan
“Nouns” Pagkukumpuni Kalusugan

(https://www.academia.edu/11368132/Mga_Salitang_Kaugnay_ng_Asignatura_4)
Inaasahan ko na malinaw na sa iyo ang ating aralin. Maaari mon ang sagutin ang mga
gawain sa sagutang papel.

Modyul sa Filipino 4
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
5

Mga Gawain
Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan
Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung tama ang pagkakasulat ng salitang hiram at
salitang kaugnay ng ibang asignatura. Kung mali ay isulat ang wastong baybay. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. pizza 2. score 3. porma 4. addition 5. mikstiyor

Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong


Basahin ang maikling tula at sagutin sa pangungusap ang sumusunod na tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Siya

Magtiwala ka sa Diyos Siya lamang ang tawagan


Problema ay matatapos Hinihintay niya lamang
Gera, sakit, at pandemya Pagsunod sa kaniyang utos
Ilagak lahat sa kanya Lubos pagbabalik loob

1 Sino ang “Siya” na sa tula?


2. Sino ang tutulong sa ating problema?
3. Ano ang dapat nating gawin upang tulungan Niya tayo sa ating problema?
4. Anong kailangan nating gawin upang dinggin ng Diyos ang pagtawag
natin?
5. Naniniwala ka ba sa mensahe ng tula? Bakit?

Gawain 1.3 Pagtatala


Magtala ng mga salitang madalas mong ginagamit sa pag-aaral ng ibang
asignatura.

Araling Science Math EPP


Panlipunan
1.
2.
3.
4.
5

Alam kong naunawaan mo na ang aralin sa modyul na ito. Narito ang ilang mga
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan.

Tandaan
• Ang mga alamat ay may naibabahaging magandang asal, katulad ng pagiging
• masipag, matapat, mapagmahal, at iba pa.

Modyul sa Filipino 4
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
6

• Ang tula ang isang sining ng pagsulat na binubuo ng saknong at taludtod na


may tugma. Ito ay maaring may sukat o may bilang, maaari ring malayala o
walang sukat.
• Ang awit tulad din ng tula may malaya at may sukat din subalit ang awit ay
may tuno at melodiya.
• Ang saliatng hiram ay ang mga salitang banyaga na ating ginagamit sa pagkat
walang tiyak na katumabas na salita sa ating wika.
• Ang salitang may kinalaman sa asignatura ay ang mga salitang may kaugnayan
sa mga asignatura.

Pag-alam sa mga Natutuhan

A. Kantahin ang awitin sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Mangarap Ka
(Batang Maligaya)

Sa paglalakad dumarami ang nakaharap


Pagsubok at mga hindi matukoy na kalaban
Ako’y bata palang kapalaran ang kalaro
Parang kawayan at sa bagyo ay nakatayo
Napakalayo ko pa kung susukatin ko ang oras
Hindi ko sasayangin ang makukuha ko na ubas

Mangarap ka abutin lahat ng gusto


Kahit na mahirap kakayanin mo
Marami mang hadlang
Tuloy lang ang laban
Dahil dito sa mundo ang sumusuko
Ang laging natatalo

1. Ano ang pamagat ng awit?


2. Ano raw kapalaran ng bilang isang bata?
3. Sino ang dapat mangarap at ano dapat mong gawin?
4. Ano ang angyayari sa mga sumusuko?
5. Ano ang ibig sabihin ng awit?

B. Isulat ang mga sumusunod na salita kung saan sila nabibilang.

Prinsipal Sum Pulis Skeletal Sarbey


Bake Sori Linking Verb Suspek Pag-aani

SALITANG MAY KINALAMAN SA


SALITANG HIRAM
ASIGNATURA

Modyul sa Filipino 4
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
7

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang tula at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Libangan
Ni Pat Villafuerte
(1) (4)
Sa aming pamilya ay matutuklasan Libangan sa gabi di rin
Iba-iba hilig, iba ang libangan; magkatulad
Abala si Tatay sa paghahalaman, Kahit isang TV aming sinisipat;
Pananahi naman ang gusto ni Basketbol kay Tatay hindi
Nanay. paaawat,
(2) Teleserye naman kay Nanay ang
Pag-awit ang gusto ng mahal kong hangad.
Kuya, (5)
Pagluluto naman si Ate’y abala; Pelikulang Pinoy ang gusto ni
Ang hilig ko nama’y pagbibisikleta, Kuya,
At si Bunso nama’y Si Ate ang gusto’y tele-Koreana;
pagsasaranggola. Cartoon ang gusto ko kaya’t
(3) naiiba,
Kapag walang pasok sama-sama Bakit sa palabas di rin magkaisa?
kami (6)
Sa loob ng bahay kami nagpipirmi; Kaya ang hiling ko sa mahal kong
Sa aming libangan hindi pahuhuli, Tatay,
Kaya napapagod pagsapit ng gabi. Di lang isang TV iakyat sa bahay;
Ang sagot ni Tatay, “Di tayo
mayaman,
Ikaw ay umayos nang di ka
masaktan.”

1. Inilalarawan sa tula ang


A. Pagmamahalan ng pamilya
B. Pagtutulungan ng mag-anak
C. Iba-ibang talento ng bawat isa
D. Iba-ibang libangan ng bawat miyembro
2. Ang paboritong libangan ng nagsasalita sa tula ay
A. paghahalaman C. pagbibisekleta
B. pagbuburda D. pagsasaranggola
3. Anong kultura ng Pilipino ang ipinakikita sa tula?
A. Pagsasama-sama ng pamilya
B. Pagkakabuklod ng pamilya
C. Iba-iba man nagkakaisa pa rin
D. Nasa pagkakaiba-iba ang pagkakasundo
4-5 Magbigay ng dalawang hiram na salita na ginamit sat ula.

Modyul sa Filipino 4
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
8

Pagninilay

Pumili ng isa sa mga nakatalang gawain sa kasunod na bahagi.

A. Gawan ng poster ang nabasa nating alamat.

B. Gumawa ng Slogan tungkol sa pagiging malinis sa sarili. Gumamit ng


salitang hiram at salitang ginagamit sa iba pang asignatura.

Binabati kita at napagtagumpayan mo ang mga ibinigay na gawain.


Kung ikaw ay may hindi naunawaan sa ilang bahagi ng modyul, maaari
mong itanong ito sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 4
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
9

FILIPINO 4
SAGUTANG PAPEL

Markahan: Ikalawa Linggo: Una


Pangalan: Guro:
Baitang at Seksyon: Iskor:

Paunang Pagsubok Balik-Tanaw

1 . 1 .
2 . 2 .
3 . 3 .
4 . 4 .
5 . 5 .

Pagpapakilala ng Aralin 1.1


1 .
2 .
3 .
4 .
5 .

Pagpapakilala ng Aralin 1.2


1 .
2 .
3 .
Pagpapakilala ng Aralin 1.3
1 .
2 .
3 .
4 .
5 .

Mga Gawain

Gawain 1.1
1 .
2 .
3 .
4 .
5 .

Modyul sa Filipino 4
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo
10

Gawain 1.2.
1 .
2 .
3 .
4 .
5 .

Gawain 1.3

Araling Panlipunan Science Math EPP

1.
2.
3.
4.
5

Pag-alam sa Natutuhan

A.

1 .
2 .
3 .
4 .
5 .

B.

SALITANG MAY KINALAMAN SA


SALITANG HIRAM
ASIGNATURA

Pagninilay Maaaring gawin sa hiwalay na papel.

Modyul sa Filipino 4
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

You might also like